Share

Chapter 2

Author: Akiyutaro
last update Last Updated: 2026-01-15 10:25:47

Ang paligid ay puno ng ingay: tawanan ng mga lalaking sanay makipag-usap tungkol sa pera na parang laro lang, tunog ng basag na yelo sa mamahaling baso, usok ng sigarilyong mas mahal pa sa buwanang sahod ng karamihan. At sa gitna ng lahat ng iyon—nakatayo si Victor.

Hawak niya ang baso ng whiskey, malamig ang likido sa palad niya, habang ang mga co-CEOs at business partners ay nagkakumpulan sa paligid ng mesa, parang mga asong gutom sa susunod na plano.

“Next quarter, we move forward with our expansion into Europe,” sabi ni Marco, mayabang ang ngiti habang diretso ang tingin kay Victor.

“Ang pangalan ni Victor lamang ay sapat na para magwagi ang ating kumpanya.”

Tumawa ang mga lalaki. Natural. Sanay silang si Victor ang sentro ng usapan—ang lalaking hindi kailangang magpakita ng emosyon para sundin.

“Huwag na nilang subukan.” Palakpakan. Tawanan. Ego. Power. At sa likod ng lahat ng iyon—nandoon si Elera. Nakatayo siya malapit sa dining area, tahimik, may hawak na baso ng tubig.

“Yes?” malamig niyang sabi, parang business call lang din.

“Victor,” boses ni Elera—mahina pero malinaw.

“Anong oras kayo matatapos?” Sumulyap siya sa orasan. Lampas alas-diyes na.

Hindi na niya binilang kung ilang beses na niyang tinanong ang sarili niya ng parehong tanong sa mga nakaraang gabi.

“I’m still busy,” sagot niya agad.

“May meeting kami.”

Tahimik si Elera sandali. “Nandiyan ka sa penthouse,” sabi nito. “Naririnig ko.”

Humigpit ang panga ni Victor. Ayaw niyang kuwestiyunin ang ginagawa niya.

“Business meeting pa rin ’to.”

“Nag-iinom kayo,” sagot nito, may pilit na tawa—yung tawang ginagamit ng taong ayaw magmukhang nagrereklamo. “Nagtatawanan?”

“So?” iritado niyang sagot. “That’s part of it.”

“Victor… gabi na.” halos mabasag ang tono ng boses ni elera.

“And?” bahagyang tumaas ang boses niya. “You know my schedule.”

“Alam ko,” sagot ni Elera agad. “Kabisado ko na.” May kung anong sumingit sa tono nito—hindi galit, hindi drama. Pagod. “Uuwi ka ba?” tanong nito ulit, parang huling subok.

“Later,” sagot ni Victor. “Go to sleep.” At tumawa si Elera—isang maikling tawa, walang kahit anong saya.

“Nakakatawa,” sabi nito. “Magkasama tayo sa iisang lugar pero kailangan pa kitang tawagan para marinig boses mo.”

“Huwag mo simulan,” sabi ni Victor agad, ayaw niyang humaba ang usapan. “Wala akong oras para dito.”

“Alam ko,” sagot nito. “Wala ka talagang oras.” Pinatay niya ang tawag.

Hindi na niya hinintay ang sagot. Binalik niya ang phone sa bulsa at bumalik sa grupo na parang walang nangyari—parang hindi niya lang tinapos ang isang bagay na unti-unting nababasag.

“May problema ba?” tanong ni Marco habang inaabot sa kanya ang panibagong baso.

“She’s fine,” sagot ni Victor agad. “Just being emotional.” Tawanan ulit.

“They always want more time.” sabi ni Leon, sabay umiling.

“Especially when they have nothing else to do,” dagdag ng isa pa. Hindi sila kinontra ni Victor.

Hindi niya naisip na kailangan. Lumipas ang oras. Isa pang bote ang naubos. Isa pang deal ang napag-usapan. Isa pang tagumpay ang ipinagdiwang.

Parang kutsilyong bumagsak ang salita sa pagitan nila. Tumango si Elera. Isang beses lang. Parang may napagdesisyunan. Nanatili siya. Uminom. Tumawa. Hanggang sa unti-unting nawala ang mga tao sa penthouse.

Bandang hatinggabi, umakyat siya sa kwarto.

“Elera?” tawag niya. Walang sagot.

Tahimik ang kwarto. Maayos ang kama—parang hindi ginamit. Napatingin siya sa closet.

May kulang, Hindi lahat.

Pero sapat para mapansin. Isang suitcase ang wala. Biglang sumikip ang dibdib ni Victor—isang pakiramdam na hindi niya kilala at ayaw niyang pangalanan.

Kinuha niya ang phone at tinawagan si Elera. No answer, inulit niya. Wala pa rin, Voicemail. Hindi pa rin nasagot.

“Don’t do this,” bulong niya, mas galit kaysa nag-aalala. Bumaba siya ng penthouse at dumiretso sa kotse.

Sa condo niya pumunta. Sarado ang ilaw. Ayaw nitong buksan ang pinto. Kinabukasan, bumalik siya. At kinabukasan ulit.

Hanggang sa ikatlong gabi—

binuksan ni Elera ang pinto.

“Anong gusto mo?” tanong nito, tuyo ang boses, parang wala na siyang karapatang magtanong.

“Go home, pls.” sagot ni Victor agad, parang utos na matagal nang dapat sundin.

“No,” sagot ni Elera, diretso.

Hindi siya sanay sa ganun—sa hindi siya sinusunod.

“Huwag kang magmatigas,” sabi niya. “Panandalian lang ‘to, Elera..”

“Hindi,” ulit ni Elera. “Ito na ’yon. We’re done, Victor.”

“What are you talking about?” iritado niyang sambit.

“Pagod na ako,” sabi nito. “Pagod na akong maghintay ng lalaking palaging may mas mahalagang bagay.”

Napailing si victor. “You live comfortably because of me.” ramdam ang bigat ng presensya nito.

“And I’m lonely because of you,” sagot ni Elera, diretso sa kanya. Lumapit si Victor. “Enough. Sumama ka na.”

Umatras si Elera. At doon siya tuluyang nawalan ng pasensya. Hindi na siya nakipagtalo. Hindi na siya nagpaliwanag.

“Itigil na natin ‘to, Victor. Ito na ang huling beses na magkikita tayo.”

Galit ang nararamdaman ni Victor dahil naramdaman niyang kaya nitong umalis. At hindi niya iyon hahayaan. Gumuho ang mundo niya sa isang pangungusap—at sa unang pagkakataon, wala siyang kontrol.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 17

    Tahimik ang umaga sa opisina, pero hindi iyon yung tahimik na kalmado.Alam ng mga empleyado kung bakit.Nandoon si Victor.Hindi siya nakaupo sa sariling opisina niya. Hindi rin siya nasa meeting room. Nandoon siya sa floor kung saan nagtatrabaho si Elera.Nakababa ang tingin niya sa tablet na hawak, ang isang kamay nakapasok sa bulsa ng slacks niya. Hindi siya sumisigaw ngayon.“Why is this incomplete?” malamig niyang tanong habang nakatingin pa rin sa screen.May isang analyst na bahagyang lumapit, halatang kabado. “Sir… pending pa po yung last figures—”Hindi pa tapos magsalita ang empleyado nang ibaba ni Victor ang tablet sa mesa nang may diin.“I didn’t ask what’s pending,” sabi niya, mababa ang boses pero malinaw ang inis. “I asked why it’s incomplete.”Napayuko ang analyst. “We thought—”“Stop thinking halfway,” putol niya agad. “If you start something, finish it.”Tahimik ang buong area. Walang gustong makialam.Sandaling naglakad si Victor sa pagitan ng mga mesa, ang bawat h

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 16

    Hindi na bago ang eksena.Si Victor sa gitna ng floor, malamig ang mata, mahigpit ang tono.Si Elera sa loob ng glass office, tahimik.Pero ngayon, mas klaro ang pattern.Mas lantad ang pag-angkin.“Why is this delayed?” malamig na tanong ni Victor habang hawak ang tablet ng operations head.“Sir, may revision lang sa—”“I don’t want reasons,” putol niya. “I want results.”Halos hindi na makagalaw ang staff sa paligid. May isa pang nagkamaling magsalita—“Sir, we thought—”“You thought?” Tinaas niya ang kilay. “That’s the problem.”Tahimik.Walang gustong tumingin sa kanya.Ganito siya sa lahat.Diretso. Walang lambot. Walang filter.Pero nang mag-vibrate ang phone niya at makita ang pangalan ni Elera sa screen—Nagbago ang aura.Hindi halata sa hindi sanay tumingin. Pero para sa mga madalas nakakatanggap ng sigaw niya?Ramdam ang difference.He stepped aside.“Yes?”“Nasaan ka?” malamig ang boses ni Elera.“Outside your office.”“Stop scaring my team.”He glanced around. May ilang em

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 15

    Maaga pa lang, ramdam na agad ang tensyon sa floor. Hindi dahil may deadline. Hindi dahil may audit. Kundi dahil nandoon na naman siya. Victor Alvares. Nakatayo sa gitna ng open office area, naka charcoal suit, sleeves slightly folded, jaw tight. Hawak niya ang isang folder habang may kausap na department head. “At this point, you’re telling me this is the best you can do?” malamig ang boses niya, pero mas delikado dahil kontrolado. “Sir, we’re still adjusting the projections—” “Adjust faster,” putol niya. “I don’t pay people to think slowly.” Tahimik ang buong area. May mga nagkukunwaring busy. May mga hindi na humihinga nang maayos. Ibang-iba siya. Masungit. Direktang magsalita. Walang pasensya. “Redo this,” sabay lapag ng folder sa mesa. “And next time, don’t make me repeat myself.” “Yes, sir.” Umalis ang department head na halos hindi makatingin. Sa kabilang side ng floor, may mahinang bulungan. “Grabe siya.” “Ganito ba talaga siya sa company nila?” “Parang hind

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 14

    Hindi nagbago si Elera kinabukasan.Parang walang nangyari kagabi.Nauna siyang gumising. Tahimik siyang bumangon mula sa kama, maingat na inalis ang braso ni Victor sa bewang niya. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagpakita ng anumang emosyon.Pero isang bagay ang hindi niya maitatanggi—Hindi siya lumayo agad.Sandali muna siyang nanatili sa pagkakahiga, nakatingin sa kisame, iniisip ang mga sinabi ni Victor kagabi. Ang tono nito. Ang pakiusap. Ang “please”.Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa lalaking sanay mag-utos.Paglingon niya, tulog pa si Victor. Bahagyang magulo ang buhok, relaxed ang mukha. Mas bata ang itsura kapag hindi seryoso. Mas tao.Umiwas siya ng tingin.She won’t make this easy.Tahimik siyang nag-ayos sa kusina. Nag-init ng tubig. Gumawa ng kape. Dalawang tasa.Hindi niya alam kung bakit dalawa.Paglabas ni Victor mula sa kwarto, naka-white shirt lang at dark slacks. Malinis na ulit ang itsura, parang walang bakas ng kahinaan kagabi. Pero iba ang

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 13

    Elera (POV)Hindi ako tulog.Alam ko ang eksaktong sandali kung kailan siya bumalik sa kama. Ramdam ko agad ang pag-angat ng kutson sa likod ko, ang bahagyang pag-shift ng bigat niya na parang nag-iingat—parang natatakot na baka magising ako. Kung alam lang niya.Pinagmasdan ko ang sarili kong paghinga, sinadya kong panatilihing mabagal at pantay. Ayokong mahalata. Ayokong maunahan ang kilos niya. Gusto kong maramdaman kung ano ang gagawin niya kapag akala niya wala akong depensa.Tahimik ang buong unit. Tanging tunog lang ng ulan sa labas at ang mabigat niyang paghinga ang naririnig ko. Amoy ko pa rin ang sabon na ginamit niya sa banyo—malinis, pamilyar. Victor.Matagal siyang hindi gumalaw. Ramdam ko ang alanganin niyang presensya, parang pinag-iisipan kung lalapit ba siya o hindi. Noon, hindi siya nagdadalawang-isip. Noon, sanay siyang kunin ang espasyo ko na parang natural lang.Pero ngayon… may distansya.At doon ako napangiti sa loob.Nang tuluyan niyang ipatong ang braso niya s

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 12

    Pagbalik ni Victor sa condo, tahimik.Isinara niya ang pinto sa likod niya, bitbit ang bag na may lamang extrang damit. Tinanggal niya ang sapatos, natural ang galaw, parang matagal na niyang ginagawa iyon sa lugar na ito kahit matagal na ring hindi.“Elera?” tawag niya, mababa ang boses.Walang sumagot.Naglakad siya papasok, dumaan sa sala. Maayos ang lahat. Nakasindi ang isang ilaw sa hallway. Doon niya napansing bukas ang pinto ng banyo.At saka—Narinig niya ang buhos ng tubig.Huminto siya, sapat na para malamang naliligo si Elera.Hindi siya lumapit agad. Hindi rin siya umatras. Tumayo lang siya roon, nakikinig sa tunog ng shower, sa tubig na tumatama sa tiles, sa mahinang ugong na parang humaharang sa lahat ng ibang isip niya.Umupo siya sa gilid ng sofa, inilapag ang bag sa sahig. Pinilit niyang mag-isip ng iba. Trabaho. Meeting. Numbers. Contracts.Maya-maya, humina ang buhos.Tumayo ulit si Victor.Hindi niya alam kung bakit, pero kusa siyang napatingin sa direksyon ng bany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status