Mag-log inMalamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito?
Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanilang hinahawakan. Dahil nga anong oras na, isang manager lang ang naka-duty sa mga oras na ito. Agad ko itong nilapitan at binati, "Good evening po." Nakayuko ito at may kausap sa telepono. Doon ko lang din napansin ang pagiging balisa niya pero bakit? Pinagmasdan ko ang hitsura nito at nakikisiguro akong kaka-in niya lang ngunit bakit tila ata nakuha na ng maikling oras ang kaniyang enerhiya para magtrabaho pa. Nanginginig ang mga kamay at pinagpapawisan ito sa kabila ng kalamigan ng gusali. Tinignan ko ang kaniyang nameplate, "Ayos ka lang po ba, ma'am Jessa?" Pagtatanong kong muli. Tumingin ako sa paligid upang humanap ng pwede kong hingan ng tulong at nang tignan ko itong muli ay nakatingin na siya sa akin. Na para bang kanina niya pa ako pinagmamasdan. "Ma'am?" muling pagtawag ko sa kaniyang atensyon ngunit nanatiling tulala ito sa akin. Dumapo naman ang tingin ko sa kaniyang labi nang siya'y magsalita na. "U-Understood, Sir. I will clear out our premium VIP suite and put our b-best therapist on standby immediately," aniya. Pinilit man na maging pormal ay rinig mo rito ang kaniyang pagkatakot. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin maging ako kaya naman hindi nakatakas sa aking paningin nang bumaba ang tingin niya sa nameplate ko. "Yes, Don Valerio. I will have Mayari handle your session tonight—she is highly skilled and her touch is exceptional for severe tension. She will be waiting for you the exact moment you arrive, Sir." A-Ano??? Inayos nito ang kaniyang suot at doon lang tumingin sa akin nang maayos. Tumikhim pa muna ito bago magsalita, "Umakyat ka na sa VIP ROOM, doon mo aantayin ang una mong kliyente, miss Mayari." Walang tanong-tanong na umalis na ito sa harap ko at pumunta sa may pinaka-gate ng gusali, upang salubungin siguro ang kausap niya kanina. Hinabol ko ito ng tingin at hindi maipaliwanag ang dumapong nerbyos sa aking dibdib. Puno man ng pag-aalinlangan ay pumunta na ako sa nasabing kwarto, siguro ay regular customer nila iyon at hindi p'wedeng tanggihan. Pag-akyat ko ay bumungad agad sa akin ang amoy na malayo sa reyalidad ng buhay. Kung sa labas ay puro polusyon at problema, dito bubungad sa'yo ang amoy na akala mo ay sa kabilang buhay mo lang malalanghap. Isang marangyang santuwaryo para sa mga mayayaman—iyon ang The Ivory Den. Mula sa mga dingding nitong gawa sa itim na marmol, mga gintong palamuti, hanggang sa mababangong kandila na nagpapakalat ng amoy-lavender, ramdam mo ang milyong-milyong halaga ng lugar. Walang ingay, walang gulo, at higit sa lahat, walang nakakapasok na ordinaryong tao. Isa itong gintong hawla kung saan ang mga makapangyarihang tao ay nagbabayad ng malaking halaga para lamang sa isang oras ng kapayapaan. Pagkapasok ko sa kwarto ay hinanda ko na agad ang mga kagamitan. Nilibot ko ang paningin at nakita ko sa gilid ang isang mamahaling upuan na kulay lila, malayo man ako roon ay alam kong sobrang lambot niyon. Sa tabi niyon ay ang isang maliit na lamesa na marahil ay patungan ng mga gamit ng kliyente. Sa kabilang banda ay nandoon ang higaan na pagdadapaan ng kliyente, kulay puti at hindi ko mawari ang kakaibang kumot na andoon. Alam kong wala sa Pilipinas niyon kaya sigurado rin akong bilyones ang halaga nito. Mayroon din sila ng tinatawag na Smart Ambient Control Panel na nasa may gilid lang ng pinto, ito ay isang controller para sa lakas ng aircon, music, at tapang ng liwanag mula sa ilaw. Matapos pagsawaan ang mga kagamitan ng kwarto ay ang oil massage naman ang sunod kong binigyan ng pansin. Mula sa dingding na may mga kulay dilaw na ilaw at mga babasaging patungan ay nakita ko roon ang hilera ng mga langis na nakalagay sa mga mamahaling itim na bote. Pinadulas ko ang hintuturo sa mga 'yon at nilibang ang sarili sa napaka-bangong amoy, ngunit natigil iyon nang sa wakas ay marinig ko ang mga mabibigat na hakbang ng isang tao na papalapit sa aking likuran. Rinig ko ang bawat bigat sa kaniyang paghinga, ramdam ko rito ang pagod at kahirapan. At noong balak ko na sanang lingunin ito upang salubungin ng isang magaan na ngiti ay narinig ko naman ang pagkasa ng baril na tunay na bumasag sa mapayapang katahimikan ng kwarto, dahan-dahan ay nawala sa aking labi ang munting ngiti. Nanigas ang aking leeg at para bang nakalimutan ko kung paano ito lilingunin. Pakiramdam ko'y biglang lumiit ang aking ulo't hirap mag-isip kung paano ako makakatakas dito. "D*ng! Just when the hell do you plan on turning around?!" malagong ang boses at buong-buo, na para bang galing sa halimaw ang kaniyang tinig na sa akin ay kakain ng buo. Napaigtad ako sa gulat at hindi sinasadyang mabasag ang isang bote ng langis. Sh*t! Unang araw ko pa lang ay parang may kakaltasin na agad sa sasahurin ko! Kailangan kong kontrolin ang damdamin ko. Hindi dapat ako matakot sa kaniya! Napapikit ako nang mariin at doon na napagpasyahan na lingunin siya. Tinignan ko ito habang suot ang isang mukhang walang emosyon na makikita at tinignan siya dahan-dahan pababa hanggang pataas. Ramdam ko ang marahang pag-awang ng aking bibig nang siya'y aking maliyasan. Totoo ba ito? Para siyang isang diyos na nagkatawang tao. Perpekto ang lahat sa kaniya. Walang tapon. Mula sa kaniyang makintab at mamahaling leather shoes, hinalungkat ng aking mata ang kaniyang tuwid at tila bakal na tindig. Nakasuot siya ng isang mamahaling itim na suit na yakap na yakap ang kaniyang maskulado at malawak na pangangatawan—mga balikat na tila ba kayang sirain ang pagkatao ko. Bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones ng kaniyang puting polo, tila ba naiinitan o nasasakal sa kaniyang dinadamdam ngayon. Ngunit ang kaniyang kanang kamay, doon natigil ang aking hininga. Kalmado ngunit mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa isang makintab at itim na baril na diretsong nakatutok sa akin na anumang oras ay maaaring kumitil sa aking buhay. Nang magtama ang aming mga paningin, tila may kuryenteng gumapang sa aking balat paakyat sa aking dinadagang dibdib. Mayroon siyang matangos na ilong, panga na tila nililok sa marmol, at maninipis na labi. Ngunit ang pinakanakakatakot ay ang kaniyang mga mata—madidilim, malamig, at tila walang buhay. Isang perpektong mukha na nagtatago ng isang mapanganib na halimaw. "Paumanhin ngunit bago mo sana ako pagtaasan ng iyong baril, isipin mo sana na ang magiging takot sa akin ay p'wedeng magbago sa kalidad ng aking pagiging masahista, na maaaring hindi magdala sa'yo sa kaginhawaan." Kalmado ngunit puno ng awtoridad kong ani. Saglit na katahimikan at sumilay sa kaniyang manipis na labi ang isang ngisi na hindi umabot sa kaniyang madidilim na mata. Ibinaba nito ang baril ngunit hindi pa rin tuluyang itinatago, nanatiling banta sa aking buhay ang bagay na 'yon sa akin kahit pa ito'y nakalapag na sa maliit na lamesa. "You have guts, therapist. Let's see if your hands are as sharp as your tongue." seryosong anito at balagbag na tinanggal ang kaniyang mga saplot at dumapa sa higaang puti. Wala sa sariling napalunok ako nang pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko sa uhaw dahil sa angking ganda at kaakit-akit nitong katawan. Umiling ako. Umayos ka naman, Mayari! Trabaho ang pinunta mo rito at hindi kung ano mang kabalimbingan! At ang katotohanang nasa kapahamakan ka ay nagagawa mo pang mag-isip ng ganiyang mga klase ng bagay?! Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binaling ang tingin sa langis, kinuha ko iyon at naglagay na sa aking palad. Maging ako ay guminhawa ang pakiramdam nang maramdaman ko ang init mula sa likidong iyon, pinagdikit ko ang dalawang palad at kinalat iyon at nang makuntento ay banayad ko ng nilapat ang mga palad sa kaniyang buhok hanggang sa maabot ko na ang mga anit nito. Magaan man ngunit nandoon pa rin ang diin nang magsimula akong pagapangin ang mga daliri sa kaniyang anit. Naramdaman ko ang pagpapakawala niya ng mabigat na hangin dahil sa sensasyon. Nang matagumpay ko ng nahagod ang aking mga daliri sa kaniyang anit ay nagsimula akong higitin ang hibla ng kaniyang mga buhok. Para bang sinasabunutan ngunit sa masarap at nakakaginhawang paraan naman. Narinig ko ang marahang pagdaing nito kaya natigilan ako, "Ituloy mo lang." Mahinang aniya. Mula sa kaniyang batok ay dahan-dahan kong ibinaba ang mga palad ko papunta sa kaniyang mga leeg at nang sa wakas ay maramdaman ko ang pulso nito na banayad na tumitibok, sumagi sa isip ko ang walang kahirap-hirap na paraan ng pagtapos sa buhay niya kung nanaisin ko, isang mabilis at madiing piga ko lang sa sensitibong ugat na ito ay sapat na upang biglang bumagsak ang kaniyang lakas at magpadilim sa kaniyang paningin ngunit ramdam ko ang pagod mula sa kaniya. Ang pagiging desperado na alisin iyon sa katawan niya kaya minabuti kong huwag ituloy ang iniisip ko. Naramdaman ko ang katigasan nito at mga kumpol-kumpol ng lamig sa kaniya na siguro ay matagal niya ng iniinda. Inisa-isa kong tanggalin iyon at binigay ang aking buong bigat na nakalikha ng kaniyang marahang pag-*ngol. Mas pinagmasdan ko ang likod nito. Ano naman kaya ang pinaggagawa nito at may mga maliliit siyang peklat sa likod maging sa braso? Parang mga daplis ng matulis na bagay. "Forget about this den. Come work for me... and I'll make sure you'll never have to worry about your salary ever again." Rinig ko mula rito ngunit isinawalang bahala ko iyon nang maramdaman kong nagiging malalim na ang paghinga niya. Wala pa mang 30 minutes na serbisyo sa kaniya ay makakatulog na siya. Pinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa kaniya hanggang sa dulo ng talampakan niya. Matapos ang isang oras ay tahimik kong nilisan ang kwarto upang ibigay alam sa manager na tapos na ako at kasalukuyang natutulog ang kliyente. Hindi inaakala na ang pangyayaring 'yon ang simula ng kalbaryo sa buhay ko.NAGISING sa kalmado at nakakahumaling na huni ng mga ibon galing sa labas ng kwarto ang diwa ko. Nag-unat ako ng aking katawan at gumilid. Nanatiling pikit ang mga mata at marahang kinapa ang tabi ng hinihigaan ko upang sana yakapin si Kian ngunit tanging malambot na kama lang ang siyang nahawakan ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nilibot ang paningin, "Kian?!" Hindi na nakapag-ayos, ni hindi na rin nakapagkuskos pa ng mga mata na paniguradong may matitigas pang mga muta ay agad na akong lumabas ng kwarto. Wala ng pakialam sa aking hitsura ngayon. Tumambad naman sa akin ang isang lalaking naka-suot ng itim na uniporme na nakatayo sa gilid ng pinto. "Nakita mo ba ang kapatid ko?" maayos kong tanong. Tumango lang naman ito at nilingon ang pasilyo pababa sa ikalawang palapag. "Salamat," usal ko at nilagpasan na ito. Palapit na sa hagdanan ay naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor. Tuloy-tuloy. Tahimik at tanging iyon lang ang ingay. Nang sa w
Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi
"KAKAIBA KA, MAYARI." Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong. "Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito. "Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon. Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong. Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ." Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano. "Kaya ganoon na lang ang panlalamig k
Malamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito? Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanila
Nang magising ang diwa ko dulot ng alarm ay dahan-dahan akong nag-unat ng katawan at hindi napigilang gumuhit sa aking labi ang munting ngiti. Ahh. Ang sarap ng naging pagtulog ko! Ganito ata kapag alam mo sa sarili mo na may maayos ka nang trabaho, 'no? Na sa wakas hindi ka na mamumulubi sa bawat araw. Puno ng pag-asang bumangon ako sa aking hinihigaan. Night shift ako ngayon dahil iyon ang binigay sa akin ng scheduling manager ng gusali. Mula 10pm hanggang 10am kinabukasan ang pasok ko pero sabi naman sa akin na kaunti lang naman daw ang kliyente sa loob ng mga oras na 'yan. "Saan ka, 'te?" pagtatanong sa akin ng kapatid ko na abala naman sa paglalaro sa kaniyang cellphone. "Work." Maikli kong sagot at doon lang siya napalingon. "Paano po ang una mong trabaho?" kunot-noong pagtatanong niya. "Hindi naman 'yon maganda. Hindi ka ba masaya kay ate na may maganda na siyang trabaho?" malumanay na pagtatanong ko. "Masaya po pero kasi. . ." puno ng pangangamba sa kani







