LOGINKinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan.
At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “Parang photocopy talaga.” Mula sa bilugang mata nito na kahit nakapikit ay halatang expressive, hanggang sa matangos na ilong at mamula-mulang labi—sobrang hawig ng bata ang ama nito. Nakakainis na nakakakaba. Napailing siya agad, mabilis na iwinaksi ang iniisip. “No. Stop it, Leila,” kausap niya sa sarili habang naglalakad papunta sa cabinet. “Hindi pwedeng araw-araw ka na lang ganyan.” Pero kahit anong pilit niyang iwas, bumabalik pa rin sa isip niya ang nangyari kahapon. Ang mga tingin ni Dylan. Ang paraan ng pagtatanong nito. At higit sa lahat… Yung pagkawala ng alaala nito tungkol sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ma-gets. Paano mangyayaring may mga bagay itong naaalala pero siya… hindi? Selective amnesia ba ‘yon? May nangyari ba talaga noon? O baka— “Anak.” Naputol ang iniisip niya nang sumilip ang nanay niya sa pinto. “Nakatulala ka na naman diyan.” Napabuntong-hininga si Leila saka ngumiti nang pilit. “Ma, pwede po bang kayo muna bahala kay Oliver today?” Lumapit ang mama niya at agad binuhat ang apo. “Aba, syempre. Bakit parang aattend ka ng gyera?” “Mas nakakatakot pa nga yata,” sagot niya habang kumukuha ng blouse. Napatawa tuloy ang mama niya. “Si boss mo ba ulit iniisip mo?” Hindi agad sumagot si Leila. At doon na mas lalong napangiti ang mama niya. “Ay naku. Mukhang delikado na ‘yan.” “Ma naman!” reklamo niya agad. “Work lang ‘to.” “Work pero namumutla ka?” “Kinakabahan lang ako.” “Totoo?” “…Medyo.” Actually, sobra. Kasi simula ngayon, araw-araw na niyang makakasama si Dylan. At iyon ang parte na gusto niyang takbuhan. Pagdating niya sa kumpanya, halos gusto na niyang umatras. Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa napakalaking building sa harap niya. “Okay,” bulong niya sa sarili. “Kaya mo ‘to. Trabaho lang.” Pero hindi convincing. Pagkapasok pa lang niya sa lobby, agad siyang sinalubong ni Shiela na parang nanalo sa lotto. “LEILA!” Halos mapaigtad siya. “Girl!” excited na excited na sabi ni Shiela habang hawak ang dalawang kape. “Confirmed na! Ikaw talaga ang napili as executive secretary!” Napakurap si Leila. “Huh?” “Ano huh?!” Tinapik siya nito sa braso. “Deserve mo ‘yan no! Top of the class ka kaya noon tapos cum laude pa! ” Napatawa siya nang mahina. “ Do you think I deserve the position?” “Yes! Ikaw yung mukhang mabait pero kayang mang-correct ng grammar habang umiiyak ka.” “Grabe ka.” “Totoo naman!” Napailing na lang si Leila habang tinanggap ang kape. Pero kahit pilit siyang dinidistract ni Shiela, hindi mawala-wala yung kaba sa dibdib niya. Executive secretary. Meaning… Mas malapit kay Dylan. Mas madalas niya itong makakasama. Mas malaking posibilidad na mabuking siya. “Oy.” Sumingkit ang mata ni Shiela. “Ba’t parang hindi ka masaya?” “H-ha? Masaya ah.” “Talaga? Mukha kang pupunta sa hearing.” Kung alam mo lang. Biglang tumunog ang elevator. At parang automatic, sabay napalingon ang lahat. Lumabas si Dylan. Naka-gray suit ito, seryoso ang mukha habang may kausap sa phone. Typical Dylan. Kalmado. Malamig. At gwapo pa rin. Nakakainis. “Good morning, sir,” bati ng mga empleyado. Tumango lang ito bago tuluyang mapatingin sa direksyon nila. At eksaktong nagtagpo ang mga mata nila ni Leila. Pakiramdam niya, biglang bumagal ang paligid. “Good morning,” sabi ni Dylan habang nakatitig sa kanya. “G-good morning po,” sagot niya agad, halos mabulol. Tahimik lang itong tumingin sa kanya nang ilang segundo bago nagsalita. “You’re the new executive secretary?” Tumango siya. “Yes po.” Biglang natahimik si Dylan na parang may iniisip. Tapos— “Have we met before?” Muntik nang mabilaukan si Leila sa sariling laway. “HA?” Napalingon si Shiela. Napakunot-noo si Dylan. “I mean… you look familiar.” Hindi agad nakasagot si Leila. Sa sobrang kaba niya, mali pa yata ang nalunok niya. “Tubig.” Inabot agad ni Shiela ang kape. “Ay—maling liquid.” “Helpful ka talaga,” bulong ni Leila. “Trying my best.” Napabuntong-hininga si Dylan saka bahagyang ngumiti. At doon lalong nagulo si Leila. Kasi first time niyang makitang ngumiti ulit ito nang ganoon. “Relax,” sabi ni Dylan. “Hindi naman ako nangangain ng empleyado.” Muntik nang masamid ulit si Leila. Kung alam mo lang dati. “Sir,” singit ni Shiela habang nakangiti. “Baka kinakabahan lang po si Leila kasi first day niya.” Tumango si Dylan. “That’s normal.” Tapos muli itong tumingin kay Leila. “But seriously… parang kilala na talaga kita.” Pakiramdam ni Leila, gusto na niyang mag-teleport palabas ng building. Nag-iinit ang tenga niya habang pilit ngumingiti. “Baka po may kamukha lang ako.” “Maybe.” Pero hindi pa rin inaalis ni Dylan ang tingin nito sa kanya. Parang may pilit itong inaalala. At iyon ang mas lalong nagpapakaba kay Leila. “Anyway,” sabi ni Dylan matapos ang ilang segundo. “Come with me. We have a lot to discuss.” Tumango siya agad. Habang naglalakad sila papunta sa elevator, palihim siyang napabuga ng hangin. This was bad. Very bad. Dahil pakiramdam niya… Konti na lang, may maaamoy nang sikreto si Dylan.Ilang araw na ring hindi mapakali si Dylan.At mas lalo niya iyong napansin nang minsang mahuli niya ang sarili niyang nakatitig na naman kay Leila habang abala itong nag-aayos ng documents sa labas ng opisina niya.Tahimik lang ang babae, nakayuko habang inaayos ang mga folders sa mesa ng secretary area. Paminsan-minsan ay may kinakausap itong employee at magalang na sumasagot.Normal lang naman.Walang kakaiba.Pero ewan ba ni Dylan kung bakit parang kusang hinahanap ng mga mata niya ang presensya nito.Parang automatic.At doon siya biglang natauhan.Napaatras siya mula sa glass wall ng opisina niya saka madiing napahilot sa noo.“This has to stop.”Hindi tama.Boss siya.At kahit wala naman siyang ginagawa technically, alam niyang hindi normal na maya’t maya ay hinahanap niya si Leila sa paningin niya.Mas lalong hindi tama yung pakiramdam na parang gumagaan ang araw niya kapag nakikita niya ito.Napabuntong-hininga siya bago pilit ibinalik ang attention sa laptop.Work.Focus on
Kinabukasan, masama ang gising ni Dylan.Hindi dahil kulang siya sa tulog. Kundi dahil pakiramdam niya, hindi talaga siya nagpahinga buong gabi.Pagmulat pa lang niya ng mata, bumalik agad sa isip niya ang panaginip.Yung apartment.Yung ulan.Yung paraan ng pagkakayakap niya kay Leila na parang matagal na niya itong mahal.Napapikit siya at marahang napamura sa ilalim ng hininga.“This is getting ridiculous.”Mabilis siyang bumangon sa kama at dumiretso sa banyo, umaasang mawawala rin iyon kapag naging busy na siya.Pero habang nagsisipilyo siya, biglang nag-flash sa isip niya yung eksena sa panaginip kung saan nakangiti si Leila habang may hawak na mug.Habang naliligo siya, naalala niya ulit yung lambing sa boses nito.Habang nagtitimpla siya ng kape, biglang sumingit yung alaala ng paghalik niya rito.“Damn it.”Madiin niyang ibinaba ang tasa sa counter.Hindi siya ganito.Hindi siya yung tipo ng lalaking nao-obsess sa isang babaeng halos hindi pa niya kilala.At lalong hindi siya
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi sumagot si Dylan agad. Pinapaikot niya lang yung baso sa mesa.“Tingnan mo ‘to,” sabi niya sa wakas. “The new executive assistant."“Okay…”“Binasa ko file niya.”Napangisi si Marco. “Wow. Progress. Hindi ka lang pala boss, stalker ka na rin sa papel.”“That's not the point,” sabay tawa nang mahina ni Dylan, pero halatang hindi niya totally tinatanggihan.“Then?”“Wala naman dapat weird,” sabi niya. “Normal profile. Clean. Single.”Doon siya natigil ulit.Parang may sariling pause button yung utak niya tuwing naririnig niya yung salita na iyon.Single.“Single,” ulit ni Marco, tinatantya siya.“Hindi ko alam bakit ako… na-relieve,” deretsong sabi ni Dylan bago pa niya mapigilan.At doon na t
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “Parang photocopy talaga.” Mula sa bilugang mata nito na kahit nakapikit ay halatang expressive, hanggang sa matangos na ilong at mamula-mulang labi—sobrang hawig ng bata ang ama nito. Nakakainis na nakakakaba. Napailing siya agad, mabilis na iwinaksi ang iniisip. “No. Stop it, Leila,” kausap niya sa sarili habang naglalakad papunta sa cabinet. “Hindi pwedeng araw-araw ka na lang ganyan.” Pero kahit anong pilit niyang iwas, bumabalik pa rin sa isip niya ang nangyari kahapon. Ang mga tingin ni Dylan. Ang paraan ng pagtatanong nito. At higit sa lahat… Yung pagkawala ng alaala nito tungkol sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ma-gets. Paano mangyayaring may mga bagay itong naa
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pilit pinapakalma ang sarili. Hindi naman bago ang pagsakit ng ulo niya. Simula nang magising siya mula sa aksidente ilang taon na ang nakakalipas, paminsan-minsan ay nakakaranas siya ng mga kakaibang flashes na hindi niya maintindihan.Pero ngayon lang iyon naging ganoon kalinaw.At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit si Leila Ramirez ang dahilan.Unti-unti siyang nag-angat ng tingin.Nakatayo pa rin si Leila malapit sa pinto, ngunit halatang nanigas ito sa kinatatayuan.Parang natakot.Parang may bagay itong gustong takasan.Dylan narrowed his eyes.“Are you okay, Sir?” pilit nitong tanong, bagaman halata sa boses nitong may tensyon.Hindi agad nakasagot si Dylan.Pakiramdam niya ay
Fine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib. “If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa niya pinipigil. Parang gusto niyang matawa. O umiyak. Hindi niya maintindihan. Tatlong taon. Tatlong taon siyang iniwang wasak ni Dylan nang walang paliwanag, pero ngayong muli silang nagkita… ito pa ang may ganang tratuhin siyang parang estranghero? Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba ito o sadyang ganoon talaga ang gusto nitong mangyari. At kung totoo mang hindi siya nito naaalala… Bakit parang siya pa ang nasasaktan? Mariin niyang kinuyom ang folder na hawak. Gusto niya itong komprontahin. Gustong-gusto niyang itanong: Bakit mo ‘ko iniwan? Ano bang nagawa ko? Madali lang ba para sa’yong mawala? Pero para saan pa? Anong mapapala niya? Natigilan si Leila nang biglang







