LOGINFine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib.
“If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa niya pinipigil. Parang gusto niyang matawa. O umiyak. Hindi niya maintindihan. Tatlong taon. Tatlong taon siyang iniwang wasak ni Dylan nang walang paliwanag, pero ngayong muli silang nagkita… ito pa ang may ganang tratuhin siyang parang estranghero? Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba ito o sadyang ganoon talaga ang gusto nitong mangyari. At kung totoo mang hindi siya nito naaalala… Bakit parang siya pa ang nasasaktan? Mariin niyang kinuyom ang folder na hawak. Gusto niya itong komprontahin. Gustong-gusto niyang itanong: Bakit mo ‘ko iniwan? Ano bang nagawa ko? Madali lang ba para sa’yong mawala? Pero para saan pa? Anong mapapala niya? Natigilan si Leila nang biglang pumasok sa isip niya si Oliver. Nanlamig siya. Paano kung malaman ni Dylan ang tungkol sa bata? Paano kung bigla nitong gustuhin kunin si Oliver sa kanya? Villareal si Dylan. Mayaman. Makapangyarihan. Kayang gawin ang kahit ano. Samantalang siya? Isa lang na single mom na pilit kumakapit sa trabaho para mabuhay silang mag-ina. Napapikit siya. Hindi. Hindi niya hahayaang mawala sa kanya si Oliver. Kaya kung gusto ni Dylan na magpanggap silang walang nakaraan, sasabayan niya ito. Mas ligtas iyon para sa anak niya. “Leila!” Napalingon siya nang habulin siya ni Sheila sa hallway. “Oy, okay ka lang ba? Kanina ka pa lutang.” Pinilit niyang ngumiti. “Okay lang.” Hindi kumbinsido ang kaibigan niya ngunit hindi na ito nagpumilit. “Grabe ka. Diretso kang tinawag ng CEO. Ano’ng feeling?” Napailing si Leila. “Wala. Trabaho lang.” “Trabaho lang daw,” pang-aasar ni Sheila. “Girl, si Dylan Villareal ‘yon. Alam mo bang halos lahat ng babae rito crush siya?” Napairap si Leila. Kung alam lang ni Sheila kung gaano kakomplikado ang lalaking iyon. Bago pa siya makasagot, biglang lumapit ang isang staff mula sa executive floor. “Ms. Ramirez?” “Yes?” “Sir Dylan is asking for you.” Nanigas siya. “Ngayon?” Tumango ang babae. Pakiramdam ni Leila ay biglang sumakit ang ulo niya. Ngunit wala siyang choice kundi sumunod. Tahimik siyang naglakad pabalik sa opisina ni Dylan. Pagkapasok niya, agad niyang nadatnan itong nakatayo malapit sa floor-to-ceiling window habang may hawak na tablet. Hindi man lang siya nito nilingon agad. “Sit down.” Cold. Professional. Controlled. Parang hindi ito ang lalaking minsang niyayakap siya habang nangangarap tungkol sa future nilang dalawa. Tahimik siyang umupo. Makalipas ang ilang segundo, saka ito nagsalita. “I reviewed your application.” Napakunot-noo siya. “And?” Finally, Dylan looked at her. Diretso. Malamig. “Your credentials are impressive for an intern.” Halos matawa si Leila. Credentials? Talaga? Hindi ba’t minsan ay kabisado nito kahit paborito niyang flavor ng ice cream? Ngayon résumé na lang niya ang kilala nito? “Thank you,” matipid niyang sagot. Tahimik na inilapag ni Dylan ang tablet sa mesa. “I need a new personal secretary.” Bahagyang nanlaki ang mata niya. “What?” “I’m considering you to be assigned directly under me starting but my team needs to review your credentials too. So, they will inform you when to start." Parang ilang segundong hindi agad nag-register sa utak ni Leila ang sinabi nito. “Wait—sir, intern pa lang po ako.” “You’re qualified.” Simple. Diretso. Walang emosyon. Parang business decision lang ang lahat. Ngunit habang nakatingin siya rito, lalong sumisikip ang dibdib niya. Paano nito nagagawang maging ganoon ka-cold? Paano nito nagagawang burahin na lang basta ang nakaraan nila? Samantalang siya… Hanggang ngayon sugatan pa rin. “I expect professionalism, Ms. Ramirez,” dagdag pa nito. “Can you handle the job?” Ms. Ramirez na naman. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas masakit iyon kaysa sa pagtalikod nito noon. Dahan-dahan niyang inayos ang sarili bago itinaas ang tingin dito. Kung ito ang gusto nitong setup, fine. Magiging propesyunal siya. Walang personalan. Walang nakaraan. “Of course, Sir,” kalmado niyang sagot. Ngunit sa ilalim ng mesa, mariing nakakuyom ang mga kamay niya. Dahil habang nakatitig siya kay Dylan Villareal… Mas lalo niyang nararamdaman na ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay hindi na ang Dylan na minsan niyang minahal. Ngunit nang akmang lalabas na si Leila ng opisina, biglang nagsalita muli si Dylan. “Ms. Ramirez.” Napahinto siya sa paghawak sa doorknob. “For some reason…” mababa nitong saad habang nakatingin diretso sa kanya, “I feel like I’ve seen you before.” Parang biglang tumigil ang paghinga ni Leila. Mariin siyang napalunok habang pilit pinananatiling kalmado ang mukha. Hindi. Hindi maaari. Ngunit bago pa siya makasagot, bahagyang napahawak si Dylan sa sentido nito na tila ba biglang sumakit ang ulo. At sa unang pagkakataon, may mabilis na imahe na sumagi sa isip nito— Isang babae sa loob ng mahigpit ngunit masuyong yakap niya. Masaya itong nakangiti habang nakasandal sa dibdib niya, tila ba iyon ang pinakaligtas na lugar para rito. At kahit malabo ang mukha ng babae sa alaala… may kung anong pamilyar na pakiramdam na biglang kumabog sa puso ni Dylan. Parang isang alaalang pilit bumabalik..Nakatayo si Dylan sa tabi ng kama ni Oliver, ngunit hindi na ang natutulog na bata ang tinitingnan niya.Si Leila ang kaharap niya.Matagal na niyang gustong itanong iyon. Ngayong alam na niyang may anak siyang hindi niya nakasama, hindi na niya kayang tanggapin ang mga sagot na kulang.“Why did I disappear?”Napatigil si Leila.“Dylan…”“Hindi aksidente lang ang tinatanong ko.”Mabigat ang boses niya.“Alam kong naaksidente ako. Alam kong nawala ang memory ko. Pero bakit bago iyon? Bakit parang may nangyari bago ako tuluyang mawala sa buhay ninyo?”Umiling si Leila.“Hindi na mahalaga.”“It matters to me.”Lumapit siya.“Leila, may anak ako. May buhay akong hindi ko maalala. At ikaw ang tanging taong makapagsasabi sa akin kung ano ang nangyari.”“Hindi ko alam kung makakatulong sa iyo ang malaman.”“Then let me decide that.”Napayuko si Leila.Ayaw niyang sabihin.Hindi dahil gusto niyang protektahan si Celeste.Kundi dahil alam niyang kapag sinabi niya ang buong katotohanan, maaarin
Hindi agad nakasagot si Leila. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Nakatitig lamang si Dylan sa kanya, naghihintay. Sa mga mata nito ay may takot, pag-asa, at isang desperasyong hindi niya kailanman nakitang ganito kalalim. “Is Oliver my son?” Nanginginig ang boses nito. “Tell me he is mine.” Napapikit si Leila. Ilang taon niyang itinago ang katotohanang iyon. Ilang beses niyang pinangarap na balang araw ay siya mismo ang magsasabi kay Dylan. Ngunit hindi niya inakalang darating ang sandaling kailangan niyang sabihin iyon habang nakatingin sa kanya ang lalaking minsan niyang minahal, na ngayon ay unti-unting bumabalik sa kanyang buhay. “Dylan…” “Please.” Lumapit ito. “Please tell me he’s mine.” Matagal siyang hindi nakapagsalita. Sa huli, tumango siya. “Yes.” Isang salita lamang. Ngunit tila huminto ang mundo ni Dylan. “Oliver is your son.” Hindi gumalaw si Dylan. Para bang hindi niya kayang iproseso ang narinig. “My son?” Tuma
Tahimik ang buong sala matapos itanong ni Dylan ang tanong.“Then why did you let me believe you were just someone from work?”Hindi agad nakasagot si Leila.“Because I was afraid,” mahina niyang sagot.“Of what?”“Of losing you again.”Napatingin si Dylan sa kanya.“I already lost you once?”Tumango si Leila.“At hindi ko alam kung paano ko iyon haharapin.”Huminga siya nang malalim.“Kung gusto mong malaman ang tungkol sa atin, sasabihin ko.”Umupo sila sa magkabilang dulo ng sofa.Tahimik na naghihintay si Dylan.“First time kitang nakita sa university,” simula ni Leila.“University?”“Oo.”“Where?”“Sa library.”Napangiti siya nang bahagya.“Late ako noon sa isang presentation. Nagmamadali akong maghanap ng reference book.”“And?”“May isang lalaking nakaharang sa shelf.”“Me?”“Oo. At hindi ka man lang gumalaw.”“Why?”“Dahil nagbabasa ka.”“Sorry.”Napatawa si Leila sa unang pagkakataon.“Hindi ka humingi ng sorry noon. Sa halip, sinabi mong, ‘You could have asked.’”Napailing s
“Mom?”Hindi gumalaw si Celeste.Nakatayo lamang ito sa balcony, hawak pa rin ang cellphone, habang nakatitig kay Dylan na para bang sinusubukan nitong alamin kung gaano na karami ang narinig niya.“Did you just say Leila?”“Yes,” sagot ni Dylan. “I did.”“Hindi iyon ang iniisip mo.”“Then tell me what I should think.”Lumapit siya.“Bakit mo sinabi na may nangyari sa amin?”Napabuntong-hininga si Celeste.“Dylan, pagod ka. Kakagaling mo lang sa ospital. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang mga bagay na hindi mo pa kayang intindihin.”“Stop saying that.”Matalim ang tingin niya.“Everyone keeps telling me that I’m not ready. The doctors. Leila. And now you.”“Dahil kailangan mong magpahinga.”“No.”Umiling siya.“Ang kailangan ko ay katotohanan.”Tahimik si Celeste.“Did Leila and I know each other before my accident?”“Yes.”“Friends?”Bahagyang nag-atubili si Celeste.“Yes.”Napakunot ang noo ni Dylan.“Just friends?”Hindi agad sumagot ang kanyang ina.At sapat na ang k
Muling dumating si Celeste sa condominium nang hindi inaasahan ni Leila.Hapon iyon. Kakauwi lamang ni Leila mula sa ospital matapos dalhan ng ilang gamit si Oliver. Mas maayos na ang kondisyon ng bata, ngunit kailangan pa rin itong bantayan. Naiwan muna roon si Dylan kasama ang nurse.Pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita ang isang pamilyar na babae sa sala.Nakatayo si Celeste.Maayos ang postura nito at elegante ang suot, ngunit malamig ang mga mata.“Celeste.”“Leila.”Walang ngiti sa pagitan nila.Isinara ni Leila ang pinto.“Bakit ka nandito?”“Para makipag-usap sa iyo.”“Kung tungkol kay Dylan—”“Exactly.”Nanigas si Leila.Umupo si Celeste sa sofa na parang siya ang may-ari ng lugar.“Umupo ka.”Hindi gumalaw si Leila.“Sabihin mo na lang kung ano ang kailangan mong sabihin.”Bahagyang ngumiti si Celeste.“Matapang ka pa rin.”“Wala akong dahilan para matakot.”“Sigurado ka?”Tahimik si Leila.Kinuha ni Celeste ang maliit na sobre mula sa kanyang bag at inilapag iyon sa m
Matapos umalis ang doktor.Pareho silang nakatayo sa labas ng ICU.Si Leila ay hindi mapakali dahil sa mga sinabi ng doktor tungkol sa mga resulta ni Oliver.Samantala, si Dylan ay tila may ibang bagay na gumugulo sa isip.“Leila.”Napatingin siya.“Yes?”“Can we talk?”Bahagyang kumunot ang noo niya.“About what?”“About you.”Napatigil siya.“Me?”Tumango si Dylan.“Yeah.”Marahan siyang lumakad palayo sa ICU.Sumunod si Leila.Nang makarating sila sa isang tahimik na bahagi ng hallway, huminto si Dylan.Hindi agad siya nagsalita.Tinitigan lamang niya si Leila na para bang sinusubukan niyang basahin ang isang bagay sa mukha nito.“You know me.”Hindi iyon tanong.Napayuko si Leila.“I know you.”“More than you should.”Napatingin siya rito.“What do you mean?”Huminga nang malalim si Dylan.“Yesterday, alam mo kung kailan sumasakit ang ulo ko.”Tahimik si Leila.“Alam mo ang kape na gusto ko.”Wala pa rin siyang sagot.“Alam mo kung kailan ako nagsisinungaling na okay lang ako.”“D
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “
Leila! Leila! Sumagot ka na!”Halos mabitawan ni Leila ang cellphone nang biglang sunod-sunod ang tawag ni Sheila sa kanya. Nagmamadali niyang sinagot iyon habang nakasandal sa maliit na kitchen counter ng apartment nila.“Ano ba? Ang aga-aga—”“PASOK TAYO!”Napakurap siya. “Ha?”Napatalon si Sheil
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil







