MasukMula sa magarbong palasyo ng mga Romano, tanging sarili at lumang tsinelas ng kapatid ang dala-dala lamang ni Mayari. Para sa kapakanan ng kapatid, napilitan ito na tanggapin ang bagay na kaniyang pilit na iniiwasan, ang mundong walang lugar ang kabutihan para sa kaniya at sa kaniyang kapatid—ang maging ekslusibong masahista ng Don tuwing gabi sa kaniyang silid.
Lihat lebih banyakNang magising ang diwa ko dulot ng alarm ay dahan-dahan akong nag-unat ng katawan at hindi napigilang gumuhit sa aking labi ang munting ngiti.
Ahh. Ang sarap ng naging pagtulog ko! Ganito ata kapag alam mo sa sarili mo na may maayos ka nang trabaho, 'no? Na sa wakas hindi ka na mamumulubi sa bawat araw. Puno ng pag-asang bumangon ako sa aking hinihigaan. Night shift ako ngayon dahil iyon ang binigay sa akin ng scheduling manager ng gusali. Mula 10pm hanggang 10am kinabukasan ang pasok ko pero sabi naman sa akin na kaunti lang naman daw ang kliyente sa loob ng mga oras na 'yan. "Saan ka, 'te?" pagtatanong sa akin ng kapatid ko na abala naman sa paglalaro sa kaniyang cellphone. "Work." Maikli kong sagot at doon lang siya napalingon. "Paano po ang una mong trabaho?" kunot-noong pagtatanong niya. "Hindi naman 'yon maganda. Hindi ka ba masaya kay ate na may maganda na siyang trabaho?" malumanay na pagtatanong ko. "Masaya po pero kasi. . ." puno ng pangangamba sa kaniyang pagtatanong. "Maliligo na ako," ang tanging nasagot ko na lang. Hindi pa man dumadampi ang malamig na tubig sa balat ko ay ramdam ko na agad ang pagkaginaw dala ang pangamba ng naging pag-uusap namin na tila ba lumason sa maganda kong gising. Hindi na ako nagtagal pa sa banyo at lumabas na rin upang mag-asikaso na. Mula sa aparador ay kinuha ko ang isang puting uniporme na gagamitin ko at itim na pants. Bagong plantsa iyon kaya maingat kong sinuot. Matapos ay kumuha ako ng puting medyas at sinuot naman ang puting sapatos. Magaan ang mga kamay na dinampi iyon sa aking buhok. Seryoso ang mukha na inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin, dahan-dahan ay dumapo ang tingin ko sa aking mga palad. Mga palad na tunay na nagdala sa akin sa kabuhayan ngunit nagdala rin sa akin sa kapahamakan na kailangan kong harapin. At ang kapatid ko? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya ito? Paano ko siya mailalayo sa mundo na puno ng karahasan? Iniba ko na ang tingin nang maramdaman kong parang lumulutang na naman ako, tumigil ang mata ko sa aking cellphone na nasa dulo ng kama. Kinuha ko na 'yon at sinunod ang aking bag, hudyat na ako'y aalis na. Isang linggo na ang nakalipas pero laman pa rin ng feed ko ang mayor ng aming barangay na pumanaw dahil sa heart attack. Gaya ng aking inaasahan, ang mga nagdalamhati lamang sa kaniya ay ang mga nakinabang sa korapsyon na kaniyang ginawa sa aming mga mabababang tao lang. Mga walang awa na hindi inisip ang mga taong naglagay sa kanila sa mataas na posisyon, tila ginamit at kinalimutan kaming mga nagluklok sa kanila. "Aming Mayor, nakakalungkot ang sinapit mo." "Napaka-buti pa naman ni Mayor Kiko pero kinuha na agad ng Panginoon." "Ang bata pa ng Mayor pero inatake ito sa puso? Nakakagulat!" Nagsad react ako sa post nito na para bang hindi ang mga palad ko ang huling dumikit sa kaniya bago ang kaniyang pagkamatay.NA PARA BANG ISA LANG AKONG LARUAN?! O bagay? Na ganoon kadali na maaangkin niya? Bago pa man mamuo ang inis sa aking sistema ay mabilis na iyong binalot ng kaba dahil sa kaniyang nasaksihan na hindi naman dapat. Mabilis na lumayo ako kay Marco at matigas na tinignan ang Don na ngayon ay punong-puno ng pagkamangha sa kaniyang mukha, habang si Vince at Troy naman ay gulat ang ekspresyon sa mga mukha. Lumunok ako, nag-iisip ng idadahilan. "Sino iyong mga dumakip sa kapatid mo?" pangunguna ni Vince. Punong-puno ng pagtatanong ang kaniyang mga mata. "Kabilang ako sa kanila. . ." Ni hindi man lang ako natinag o gumalaw nang ang dalawa sa magkabilang gilid ng Don ay sabay na nagkasa ng baril. Walang habas na itinutok iyon sa akin at laking pasasalamat ko na lang na ngayon ay kasarapan pa ng tulog ni Kian. Nandoon pa rin ang pagkamangha sa mukha ng Don, hindi ito nag-abalang pigilan ang kaniyang mga kasamahan na tila ba natutuwa pa ito sa kaniyang kapaligiran. ". . .dati," b
Basang-basa ang katawan pero nanunuyot naman ang aking lalamunan dahil sa tensyon na nangyari sa pagitan namin ng Don. Bago pa man makatayo ay lumapit na sa akin ang isa sa mga kasamahan ni Vince. "Troy." Maikling pagpapakilala at inabot sa akin ang isang makapal at kulay puti na tuwalya. Agad ko namang iyong inabot at binalot sa aking sarili, "Ate," nag-aalalang tawag sa akin ni Kian. Doon ko lamang siya napansin, dala ng malalim na pag-iisip ay hindi ko na siya napansin pa. Nginitian ko ito at hinagod ang kaniyang buhok, "Okay na si ate. Pumasok ka na at dumeretso sa banyo roon sa kwarto natin at maligo ka na, maliwanag ba 'yon?" magiliw kong tanong at mabilis naman siyang tumango at tumakbo papasok ng mansyon. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako," sambit ni Troy sa kawalan.Nilingon ko ito ng may pagtatanong, "Anong ibig mong sabihin?"Tanong ko at bigla namang tumunog ang two way radio niya, inilapat niya iyon sa kaniyang tainga na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Dumerets
NAGISING sa kalmado at nakakahumaling na huni ng mga ibon galing sa labas ng kwarto ang diwa ko. Nag-unat ako ng aking katawan at gumilid. Nanatiling pikit ang mga mata at marahang kinapa ang tabi ng hinihigaan ko upang sana yakapin si Kian ngunit tanging malambot na kama lang ang siyang nahawakan ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nilibot ang paningin, "Kian?!" Hindi na nakapag-ayos, ni hindi na rin nakapagkuskos pa ng mga mata na paniguradong may matitigas pang mga muta ay agad na akong lumabas ng kwarto. Wala ng pakialam sa aking hitsura ngayon. Tumambad naman sa akin ang isang lalaking naka-suot ng itim na uniporme na nakatayo sa gilid ng pinto. "Nakita mo ba ang kapatid ko?" maayos kong tanong. Tumango lang naman ito at nilingon ang pasilyo pababa sa ikalawang palapag. "Salamat," usal ko at nilagpasan na ito. Palapit na sa hagdanan ay naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor. Tuloy-tuloy. Tahimik at tanging iyon lang ang ingay. Nang sa w
Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.