LOGINKinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.
Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting. “May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom. Hindi sumagot si Dylan agad. Pinapaikot niya lang yung baso sa mesa. “Tingnan mo ‘to,” sabi niya sa wakas. “The new executive assistant." “Okay…” “Binasa ko file niya.” Napangisi si Marco. “Wow. Progress. Hindi ka lang pala boss, stalker ka na rin sa papel.” “That's not the point,” sabay tawa nang mahina ni Dylan, pero halatang hindi niya totally tinatanggihan. “Then?” “Wala naman dapat weird,” sabi niya. “Normal profile. Clean. Single.” Doon siya natigil ulit. Parang may sariling pause button yung utak niya tuwing naririnig niya yung salita na iyon. Single. “Single,” ulit ni Marco, tinatantya siya. “Hindi ko alam bakit ako… na-relieve,” deretsong sabi ni Dylan bago pa niya mapigilan. At doon na talaga nagsimulang ngumisi si Marco na parang nanalo sa pustahan. “Ah.” “Ah ano?” depensa agad ni Dylan. “Wala,” sabay taas ng kamay ni Marco. “Pero sir… hindi ka na natuto magsinungaling sa akin.” “Hindi ako nagsisinungaling.” “Hindi mo lang inaamin.” Napahilot si Dylan sa sentido niya. “Hindi ito ganun.” “Eh ano?” Hindi siya agad nakasagot. Kasi kahit siya, hindi niya alam ang sagot. Hanggang sa maisip niya ang mukha ni Leila. Hindi yung glamorous na tipo. Hindi rin yung sobrang attention-grabbing. Pero yung klase ng mukha na kapag nakita mo nang isang beses, hindi mo na maaalala kung kailan mo huling tiningnan ang oras. May simpleng ganda—yung hindi sinasadya. Parang walang effort pero hindi rin basta mawawala sa isip mo. At yung mata nito… Parang laging may iniintindi. Parang laging kalahati lang ng kwento ang sinasabi. “Sir,” sabi ni Marco, pinutol ang katahimikan, “kilala kita. Hindi ka ganyan mag-react sa employee file.” “Hindi ko siya iniisip,” mabilis na sagot ni Dylan. “Pero nandito ka, iniisip mo siya habang kausap mo ako.” Doon siya natigilan. At doon niya narealize—oo nga. Nasa bar siya. Kasama si Marco. Pero yung isip niya, nasa opisina pa rin. Sa isang simpleng folder. Sa isang simpleng pangalan. Leila. Umiling siya, parang sinusubukang alisin iyon. Pero imbis na mawala, lalo lang lumalim. “Siguro…” sabi ni Dylan sa wakas, mababa ang boses, “curiosity lang.” Tumawa si Marco. “Oo, curiosity.” “Anong problema doon?” “Wala,” sagot nito agad. “Pero alam mo ba kung saan nagsisimula ang gulo?” Hindi sumagot si Dylan. “Sa mga bagay na ‘curiosity lang’ sa simula.” Napatahimik si Dylan. At sa unang pagkakataon, hindi niya tinutulan si Marco. Kasi kahit ayaw niyang aminin, may parte sa kanya na gustong malaman pa. Hindi dahil sa trabaho. Kundi dahil sa isang simpleng detalye na hindi dapat ganoon kalakas ang epekto: Single. At sa kung anong dahilan, parang doon nagsisimula ang lahat ng tanong na hindi pa niya handang sagutin. Madaling-araw nang tuluyang makatulog si Dylan, pero kahit pagod ang katawan niya, parang ayaw pa ring tumigil ng isip niya. Leila. Buong araw na niyang pilit inaalis sa sistema ang pangalan nito pero lalong bumabalik. Yung tahimik nitong aura. Yung mukha nitong hindi naman sobrang seductive o attention-seeker, pero may kung anong humihila sa tingin niya pabalik. At higit sa lahat… yung kakaibang pakiramdam na parang may naaalala siya kapag nakikita niya ito. Hindi niya maintindihan. Kaya nang tuluyan siyang lamunin ng antok, saka nagsimula ang panaginip. Mahina ang ulan sa labas. Naririnig niya ang patak nito sa bintana habang unti-unti siyang namulat sa isang kwartong hindi naman pamilyar… pero pakiramdam niya, matagal na niyang tahanan. Warm ang ilaw. May amoy ng bagong lutong pagkain sa hangin. Tahimik. Payapa. At sa sofa, may babaeng nakaupo habang nakabalot sa oversized sweater. Nakangiti ito habang may hawak na mug ng kape. Leila. Hindi blurred. Hindi malabo. Siya mismo. Humigpit agad ang dibdib ni Dylan sa hindi maipaliwanag na emosyon. Hindi gulat. Hindi curiosity. Kundi pananabik. Yung klase ng pananabik na parang matagal niyang na-miss ang babaeng nasa harapan niya. “Bakit ganyan ka makatingin?” natatawang tanong ni Leila. Ang lambing ng boses nito. Parang matagal na niyang naririnig iyon. At doon niya napansin— sa panaginip, hindi niya iniisip kung sino si Leila. Hindi siya confused. Parang normal na normal na bahagi ito ng buhay niya. Parang… mahal niya ito. Automatic siyang lumapit. Walang pag-aalinlangan. Paglapit niya, agad siyang hinawakan ni Leila sa kamay bago ito bahagyang sumandal sa kanya na parang nakasanayan na nito. At doon tuluyang nagulo si Dylan. Kasi sobrang natural ng lahat. Parang hindi panaginip. Parang memorya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Leila habang nakatingin dito. God. Sobrang pamilyar ng pakiramdam. Yung tipong alam ng katawan mo kung paano yakapin ang isang tao kahit hindi mo maalala kung bakit. “Miss mo ko?” nakangiting tanong ni Leila. Napangiti rin siya nang hindi niya namamalayan. “Always.” Pagkasabi niya noon, siya mismo ang natigilan. Pero sa panaginip, parang walang mali. Parang matagal na niyang sinasabi iyon dito. Lumapit pa si Leila hanggang halos magkadikit na sila. At walang kahit anong alinlangan, hinila niya ito paupo sa kandungan niya. Napatawa si Leila habang nakayakap sa leeg niya. Yung tawang mahina. Malambing. Punong-puno ng comfort. Parang bahay. Napapikit si Dylan habang mas hinihigpitan ang yakap dito. At doon niya naramdaman yung kakaibang sakit sa dibdib. Kasi sa panaginip na iyon… ramdam na ramdam niyang mahal na mahal niya ang babaeng ito. Hindi simpleng attraction. Hindi infatuation. Kundi yung klase ng pagmamahal na dumaan na sa panahon. Yung may history. Yung may lalim. Marahang umangat ang tingin ni Leila sa kanya. Their faces inches apart. At walang sabi-sabi, hinawakan niya ang pisngi nito bago siya yumuko para halikan ito. Mabagal. Masuyo. Parang matagal na niyang gustong gawin ulit. Parang ilang beses na nila itong nagawa noon. Humigpit ang hawak ni Leila sa polo niya habang gumanti ito ng halik. Mabilis na napabangon si Dylan mula sa kama. Mabigat ang paghinga niya habang nakatitig sa madilim na kisame ng kwarto. Pakiramdam niya, may kulang. Parang may nawala sa kanya pagkagising. Napahawak siya sa dibdib niya habang pilit kinakalmante ang sarili. Bakit sobrang totoo ng panaginip? Bakit parang hindi lang imagination? At bakit sa lahat ng taong puwedeng mapanaginipan… si Leila? Napahawak siya sa buhok niya saka napatawa nang bahagya sa sarili. Pero halatang disturbed siya. “That’s an odd dream,” bulong niya habang nakatitig sa kawalan. “I kept thinking of that Leila…” Napailing siya nang mabagal. “What’s wrong with me?”Nanatiling mabigat ang katahimikan sa veranda ng Montenegro Mansion.Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Dylan ay huminto siya sa gitna ng kanyang paglalakad.Mariin niyang ipinikit ang mga mata.Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap muli sa kanyang ina.Hindi pa siya tapos.May mga salitang matagal nang nakakulong sa dibdib niya.“Mom.”Mababa ang boses niya.Ngunit mas matigas kaysa kanina.Tahimik lamang na tumingin si Celeste sa kanyang anak.“May gusto pa akong sabihin.”Ibinaba nito ang tasa ng tsaa.“I’m listening.”Humakbang si Dylan palapit.Hindi na siya ang anak na tahimik na sumusunod sa lahat ng kagustuhan ng kanyang ina.Ngayon…Isa na siyang lalaking handang ipaglaban ang mga taong mahalaga sa kanya.“Ngayong alam ko nang ikaw ang nasa likod ng pagmamanman kina Leila…”“…ito na ang huling beses na pag-uusapan natin ito.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Celeste.“I don’t understand.”“I think you do.”Diretso ang tingin ni Dylan.“Ayokong maulit pa.”“Wala nang private
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Dylan.Pagkalabas niya ng presinto ay agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan.Mariin ang pagkakahawak niya sa manibela.Hindi niya namalayang napapadiin na pala ang kanyang mga daliri.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang sinabi ng investigator.“Mrs. Celeste Montenegro.”Hindi iyon pagkakamali.Hindi rin tsismis.May mga dokumento.May mga pirma.May mga bank records.May mga litrato.Lahat ng ebidensya ay iisa ang tinuturo.Ang sarili niyang ina.“Why, Mom…”Mahina niyang bulong habang binabaybay ang daan patungo sa Montenegro Mansion.“Why would you do this?”⸻Huminto ang itim niyang sedan sa harap ng napakalaking bakal na gate.Agad siyang pinagbuksan ng guwardiya.“Good afternoon, Sir Dylan.”Hindi siya sumagot.Dere-diretso siyang nagmaneho papasok.Napansin ng mga kasambahay ang ekspresyon niya.Hindi ito ang Dylan na palangiting umuuwi noon.Ngayon ay bakas sa mukha nito ang galit at pagkadismaya.“Nasaan si Mom?”Tanong niya sa head bu
Hindi makapaniwala si Dylan.Paulit-ulit niyang tinitigan ang mga dokumentong nasa harap niya.Isang authorization letter.Mga bank transfer.Vehicle registration.Lahat ng detalye ay iisa lamang ang tinuturo.Hindi na ito maaaring nagkataon.Tahimik na ibinalik ni Capt. Reyes ang folder sa mesa.“Sir…”“Hindi po kami agad naniwala.”“Kaya tatlong beses naming vinerify ang impormasyon.”Hindi pa rin makapagsalita si Dylan.Parang may bumara sa kanyang lalamunan.“May isa pa po.”Napatingin siya sa opisyal.“Nahuli namin ang isa sa mga investigator.”“Handa siyang tumestigo.”“Ipinatawag namin siya kung gusto ninyo siyang makausap.”Tumango si Dylan.“I want to hear it from him.”⸻Ilang minuto ang lumipas.Pumasok sa interrogation room ang isang lalaking nasa singkwenta anyos.Simple lamang ang suot nito.Halatang puyat at pagod.Pagkaupo nito ay agad siyang tumingin kay Dylan.“Kayo po ba si Attorney Dylan Montenegro?”“Yes.”Saglit na yumuko ang lalaki.“Pasensya na po.”Napakunot-n
Hindi na nakatulog si Dylan matapos ang tawag ni Capt. Reyes.Tahimik niyang isinara ang pinto ng balcony bago muling sumulyap kay Leila.Napansin niyang bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito.“Ano’ng sabi?” mahina nitong tanong.Ngumiti si Dylan, ngunit halatang pilit.“May bagong lead.”“Good news ba?”“I don’t know yet.”Nais sana niyang sabihin ang lahat, ngunit ayaw muna niyang bigyan ng panibagong dahilan para matakot si Leila.“I’ll handle it.”“Dylan…”Lumapit si Leila.“Please be careful.”Marahan niyang hinawakan ang kamay ng dalaga.“I promise.”⸻Kinabukasan, hindi na muna dumiretso si Dylan sa opisina.Sa halip, nakipagkita siya kay Capt. Reyes sa isang maliit na conference room sa presinto.Pagpasok pa lamang niya ay may makapal nang folder na nakapatong sa mesa.“Good morning, Sir.”“Morning, Captain.”Umupo si Dylan.“So… what did you find?”Huminga nang malalim ang opisyal.“Nahuli namin kagabi ang isa sa mga lalaking nagmamanman sa apartment ni Miss Leila.”Hindi
Pakiramdam ni Oliver ay nanalo siya sa pinakamahalagang misyon sa buong buhay niya.Buong maghapon ay hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mukha.Lalo na nang mapansin niyang muli nang nag-uusap sina Leila at Dylan.Hindi na puro “Thank you.”Hindi na rin puro “Okay.”May tawanan na ulit.May asaran.May simpleng tinginan na dati niyang nami-miss.Habang nagluluto si Leila ng hapunan, biglang pumasok sa kusina si Dylan.“Hmm…”Napalingon ang dalaga.“Naghahanap ka ng makakain?”Ngumiti si Dylan.“Hindi.”“Luto ka na naman.”Napataas ang kilay ni Leila.“Excuse me?”“Chef Oliver said…”Pinilit niyang seryosohin ang mukha.“…I’m only your assistant.”Napatawa si Leila.“Hindi ka pa rin maka-move on?”“I was demoted.”“Dahil ikaw ang nagsunog ng toast.”Agad na umiling si Dylan.“Objection.”“Si Oliver ang nag-toast.”“Ikaw ang nagtakdang huwag bantayan.”“Technicality.”Napailing si Leila habang natatawa.“Kailangan mo talagang manalo sa argumento.”“Occupational hazard.”Sagot ni Dylan
Kinabukasan, paggising pa lang ni Oliver ay kakaiba na ang ngiti nito.Iyong tipong may binabalak.Habang nagsisipilyo, panay pa ang tingin niya sa salamin.“Today is the day.”Mahina niyang sabi sa sarili.“Operation… Bati.”⸻Pagkatapos ng almusal ay nagkunwari siyang abalang-abala sa pagguhit.Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kina Dylan at Leila.Katulad pa rin ng mga nakaraang araw.parang may invisible wall pa rin sa pagitan nila.“Daddy.”“Hmm?”“Pwede mo ba akong tulungan?”“Of course.”“Ano’ng kailangan?”“Sa room ko.”“May surprise.”“Okay.”Pumasok silang dalawa sa kwarto ni Oliver.Pagkapasok pa lamang ni Dylan ay napansin niyang walang surprise.May mga crayons lang sa mesa.“Buddy?”“Ano’ng—”“Wait lang, Daddy.”Ngumiti si Oliver.“Babalik ako.”Bago pa makapagsalita si Dylan, mabilis nang lumabas ang bata.⸻Sa sala naman…Lumapit si Oliver kay Leila.“Mommy.”“Hmm?”“Tulungan mo naman ako.”“Saan?”“Sa room.”“Nahihirapan ako.”Hindi na nagdalawang-isip si Leila.“Sig
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil
Fine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib. “If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa
Leila! Leila! Sumagot ka na!”Halos mabitawan ni Leila ang cellphone nang biglang sunod-sunod ang tawag ni Sheila sa kanya. Nagmamadali niyang sinagot iyon habang nakasandal sa maliit na kitchen counter ng apartment nila.“Ano ba? Ang aga-aga—”“PASOK TAYO!”Napakurap siya. “Ha?”Napatalon si Sheil







