공유

KABANATA 03

작가: arshe_writes
last update 게시일: 2026-07-01 14:27:41

Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip.

Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito?

Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas.

Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya.

"Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo."

Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko.

Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko.

Ang puro kahirapan na paligid ay dahan-dahan naging marangya. Mga nagtataasang mga puno ang nadaanan namin at mula rito sa dulo ay kita ko ang mala-palasyong mansyon na kulay abo.

Napapalibutan ng mamahaling mga bakal at sa loob ay ang mga armadong lalaki na mas doble ang tindig sa mga nagsundo sa akin. Hitsura pa lang ay alam mo ng hindi basta-basta ang mga ito, naka-itim na tuxedo at black shades, suot-suot ang seryosong mga mukha.

Nanatiling nakasunod ako kay Vince hanggang sa dumampi na sa akin ang malamig na hangin galing sa aircon ng mansion.

Nilibot ko ang paningin at bumungad sa akin ang mga naglalakihan at mahahabang mga kurtina at kurbadang hagdan papunta sa pangalawang palapag.

Sa sobrang laki ng bahay ay hindi ko ito maaninag ng buo, hindi katulad sa bahay namin ni Kian, pinto ka pa lang ay nakita mo na ang buong bahay. Dito ay hindi, aabutin ako panigurado ng trenta minutos para lang makabisado ito.

​"I didn't expect you to bring a souvenir, Mayari." Mapanlokong sambit ng Don.

Hindi ako gumawa ng kahit na anong reaksyon at tinignan lang ang kabuuan niya. "Nasaan ang kapatid ko?"

"Chill. Maupo ka muna."

Hindi ko iyon pinansin, "Ang kapatid ko?"

​"They were on their way," malamig na sagot nito na para bang napagod ng makipaglokohan pa sa akin.

Mukhang napasarap ang tulog niya kaya maganda ang mood. Nilingon ko ang mga kasamahan nito na nakatingin sa amin, gumuhit ang pagtataka sa mga mukha nila.

Anong meron?

Mula sa makapangyarihang upuan ng Don, sumandal siya roon habang hindi inaalis ang malamig na tingin sa akin.

Sinulyapan ko ang mga tauhan nito na may bahid ng gulat sa akin. Ano ba ang ginawa ko at nagkakaganiyan sila?

"​"You have a lot of guts, Mayari. Dito sa puder ko, walang sinuman ang nagtatanong sa akin nang dalawang beses," basag ng Don sa katahimikan. Napabaling muli ang tingin ko sa kaniya.

Dahan-dahang napatingala ako nang sundan ko ang pagtayo niya at magagaan ang mga paang humakbang ito palapit sa akin na halos dumikit na sa tungki ng ilong ko ang amoy niyang mabango.

Nanatili akong matigas sa kaniya at hindi inalis ang tingin sa mga mata niyang minamaliit ang isang katulad ko.

"Wala akong pakialam sa mga patakaran mo, Don Romano." malamig kong saad at narinig ko ang mga sipol at singhap ng mga tao sa paligid namin.

Napangisi ito kaya napadpad ang tingin ko sa labi niya. Mga labi na mala-rosas sa pula.

Agad din na nawala ang ngisi nito nang lingunin niya si Vince, "Nasaan na sila?"

Hindi pa man nakakasagot si Vince ay narinig ko na ang tinig na gusto ko ng marinig.

"Ate!"

Mabilis akong nilingon ito at sinalubong siya ng yakap nang tumakbo ito papunta sa akin na bukas ang mga braso para yakapin ako.

"Kian," malambing kong tawag dito at h******n nang mahigpit. "Ayos ka lang ba?" pag-uusisa ko.

"Ate, gusto ko po rito! Ang ganda-ganda at ligtas pa ako! Niligtas nila ako, ate! Dito na lang tayo!" magiliw at nagtatalon na sambit ng kapatid ko.

Agad namang naglaho ang ngiti sa labi ko at narinig ko ang mahinang tawa ng Don.

"Gusto mong tumira dito? Kung gano'n ay simulan mo ng maglibot sa buong mansyon, pumili ka ng kwarto na gusto mo." malambing na sabi ng Don mula sa likuran ko.

Nanatili akong hindi ito nililingon at ang boses niya mula sa likod ko ay nagbigay kilabot sa akin, tulala ako sa aking kapatid at nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata. "Opo, kuya!" at mabilis na umalis sa aking harap.

Napako ang tingin ko sa kinatatayuan ng kapatid ko kanina lang, paano ko sasabihin na hindi ito tama sa kaniya? Gayong ngayon ko na lang ulit nakita ang kapatid ko na ganoon kasaya?

"​"I’ll provide a place for you here, where you and your brother will be safe—since it seems your troubles on the outside are deeper than I thought. The only thing you will do in return for my generosity is to be my exclusive masseuse."

Generosity?

Utot mo generosity!

Doon ko lamang siya nilingon at sinisisid ang tunay nitong intensyon, pagiging masahista kapalit ng kaligtasan ng kapatid ko. Alam kong hindi ito alok ng isang mabuting tulong, gusto nito akong ikulong dito kapalit ng serbisyo ko.

"Isang masahista lang ba talaga ang kailangan mo, Don?" mapakla kong tanong at pagak itong tumawa.

"​"I don't do s*x, Miss. Sorry to disappoint you if that's what you were hoping to get from me." natatawa niya gamit ang malagong na boses.

Hanep, ako pa talaga?!

Tila ba tumaas ang dugo ko sa aking mukha hindi dahil sa hiya kung hindi dahil sa galit. Lintek din sa kapal ng mukha itong mokong na bilyonaryong ito e, 'no?

"Huwag kang mag-isip ng kung ano, Don Romano. Baka nakakalimutan mong sa spa na iyong negosyo mo ako nakilala, hindi sa kung saang club lang." Depensa ko.

"Good to know. So we both virgins, then?" mapanlokong aniya at tinalikuran ako.

Siya?! Virgin pa? Sa yaman at gwapo niyang taglay? Walang nangahas o kahit siya mismo?

Kasinungalingan!

"Vince, dalhin mo siya sa kwarto niya." utos ng Don na agad kong pinabulaan.

"Sa kwarto ng kapatid ko ako tutuloy, Don Romano."

Natigilan siya at nilingon ako, "Suit yourself. But it really doesn't matter. . . since you'll be locked in my room with me every single night." Mapang-akit na aniya na nagpalaglag sa aking panga.

"A-Ano?! Ayoko!" mariin kong depensa.

Ngumisi lang siya na para bang tuwang-tuwa sa nagiging reaksyon ko.

Tumikhim ako.

"Mangako ka, Don Romano. Gagawin mo ang lahat para ligtas ang kapatid ko." matigas kong sambit, kinakapalan na ang mukha dala ng desperasyon.

"At kapag hindi?" tila naghahamon niyang tanong.

Tinuwid ko ang pagkakatayo at malamig na tinignan siya.

Magsasalita na sana ako upang siya'y sagutin nang maunahan ako nito.

"Isusunod kita. Anumang mangyari sa kapatid mo ay huwag kang mag-alala dahil isusunod kita sa kaniya." tila nababaliw na kaniyang sagot.

Nagtaasan ang mga balahibo ko at kinuyom ang aking mga kamao.

​"So you better perform well, if you want me to keep your brother safe and comfortable." ngising dugtong nito at tuluyan na akong tinalikuran at lumayo.

Nanggalaiti ako sa galit dahil sa conversation naming iyon. Ginamit niya pa ang kapatid ko para lang makontrol niya ako at makulong sa gintong hawla niya.

Lingid sa kaalaman niya na ang hinihingi niyang masahe mula sa akin ang p'wedeng magdala sa kaniya sa huling hantungan.

Hintayin mo lang akong maka-tyempo, hindi ka na muli pang makakabangon pa sa pagkakadapa.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 06

    NA PARA BANG ISA LANG AKONG LARUAN?! O bagay? Na ganoon kadali na maaangkin niya? Bago pa man mamuo ang inis sa aking sistema ay mabilis na iyong binalot ng kaba dahil sa kaniyang nasaksihan na hindi naman dapat. Mabilis na lumayo ako kay Marco at matigas na tinignan ang Don na ngayon ay punong-puno ng pagkamangha sa kaniyang mukha, habang si Vince at Troy naman ay gulat ang ekspresyon sa mga mukha. Lumunok ako, nag-iisip ng idadahilan. "Sino iyong mga dumakip sa kapatid mo?" pangunguna ni Vince. Punong-puno ng pagtatanong ang kaniyang mga mata. "Kabilang ako sa kanila. . ."Ni hindi man lang ako natinag o gumalaw nang ang dalawa sa magkabilang gilid ng Don ay sabay na nagkasa ng baril.Walang habas na itinutok iyon sa akin at laking pasasalamat ko na lang na ngayon ay kasarapan pa ng tulog ni Kian. Nandoon pa rin ang pagkamangha sa mukha ng Don, hindi ito nag-abalang pigilan ang kaniyang mga kasamahan na tila ba natutuwa pa ito sa kaniyang kapaligiran. ". . .dati," bulong na

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 05

    Basang-basa ang katawan pero nanunuyot naman ang aking lalamunan dahil sa tensyon na nangyari sa pagitan namin ng Don. Bago pa man makatayo ay lumapit na sa akin ang isa sa mga kasamahan ni Vince. "Troy." Maikling pagpapakilala at inabot sa akin ang isang makapal at kulay puti na tuwalya. Agad ko namang iyong inabot at binalot sa aking sarili, "Ate," nag-aalalang tawag sa akin ni Kian. Doon ko lamang siya napansin, dala ng malalim na pag-iisip ay hindi ko na siya napansin pa. Nginitian ko ito at hinagod ang kaniyang buhok, "Okay na si ate. Pumasok ka na at dumeretso sa banyo roon sa kwarto natin at maligo ka na, maliwanag ba 'yon?" magiliw kong tanong at mabilis naman siyang tumango at tumakbo papasok ng mansyon. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako," sambit ni Troy sa kawalan.Nilingon ko ito ng may pagtatanong, "Anong ibig mong sabihin?"Tanong ko at bigla namang tumunog ang two way radio niya, inilapat niya iyon sa kaniyang tainga na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Dumerets

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 04

    NAGISING sa kalmado at nakakahumaling na huni ng mga ibon galing sa labas ng kwarto ang diwa ko. Nag-unat ako ng aking katawan at gumilid. Nanatiling pikit ang mga mata at marahang kinapa ang tabi ng hinihigaan ko upang sana yakapin si Kian ngunit tanging malambot na kama lang ang siyang nahawakan ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nilibot ang paningin, "Kian?!" Hindi na nakapag-ayos, ni hindi na rin nakapagkuskos pa ng mga mata na paniguradong may matitigas pang mga muta ay agad na akong lumabas ng kwarto. Wala ng pakialam sa aking hitsura ngayon. Tumambad naman sa akin ang isang lalaking naka-suot ng itim na uniporme na nakatayo sa gilid ng pinto. "Nakita mo ba ang kapatid ko?" maayos kong tanong. Tumango lang naman ito at nilingon ang pasilyo pababa sa ikalawang palapag. "Salamat," usal ko at nilagpasan na ito. Palapit na sa hagdanan ay naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor. Tuloy-tuloy. Tahimik at tanging iyon lang ang ingay. Nang sa w

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 03

    Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 02

    "KAKAIBA KA, MAYARI." Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong. "Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito. "Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon. Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong. Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ." Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano. ​"Kaya ganoon na lang ang panlalamig k

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 01

    Malamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito? Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanilan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status