Share

Chapter 3

Katulong . . .

Hindi ko napigilan ang pagsinghap sa narinig. Ni hindi ako nakapagsalita. Never in my life that I am mistaken as katulong. Nothing is wrong for being a maid, but it came out from her dirty mouth as an insult.

Nang mag-angat ng tingin si Lord ay hindi nagbago ang reaksiyon niya. He looked at his watch and slightly loosened up his tie.

I headed downstairs. Alam kong alam ng babaeng kasama niya na hindi ako katulong. Baka hindi niya lang kasi matanggap na kahit ganito lang ang suot ko, kapag pinagtabi kami ay magmumukha siyang basahan. Partida, wala pa akong ligo.

"Magandang tanghali, Sir Lavigne." Nakangiti akong lumapit. "Dito ba kayo manananghalian ng kasama n'yo?"

Nangunot ang noo niya. Matagal na rin mula nang huli niya akong nakitang ngumiti nang ganito. Ang kaso, mukhang maalam na siya sa pag-distinguish ng peke sa totoo.

"Oo, dito kami kakain." Ang kasama niyang babae ang sumagot. Kapansin-pansin ang mapanuri niyang mata sa akin na pabalik-balik mula ulo hanggang talampakan.

Katulong, my ass. Might as well taste my service, biatch.

Pinanatili ko ang ngiti ko. "Halina kayo sa kusina. Ipaghahanda ko kayo ng pagkain."

Sopistikada akong naglakad sa unahan nila. Nang marating ang kusina ay naroon pa rin si Manang Ymir.

"Ako na ang maghahanda ng pagkain," bulong ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad na tumungo sa cooking area. Silid itong nakahiwalay sa kusina at dito iniluluto at inihahanda ang mga pagkain.

I'm in the midst of readying the water dispenser when Lord entered the room.

"Let Manang Ymir do the job. Umakyat ka na," he authoritatively demanded.

Sarkastiko akong tumawa. "Bawal bang pagsilbihan ko ang asawa ko at ang babae niya?"

"What did you say?"

"Oops." Tinakpan ko kuno ang bibig ko. "Nadali ba, Lord?"

"Ikaw lang ang babae ko," aniya sa malamig na boses. I couldn't help but to hold my breath. "Kumain ka na?"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pilit iwinaksi ang estrangherong emosyon sa dibdib ko.

"Bumalik ka na r'on at nakakaistorbo ka," sagot ko na lang. "I'm almost done."

Hindi muna siya gumalaw. Saglit niya akong sinubaybayan bago dahan-dahang humakbang palabas.

"Ignore what she said. Bridgette is a spoiled brat, sometimes she forgets her manners." Nang masabi iyon ay tuluyan na siyang lumabas.

A lifeless smile made its way to my lips as I finally organized the tray of their meal. Mukhang nakalimutan ni Lord Lavigne kung sino ang pinakasalan niya.

Kung sa bagay, we never really had enough time to know each other. If chance permits and he's going to witness how I deal with life and people, I have no idea if he would be glad or upset. The attitude of Heather Cassia is either a blessing or a curse, depends on how people see it.

"You need more decors, Lord. I can help you. P'wede kong ilista ang mga dapat palitan, i-improve, at idagdag. After that, I can also help you find for the materials. You own a real estate agency. Dapat mas maganda pa ang bahay mo kaysa sa mga binebenta n'yo, right?"

"We'll see. May mga bagong maliliit na pabahay kasing pinapatayo ang La Villamorés ngayon, you're aware of that. My schedule this week is loaded."

"P'wede naman nating tingnan ngayon."

"No." Pareho silang nabaling sa direksiyon ko nang bigla akong magsalita. "I mean, here's your meal, Ma'am and Sir."

Pansin ko ang paminsan-minsang pagtatapon ni Lord ng tingin sa akin habang isa-isa kong inilalapag ang mga pagkain at inumin nila. The stray girl seemed to notice it, and so she talks.

"I'm Bridgette. Only child. Sought after architect." Lasang-lasa ko ang pagyayabang sa tono niya. "Tagapag-mana rin ng isang malaking kumpanya, namumuhay na parang prinsesa."

Tuwid akong tumayo hindi masyadong malayo mula sa lamesa. This is exactly what waitresses do, what a dung.

"Did I ask?" Sa wakas ay nagkaroon ako ng kalayaang magsalita. Agad itong napaangat ng tingin sa akin at natigil naman sa pagnguya si Lord. "I mean, katulong lang po ako. Hindi niyo na kailanga'ng magpakilala sa'kin," bawi ko agad.

"What about you? Ano ang pangalan mo?" she asks. I can sense that she's not curious at all.

"You don't deserve to know my name," buryo kong tugon. I'll have better things to say than answer people's stupid questions all day long.

"I beg your pardon?"

Akmang sasagot na naman ako nang biglang umentra si Lord.

"What's this?" Itinuro niya ang putaheng nasa isang maliit na mangkok.

Ano nga ba iyan? Did I just make a recipé and served it without thinking of a name?

"I made that," sabi ko na lang. Nagmumukha naman itong masarap. Nagkukulay berde at pula, parang korean soup kung tingnan.

"Really?" Tumaas ang kilay ng babaeng nakalimutan ko ang pangalan-siguro dahil wala akong pakialam. "Magaling din akong magluto," she proudly informed. Does anybody here asked? She's too confident to think that we actually care.

Nakita kong gumalaw ang kamay ni Lord at pinulot ang kutsarang nababagay rito at nagsimulang kumuha. Naalarma ako agad.

"Sandali," pagpapatigil ko sa kanya. "Siguro mas mabuti kung ang bisita natin ang unang titikim. 'Di ba, Sir?"

He turned his gaze at me. In return, I smiled at him with a look that says, 'I'm being kind here, don't spoil the moment, jerk!'

"It's so sweet of you," the girl said after picking a teaspoon.

Fake.

"Hindi po iyan ang tamang utensil. Sa bawat pagkain, may nararapat na kutsara, tinidor, pinggan, o mangkok na gagamitin," imporma ko sa kanya. Lumapit ako at itinuro ang dapat gamitin. "As an heiress you should know that, should you not?"

Saksi ako sa panlalaki ng mata at butas ng ilong niya, pero hindi rin nakatakas sa akin ang bahagya niyang pagkabigla. Yes, this woman that you labeled as katulong knows how to speak english and can even do better than you, biatch.

Ang lakas ng loob niyang i-declare na tagapagmana siya, na heiress daw, na namumuhay na parang prinsesa. Wala namang kaso roon kung totoo naman, pero sadyang kinulang siya sa kaalaman sa mga etiquette sa bahay.

Nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa kutsarang may lamang sabaw. Lord who's looking at her intently seems excited on her reaction.

Me too.

Subaybay ako sa kung paano niya dahan-dahang hinigop ang nasa kutsara. Oo, hinigop. Kung ako ang nasa posisyon niya, inamoy ko muna. Kapag naamoy ko na, titikman ko nang kaunti. Kapag nagustuhan ko ay doon ko hihigupin.

So whatever will happen, not my fault.

"OMG! Ang anghang! O my Go- ah! Shit! Aaaaanghang hanghang tubig, tubig."

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway habang pinapanood siyang nagwawala sa hapag. Hindi pa natapos dahil diretso ang pagtungga niya sa basong nasa tabi ng pinggan niya.

"Shit! It's a white vinegar! Oh my God, what the f- shit shit shit!"

"I-ito tubig." Natatarantang inabot sa kanya ni Lord ang baso niyang puno pa.

Dire-diretso niyang nilagok ang laman nito hanggang sa halos maubusan na siya ng hangin sa dibdib. Marahas niyang inilapag ang baso at mabibigat ang hiningang tumingin sa akin.

Lord on the other hand didn't move an inch. Diretso ang tingin niya sa pinggan pero halata ang bahagyang paggalaw ng perpekto niyang panga. Angry, my Lord?

"Where's your wash room?" pagkaraan ng minuto ay nagsalita ang babae, bakas ang pagkapaos ng boses nito. Lord gave her the direction and she immediately left.

Now, it's the two of us. For the first time in my life, I feel awkward. This is so not me.

"What have you done?" he asked in all seriousness.

"Done what?" patay-malisya kong tugon. "Naninilbihan kapalit ng pagtira ko rito?" dugtong ko sa paraan na parang sinasabi kong dapat alam na niya 'yon. "Ayaw kong may maisumbat ka balang-araw. I will pay the equivalent of what I receive. Shouldn't you be glad, Mr. Lavigne?"

"She's our architect. Hawak niya ang mga bagong-tayong condo ng La Villamorés. What you did is unethical," says Lord. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko.

"Correction, Mister. She's YOUR architect. Huwag mo akong dinadamay sa mga pag-aari mo. Remember, we are married but didn't promise to share each other's properties."

Sumeryoso ang mukha niya at tiningnan ako sa mata. "Cassia, you think you still have properties? All you have now is me and everything I own. If you don't want to meddle with my business, then stay at home and learn to be a wife. That's the only choice you have now. Take it or take it."

Fiddle-faddle! Poodle poop! If young Sheldon has been able to hear everything he said he will surely puke! In my case, I still can handle.

Humalukipkip ako at ngumisi. "Be a wife, you said? Well, then, I order you not to bring any woman in this freakin' house anymore. Take that girl with you if you don't want me to flush her on the toilet." I gave him an annoying look. "Take it or take it."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status