LOGINKINABUKASAN ng umaga ay nabalot ng manipis na hamog ang buong bulubunduking bahagi ng Chiang Rai. Hindi kagandahan ang panahon. Mababa ang ulap at malamig ang simoy ng hangin, ngunit mas lalong bumagay iyon sa concept ng promotional project na isinusulong ng Villareal Group kasama ang local tourism board ng Thailand.Maagang nagsimula ang ribbon cutting, media interviews, at filming. Tahimik lamang na ginampanan nina Adrian at Mikaela ang kani-kanilang trabaho. Sa buong proseso ay nanatiling propesyonal si Adrian. Halos hindi man lamang ito tumingin nang direkta kay Mikaela maliban na lang kung may work-related concern. Ramdam iyon ng lahat ng staff sa paligid.Maging si Axel ay napapailing na lamang habang tahimik na mino-monitor ang schedule ng boss niya. Nang matapos ang interviews ay lumipat naman ang production team sa viewing deck para sa final group photos at sunrise footage.Naunang naglakad si Adrian papunta sa designated area habang abala namang sumusunod sa likuran si Mikae
“SHUT UP,” mariing wika ni Adrian na bakas ang panganib sa mga mata.Saglit na natigilan si Mikaela sa klase ng tinging ibinigay ng lalaki sa kanya. Pero pilit pa rin nitong sinalubong ang malamig na mga mata ng lalaki at pinilit pang ngumiti.“So you really don’t trust Yumi that much?” mapait nitong tanong. “Since alam mong hindi madaling tanggapin ng kahit sino ang ganoong klase ng katotohanan... bakit hindi mo na lang ako patawarin?”Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Adrian. “Don’t make betrayal sound noble.”Napakababa ng boses nito ngunit sapat na iyon upang agad mamutla si Mikaela. Napakabigat ng pressure na dala ng lalaki sa mga sandaling iyon.“I never hurt innocent people,” malamig na dugtong ni Adrian.Agad namang nakaramdam ng panganib si Axel nang mapansin ang unti-unting pagdilim ng ekspresyon ng boss niya. Kaya mabilis siyang sumingit sa pagitan ng dalawa.“Miss Mikaela,” maingat ngunit seryosong saad nito, “please stop this conversation already. Business trip po ito.
“OKAY,” malambing naman na sagot ni Yumi, matapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ni Adrian ng tawag ay bahagya nitong sinulyapan si Axel na noon ay naghihintay lamang sa gilid. Sa di kalayuan ay abala na ang production team ni Mikaela sa pagse-set up ng equipment para sa night shoot.May kailangan pa kasi silang kuhanang promotional footage bago bumalik sa hotel. At dahil mabilis nang dumilim sa bundok, napilitan si Axel na putulin muna ang tawag ng boss niya kay Yumi upang hindi ma-late ang filming schedule.Tahimik na napabuntong-hininga si Adrian bago ibinulsa ang cellphone niya. Bagaman kasama niya si Mikaela sa business trip na iyon, sa nakalipas na dalawang araw ay halos hindi sila nagkita dahil magkaiba ang schedules nila. Gayunpaman, present si Mikaela sa buong ribbon-cutting ceremony at media interviews kinabukasan. Ibig sabihin, hindi maiiwasang magkasama sila.Gusto sana ni Adrian na sabihin iyon kay Yumi kanina. Ngunit nang sandaling bubuksan na niya ang bibig niya, bi
NAPANGISI si Marco habang nakatingin kay Erica matapos sabihin iyon. Halatang may tama na ang alak sa sistema nito, ngunit matalas pa rin ang mga mata nitong tila sinusuri ang bawat galaw niya. Mahigpit pa rin ang hawak nito sa pulsuhan niya habang marahang hinihimas ng hinlalaki ang balat niya.Tahimik namang sinalubong ni Erica ang tingin nito. Hindi siya tulad ng ibang babae na agad namumula o natataranta kapag tinitigan ni Marco nang ganoon. Masyado nang marami ang pinagdaanan niya para matinag ng simpleng titig ng isang lalaki.Pero alam niyang delikado ang sitwasyon. Hindi siya maaaring magkamali.“Three months?” mahinahon niyang ulit habang bahagyang itinataas ang kilay. “So iyon na ba ang longest relationship na kaya mong ibigay?”Bahagyang natigilan si Marco matapos marinig iyon. Tahimik siyang napatawa, ngunit may halong pagtataka sa ekspresyon niya. Karamihan sa mga babaeng nakakasama niya ay agad kumakapit kapag binigyan niya ng kahit kaunting atensyon.Pero si Erica... hi
TILA bumigat ang dibdib ni Erica matapos mabanggit ang litrato. Hindi niya maiwasang maalala ang babaeng nasa wallet ni Marco.NMalapit dito si Erica noon. Para niya itong nakatatandang kapatid. Nang mga panahong halos bugbugin siya ng sarili niyang ama at mawalan siya ng ganang mabuhay, ang babaeng iyon ang tumulong sa kanya.Ito rin ang paulit-ulit na nagsabi sa kanya na huwag susuko kahit gaano kahirap ang buhay. Na kahit gaano kapangit ang pamilya o sitwasyon ng isang tao, hangga’t buhay pa ito at marunong lumaban, may paraan pa rin.Parang ilaw ang babaeng iyon sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ni Erica. Noong mga panahong wala siyang ibang masandalan, ito ang sumama sa kanya sa bawat bangungot at takot.Pero isang araw… bigla na lamang nawala ang ilaw na iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Erica na basta na lamang itong susuko sa buhay dahil lang sa heartbreak.Tahimik na natigilan si Marco matapos marinig ang tanong niya. Huminto sandali ang kamay nitong may ha
BAHAGYANG natauhan si Erica dahil sa tanong ni Marco. Agad siyang napayuko at umiwas ng tingin. Tahimik ang dalawa ilang segundo.Nang makita ni Marco na hindi ito sumasagot, bahagyang sumimangot siya bago muling nagsalita.“I asked you a question.”“I was just thinking about something,” kalmadong sagot naman ni Erica.Bahagyang ngumiti si Marco ngunit halatang hindi kumbinsido.“That’s not what I asked,” direkta niyang saad habang nakatitig dito. “I asked if you think I’m handsome.”Sa ilalim ng warm lighting ng private room, lalong luminaw ang matitigas at maayos nitong features. Mula sa matangos na ilong hanggang sa malamig ngunit mapang-akit na mga mata, walang dudang gwapo si Marco.Pero para kay Erica… hindi ito ang klase ng lalaking pasok sa ideal type niya. Hindi siya iyong taong madaling madala sa itsura lang. Mas gusto niya iyong may maayos at matinong aura. Iyong taong mukhang mapagkakatiwalaan at seryoso. Katulad ni Adrian Villareal.Samantalang si Marco… masyadong mapang
NANATILING nakaupo si Yumi, kalmado ang ekspresyon na para bang wala siyang nararamdamang pressure sa sitwasyon. Ngunit habang tumatagal ang katahimikan niya, lalong nagiging tensyonado ang mga tao sa paligid.Halatang kinakabahan ang event manager. Halos pakiusap na ang tono nito nang muling magsa
BAHAGYANG natigilan ang saleslady sa mga inabot sa kanya ni Yumi. Halata sa mukha nito ang pagkagulat habang nakatitig sa mga mamahaling paper bag.“Ma’am, masyado pong mahal ito. Hindi ko po matatanggap,” alanganing sabi nito.Ngunit ngumiti lamang si Yumi, kalmado at walang bahid ng pag-aalinlang
“HELLO.”Malamig at mababa ang boses ni Adrian nang sagutin niya ang tawag.Sa kabilang linya, agad na sumambulat ang boses ni Clyde, puno ng inis at pagod. Ni hindi napansin ang boses ng lalaking sumagot “Yumi? Tama na ‘to. Ilang araw na. Hanggang kailan ka mag-iinarte ng ganyan? Hindi ka na ba t
UMISMID at napangisi si Helena sa narinig mula kay Bianca kanina. Sa loob lamang ng ilang araw sa Monteverde residence, tila nakalimutan na nito ang lugar nito. Para bang inaangkin na nito ang posisyon na hindi naman kailanman nito pagmamay-ari, kasama na doon ang adopted grandson niyang si Mico.P







