ANMELDENSA MISMONG tapat ng elevator, napatigil si Yumi nang makita ang babaeng paparating mula sa kabilang hallway. Si Bianca.Maayos ang bihis nito, suot ang mamahaling dress at may dalang branded na handbag na mukhang regalo pa ni Clyde. Sa isang kamay ay hawak nito ang mga dokumento ng proyekto, habang sa kabila naman ay may dalang kape. Kasama pa nito ang isang receptionist na tila gumagabay sa kanya papunta sa meeting room. Halatang naroon ito para sa iisang dahilan— sa investment.Ngunit sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, biglang nagbago ang ekspresyon ni Bianca. Ang kumpiyansa ay napalitan ng hindi maitagong galit at iritasyon.Sa loob lamang ng ilang araw, nagkagulo ang Monteverde Group. Nawalan ng direksyon ang kumpanya, nag-resign ang mga tauhan, at maging ang pamilya Monteverde ay nadamay sa gulo. At ang lahat ng iyon ay nagsimula nang umalis si Yumi. Matagal ding iniisip ni Bianca kung nasaan ito.Ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito. Sa isang high-leve
TAHIMIK na nakatayo si Adrian sa loob ng study, ang malamlam na ilaw mula sa chandelier ay tumatama sa kanyang matalim na mga mata. Ilang segundo siyang hindi nagsalita matapos marinig ang ulat ni Axel.“Estimated, around 150 million,” ulit ni Axel, maingat ang tono.Hindi agad sumagot si Adrian. Dahan-dahan niyang tinapik ang mesa gamit ang kanyang mga daliri, tila may malalim na iniisip. Pagkaraan ng ilang sandali, saka lamang siya nagsalita, kalmado ngunit mabigat ang bawat salita.“My investment subsidiary is also involved in this project,” aniya. “Double the amount. Increase the funding.”Bahagyang napataas ang kilay ni Axel, ngunit mabilis din itong tumango.“Yes, Sir.”“Don’t mention me,” dagdag pa ni Adrian. “Sabihin niyo lang that the proposal is strong and the project has potential. Kaya proactive ang investment.”Muling tumango si Axel. Ngunit sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang magtaka. Kilala niya ang kanyang boss bilang sobrang istrikto pagdating sa risk assessment.
TUMAWA nang malakas ang isa sa mga lalaki, tila ba walang bahid ng paniniwala sa sinabi ni Yumi. Umiling pa ito habang nakasandal sa upuan, hawak ang baso ng alak.“Kung totoo nga ‘yan,” may pangungutyang sabi nito, “kakain ako ng bubog.”Sumingit naman ang isa pa, may halong yabang sa boses.“Tama. Kung talagang may kontrol ka sa Zamora Group, bakit ka nandito? Bakit kailangan mo pa kaming kausapin para sa investment?” anito habang nakangisi. “Mas mabuti pang makipag-inuman ka na lang, Miss Zamora. Doon tayo magkakaintindihan.”Ang pangatlo naman ay tuluyang nawalan ng disiplina. Umabot ang kamay nito para akbayan si Yumi, ngunit mabilis siyang umiwas.“Pinapakisamahan ka na nga namin,” iritadong sabi nito. “Huwag mong abusuhin.”Tahimik lamang si Yumi habang pinagmamasdan ang mga ito. Walang galit sa kanyang mukha, ngunit ang mga mata niya ay unti-unting lumalamig.Mayamaya ay dahan-dahan niyang inilabas ang isang maliit ngunit eleganteng kahon mula sa kanyang bag. Mula roon ay kinu
NAPABUNTONG-HININGA na lang si Adrian habang hawak ang phone, pilit pinipigilan ang sarili sa sunod-sunod na tanong ng kanyang lola at lolo. Kahit sa kabilang linya lamang ang dalawa, ramdam niya ang pressure at excitement ng mga ito.“Fine,” sa wakas ay sabi niya, medyo sumuko na. “I’ll find time. I’ll bring her to meet you.”Hindi na niya hinintay ang magiging reaksyon ng mga ito at agad niyang pinatay ang tawag. Tahimik siyang napasandal sa upuan. Sa isip niya, hindi na bago ang ganitong eksena, ngunit sa pagkakataong ito, may kakaibang bigat.Matagal na rin mula nang huli niyang makita si Yumi. Naalala niya ang gabing nangako itong sasayaw kasama siya, ngunit matagal siyang naghintay at hindi ito dumating. Tinawagan niya ito noon, ngunit hindi sumagot. Dahil sa dami ng trabaho, nagpadala na lamang siya ng regalo at hindi na ito sinundan pa.Ngunit ngayon, nang buksan niya ang contact list sa phone niya, wala pa ring kahit anong bagong mensahe mula rito. Sandali siyang nag-alinlang
UMISMID at napangisi si Helena sa narinig mula kay Bianca kanina. Sa loob lamang ng ilang araw sa Monteverde residence, tila nakalimutan na nito ang lugar nito. Para bang inaangkin na nito ang posisyon na hindi naman kailanman nito pagmamay-ari, kasama na doon ang adopted grandson niyang si Mico.Pagkalabas ni Bianca at malakas na pagsara ng pinto, agad sanang susunod si Clyde, ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Helena.“Hayaan mo siya,” malamig nitong sabi. “Nasisiraan ka na ba ng bait? Hindi mo ba iniisip ang pamilya natin? Ang kumpanya? Ang pangalan natin?”Nanikip ang dibdib ni Clyde sa mga nangyayari. Para bang sasabog ang dibdib niya pero kanina pa niya pinipigilan. Ngunit ang mga salitang iyon ng kanyang mommy ang nagbalik sa kanya sa realidad. Kung hahabulin niya si Bianca ngayon, maaaring masira ang lahat ng matagal niyang pinaghirapan.Huminga nang malalim si Clyde, saka dahan-dahang humarap sa kanyang mommy, pilit kinokontrol ang sarili.“Mom,” kalmado niyang sabi, “I alre
TAHIMIK na pinakinggan ni Yumi ang mga sinabi ni Marco, ngunit sa loob-loob niya, alam niyang may punto ito. Tama si Marco sa isang bagay, hindi madaling pamahalaan ang Zamora Group.Sa pamilyang iyon, hindi sapat ang apelyido para makakuha ng kapangyarihan. Kahit si Marco mismo, dumaan sa matinding proseso. Nagsimula sa mababang posisyon, paulit-ulit na pinatunayan ang sarili, hanggang sa tuluyang makuha ang tiwala ng board.Kung gusto ni Yumi na kontrolin ang kumpanya, hindi lang sina Marco at Amara ang kailangan niyang patahimikin. Kailangan niyang kumbinsihin ang lahat, at hindi iyon magiging madali.“Fine,” kaswal na sabi ni Marco habang nakatingin sa kanya.Ngunit hindi agad sumagot si Yumi. Sa halip, bahagya siyang tumagilid at tumingin dito nang diretso.“Then how can you guarantee,” kalmado niyang tanong, “na kapag nakuha ko ang project na ‘to on my own, I’ll gain management rights?”Bahagyang ngumisi si Marco, tila natatawa sa kumpiyansa niya. Para sa kanya, masyadong mayaba







