Hindi kalayuan sa likuran niya, bumaba si Kenneth mula sa kanyang mamahaling sasakyan. Agad nitong napansin ang malaking ibinagsak ng katawan ni Evan.
Siguro nga, napakahaba ng limang taon. Bigla niyang naramdaman na ang pagitan nila ay tila langit at lupa na, isang distansya na mahirap ipaliwanag at piliting paglapitin.
Hindi niya namalayan na nakakunot na pala ang kanyang noo. Iniunat niya ang kanyang kamay, nais abutin ang payat na balikat ng babae sa harap niya.
Ano man ang nangyari limang taon na ang nakalipas, asawa niya pa rin si Evan Mae, kaya’t hindi niya rin matitiis na balewalain siya nito.
Ngunit bago pa siya makalapit, biglang umatras si Evan, maingat na iniwasan ang kanyang hawak.
Bahagyang nanginig ang mahahabang pilik-mata niya. Matapang niyang itinaas ang kanyang mga mata at pinilit titigan ang lalaking nasa harapan.
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Sa lapit nilang iyon, hindi naitago ni Evan ang kirot na pilit niyang itinatago.
Nanlamig ang pakiramdam ni Kenneth, parang may espiritung pumasok sa kanya. Bumawi siya ng tingin dito at idinaki na lang ang tingin sa naka-park na Bugatti sa tabi. Walang emosyon na inutusan niya ang babae, "Sumakay ka na sa kotse."
Hindi gumalaw si Evan. May nais siyang sabihin, limang taon ang inantay niyang lumipas para lang masabi na ito sa wakas. Ang kanyang boses ay mahina, sumasabay ito sa lakas ng ihip ng hangin.
"Kenneth, maghiwalay na tayo."
Biglang naningkit ang matatalas na mata ni Kenneth. Galit niyang hinawakan ang pulso ni Evan, mahigpit niyang kinulong iyon sa kanyang palad.
"Evan, alam mo bang muntik nang mamatay si Ella sa operating table limang taon na ang nakalipas? Kung hindi dahil sa milagro ng Diyos at nakahanap ng donor sa puso niya, malamang ay wala na siya dahil sa kagagawan mo."
"Limang taon ka lang sa kulungan. Ano’ng masamang hangin ba ang bumulong at nagturo niyan sa iyo?"
Namula ang mga mata ni Evan habang mapait na ngumiti ng may sarkasmo sa lalaki.
"Oo nga, talagang napakabuti ng Diyos. Dahil kung hindi, sigurado akong pipilitin mo akong bayaran ang buhay niya, hindi ba?"
Sinubukan niyang panatilihing matatag ang kanyang boses, kasabay ng pagpilit na bawiin ang kanyang pulso mula sa kamay ng lalaki.
Sa limang taon sa kulungan, hindi mabilang na beses niyang inisip kung paano siya makagaganti sa pagkalaya niya.
Pero habang natakbo ang oras, mas nanaig pa rin ang pangungulila niya sa kanyang anak. Dahil dito, ayaw na niyang magsayang ng oras pa sa lalaki.
Hindi natuwa si Kenneth sa pagsagot na iyon ni Evan, ngunit hindi niya binitiwan ang kamay niyo.
"Nahuhuli ka na sa balita tungkol sa lagay ng pamilya Huete. Hindi maganda ang kalusugan ni Lola, kaya hindi kita hahayaang makipag-divorce at mas padaliin ang buhay ng matanda."
"Si Lola..." Nang marinig ang pangalan ng matandang labis na nagmalasakit sa kanya, nag-alinlangan si Evan. Sa huli, napabuntong-hininga na lang siya at pumayag na sumama sa lalaki.
Ang Kenneth na ito ang sumira sa kanya, hindi ang pamilya Huete.
Kung kailangan niyang makipagkalas na sa pamilya Huete, dapat niyang ipaliwanag ang lahat sa lola nito upang hindi mag-alala ang matanda sa natitirang mga taon ng kanyang buhay.
Nagsimula nang unlmandar ang kotse, tinutungo nito ang daan papunta sa mansiyon ng mga Huete.
Tahimik na nakaupo si Evan sa passenger seat, habang si Kenneth naman ay tahimik na nagmamaneho. Inilibot ni Evan ang tingin sa loob ng sasakyan at agad niyang napansin ang isang eleganteng frame ng litrato sa harap.
Isa itong larawan ng isang batang babae, siguro ay mga tatlo o apat na taong gulang, na matamis na nakangiti sa kamera. Halos kalahati ng isandaang porsyento ng mga mata at kilay nito ay hawig kay Ella.
Natigilan siya, ngunit agad ring naalala na matagumpay nga palang naisagawa ang heart transplant ni Ella. Paano niya hindi mahuhulaan na ang batang ito ay bunga ng pagmamahalan ng kanyang asawa at kapatid?
Kahit limang taon na ang nakalilipas, nagawa pa ring masaktan ng simpleng larawang ito ang puso niya.
Napako ang mga mata niya sa litrato. Napansin iyon ni Kenneth. Bahagyang kumunot ang noo nito, ngunit hindi niya alam ang dapat sabihin nang makita ang mariing pagtingin ni Evan sa larawan.
"Binabati kita, nakuha mo na ang gusto mo." Mahina ngunit malamig na sambit ni Evan.
Halos magyelo ang malamig na katahimikan sa loob ng kotse.
Mahigpit na hinawakan ni Kenneth ang manibela. Hindi niya maipaliwanag ang bigat sa dibdib niya, pero hindi siya agad nakasagot.
Ayaw niya ang paraan ng pakikipag-usap ni Evan sa kanya ngayon, malamig at puno ng tinik.
Pero mukhang wala na si Evan pakialam kung magustuhan man ito ni Kenneth o hindi.
Huminga nang malalim si Kenneth, pinilit alisin ang anino ng estrangherong emosyon sa kanyang isip.
"Hindi maaaring manatiling illegitimate child si Francheska, hindi rin papayag si Lola na maging young lady ng pamilya Huete si Ella. Kaya nang naghanap ako ng surrogate mother, sinabi kong ginamit ko ang egg cell mo."
Walang emosyon na mababakas sa magandang mukha ni Evan. Matagal bago niya lubos na maunawaan ang ibig sabihin ng lalaki.
"Kenneth, hanga na talaga ako sa mga kaya momv gawin para lang sa kapatid ko. Nagawa mo na talaga ang lahat para kay Ella, at hindi ko lubos akalain na aabot ka sa pagiging payaso dahil sa pagbuo mo ng kwentong ito."
Limang taon na ang nakalipas, sinubukan ni Ella na angkinin ang hindi pa niya naisisilang na anak. Tapos ngayon, siya pa ang naging ina sa pangalan ng anak ng iba. May mas nakakatawa o mas masaklap pa bang biro sa mundong ito?
Habang iniisip niya ito, mapait siyang tumawa, magaspang, malamig, at puno ng sarkasmo.
"Kenneth, hinding-hindi ko sasabihin sa harap ni Lola na may kinalaman ako sa anak mo. Wala akong kaugnayan sa kanya."
Nanlamig ang mukha ni Kenneth. Ang matipunong anyo nito ay tila nabalot ng yelo.
"Evan, hindi mo pa siguro alam, pero sa mga nakaraang taon, ang ama mo ay nagkautang ng halos sampung milyong piso dahil sa sugal. Ang lahat ng iyon pati ang interes ay ako ang nagbabayad."
Agad na pumutla ang mukha niya. "Ginagawa mo ba iyong panakot?"
"Kung ayaw mong makita ang mga magulang mo na pinagkakitaan ang kanilang mga laman-loob, dapat mong malaman na hindi ako magiging mabait sa pakikipagnegosasyon sa’yo."
Dahil wala naman siyang pagmamahal para sa babaeng ito, ginamit ni Kenneth ang tusong pamamaraan ng isang negosyante. Tumawa siya nang malamig kay Evan.
"Hangga't buhay si Lola, ikaw ang tanging Ginang ng Pamilya Huete, ang ina ni Cheska, at ang asawa ko."
Habang nagsasalita siya, unti-unting lumitaw ang malaking manor ng pamilya Huete.
Bago pa makapasok ang sasakyan sa pangunahing bahay, mahigpit na kinuyom ni Evan ang kanyang mga palad, kitang-kita ang panginginig nito.
"Mga magulang rin sila ni Ella, paano mo matitiis na gipitin sila kung masasaktan din nito si Ella?"
Bahagyang tumawa si Kenneth, na parang isang demonyo at nagbibigay ng deal sa isang makasalanang kaluluwa.
"Hindi ko nga gustong masaktan si Ella. Kaya naman, ang buhay ng mga magulang mon ay nakasalalay na sa mga kamay mo ngayon. Wala akong sasabihing kahit na ano kay Ella."
Tama nga naman. Mahal na mahal niya si Ella kaya lahat ng bagay na ginagawa niya ay para sa babaeng mahal niya.
Halos mag-apoy sa galit si Evan. Nanginginig siyang tumitig kay Kenneth, puno ng pagkamuhi niya itong tiningnan.
"Wala ka talagang puso!"
Hindi na napigilan ni Evan na ilabas ang mga salitang parang pilit na humihiwa sa kanyang dibdib.
"Minahal lang naman kita noon, deserve ko bang pahirapan ninyo ni Ella nang limang taon sa kulungan? Ni hindi mo kayang maawa sa patay na anak natin. Mahal mo si Ella? Sige, mahalin mo siya. Huwag mo nang ipakita pa ang mukha mo sa harap ko kahit kailan!"
Ang mga salitang iyon tungkol sa namatay nilang anak ay matalim, magaspang, at puno ng kirot. Napapikit na lang si Kenneth sa pagkabigla. Isang bahid ng hiya ang dumaan sa mukha nito.
"Young master, young lady, hinihintay na po kayo ng Madam."
Binuksan ng butler ang pintuan ng kotse. Agad na pinahid ni Evan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, mabilis na bumaba at hindi na hinitay pa si Kenneth .
Sa hardin, dalawang bata ang nagtatakbuhan, naglalaro sila sa ilalim ng araw. Napakaganda nilang pagmasdan ngunit si Evan ay hindi magawang maging lubos na masaya ng mapansin niya ang isa sa mga naglalaro.
Awtomatikong sinusundan ng kaniyang tingin ang cute na batang lalaki na masayang naglalaro.
Kung kasama niya lang ang anak niya ngayon, tiyak na kasing laki at edad ng bata iyon ang anak niya.
Sa gitna ng kasiyahan, lumabas ang matandang Huete mula sa bahay. Tinawag niya ang isang batang babae na nakasuot ng parang prinsesa at masaya nitong itinuro sa bata si Evan.
"Cheska, hindi ba’t gusto mo ng makita ang mommy mo? Bakit hindi ka lumapit sa kanya?"
Itinatak na lang ni Evan sa isip ang pagbabantang sinabi ni Kenneth, kaya kahit pilit na pilit, nagawa ni Evan sa wakas ang ngumiti sa batang babae.
Tiningnan siya ni Cheska mula ulo hanggang paa gamit ang malaki at malamlam na mga mata. Napangiwi ang bata nang mapansin ang simpleng pananamit ni Evan. Hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang lola, lumabas ng dila nito patungo kay Evan, at agad na tumakbo pabalik sa paglalaro.
Kung ganoon lang sana ang nangyari, ayos na. Pero nang tumatalikod ang bata, nabunggo nito ang batang lalaki at natumba ito. Ni hindi man lang nagpaabot ng paghingi ng tawad si Cheska, basta na lang ito tumakbo palayo.
Naririndi na si Cheska sa pagpapakitang-gilas at saka niya napansin si Evann na nakaupo sa sofa, tahimik at nakatungo. Kumulo ang dugo niya at tinuro ito habang pasigaw, “Ikaw talagang maldita ka! Bakit ka nandito pa rin? Ang dami ko nang pakiusap kay Daddy, bakit hindi ka pa niya pinaaalis?”Umaalingawngaw ang boses ni Cheska sa tenga ni Evann. Napahawak siya sa noo niya at sa gitna ng ingay, bigla niyang narinig ang isang tinig na hinding-hindi niya makakalimutan—ang boses ni Mouse Eyes.Ilang minuto lang, manipis na patak ng malamig na pawis ang bumalot sa kanyang noo, dumudulas pababa sa kanyang maganda at maselang mukha, papasok sa kwelyo ng damit.Sa ilalim ng mahahaba at nanginginig niyang pilik-mata, malabo ang kanyang tingin, nakatanaw sa malayo na parang wala sa lugar. Unti-unting napuno ng luha ang kanyang mga mata, at ang ekspresyon niya’y puro takot—parang nakakulong sa isang bangungot na hindi siya magigising.Tahimik lang na pinanood ni Ella ang pag-arte ni Evann, nakat
Kinuha ni Evan ang isa, itinupi ang manggas at tinapos ang iniksyon na kalmado ang mukha.Mahigit tatlong buwan na mula nang ma-kidnap siya, pero hindi pa rin bumabalik ang panlasa niya.Hinawakan ang nahihilo niyang noo at umupo sa gilid ng kama. Medyo nagulat siya kung gaano kalakas ang tama ng gamot ngayong beses—mas masakit sa alaala kaysa dati at mas malupit kaysa nakasanayan.Bumagsak siya sa kama, balisa, nakatitig sa pamilyar na kisame sa ibabaw niya.Sa umpisa, sobrang hirap ng gamutan. Para hindi siya magmukhang baliw, nagkulong na lang siya dito araw-araw, walang ginagawa. Sa tagal, kabisado na niya pati direksiyon ng bawat pattern sa kisame.Noon, abalang-abala si Kenneth sa pagmamahal kay Ella at walang pakialam sa kung gaano kalaki ang pinaglaban niya para mabuhay sa desperadong sitwasyon.Hindi niya alam kung ano ang pumasok kay Kenneth, pero kung ginagamit pa rin siya bilang pawn o bigla na lang nagloloko, wala na siyang balak magbago. Para kay Lolo, pipiliin na lang n
Gustong-gusto na talagang murahin ni Evann si Kenneth sa sobrang kapal ng mukha nito.Iniiwasan na niya ito parang salot at wala siyang balak lutuin ng almusal para sa lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin. “’Wag kang mangarap. Baka hindi ko mapigilang lasunin ang pagkain mo. Tapos ako pa ang magbabayad ng buhay ko para sa isang kagaya mo. Hindi sulit.”“Tama ka diyan, lEvann, ang talino mo talaga.” Plano sanang itapon palabas ni Christoper si Kenneth, pero naisip niyang mas masarap panoorin kung paano maiirita si Evann sa presensya nito. “Mr. Huete, mas mabuti pang huwag kang sumobra. Huwag mo akong sisihin kung tawagan ko si Sir para sunduin ka.”Pagkarinig sa pangalan ni Kevin, bahagyang kumalma ang hambog na asta ni Kenneth, pero nakatitig pa rin ang mga mata niya kay Evann.At bigla, para bang tinamaan, tumalon siya mula sa upuan at hinawakan nang madiin ang payat na balikat ni Evann. Malamig at nakaka-intimidate ang boses niya. “Evann, ano ‘tong suot mo? Saan ka galing kagabi?”Sa
Pagkagising ni Evann, nagising siya sa sunod-sunod na pagring ng telepono sa studio.Pinunasan niya ang mga mata, bumangon, at kusa nang tumingin sa pinto.Tumigil din agad ang tunog, kasunod ang marahang katok. “Evann, gising ka na ba?”“Teacher…” Pinisil ni Evann ang masakit na sentido, tinanggal ang kumot, bumangon at binuksan ang pinto, tanong niya nang antok pa: “Bakit po?”“Si Ella ang tumawag. Hindi ka raw niya makontak sa cellphone mo,” bahagyang naiilang na sabi ni Christopher habang pinapasa ang mensahe. “May sasabihin daw siya tungkol sa sakit ng mama mo.”Nanlaki ang mga mata ni Evann, kaya agad niyang dinugtungan: “Pero huwag kang basta maniniwala. Gagawin ni Ella ang lahat para makuha si Kenneth. Naalala mo na nagpunta ako sa ospital ilang araw ang nakalipas. Totoong umalis ang mommy mo at nadala sa ospital, pero kung malubha ‘yon, paano agad pinalabas ng doktor?”Kahit may punto si Christopher, dahil tungkol sa ina niya ang usapan, hindi mapakali si Evann.“Teacher, ala
“It’s okay.”Pagkakita niya sa lalaki, biglang naglaho ang pilit niyang tapang. Naiwan na lang ang pagod at ang bigat ng loob.Ibinaling ni Evann ang tingin sa sahig at tipid na ngumiti, parang para sa kanya lang ang sinasabi, “Okay lang ako.”Lalong lumalim ang guhit sa pagitan ng kilay ni Kevin. Kahit hindi niya sinadya, iniwan pa rin niya itong mag-isa nang halos isang oras.Alam niyang may karapatan si Evann na magtampo. Naiintindihan niya sa isip, pero mahirap tanggapin sa puso.Lumapit siya at inalis ang coat niya, saka dahan-dahang isinampay sa balikat ng dalaga. Malamlam ang kanyang mga mata at maingat ang tono ng boses, parang takot siyang masaktan pa ito. “Evann, bakit ka nandito?”Hindi siya sinagot ni Evann. Hindi man lang siya tumingin dito. “Kumusta si Bambie?”“Nasaksihan mo na,” malamig pero mahinahon ang sagot ni Kevin habang nakatingin sa payat at malungkot na pigura ng dalaga. “Nang makita ko si Bambie, himatayin na siya. Para hindi ka maistorbo, nilipat ko siya sa
Malayo sa mabigat na atmosphere ng underground auction house, nakatanaw si Evann sa mga bituin sa labas ng bintana at unti-unting nakaramdam ng ginhawa.Saglit siyang nag-isip, saka bahagyang tumango. “Sige.”“Una kong sasagutin ang tanong mo.” Tumigil ang lalaki sa tapat ng liquor cabinet, kumuha ng bote ng rum, at bumalik na may dalang dalawang baso. “Ampon ako.”Isang sagot na parehong may sense at nakakagulat.Nakahinga nang maluwag si Evann sa pag-alam na hindi pala siya mismo. Pinanood niya itong dahan-dahang magbuhos ng alak at nagsabi, “Ikaw naman ang may tanong.”“Miss, hindi mo ba naisip na baguhin ang lifestyle mo?” Itinulak ng lalaki ang baso papunta kay Evann, saka uminom mula sa sarili niyang baso at umupo nang patagilid sa tapat niya. “Ang ibig kong sabihin, ibang buhay. Ibang landas.”“Siguro, hindi ko alam.” May halong kalituhan ang maliit na mukha. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang tanong, pero sinagot niya pa rin ng tapat: “Matagal ko na ring naisip ‘ya