Share

KABANATA 02

Author: arshe_writes
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-01 14:27:19

"KAKAIBA KA, MAYARI."

Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong.

"Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito.

"Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon.

Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong.

Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ."

Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano.

​"Kaya ganoon na lang ang panlalamig ko nang tumawag siya kanina," buntong-hininga ni Ma'am Jessa sabay hawak sa kaniyang dibdib. "Akala ko talaga masisisante na ako kanina dahil nagkaroon ng kaunting delay sa booking niya. Hindi ko akalaing mapapatulog mo ang isang mailap at seryosong bilyonaryong katulad niya. Lalo na't bago ka pang empleyado!"

Napailing ako sa sobrang bilib nito sa akin, kung malalaman niya lang na ginagamit ko ang pagiging masahista para pumatay ng tao, baka ang bilib niya ay mapalitan ng takot.

"Wala na bang kliyente na susunod?" pagtatanong ko at luminga sa paligid.

Ngumiti siya, "Kapag ang Don ay narito, hindi tumatanggap ng bagong kliyente kaya naman maswerte ka."

Dumaan pa ang pitong oras at tama nga ang manager, hindi tumanggap ng kliyente ang gusali kaya naman ay para akong lasing sa antok dahil walang magawa.

At ang Don? Nanatili itong tulog hanggang ngayon, grabe siguro ang pagod at stress nito sa dami ng mabibigat na asikasuhin. Siya lang mag-isa dahil mas alam nito ang trabaho na gusto niya kaysa sa iba.

Nang sumapit na ang oras ng aking pag-uwi ay nagpaalam na ako sa manager at bago makalabas sa gusali ay sumalubong sa akin ang limang mga lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo, nakaukit sa mga mukha ang pagiging seryoso at pagiging propesyonal. Tumambad din sa akin ang iba't ibang klase ng mga baril na hawak nila, na para bang isa lang iyong normal na bagay para lantaran na hawakan sa ganitong klase ng lugar.

Umiwas na ako ng tingin ngunit ramdam ko na sila ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Kung ano man ang dahilan ay wala na rin akong pakielam pa. Binilisan ko na lang ang paglalakad upang makauwi na.

'Forget about this den. Come work for me... and I'll make sure you'll never have to worry about your salary ever again.'

Parang multo na bumulong iyon sa aking magkabilang tainga. Kung kukunin ko ang pagkakataon na 'yon, makakatakas kami ng kapatid ko pero ano ang naghihintay namin sa puder ng taong 'yon kung mangyayari nga ang gusto niya?

Umiling ako, "Subukan mo munang solusyunan ng ikaw lang mag-isa, Mayari."

Pagbukas ko ng pinto sa aming bahay, sumalubong sa akin ang kapatid ko na nakaupo sa lamesa at nakatingin na sa akin.

"Nagluto na ako, ate. Kain ka na muna bago matulog." Ngiting aniya.

Umupo naman ako sa harap niya habang siya ay tumayo para kunin ang thermos at tasa.

"Musta naman ang unang araw, ate?" magiliw na pagtatanong niya.

"Malamig, Kian."

Nagningning ang mga mata nito, "Swerte mo naman, ate! Walang lamok doon!" natatawa niyang sambit.

"Hindi naman ako p'wede matulog do'n, ano!" natatawa ko rin na sagot.

"Musta naman ang tulog mo rito? Ayos naman?" Pang-uusisa ko.

"Ayos naman, ate."

Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ay tumayo na rin ako para naman pumunta sa banyo at magbanlaw ng katawan bago matulog.

"Gisingin mo ako kapag may pumuntang tao rito, okay?" paalala ko kay Kian bago pumasok ng kwarto.

Tumango lang naman siya at kumaway sa akin gamit ang mabulang mga kamay nito na naghuhugas ng pinggan bago ko isara ang pinto ng kwarto.

Saglit lang din ay nakatulog na ako dala ng sobrang antok.

Makalipas ang tatlong oras ay nagising ako matapos marining ang kapatid ko na nagsasalita sa labas.

Sino ang kausap niya?

Agad akong lumabas upang tignan iyon at tumambad sa akin ang mga lalaking nakaitim na nakasalubong ko kanina bago ako umuwi.

Bakit sila nandito?

Dumapo ang tingin nila sa akin at doon lang din lumingon si Kian.

"Di ba, sabi ko sa'yo gisingin mo ako kapag may pupuntang ibang tao?" kunot-noo kong paalala.

"Sorry, ate. Mababait naman kasi sila."

"Anong kailangan niyo?" tanong ko at hindi pinansin ang sinabi ni Kian.

Naiinis man ako sa kaniya ay dahan-dahan akong lumapit sa tabi nito upang masiguro ang kaligtasan niya.

"Magandang umaga, miss Mayari. Ako si Vince, head of security ni Don Romano at inaanyayahan ka ni boss na sumama sa amin upang pag-usapan ang napagkasunduan niyo." Pormal na sambit nito gamit ang baritonong boses.

Kumunot ang noo ko, "Napagkasunduan? Wala akong maalalang pumayag ako sa sinabi niya." Matigas kong sagot at hinawakan ang palapulsuhan ni Kian upang hilahin ito paatras at magtago sa likod ko.

11 years old pa lang ang kapatid ko at wala pa siyang kaalam-alam sa ganito.

"At paano niyo nalaman na dito ako nakatira?"

"Connections, of course." Maikling anito at tumingin sa kaniyang relo.

"Sampung minuto at dadalhin ka na namin kay Don Romano. Aantayin ka namin sa labas, miss."

Sabay-sabay umalis sa harap ng bahay ang mga lalaki at pumwesto sa harap ng magara nilang sasakyan na itim.

Sa kanilang tindig at mga mukha, desido silang antayin ako maisakatuparan lang ang inuutos ng Don sa kanila.

"A-Ate, nasasaktan ako."

Mabilis akong napalingon sa kapatid ko at hindi namalayang mahigpit na pala ang hawak ko sa kaniya.

"S-Sorry," bulong ko rito. "Sa sunod please huwag ka kakausap o magbubukas ng pinto na hindi ko alam, maliwanag ba?" nag-aalala kong sabi.

"Opo, sorry po."

Napalingon ako sa direksyon ng aking kwarto ng magring ang telepono ko, may tumatawag.

Nilingon ko ang pinto at tinapunan ng tingin ang limang lalaki na hindi inaalis ang paningin sa amin, walang alinlangang sinarado ko ang pinto at binitawan na si Kian para naman kunin ang cellphone ko.

Numero lang ito at sinagot ko kaagad pero hindi agad ako nagsalita.

"Balita ko ay may maganda ka ng trabaho, ah? Sa wakas ay may tumanggap na sa'yo bukod sa amin noong mga panahon na halos lupa na ang kainin niyo ng kapatid mo?" mapang-insultong sambit ng nasa kabilang linya.

Dahil sa narinig ay kinuyom ko ang mga kamao ko sa galit.

"Alam kaya nila na nahasa ka sa pagiging masahista sa pamamagitan ng pagkitil sa mga tinatrabaho mo noon? At talagang malakas ang loob mo na talikuran kami matapos na kami ang kasama mo sa mga panahon na walang-wala ka?!"

Nanatili akong walang imik.

"MAGSALITA KA, MAYARI!"

Napaigtad ako sa gulat dahil doon.

Anong gagawin ko? Hindi ko p'wedeng iwan si Kian dito kung ganito ang sitwasyon.

"Mahina na ba ang kita niyo nang mawala ako? At para kang asong gutom kung kumahol?" nanggagalaiti kong tanong at agad na binaba ang tawag.

"ATE!!!"

Nanlaki ang mga mata ko at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto.

"Kian!" Tawag ko rito at nakita ko na may bagong dalawang lalaki na hawak-hawak ang kapatid ko.

Sina Gardo at Kulas, ang mga dati kong kasamahan sa sindikato.

Anong ginagawa nila rito?!

"Huwag niyong idamay ang kapatid ko rito, bitawan niyo siya!" sigaw ko at agad na sumugod. Kasabay niyon ay ang pagtumba ng pinto namin dahil sinipa iyon ni Vince upang magbukas.

"Sino kayo?!" sigaw na tanong ni Gardo at nilabas ang balisong nito na agad nilapat sa leeg ng kapatid ko.

"W-Wag!" hiyaw ko at natigil sa pagsugod.

"Bitawan niyo ang bata kung gusto niyo pang makalabas dito ng buhay," puno ng awtoridad na utos ni Vince sa dalawa.

"Ate," umiiyak na bulong ni Kian sa akin.

Nadurog ang puso ko sa awa at sa kawalan na magawa upang iligtas ang kapatid ko.

"Ano bang kinalaman niyo rito? Si Mayari ang habol namin kaya huwag kayong makialam!" bulyaw ni Kulas at marahang binaon sa leeg ng kapatid ko ang armas niya.

Sumigaw si Kian sa sakit, nanlambot ang mga tuhod ko sa tinig nito. "Sasama ako sa inyo, iabot niyo lang sa akin ang kapatid ko." Pakiusap ko kila Gardo at Kulas.

Maaabot ko na sana ang kamay ng kapatid ko ng bigla ay may sunod-sunod na putok ng baril. Masisiguro kong hindi sa grupo ni Vince iyon dahil maging sila ay napayuko. Bago ko pa mahawakan ang kapatid ko na sumisigaw at umiiyak ay nabawi na siya nila Gardo at Kulas, nawalan ako ng depensa maging ang mga security guard ng Don at malayang naitakas nila Gardo at Kulas ang kapatid ko!

Nang maitakas nila ang kapatid ko ay nawala na rin ang putok ng mga baril, mabilis akong tumayo upang takbuhin at sundan sila ngunit natigilan ako ng magkasa ng baril si Vince at walang habas na tinutok iyon sa aking bungo na para bang hindi niya iniisip na nasa kapahamakan ang kapatid ko ngayon.

"Sumama ka sa akin at ang mga kasamahan ko na ang bahalang humabol sa kanila." Seryoso nitong utos sa akin at nawalan na ako ng pag-asa pang tumutol sa kanila.

Itinaas ko ang dalawang kamay upang ipakita na sumasang-ayon ako sa kanila, nilingon nito ang mga kasama at tinanguan, "Habulin niyo sila at siguraduhing buhay ang bata."

"Areglado." Sabay-sabay nilang usal at mabilis na umalis sa bahay.

"Tara na, miss Mayari. Nag-aantay ang Don sa'yo."

Nagtiim-bagang ako at masamang tinignan ito, "Bukod sa sugat sa leeg, siguraduhin niyong wala ng iba pang galos ang kapatid ko." pagbabanta ko at naunang naglakad.

Nakita ko naman ang tsinelas ng kapatid ko sa pinto at nadurog muli ang puso ko, wala akong magawa kun'di magtiwala sa mga ito na kaya rin na kitilin ang buhay ko.

Kinuha ko ang tsinelas ni Kian at dinala ko papasok ng sasakyan. Aasahan kong magkikita kami ng kapatid ko mamaya sa puder ng Don Romano.

At kung hindi ito mangyayari, ang next session ko sa Don Romano ang tatapos sa kaniyang buhay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 06

    NA PARA BANG ISA LANG AKONG LARUAN?! O bagay? Na ganoon kadali na maaangkin niya? Bago pa man mamuo ang inis sa aking sistema ay mabilis na iyong binalot ng kaba dahil sa kaniyang nasaksihan na hindi naman dapat. Mabilis na lumayo ako kay Marco at matigas na tinignan ang Don na ngayon ay punong-puno ng pagkamangha sa kaniyang mukha, habang si Vince at Troy naman ay gulat ang ekspresyon sa mga mukha. Lumunok ako, nag-iisip ng idadahilan. "Sino iyong mga dumakip sa kapatid mo?" pangunguna ni Vince. Punong-puno ng pagtatanong ang kaniyang mga mata. "Kabilang ako sa kanila. . ."Ni hindi man lang ako natinag o gumalaw nang ang dalawa sa magkabilang gilid ng Don ay sabay na nagkasa ng baril.Walang habas na itinutok iyon sa akin at laking pasasalamat ko na lang na ngayon ay kasarapan pa ng tulog ni Kian. Nandoon pa rin ang pagkamangha sa mukha ng Don, hindi ito nag-abalang pigilan ang kaniyang mga kasamahan na tila ba natutuwa pa ito sa kaniyang kapaligiran. ". . .dati," bulong na

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 05

    Basang-basa ang katawan pero nanunuyot naman ang aking lalamunan dahil sa tensyon na nangyari sa pagitan namin ng Don. Bago pa man makatayo ay lumapit na sa akin ang isa sa mga kasamahan ni Vince. "Troy." Maikling pagpapakilala at inabot sa akin ang isang makapal at kulay puti na tuwalya. Agad ko namang iyong inabot at binalot sa aking sarili, "Ate," nag-aalalang tawag sa akin ni Kian. Doon ko lamang siya napansin, dala ng malalim na pag-iisip ay hindi ko na siya napansin pa. Nginitian ko ito at hinagod ang kaniyang buhok, "Okay na si ate. Pumasok ka na at dumeretso sa banyo roon sa kwarto natin at maligo ka na, maliwanag ba 'yon?" magiliw kong tanong at mabilis naman siyang tumango at tumakbo papasok ng mansyon. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako," sambit ni Troy sa kawalan.Nilingon ko ito ng may pagtatanong, "Anong ibig mong sabihin?"Tanong ko at bigla namang tumunog ang two way radio niya, inilapat niya iyon sa kaniyang tainga na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Dumerets

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 04

    NAGISING sa kalmado at nakakahumaling na huni ng mga ibon galing sa labas ng kwarto ang diwa ko. Nag-unat ako ng aking katawan at gumilid. Nanatiling pikit ang mga mata at marahang kinapa ang tabi ng hinihigaan ko upang sana yakapin si Kian ngunit tanging malambot na kama lang ang siyang nahawakan ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nilibot ang paningin, "Kian?!" Hindi na nakapag-ayos, ni hindi na rin nakapagkuskos pa ng mga mata na paniguradong may matitigas pang mga muta ay agad na akong lumabas ng kwarto. Wala ng pakialam sa aking hitsura ngayon. Tumambad naman sa akin ang isang lalaking naka-suot ng itim na uniporme na nakatayo sa gilid ng pinto. "Nakita mo ba ang kapatid ko?" maayos kong tanong. Tumango lang naman ito at nilingon ang pasilyo pababa sa ikalawang palapag. "Salamat," usal ko at nilagpasan na ito. Palapit na sa hagdanan ay naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor. Tuloy-tuloy. Tahimik at tanging iyon lang ang ingay. Nang sa w

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 03

    Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 02

    "KAKAIBA KA, MAYARI." Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong. "Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito. "Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon. Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong. Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ." Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano. ​"Kaya ganoon na lang ang panlalamig k

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 01

    Malamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito? Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanilan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status