LOGIN
Nasa gitna ng lahat si Elera . Nakatayo siya sa harap ng salamin sa maliit na conference room, hawak ang isang folder habang tahimik na inaayos ang sarili. Maayos ang buhok niyang nakapusod, simple ang suot—isang fitted blazer at slacks—walang alahas maliban sa manipis na relo sa kaliwang pulso. Wala sa ayos ang luho, pero buo ang tindig. Tahimik. Kontrolado.
“Ma’am Elera, are you ready?” sumilip si May, isa sa mga ka-team niya, hawak ang tablet. “Darating na raw ‘yung mga kliyente.” Tumango si Elera. “Five minutes.” Biglang nagbukas ang pinto ng opisina sa labas. Hindi iyon ang karaniwang pagbukas—hindi magaan, hindi nagmamadali. Mabagal. Mabigat. Parang sinadya para maramdaman ng lahat ang presensyang paparating. Sunod ang mga yabag. Tumigil ang mga keyboard. May nahulog na ballpen. May huminga nang masyadong malalim. At saka may mga bumulong. “Wait… Victor Alvares?” “Power move.” Lumabas si Elera mula sa conference room, bahagyang nakakunot ang noo. Hindi pa man siya tuluyang nakakahakbang, nakita na niya ang dahilan ng kakaibang katahimikan. Isang lalaki ang nakatayo sa gitna ng opisina. Matangkad. Malapad ang balikat. Suot ang itim na tailored suit na halatang hindi binili kung saan-saan. Sa kamay niya ay isang malaking bouquet ng puti at pulang rosas. Si Victor Alvares. Ang lalaking minsan niyang tinawag na asawa. Ang lalaking inakala niyang hindi na niya muling makikita. Ang lalaking kilala ng buong bansa bilang isa sa pinakamakapangyarihang CEO sa industriya—isang pangalan na kayang magpabagsak ng kumpanya sa isang pirma lang. At ngayon, narito siya. Sa opisina niya. Tahimik na naglakad si Victor palapit. Ang bawat hakbang niya ay parang utos—walang naglakas-loob na humarang. Ang mga mata ng mga empleyado ay nakasunod sa kanya, puno ng pagtataka, paghanga, at takot. Huminto siya sa harap ni Elera. Matagal. Tahimik. Sinipat niya ang mukha nito—parang sinusuri kung totoo ba ang nakikita niya. Mas matatag. Mas malamig. Mas maganda. “Elera,” sambit niya sa wakas, mababa ang boses, pero sapat para marinig ng buong opisina. Hindi siya sumagot. “There you are…” dagdag niya. “I’ve been waiting for this moment.” Ramdam ni Elera ang mga matang nakatuon sa kanila. Ang bigat ng eksena. Ang nakaraan na biglang bumalik nang walang paalam. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa wakas, malamig ang boses, kontrolado. Walang bahid ng emosyon—kahit ang loob niya ay nagkakagulo. Ngumiti si Victor nang bahagya. Hindi iyon ngiti ng saya. Ngiti iyon ng isang lalaking sigurado sa sarili. “I came to take my wife back.” sabay ngiti. Ngiti iyon ng isang lalaking sigurado sa sarili. Nag bulungan ang mga tao sa paligid. “So that’s her?” bulong ng isa. “Interesting” Diretsong inabot ni Victor ang bouquet kay Elera. Hindi niya ito tinanggap. “Hindi na kita asawa,” sabi niya, mariin. “At wala kang karapatang pumasok dito nang ganito.” Tumingin si Victor sa paligid, saka muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Mukhang kailangan kong maging malinaw.” Humakbang siya ng kaunti palapit—sapat para maramdaman ni Elera ang init ng presensya niya, ang pabango niyang pamilyar at nakakagulo ng alaala. “I am Victor Alvares,” sabi niya, malakas na ngayon ang boses. "CEO of Alvares International Group. And everyone here will know it.” May mga empleyadong halos hindi makapaniwala. “At ang babaeng ito,” dugtong niya, hindi inaalis ang tingin kay Elera, “She’s my ex-wife.” Tumahimik ang buong palapag. “Hindi ko siya hinahabol para magpaliwanag,” dagdag niya. “Hinahabol ko siya dahil hindi pa tapos ang sa amin.” Humigpit ang hawak ni Elera sa folder. “Victor,” sabi niya, mababa pero babala, “Huwag mo akong idamay sa laro mo.” “This isn’t a game,” sagot niya agad. "I want you back mine again.” Tumama iyon. Mas masakit kaysa sa inaasahan niya. “Hindi ako babalik sa’yo,” sabi niya, diretso. “May trabaho ako. May buhay ako. At wala ka roon.” Ngumiti si Victor—mas malamig ngayon. “We’ll see.” Lumapit siya ng kaunti, ibinaba ang bouquet sa mesa sa tabi nila. “Hindi ako sanay matalo,” bulong niya, sapat lang para marinig niya. “At lalo akong hindi sanay mawalan ng pag-aari.” Nangatog ang dibdib ni Elera, pero hindi siya umatras. “Hindi mo na ako pag-aari,” sagot niya. Tinitigan siya ni Victor nang matagal—parang iniukit sa isip ang bawat salita, bawat pagtanggi. “Not yet,” sabi niya sa wakas. “But soon.” “I’ll do anything to make you mine again, Elera—and I’ll make sure of that.” Pahabol nito sabay umalis siya at iniwan ang bulaklak, iniwan ang katahimikan, iniwan ang gulong iniwan niya sa opisina. At si Elera—Nakatayo pa rin. Alam niyang sa sandaling iyon, hindi lang nakaraan ang bumalik. Isang digmaan. At ang lalaking minsan niyang minahal ay handang sunugin ang lahat—para lang mapasakanya siya muli. Pinilit ni Elera huminga, pero bawat salitang binitiwan ni Victor ay parang bakal sa dibdib niya. Ang mga mata niya’y nagliliyab, naka-ukit sa isip niya, parang sinasabi: “Hindi ka makakatakas.” Humakbang siya palapit, at kahit hindi niya ito hinawakan, ramdam ni Elera ang init ng presensya niya. Ang opisina ay tahimik—maliban sa tibok ng puso ni Elera na alam niyang hindi na siya makakatakas… hindi pa. “Victor…bakit ngayon pa?” bulong ni Elera, pilit kinokontrol ang damdamin na nagugulo ng alaala.Tahimik ang umaga sa opisina, pero hindi iyon yung tahimik na kalmado.Alam ng mga empleyado kung bakit.Nandoon si Victor.Hindi siya nakaupo sa sariling opisina niya. Hindi rin siya nasa meeting room. Nandoon siya sa floor kung saan nagtatrabaho si Elera.Nakababa ang tingin niya sa tablet na hawak, ang isang kamay nakapasok sa bulsa ng slacks niya. Hindi siya sumisigaw ngayon.“Why is this incomplete?” malamig niyang tanong habang nakatingin pa rin sa screen.May isang analyst na bahagyang lumapit, halatang kabado. “Sir… pending pa po yung last figures—”Hindi pa tapos magsalita ang empleyado nang ibaba ni Victor ang tablet sa mesa nang may diin.“I didn’t ask what’s pending,” sabi niya, mababa ang boses pero malinaw ang inis. “I asked why it’s incomplete.”Napayuko ang analyst. “We thought—”“Stop thinking halfway,” putol niya agad. “If you start something, finish it.”Tahimik ang buong area. Walang gustong makialam.Sandaling naglakad si Victor sa pagitan ng mga mesa, ang bawat h
Hindi na bago ang eksena.Si Victor sa gitna ng floor, malamig ang mata, mahigpit ang tono.Si Elera sa loob ng glass office, tahimik.Pero ngayon, mas klaro ang pattern.Mas lantad ang pag-angkin.“Why is this delayed?” malamig na tanong ni Victor habang hawak ang tablet ng operations head.“Sir, may revision lang sa—”“I don’t want reasons,” putol niya. “I want results.”Halos hindi na makagalaw ang staff sa paligid. May isa pang nagkamaling magsalita—“Sir, we thought—”“You thought?” Tinaas niya ang kilay. “That’s the problem.”Tahimik.Walang gustong tumingin sa kanya.Ganito siya sa lahat.Diretso. Walang lambot. Walang filter.Pero nang mag-vibrate ang phone niya at makita ang pangalan ni Elera sa screen—Nagbago ang aura.Hindi halata sa hindi sanay tumingin. Pero para sa mga madalas nakakatanggap ng sigaw niya?Ramdam ang difference.He stepped aside.“Yes?”“Nasaan ka?” malamig ang boses ni Elera.“Outside your office.”“Stop scaring my team.”He glanced around. May ilang em
Maaga pa lang, ramdam na agad ang tensyon sa floor. Hindi dahil may deadline. Hindi dahil may audit. Kundi dahil nandoon na naman siya. Victor Alvares. Nakatayo sa gitna ng open office area, naka charcoal suit, sleeves slightly folded, jaw tight. Hawak niya ang isang folder habang may kausap na department head. “At this point, you’re telling me this is the best you can do?” malamig ang boses niya, pero mas delikado dahil kontrolado. “Sir, we’re still adjusting the projections—” “Adjust faster,” putol niya. “I don’t pay people to think slowly.” Tahimik ang buong area. May mga nagkukunwaring busy. May mga hindi na humihinga nang maayos. Ibang-iba siya. Masungit. Direktang magsalita. Walang pasensya. “Redo this,” sabay lapag ng folder sa mesa. “And next time, don’t make me repeat myself.” “Yes, sir.” Umalis ang department head na halos hindi makatingin. Sa kabilang side ng floor, may mahinang bulungan. “Grabe siya.” “Ganito ba talaga siya sa company nila?” “Parang hind
Hindi nagbago si Elera kinabukasan.Parang walang nangyari kagabi.Nauna siyang gumising. Tahimik siyang bumangon mula sa kama, maingat na inalis ang braso ni Victor sa bewang niya. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagpakita ng anumang emosyon.Pero isang bagay ang hindi niya maitatanggi—Hindi siya lumayo agad.Sandali muna siyang nanatili sa pagkakahiga, nakatingin sa kisame, iniisip ang mga sinabi ni Victor kagabi. Ang tono nito. Ang pakiusap. Ang “please”.Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa lalaking sanay mag-utos.Paglingon niya, tulog pa si Victor. Bahagyang magulo ang buhok, relaxed ang mukha. Mas bata ang itsura kapag hindi seryoso. Mas tao.Umiwas siya ng tingin.She won’t make this easy.Tahimik siyang nag-ayos sa kusina. Nag-init ng tubig. Gumawa ng kape. Dalawang tasa.Hindi niya alam kung bakit dalawa.Paglabas ni Victor mula sa kwarto, naka-white shirt lang at dark slacks. Malinis na ulit ang itsura, parang walang bakas ng kahinaan kagabi. Pero iba ang
Elera (POV)Hindi ako tulog.Alam ko ang eksaktong sandali kung kailan siya bumalik sa kama. Ramdam ko agad ang pag-angat ng kutson sa likod ko, ang bahagyang pag-shift ng bigat niya na parang nag-iingat—parang natatakot na baka magising ako. Kung alam lang niya.Pinagmasdan ko ang sarili kong paghinga, sinadya kong panatilihing mabagal at pantay. Ayokong mahalata. Ayokong maunahan ang kilos niya. Gusto kong maramdaman kung ano ang gagawin niya kapag akala niya wala akong depensa.Tahimik ang buong unit. Tanging tunog lang ng ulan sa labas at ang mabigat niyang paghinga ang naririnig ko. Amoy ko pa rin ang sabon na ginamit niya sa banyo—malinis, pamilyar. Victor.Matagal siyang hindi gumalaw. Ramdam ko ang alanganin niyang presensya, parang pinag-iisipan kung lalapit ba siya o hindi. Noon, hindi siya nagdadalawang-isip. Noon, sanay siyang kunin ang espasyo ko na parang natural lang.Pero ngayon… may distansya.At doon ako napangiti sa loob.Nang tuluyan niyang ipatong ang braso niya s
Pagbalik ni Victor sa condo, tahimik.Isinara niya ang pinto sa likod niya, bitbit ang bag na may lamang extrang damit. Tinanggal niya ang sapatos, natural ang galaw, parang matagal na niyang ginagawa iyon sa lugar na ito kahit matagal na ring hindi.“Elera?” tawag niya, mababa ang boses.Walang sumagot.Naglakad siya papasok, dumaan sa sala. Maayos ang lahat. Nakasindi ang isang ilaw sa hallway. Doon niya napansing bukas ang pinto ng banyo.At saka—Narinig niya ang buhos ng tubig.Huminto siya, sapat na para malamang naliligo si Elera.Hindi siya lumapit agad. Hindi rin siya umatras. Tumayo lang siya roon, nakikinig sa tunog ng shower, sa tubig na tumatama sa tiles, sa mahinang ugong na parang humaharang sa lahat ng ibang isip niya.Umupo siya sa gilid ng sofa, inilapag ang bag sa sahig. Pinilit niyang mag-isip ng iba. Trabaho. Meeting. Numbers. Contracts.Maya-maya, humina ang buhos.Tumayo ulit si Victor.Hindi niya alam kung bakit, pero kusa siyang napatingin sa direksyon ng bany







