LOGINSA LOOB lamang ng dalawang araw ay malaki na ang ipinagbago ng itsura ni Clyde. Ang lalaking dating sobrang maingat sa image at pananamit ay halatang hindi na naasikaso ang sarili. Gusot ang suot nitong polo at blazer, bahagyang bukas ang kuwelyo, at maging ang balbas nito ay tila ilang araw nang hindi naaahit.Halata rin ang matinding pagkapagod at panghihina nito. Kakagaling lamang niya sa mataas na lagnat ngunit pinilit pa rin niyang pumunta roon. Dahil sa malamig na hangin at mabilis na paghinga ay agad siyang napayuko habang inuubo. Namumuo rin ang malamig na pawis sa noo niya.Ngunit kahit ganoon ay hindi siya umatras. Diretso lamang siyang nakatingin kay Yumi.“Please...” paos nitong saad habang pilit inaayos ang paghinga. “Hayaan mo lang akong makausap ka kahit saglit.”Tahimik lamang na nakatingin si Yumi sa kanya.“I know I was wrong,” mababa nitong dugtong habang namumula ang mga mata. “Alam kong ayaw mo akong makita ngayon, pero please...” Bahagyang natigilan si Clyde bago
TANGHALI na nang makabalik si Bianca sa Monteverde Mansion kasama si Mico mula sa ospital. Kapansin-pansin ang pagod sa mukha niya habang hawak ang kamay ng bata papasok sa malawak na sala ng mansyon.“Mommy,” inosenteng tawag ni Mico habang tumitingin sa itaas na bahagi ng hagdan. “Why is Daddy sleeping for two days already? Sobrang pagod ba siya?”Bahagyang natigilan si Bianca matapos marinig iyon. Ilang segundo siyang hindi agad nakasagot habang nakatingin sa bata. Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang buhok nito.“Daddy is just tired,” pilit niyang mahinahong sagot. “Maraming problema lately kaya kailangan niya lang magpahinga. So Mico needs to behave, okay?”Agad namang tumango si Mico.nBagaman bata pa ito ay ramdam nito na hindi maganda ang atmosphere sa loob ng mansion nitong mga nakaraang araw. At sa murang isip nito, alam nitong si Yumi ang dahilan kung bakit naging magulo ang pamilya nila.Samantala, matapos iwan si Mico sa pangangalaga ng kasambahay ay mabilis nang umak
KINABUKASAN ng umaga ay nabalot ng manipis na hamog ang buong bulubunduking bahagi ng Chiang Rai. Hindi kagandahan ang panahon. Mababa ang ulap at malamig ang simoy ng hangin, ngunit mas lalong bumagay iyon sa concept ng promotional project na isinusulong ng Villareal Group kasama ang local tourism board ng Thailand.Maagang nagsimula ang ribbon cutting, media interviews, at filming. Tahimik lamang na ginampanan nina Adrian at Mikaela ang kani-kanilang trabaho. Sa buong proseso ay nanatiling propesyonal si Adrian. Halos hindi man lamang ito tumingin nang direkta kay Mikaela maliban na lang kung may work-related concern. Ramdam iyon ng lahat ng staff sa paligid.Maging si Axel ay napapailing na lamang habang tahimik na mino-monitor ang schedule ng boss niya. Nang matapos ang interviews ay lumipat naman ang production team sa viewing deck para sa final group photos at sunrise footage.Naunang naglakad si Adrian papunta sa designated area habang abala namang sumusunod sa likuran si Mikae
“SHUT UP,” mariing wika ni Adrian na bakas ang panganib sa mga mata.Saglit na natigilan si Mikaela sa klase ng tinging ibinigay ng lalaki sa kanya. Pero pilit pa rin nitong sinalubong ang malamig na mga mata ng lalaki at pinilit pang ngumiti.“So you really don’t trust Yumi that much?” mapait nitong tanong. “Since alam mong hindi madaling tanggapin ng kahit sino ang ganoong klase ng katotohanan... bakit hindi mo na lang ako patawarin?”Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Adrian. “Don’t make betrayal sound noble.”Napakababa ng boses nito ngunit sapat na iyon upang agad mamutla si Mikaela. Napakabigat ng pressure na dala ng lalaki sa mga sandaling iyon.“I never hurt innocent people,” malamig na dugtong ni Adrian.Agad namang nakaramdam ng panganib si Axel nang mapansin ang unti-unting pagdilim ng ekspresyon ng boss niya. Kaya mabilis siyang sumingit sa pagitan ng dalawa.“Miss Mikaela,” maingat ngunit seryosong saad nito, “please stop this conversation already. Business trip po ito.
“OKAY,” malambing naman na sagot ni Yumi, matapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ni Adrian ng tawag ay bahagya nitong sinulyapan si Axel na noon ay naghihintay lamang sa gilid. Sa di kalayuan ay abala na ang production team ni Mikaela sa pagse-set up ng equipment para sa night shoot.May kailangan pa kasi silang kuhanang promotional footage bago bumalik sa hotel. At dahil mabilis nang dumilim sa bundok, napilitan si Axel na putulin muna ang tawag ng boss niya kay Yumi upang hindi ma-late ang filming schedule.Tahimik na napabuntong-hininga si Adrian bago ibinulsa ang cellphone niya. Bagaman kasama niya si Mikaela sa business trip na iyon, sa nakalipas na dalawang araw ay halos hindi sila nagkita dahil magkaiba ang schedules nila. Gayunpaman, present si Mikaela sa buong ribbon-cutting ceremony at media interviews kinabukasan. Ibig sabihin, hindi maiiwasang magkasama sila.Gusto sana ni Adrian na sabihin iyon kay Yumi kanina. Ngunit nang sandaling bubuksan na niya ang bibig niya, bi
NAPANGISI si Marco habang nakatingin kay Erica matapos sabihin iyon. Halatang may tama na ang alak sa sistema nito, ngunit matalas pa rin ang mga mata nitong tila sinusuri ang bawat galaw niya. Mahigpit pa rin ang hawak nito sa pulsuhan niya habang marahang hinihimas ng hinlalaki ang balat niya.Tahimik namang sinalubong ni Erica ang tingin nito. Hindi siya tulad ng ibang babae na agad namumula o natataranta kapag tinitigan ni Marco nang ganoon. Masyado nang marami ang pinagdaanan niya para matinag ng simpleng titig ng isang lalaki.Pero alam niyang delikado ang sitwasyon. Hindi siya maaaring magkamali.“Three months?” mahinahon niyang ulit habang bahagyang itinataas ang kilay. “So iyon na ba ang longest relationship na kaya mong ibigay?”Bahagyang natigilan si Marco matapos marinig iyon. Tahimik siyang napatawa, ngunit may halong pagtataka sa ekspresyon niya. Karamihan sa mga babaeng nakakasama niya ay agad kumakapit kapag binigyan niya ng kahit kaunting atensyon.Pero si Erica... hi
“YUMI!”Nagulat ang lahat sa ginawa ni Yumi. Napaatras si Tessa, nanginginig sa galit.“Ano ba problema mo?!” sigaw nito.Ngunit nanatiling kalmado si Yumi. Wala ni bahid ng emosyon sa kanyang mukha, ngunit ang lamig ng kanyang mga mata ay sapat upang manahimik ang paligid.“Maybe I’ve been too gen
BAHAGYANG natigilan ang saleslady sa mga inabot sa kanya ni Yumi. Halata sa mukha nito ang pagkagulat habang nakatitig sa mga mamahaling paper bag.“Ma’am, masyado pong mahal ito. Hindi ko po matatanggap,” alanganing sabi nito.Ngunit ngumiti lamang si Yumi, kalmado at walang bahid ng pag-aalinlang
“HELLO.”Malamig at mababa ang boses ni Adrian nang sagutin niya ang tawag.Sa kabilang linya, agad na sumambulat ang boses ni Clyde, puno ng inis at pagod. Ni hindi napansin ang boses ng lalaking sumagot “Yumi? Tama na ‘to. Ilang araw na. Hanggang kailan ka mag-iinarte ng ganyan? Hindi ka na ba t
NANATILING nakaupo si Yumi, kalmado ang ekspresyon na para bang wala siyang nararamdamang pressure sa sitwasyon. Ngunit habang tumatagal ang katahimikan niya, lalong nagiging tensyonado ang mga tao sa paligid.Halatang kinakabahan ang event manager. Halos pakiusap na ang tono nito nang muling magsa







