"Huwag mong kalimutan na ikaw ang magturo sa akin na magsinungaling. Kung tutuusin, ikaw nga itong nagsinungaling sa akin, hindi ba?" malamig na sambit ni Aster sa ina.
Natigilan si Alice sa mga sinabi ng anak at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
Nang makabalik na ito sa ukirat at akmang papagalitan ang anak ay pinigilan na agad siya nito, " Hindi ako interesado na makinig sa iyo Ang gusto mo lang naman ay ang ikasal ako sa mga Gonzales hindi ba? Ngayong nakamit mo na ang nais mo at nasiyahan ka na, wala ka nang dapat pa na sabihin sa akin."
Nang mga sandaling iyon, nakarating na ang sasakyan nila sa harap ng kanilang tirahan. Agad na bumaba si Aster upang pumasok sa loob ng bahay upang hindi na muling makapagsalita pa ang kaniyang ina
Pinagmasdan ni Alice ang likod ng anak na dire-diretsong papasok sa oob ng kanilang mansyo. bakas sa mata nito ang pagkadismaya at galit sa mga inasal ng anak. Hindi nito inakala na haharangin nito ang kaniyang pagsasalita.
Tunay ngang walang lugar sa siyidad ang tulad nito na lumaki sa probinsiya, Hindi nito alam kung saan lulugar at wala rin itong modo. Marahil ay itinuro ito sa kaniya ng matandang iyon noong nasa probinsiya ang mga ito.
Kung hindi lamang baldado si Dalton at kinokonsidera bilang isang buong lalaki, malamang ay si Andrea ang ipakakasal niya rito at hindi na niya kailangan na kuhain sa probinsiya ang panganay niya na anak.
-
Pagapasok ni Aster sa loob ay muli nitong pinagmasdan ang buong mansiyon. Apat na palapag ang mayroon rito, nasa unang palapag ang salas, sa ikalawang palapag naman ay ang mga kwarto ng buong pamilya, sa ikatlong palapag ang utility at sa pinakataas naman ang kwarto para sa mga bisita.
Limang tao lamang ang mayroon sa kanilang pamilya, pero tanging ang kwarto ni Aster ang naka posisyon sa dulo ng koridor sa ikatlong palapag, katabi ng utility room.
Ginawang study area ni Andrea ang isobrang kwarto sa ikalawang palapag. Kung hindi laang dahil sa kasalan na mangyayari, malamang ay walang balak ang mga magulang nito sa isama siya pabalik sa Main City.
HIndi na nagtataka si Aster sa pag-uugali na ipinakita sa kaniya ng kaniyang ina. Ngunit mayrron pa ring hindi maipaliwanag na pakiramdam na ayaw ng kanyang puso.
Naglalakad paakyat si Aster ng makarinig siya ng mga hakbang na papalapit sa kaniya. Tumingala ito at nakita niya ang lalaking liang talampakan at limang pulagda ang taas.
Makasuot ang lalalki ng pantulog, kahit bata pa ay bakas sa mukha nito ang taglay na kagwapuhan.
HIndi pa nakikita ni Aster ang batang iyon, ngunit base sa lakad at postura nito, hindi siya nagkakamali na ito ang nakakabata niyang kapatid na hindi niya nakilala.
Sa kabilang banda, napatingin si Andrei sa babaeng paakyat, kaswal laang ang suot nito at nakapusod ang buhok.
Pinagmasdan nito ang ayos nito, kahit na ordinaryo lamang ang suot na damit ay kahanga-hanga ang gandang taglay nito. Unang tingin pa lamang ni Andrei, alam na niya na ito ang kaniyang pinakamatandang ate.
Ang rinig niya sa sabi-sabisa grupo ng mga kalalakihan na pangit raw ang kaniyang nakatatandang kapatid at nakaradam siya ng pagkahiya ng kumalat ang balitang iyon.
Habnag pinagmamasdan niya ito, mas naging sigurado si Andrei na ito nga ang kaniyang ate Aster.
Isang malaking kahibangan ang nagsabi na pangit ito. Ngunit sino ang nagkalat ng tsismis na pangit ito?
Sa katunayan, walang pakialam si Andrei sa nakatatanda niyang kapatid. Lalo na nang awayin nito ang kaniyang ate na si Andrea kahit kakarating lamang nito sa kanilang bahay.
"Eh, ano naman kung maganda siya?" sambit ni Andrei sa isip habang nakangisi.
Nang maisip ni Andrei ang mga reklamo na sinabi sa kaniya ni Andrea tungkol sa kaniyang pinakamatandang kapatid., hindi ito agad nasiyahan sa mga salitang iyon.
Tinuruan siya ni Andrea na maging magalang sa iba, ngunit binalwala lamang nito ang kabaitan ng kapatid. Maganda ang realsyon ni Andrea at Andrei bilang magkapatid mula pagkabata, kaya't hindi ito makakapayag na awayin ito ng sinuman, kahit ang pinakamatandang kapatid pa nila.
Habang nag-iissip ng gagawin, ipinasok nito ang kanyang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa at kaswal na naglakad.
Saglit lamang na tiningnan ni Aster ang mukha ng bunsong kapatid bago umiwas ng tingin. Hindi siya tinaggap nito bilang bisita, kaya't wala na siyang pag-asa sa kapatid na hindi niya nakilala.
Wala siyang pakialam kung ayaw man sa kaniyang ng mga kapatid, basta huwag lamang ang mga ito mag-umpisa ng gulo.
Ngunit tila iisa ang kaniyang mga kapatid at gustong gumawa ng gulo.
Nang dumaan si Aster sa tabi ni Andrei, nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang pag-unat ng isang paa nito.
Ngumisi lamang si Aster habang sinubukan ng kapatid na patirin siya upang mahulog sa hagdan.
Bago pa siya mapatid, ay inuhan na ni Aster ang kapatid, Inapakan niya ang paa ni paa ni Andrei upang mapatid ito.
Nang matapilok iito, sumandal ang katawan ni Andrei paharap, kaya't ginamit ni Aster ang pagkakataon na iyon upang itulak ito mula sa likod.
Hindi agad nakapagreak si Andrei at naitulak siya pababa ni Aster sa hagdan.
"aahh--" sigaw ni Andrei bago gumulong pababa sa hagdan.
Lumingon si Aster at malamig na tumingin kay Andrei na nakahandusay sa ibaba.
Si Alice na kararating lamang sa bahay, ay nakita ang lahat ng pangyayari at nanlaki na lamang ang mga mata nito sa gulat at takot.
" Andrei!"
Agad itong tumakbo papalapit sa bunsong anak upang tulungan itong tumayo.
Magmumura na sana si Andrei, ngunit narinig nito ang tinig ng kaniyang ina. Ay agad itong umarte, "Mama, itinulak ako ni ate pababa sa hagdan."
HIndi na natutuwa si Alice sa sa mga asal na ipinapakita ni Aster, at ngayon na itinulak niya si Andrei pababa sa hagdan ay lalong nagpagalit sa dito.
KInakaya pa ni Alice ang masamang ugali ni Aster para sa kasal sa mga Gonzales, ngunit para kay Alice si Andrei ang kaniyang buhay. At kung sino man ang manakit dito ay tuturuan niya ng leksyon, kahit buhay pa ang kapalit.
Malamig nitong tiningnan si Aster at tinanong, "Bakit mo itinulak ang kapatid mo?"
"Saan ka pupunta?" bungad na tanong ni Gng. Gonzalaes nang makita niya ang anak na si Creed na paalis ng bahay." Diyaan lang, sa labas." tipid na sagot nito sa ina, at diretso na naglakad."saang labas?" ulit na tanong nito"Diyaan nga lang, Ma. Mahalaga tong pupuntahan ko." sagot nito sa ina."Mahalaga?" sarkastikong tanong ng ina sa kaniya. "Wala kang ibang ginawa Creed, kundi ang uminom at pag labas kasama ang mga kaibigan mo. Sa tingin mo ba, mahalaga ag mga iyan? dagdag nito."Hindi ako iinom, Ma." "Kung hindi ka iinom, saan ka pupunta. Sabihin mo sa akin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos umiinom ka. Akala mo hindi ko alam na pumasok ka sa kompaniya nang lasing nakaraang araw." galit na sabi ni Gng. Gonzales sa bunsong anak."Ma, hin-"Pabayaan mo siya, kung aalis siya." naputol ang sasabihin ni Creed ng biglang sumingit ang kuya niya. Tiningnan ni Creed ang kuya nito na kakarating lang sa bahay. Nakaupo ito sa kaniyang wheelchair, na tulak tulak ng isa sa mga kasambahay at na
Pinakaayaw sa lahat ni Creed ay ang mga taong makapangyarihan at walang pakundangan. Kung hindi lamang para sa kasiyahan ng kaniyang kuya, ay hindi siya makikipag-usap kay Andrea. Upang makamit ang kaniyang nais, inignora ni Creed ang Amoy tsaang inilalabas niya kahit sa pamamagitang ng internet cable. Ipinagpatuloy niya ang pakikilaglandian at makisama sa pekeng ugali ni Andrea. "Ganoon ba talaga kalaking biyaya mula sa langit ang maikasal sa aking nakatatandang kapatid? Lumaki ang ate mo sa probinsya, hindi nakapag-aral ng kolehiyo, walang kaalaman o kultura. Kaya ba niyang makisabay sa pamilyang gaya ng amin? Kapag dumalo siya sa mga piging at nakisalamuha sa mga tao, baka wala itong masabi na kahit isang salita." anas ni Creed sa telepono habang kausap si Andrea. "Kahit na baldado na ang kapatid ko, hindi sira ang utak niya. Kilala ang kuya ko pagdating sa mundo ng negosyo at nangunguna ang katalinuhan niya. Hindi sila pantay ng kapatid mo, at hindi siya magiging masaya
"Ano bang ginawa ni ate bakit galit na galit ka sa kaniya?" pakunwaring tanong ni Andrea. Tumingin si Andrea sa ina na alalang alala, ngunit sa loob nito ay nagdiriwang siya na pinagalitan ng ina ang nakatatandang kapatid. Nang marinig naman ni Alice ang tanong ng anak, ay agad nitong inilabas ang lahat ng sama ng loob. Dahil pakiramdam nito na ang pinakamamahal na anak na si Andrea lamang ang magpapagaan ng nararamdaman niya. "Ang kapal ng mukha ng kapatid mong iyon, hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas upang sabihin na nakapag tapos siya sa Yale University. Masiyado niya akong ipinahiya sa ginawa niyang pagsisinungaling." inis na sabi ni Alice. "Ayos lang sa akin na nagsinungaling siya dahil matutuloy naman ang kasal, pero may lakas siya ng loob na itulak pababa ng hagdan si Andrei! Kung may nangyari lamang na masama sa bunsong kapatid mo, hinding hindi ko mapapatawad ang Aster na iyan, kahit anak ko pa siya." dagdag nito. Nang marinig ni Andrea ang mga sinabi ng
Tahimik na nakahiga si Aster habang pinapakalma ang sarili sa mga pangyayari. Hindi niya ginusto ang magpunta sa siyudad kasama ang mga agulang nito, ngunit ito lang ang naisip niya na paraan upang makalapit muli sa lalaking minamahal niya. Maraming bagay ang kasalukuyang tumatakbo sa kaniyang isip, isa na doon ang kaniyang pamilya. Sa totoo lamang ay walang pakialam si Aster sa kung anong estado o katayuan ng mga magulang nito sa industriya ng negosyo, dahil una sa lahat hindi siya interesado at ikalawa isa siyang kilalang doktor sa ibang bansa, Hindi alam ng mga magulang niya kung ano ang naabot niya ngayon, o kung ano ang mga nangyari sa kanya ng mga panahong abala ang mga ito sa kanilang negosyo. Lumaki ito ng wala ang mga magulang sa tabi at hindi rin niya nakilala ang mga nakababatang kapatid, kaya't hindi na siya nagtataka kung kakaiba ang pakitungo sa kaniya ng mga ito. Habang lumalaki siya ay hindi niya maiwasan na tanungin ang sarili kung, naaalala pa ba siya ng mga mag
Malamig na pinagmasdan ni Aster ang kapatid na kasalukuyang nagpapanggap na inagrabyado. Napangisi na lamang siya sa galing nito umarte, tunay nga na magkapatid sila ni Andrea, parehas na parehas sila sa pag-arte. "Nauna siya na patirin ako, gumanti lang Ako at tinuruan siya ng leksyon." kalmado at walang pakialam na sagot nito sa ina. Nang mapansin ni Andrei na kalmado lamang si Aster, bigla itong nagpanik na baka paniwalaan ng ina si Aster Agad itong kumapit sa kanilang ina at umiyak, "Itinulak niya talaga ako pababa sa hagdan mama, hindi ko naman sinasadya na patirin siya." umiiyak na sambit nito. "Ahh, ang sakit ng binti ko, nabalian ata ako." dagdag pa nito. Nang marinig ni Alice na nabalian ang kaniyang busong anak, nakaramdam ito ng nerbyos at agad na inalo ang anak. "Shh, 'wag kang matakot. Dadalhin kita kaagad sa ospital." sambit nito sabay labas ng telepono. Nang makatawag na ito ng ambulansya, Kay Aster naman ibinaling ni Alice ang kanyang pansin. "Kadadala ko l
"Huwag mong kalimutan na ikaw ang magturo sa akin na magsinungaling. Kung tutuusin, ikaw nga itong nagsinungaling sa akin, hindi ba?" malamig na sambit ni Aster sa ina. Natigilan si Alice sa mga sinabi ng anak at bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nang makabalik na ito sa ukirat at akmang papagalitan ang anak ay pinigilan na agad siya nito, " Hindi ako interesado na makinig sa iyo Ang gusto mo lang naman ay ang ikasal ako sa mga Gonzales hindi ba? Ngayong nakamit mo na ang nais mo at nasiyahan ka na, wala ka nang dapat pa na sabihin sa akin." Nang mga sandaling iyon, nakarating na ang sasakyan nila sa harap ng kanilang tirahan. Agad na bumaba si Aster upang pumasok sa loob ng bahay upang hindi na muling makapagsalita pa ang kaniyang ina Pinagmasdan ni Alice ang likod ng anak na dire-diretsong papasok sa oob ng kanilang mansyo. bakas sa mata nito ang pagkadismaya at galit sa mga inasal ng anak. Hindi nito inakala na haharangin nito ang kaniyang pagsasalita.