Teilen

KABANATA 04

last update Veröffentlichungsdatum: 06.07.2026 03:01:19

NAGISING sa kalmado at nakakahumaling na huni ng mga ibon galing sa labas ng kwarto ang diwa ko. Nag-unat ako ng aking katawan at gumilid.

Nanatiling pikit ang mga mata at marahang kinapa ang tabi ng hinihigaan ko upang sana yakapin si Kian ngunit tanging malambot na kama lang ang siyang nahawakan ko.

Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nilibot ang paningin, "Kian?!"

Hindi na nakapag-ayos, ni hindi na rin nakapagkuskos pa ng mga mata na paniguradong may matitigas pang mga muta ay agad na akong lumabas ng kwarto. Wala ng pakialam sa aking hitsura ngayon.

Tumambad naman sa akin ang isang lalaking naka-suot ng itim na uniporme na nakatayo sa gilid ng pinto.

"Nakita mo ba ang kapatid ko?" maayos kong tanong.

Tumango lang naman ito at nilingon ang pasilyo pababa sa ikalawang palapag.

"Salamat," usal ko at nilagpasan na ito.

Palapit na sa hagdanan ay naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor. Tuloy-tuloy. Tahimik at tanging iyon lang ang ingay.

Nang sa wakas ay maabot na ng paningin ko iyon ay dahan-dahang bumagal ang hakbang ko.

Si Kian pala iyon na nasa mahabang lamesa at aliw na aliw sa mga pagkain na nasa harap niya.

Tila ba hindi alam ang uunahin sa mga 'yon kaya minamadali niya ang pagkain.

Ngayon ko lamang siya nakitang ganoon.

Bagay na alam ko na naman kasing hindi ko maibibigay sa kaniya.

"Ang sarap!" paghiyaw nito at tumingala.

Doon ay nakita niya na ako na nakatingin sa kaniya mula sa malayo.

"Ate, kain na po tayo! Inaaya ko sila pero busog daw po sila."

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Vince at ang mga kasamahan niya. Nakaseryosong mukha ang mga ito na nakatingin sa akin.

Napagpasyahan ko ng bumaba at nilipat ang tingin sa kapatid ko, binigyan ko ito ng matamis na ngiti nang siya'y lapitan ko.

"Masarap ba talaga?" magiliw kong tanong at tinabihan siya.

Masaya naman itong tumango at agad akong sinubuan ng pagkain niya.

"Ano, ate? Masarap ba? Bacon 'yan atsaka ham! 'Yong napapanood ko lagi sa mga palabas sa tv! Akala ko nga hindi 'yan masarap e kasi 'di ba sa palabas hindi nila inuubos 'yan?" curios na tanong nito dahilan upang matawa ako.

"Kumain ka na," malambing na utos ko at doon nagsimula ang katahimikan.

Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga sunod-sunod na hakbang pababa rin sa ikalawang palapag.

Mga hakbang na mabagal lamang ngunit puno ng awtoridad, ng kapangyarihan, at ng kalupitan.

Tumindig ng maayos ang mga tauhan niya at sabay-sabay na yumuko, "Good morning, boss!" sambit nilang lahat.

Sa gulat ng kapatid ko ay bigla itong tumayo at yumuko rin!

"Good morning, kuya boss!" panggagaya nito sa boses ng mga kalalakihan, na akala mo naman talaga ay malagong ang boses niya.

Narinig ko ang mahinang hagikgikan ng mga lalaki sa likod namin na pilit din naman nilang pinipigilan kaso ay hindi nila kaya.

Bigla ay parang bula na nawala at gumaan ang atmospera sa sala ng mansyon dahil sa kakyutan ng kapatid ko ngunit agad din nawala ng tumikhim ang Don.

"Sit down, kid." Baritono ang boses na inutos iyon sa kapatid ko. Para namang sundalo na sinunod niya iyon at tinuloy ang pagkain.

Hindi ko napigilang pagmasdan ito ng mas malalim pa sa aking iniisip.

Nakasuot siya ng simpleng puting polo shirt na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, at itim na slacks. Mga mamahaling tsinelas na humahampas sa mamahaling tiles ng mansyon.

Umakyat ang paningin ko sa kaniyang mukha at nahuli kong nakatingin na rin ito sa akin. Lumitaw na naman ang ngisi sa kaniyang bibig na kahit na sa sandaling panahon ay pamilyar na pamilyar na sa akin at oo ayaw na ayaw ko na rin masilayan pa!

"Excited ka yatang makita ako? Nakalimutan mo ng mag-ayos bago humarap sa hapag ko?"

Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. Ang kapal talaga ng mukha ng bilyonaryong ito. Kung wala lang si Kian dito sa tabi ko, baka naisaksak ko na sa kaniya ang hawak kong tinidor.

"Gumising akong wala sa tabi ko ang kapatid ko kaya ganito, atsaka hindi ko alam na kailangan pa palang maging mukhang model ng isang masahista bago kumain ng agahan?" sarkastikong tanong ko.

​"Ate, ang ganda mo pa rin naman po kahit may muta ka pa," singit ni Kian, inosenteng-inosente ang mukha habang may nginunguyang bacon. Hindi alam na nakakaasar ang kaniyang sinambit.

Psh!

Tumingin siya kay Kian at lumambot nang bahagya ang kaniyang boses, isang bagay na hindi ko inasahang kaya niyang gawin. "Eat as much as you want, Kian. Sabi ko naman sa'yo, ligtas ka rito."

Nagtiim bagang ako at kinuyom ang mga kamao, gamit na gamit niya ang kapatid ko para lang mapanatili niya akong hawak.

"Opo, kuya boss!"

Sakto pag-upo nito ay sabay-sabay na lumapit ang mga katulong at inasikaso kami.

​"Who gave you the order to wait until I'm seated before you serve? Why is Mayari not being taken care of?" puno ng kapangyarihang tanong niya sa mga kasambahay.

Agad na yumuko ang mga ito at nagsalita ang nag-iisang iba ang uniporme sa kanila, ang head siguro nila? "Humihingi po kami ng paumahin, Don. Tinitiyak na hindi na po mauulit."

Dinapuan naman ng tingin ng Don ang kapatid ko, marahil kung wala lang ang bata ay kung ano na ang inabot ng mga kasambahay niya sa kaniya.

Tahimik kaming kumain habang nakabantay naman sa amin ang mga security guard at kasambahay.

Nakakailang sa pakiramdam pero hindi ko maiwasang isipin na hanggang saan kaya ang ganitong karangyaan na nararanasan namin ng kapatid ko?

Lumipas ang mga minuto na tahimik lang kaming kumakain at tanging tuwa lang ng kapatid ko ang maririnig.

"Pumunta ka sa kwarto ko pagkatapos mo kumain," utos ng Don at iniwan kami sa hapagkainan nang matapos ito.

Parang bigla namang tinambol ang dibdib ko dahil doon. Ang aga naman para magpamasahe? Pagkatapos talaga kumain?

Bago pa nito makita ang pagtango ko ay tumalikod na ito at umakyat na sa pangalawang palapag upang pumunta sa kwarto nito.

Nang matapos ako kumain ay uminom ako ng tubig.

Pagkatapos ko uminom ay napatingin ako sa kay Vince at sa mga kasama niya.

"Bakit?" takhang pagtatanong ko.

"Naubos mo lang naman ang isang pitsel ng tubig, Mayari. Masyado ka atang kinakabahan." Ngising sagot ni Vince.

Gulat naman akong napatingin sa pistel at lint*k! Oo nga!

"N-Nauuhaw ako, maanghang 'yong bacon." Palusot ko at umarangkada naman ang kapatid ko.

"Ha, ate? Baka matamis kaya napadami ka sa tubig?"

Hays! Kakausapin ko nga ang kapatid kong 'to.

Usap na may kurot!

Bwis*t!

Tahimik na humakbang ako sa hagdan at tila ba katumbas niyon ang tibok ng puso ko. Bakit nga ba ako kinakabahan?

Mula sa mahabang pasilyo ay nakita ko na ang pinto sa gitna ng kaduluhan nito.

Kita ko ang mala-ginto na hinaluan ng kayumangging kulay, literal na mamahalin ang bawat bagay dito.

Lumunok muna ako bago marahang kumatok dito. "Si Mayari ito."

"Step inside," baritonong aniya.

Matigas ang kamao na hinawakan ko ang gintong doorknob at seryoso na hinarap ang Don na prenteng nakaupo sa kaniyang office chair.

Dahan-dahan itong humarap sa akin, "I'll give you a tour ​then give me my massage right after."

Hindi ako nagsalita at tumango.

Tumalikod siya at naunang maglakad palabas ng kwarto. Habang sumusunod ako sa likod niya, hindi ko napigilang lingunin ang kaniyang silid sa huling pagkakataon. Kahit umagang-umaga pa lang sa labas, ang loob ng kwarto niya ay parang nilamon ng gabi. Nakasara ang makakapal na blackout curtains at tanging malamlam na dilaw na ilaw lang mula sa mga lampshade ang nakabukas. Amoy mamahaling panlalaking pabango ang hangin doon—malamig, minimalist, at nakakapanghina ang marangyang awra.

​"Don't get too attached to my room, Mayari. Mamayang gabi ka pa makukulong dito," tamad na saad niya nang hindi ako nililingon.

​Napaayos ako ng lakad at lihim siyang inirapan. "Huwag kang assumero, Don Romano. Tinitingnan ko lang kung gaano kadilim ang ugali ng nakatira."

Napahagakgak ito ng tawa.

Bagay na ikinagulat ko.

Tuwang-tuwa ito pero siguro dahil sa alam ko ang katauhan nito ay nakakakilabot 'yon.

Sinalubong kami ni Kian na may hawak nang mamahaling robot na laruan, mukhang galing sa mga tauhan ng Don. "Ate! Kuya boss! Saan po kayo pupunta?"

​"I'll show your sister around the mansion, Kian. Saan mo gustong maunang pumunta ang ate mo?" tanong ng Don, na naman ang boses kapag ang kapatid ko ang kausap.

​"Sa garden po! May malaking pool doon, kuya boss! Gusto ko makita ni ate!" masayang talon ni Kian.

​"As you wish," sagot ng Don sabay senyas sa akin na sumunod.

Inilibot nga kami nito na para bang mahalaga kaming bisita ng Don, nakapwesto ang mga kamay nito sa kaniyang likod at kalmadong naglalakad.

"Wow! Ate, tingnan mo ang pool, ang laki!" patalon-talon na turo ni Kian nang makarating kami sa malawak na garden sa likod ng mansyon.

Totoo ang sinabi niya. Tuloy ay para akong bumalik sa pagkabata, sa isang taon ay parang isang beses o kung minsan pa nga ay halos wala talagang pagkakataon na makakita ako ng pool o dagat.

Lumapit ako rito at sinulyapan ang kailaliman ng pool na 'yon, humapdi gaano ang mata ko dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kulay asul na tubig.

Dahil sa pagkasilaw sa tubig ay aksidente akong nadulas at nahulog sa pool.

"Ate!" rinig ko sa kapatid ko na halos malabo na sa pandinig ko dahil nasa ilalim na ako.

Doon ko lang din napagtanto, hindi ako marunong lumangoy!

"Kuya! Kuya boss, si ate!" umiiyak na sigaw ni Kian.

Mabilis na pumasok ang tubig sa bibig at ilong ko na mas nagpahirap sa akin upang lumangoy pataas.

Nanikip ang dibdib ko dala ng panic hindi para sa sarili kung hindi sa kapatid ko. Hindi siya p'wede maiwan sa puder ng Don!

Sa sobrang pag-iisip sa kapatid ko sa kabila ng kapahamakan na nag-aantay sa akin, hindi ko namalayan ang mahigpit na paghapit ng malalaking kamay at braso sa aking bewang. Buong pwersa niya akong hinila pataas hanggang sa muling sumalubong sa mukha ko ang sariwang hangin.

Sunod-sunod na ubo ang ginawa ko hanggang sa maisuka ko ang nalunok kong tubig.

Hindi pa ako nakaka-recover ay hinigit ulit nito ang palapulsuhan ko.

"B-Bakit?" ang tangi ko na lamang nasabi.

​Sinalubong ko ang kaniyang paningin at parang biglang tumigil ang mundo ko. Basang-basa ang kaniyang puting polo shirt, na halos kita ko na ang loob at dumikit sa kaniyang katawan. Kitang-kita ko ang perpektong hugis ng kaniyang matitigas na dibdib at abs na bumabakat sa basang damit niya. Ang kaniyang buhok na kanina ay maayos ay gulo-gulo na ngayon at tumutulo pa ang tubig sa kaniyang matangos na ilong, pababa sa kaniyang mapupulang labi na ngayon ay marahang nakaawang na humihingal.

"D*mn!" sigaw lang nito at iniwan akong puno ng pagtatanong.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 04

    NAGISING sa kalmado at nakakahumaling na huni ng mga ibon galing sa labas ng kwarto ang diwa ko. Nag-unat ako ng aking katawan at gumilid. Nanatiling pikit ang mga mata at marahang kinapa ang tabi ng hinihigaan ko upang sana yakapin si Kian ngunit tanging malambot na kama lang ang siyang nahawakan ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nilibot ang paningin, "Kian?!" Hindi na nakapag-ayos, ni hindi na rin nakapagkuskos pa ng mga mata na paniguradong may matitigas pang mga muta ay agad na akong lumabas ng kwarto. Wala ng pakialam sa aking hitsura ngayon. Tumambad naman sa akin ang isang lalaking naka-suot ng itim na uniporme na nakatayo sa gilid ng pinto. "Nakita mo ba ang kapatid ko?" maayos kong tanong. Tumango lang naman ito at nilingon ang pasilyo pababa sa ikalawang palapag. "Salamat," usal ko at nilagpasan na ito. Palapit na sa hagdanan ay naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor. Tuloy-tuloy. Tahimik at tanging iyon lang ang ingay. Nang sa w

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 03

    Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 02

    "KAKAIBA KA, MAYARI." Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong. "Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito. "Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon. Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong. Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ." Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano. ​"Kaya ganoon na lang ang panlalamig k

  • The Don's Exclusive Masseuse   KABANATA 01

    Malamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito? Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanilan

  • The Don's Exclusive Masseuse   SYNOPSIS

    Nang magising ang diwa ko dulot ng alarm ay dahan-dahan akong nag-unat ng katawan at hindi napigilang gumuhit sa aking labi ang munting ngiti. Ahh. Ang sarap ng naging pagtulog ko! Ganito ata kapag alam mo sa sarili mo na may maayos ka nang trabaho, 'no? Na sa wakas hindi ka na mamumulubi sa bawat araw. Puno ng pag-asang bumangon ako sa aking hinihigaan. Night shift ako ngayon dahil iyon ang binigay sa akin ng scheduling manager ng gusali. Mula 10pm hanggang 10am kinabukasan ang pasok ko pero sabi naman sa akin na kaunti lang naman daw ang kliyente sa loob ng mga oras na 'yan. "Saan ka, 'te?" pagtatanong sa akin ng kapatid ko na abala naman sa paglalaro sa kaniyang cellphone. "Work." Maikli kong sagot at doon lang siya napalingon. "Paano po ang una mong trabaho?" kunot-noong pagtatanong niya. "Hindi naman 'yon maganda. Hindi ka ba masaya kay ate na may maganda na siyang trabaho?" malumanay na pagtatanong ko. "Masaya po pero kasi. . ." puno ng pangangamba sa kani

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status