로그인WALA nang oras si Yumi para umiwas. Bumuhos ang malamig na juice sa mukha niya, dumaloy pababa sa buhok at leeg, sa damit niyang maayos pa kanina. Saglit na nanlabo ang paningin niya sa biglaang lamig ng paligid.
Nagkagulo ang paligid. Mabilis na nagsidatingan ang mga kasambahay, may dalang tuwalya at tissue, nagmamadaling tinulungan si Yumi na magpunas. "Mico!" sigaw ni Clyde, galit na galit. Nagulat ang bata. Sa isang iglap, tumakbo ito paakyat ng hagdan, mabilis na parang takot na takot. Papasugod na sana si Clyde nang biglang tumayo si Bianca at hinarangan ito. "Clyde," mahinahon ngunit mariin ang tono nito, "bata lang siya. Hindi pwedeng dahas ang ituro natin. Ako na ang kakausap sa kanya." Matapos magsalita, sumulyap siya kay Yumi na tila may gustong sabihin, pero piniling manahimik. Si Clyde ay agad bumaling kay Yumi. "Ayos ka lang ba?" tanong niya, puno ng pag-aalala. "Tingnan ko—” Tapos na magpunas si Yumi, pero inabot pa rin ng kamay ni Clyde ang mukha niya. “No, marumi ako,," bigla niyang sambit, malamig ang tinig. "Don't touch me." Natigilan si Clyde. "What? Kailan ba ako nandiri, ha?" Napabuntong-hininga siya. "Kung alam ko lang na magiging ganyan si Mico, hindi na sana kita hinayaang ikaw ang mag-alaga mag-isa sa kanya." Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Yumi, isang mapait na ngiti. "Oo," sagot niya, may halong pangungutya. "Mas maayos nga siguro kung ang tunay niyang nanay ang nag-aalaga sa kanya. Kaso patay na siya, 'di ba? Kaya heto ako, isang adoptive mother na ni hindi marunong magpalaki ng bata." Nanigas ang mukha ni Clyde sa narinig. "Ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya. "Inampon natin si Mico. Ikaw lang ang ina niya." Pagkasabi noon, marahan nitong ginulo ang buhok ni Yumi, gaya ng nakasanayan. Hindi naka-iwas si Yumi. Nanikip ang dibdib niya sa pagkasuklam. Hindi na siya nagsalita pa, at diretso siyang umakyat sa kwarto at agad pumasok sa banyo para maligo. Pero ilang sandali lang, sumunod si Clyde. Hindi para magsorry, kundi para ipagpatuloy ang usapan. Alam ni Yumi iyon. Kahit tawagin pang "discussion," alam niyang wala naman talaga siyang karapatang tumanggi. Si Bianca ang tunay nitong asawa, at siya ay substitute lang. "Kritikal ang stage ng IPO," paliwanag ni Clyde habang nakatayo sa may pinto. "Hindi pwedeng mapabayaan si Mico. Kailangan ka rin ng kumpanya." Huminga nang malalim si Clyde. "Si Bianca ay child development specialist na ngayon. Kita mo naman, mas nakikinig sa kanya si Mico." "Sige," putol ni Yumi, walang emosyon. "Kung gano'n, settled na." Ayaw na niyang makinig pa dahil bawat salita nito ay parang lason na unti-unting pumapatay sa kanya. Bahagyang ngumiti si Clyde. "I know, ikaw lang ang taong nakakaintindi sakin." Lumapit pa ito at niyakap ang baywang ni Yumi. Pero biglang humarap si Yumi at inilabas ang cellphone niya mula sa bulsa ng suot niyang jeans. Isang litrato ang lumitaw sa screen, isang modernong bahay sa tabi ng ilog, nasa BGC Financial District. "Clyde," mahinahon niyang tanong, "anong tingin mo sa bahay na 'to?" "Maganda," sagot nito, naguguluhan. "Prime location." "Birthday ko next month," sabi ni Yumi, pilit pinatatamis ang boses. "Gusto ko 'yan. Pwede mo bang ibigay sa'kin bilang regalo?" Dalawang taon. Dalawang taon niyang isinuko ang career niya para sa kumpanya nito. Tinanggihan ang scholarships, binitawan ang job offers. Siya ang bumuhay sa negosyo habang siya, wala nang natira. Hindi niya hahayaang wala lang ang lahat. "Bakit biglang bahay ang gusto mo?" tanong ni Clyde. "Hindi ba okay na itong tinitirhan natin?" "Okay ito," sagot ni Yumi. "Pero hindi pang-investment. Iba 'yan. Malapit sa negosyo. Magagamit sa events ng kumpanya mo. Makakatulong sa image mo." Mabilis na nawala ang pagdududa sa mata ni Clyde. Gaya ng dati, iniisip pa rin daw nito ang kapakanan niya. Magaan ang tinig ni Yumi nang idagdag, "Birthday gift lang naman. Hindi mo naman ako pagdadamutan, 'di ba?" Nag-isip sandali si Clyde. "Magkano?" "Seventy million lang," sagot niya, may ngiti. Nanigas ang mukha ng lalaki. Masyadong mahal, pero hindi siya pwedeng umatras ngayon. "Okay. Your wish is my command," saad niya sa huli. "Bibilhin ko." Sa harap mismo ni Yumi, tumawag siya sa finance. Kinagabihan, pumasok ang ₱70,000,000 sa personal account ni Yumi. May note pa kung saan nakasaad, "For Yumi. Happy birthday." Mula ₱150,000, naging ₱70,150,000 ang laman ng card niya kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti sa sarili. --- KINABUKSAN ng umaga, pagbaba ni Yumi, nakita niya si Clyde na naka-apron, masayang nagluluto kasama si Bianca. Samantalang si Mico naman ay nakabuntot sa babae na animo'y sobrang bait. Perfect family... Hanggang sa makita nila siya na nakatayo doon. Naghiwalay agad sina Clyde at Bianca. "Gising ka na?" masiglang bati ni Clyde. "Nagluto ako ng breakfast." Sinulyapan ni Mia ang mga pagkain. Western food at obvious na hindi para sa kanya. Ngumiti si Yumi. "Mga paborito mo ba 'to, Bianca?" "Oo," sagot nito nang natural. "Sobrang maalaga ni Clyde. Swerte mo." "Sobrang maalaga nga," sagot ni Yumi. "Sa lahat ng babae." Natigilan si Bianca. Pero si Mico, biglang tinapunan ng toyo ang pritong itlog ni Yumi, pati kamay niya nadumihan. "Mico!" sigaw ni Clyde. "Mico, what are you doing?” mahinahong sabi ni Bianca sabay abot ng tissue kay Yumi. "Mag-sorry ka." "Sorry," sabi ng bata, taas-noo na para bang napipilitan lang. At hindi pa man nakakahuma si Yumi sa nangyari, muling nagsalita si Bianca na para bang siya ang nanay ng bata. “Alright. Go back to your room after you finish eating,” utos pa ni Bianca. Kaagad namang tumayo si Mico at akma na sanang aalis pero biglang nagsalita si Yumi. "Sandali.” Hinila niya ang bata patungo sa dingding. "Tumayo ka diyan.” “Let go of me!” bulalas ng bata. Pero si Yumi ay pinalo ang bata sa puwitan ng tatlong beses na dahilan para umiyak ito ng malakas. Si Bianca na nakikita ang ginagawa ni Mia ay tila ba parang namutla. “Y—Yumi...nag-sorry na si Mico sa'yo. Parang hindi naman yata maganda na paluin mo pa siya,” anito na nanginginig ang boses. "Bianca," malamig na sabi ni Yumi habang nagpapatuloy, "anak ko siya. Bakit parang gusto mong pati pagdidisiplina ay ikaw ang gagawa?” Awtomatikong nawalan ng kulay ang mukha ni Bianca. Nakapulupot ang mga daliri niya sa palad, halatang pinipigilan ang sarili. Nanuyo ang lalamunan niya bago siya muling nakapagsalita. “A-Ang sa akin lang, bata pa kasi si Mico. At hindi naman gano’n kabigat ‘yung nagawa niya…” “Kapag hindi itinatama ang maliliit na mali,” malamig niyang sagot, “lumalaki ‘yan habang tumatanda. Hindi ako tulad mo, Bianca. Expert ka nga sa child psychology pero ako ang nanay niya. Kung puro salita lang, hindi siya matututo.” Tahimik ang buong dining area ng mga oras na iyon. Pati mga kasambahay, hindi makagalaw. Walang maisagot si Bianca. Sa sitwasyong iyon, wala siyang karapatang makialam. Hindi siya ang ina sa papel. Si Clyde naman ay halatang nabigla. Kilala niya si Yumi, prangkang magsalita, oo, pero hindi kailanman nananakit. Ngayon lang niya ito nakitang ganito katigas. Lumapit siya, pinigilan ang kamay ni Yumi. “Okay na,” sabi niya. “Tama na. Sobra na.” Ilang palo na rin ang naibigay ni Yumi. Unti-unti nang humuhupa ang bigat sa dibdib niya. Bahagya na ring namumula ang kamay niya dahil sa pagpalong ginagawa. Mabilis na tumakbo si Mico papunta kay Bianca at kumapit dito nang mahigpit. Humahagulgol na ito ngayon at nawala na ang kaninang tapang at galit. Huminga naman nang malalim si Bianca at marahang hinaplos ang likod ng bata, tahimik na inaalo. Tumingin si Yumi sa dalawa saka dahan-dahang nagsalita. “Mico,” aniya, kalmado pero may diin, “tandaan mo ‘to. Ako pa rin ang nanay mo sa bahay na ‘to. Kailangan mo akong respetuhin. Kapag hindi mo natutunan ‘yan, hindi ako magdadalawang-isip na paluin ka ulit.” Napatigil pati ang iyak ng bata. Natulala naman si Clyde. Pagkasabi niyon ni Yumi, tumalikod siya at diretsong lumabas ng dining area, hindi na lumingon pa. Agad sanang susunod si Clyde, pero hinawakan ni Bianca ang kamay niya. “Clyde…” mahina nitong tawag. Pagharap niya, nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ng babae, puno ng hinanakit at sama ng loob. Hindi na nito napigilan pa. Sa unang pagkakataon ngayong umaga, natanggal ang maamong maskara nito. Alam ni Bianca kung gaano siya kamahal ni Clyde sa loob ng maraming taon. Sigurado siya roon. Kaya nasanay siyang kumilos na kalmado at mapagparaya. Pero ngayon, nasobrahan na. Para sa kanya, masyadong lumalakas ang loob ni Yumi. Parang nakakalimot na ito kung sino lang ba talaga ang “totoo” at kung sino ang pansamantala lang...CHAPTER 7: ASSESSING THE TARGET(Julian’s POV)—Nakatayo ako sa madilim na sulok ng executive hallway sa 50th floor ng Villareal-Zamora Tower. Mula sa kinaroroonan ko, kitang-kita ko ang loob ng napakalaking glass conference room sa pamamagitan ng one-way tint. Nakalagay ang dalawa kong kamay sa aking likuran habang nakatitig ako sa babaeng nasa gitna ng mahabang lamesa.Si Yvaine Zamora-Villareal. Ito ang unang buong araw ng aking pagbabantay sa kanya bilang Head of Tactical Security. Bago ako pumasok sa kumpanyang ito, marami na akong binuong haka-haka sa aking isip tungkol sa kanya. Inasahan ko na ang isang tulad niya na isang pinalaki sa karangyaan, protektado ng pamilya, at ibinigay ang lahat ng kagustuhan ay walang ibang alam kundi ang maging maarte, spoiled, at pabigat sa negosyo. Akala ko ay isa lang siyang magandang palamuti sa board room na umaasa sa pangalan ng kanyang ama.Subalit habang pinapanood ko siya ngayon, dahan-dahang nagbabago ang aking mga kalkulasyon."The Q3
CHAPTER 6: MEETING THE CAGE(Yvaine’s POV)—Ilang oras ang mabilis na lumipas matapos ang usapan namin ni Dad, ay dumiretso na rin ako kaagad sa opisina. Nakasandal ang dalawa kong kamay sa gilid ng aking mahogany desk habang nakatingin ako sa malaking glass window. Nakasuot na ako ng aking pormal na navy blue pantsuit at black stilettos. Maayos ang aking makeup para maitago ang anumang bakas ng puyat mula sa ambush kagabi.Pero sa kabila ng maayos kong porma, naroroon pa rin ang matinding inis at kaba sa aking dibdib. Si Julian Vance. Iyon ang pangalang paulit-ulit na binabanggit ni Daddy at ni Athan ngayong umaga. Ang taong ipinadala para maging panibago kong hawla. Ang taong hahawak ng bawat oras at bawat galaw ng buhay ko simula ngayong araw.Ilang sandali pa'y bumukas ang malaking double doors ng aking opisina."President Yvaine, he is here," pormal na anunsyo ng aking sekretarya.Huminga ako nang napakalalim at dahan-dahang humarap patungo sa pintuan. Inangat ko ang aking baba
CHAPTER 5: THE CHAIRMAN'S ORDER(Yvaine’s POV)—Nakatayo ako sa gitna ng kwarto habang nakayuko. Nakapalit na ako ng isang simpleng white silk blouse at black trousers, pero ang nanginginig kong mga kamay at ang maliit na pasa sa aking pulso ay paalala pa rin sa naganap na ambush kagabi sa Tagaytay.Sa harap ko, nakaupo sa kanyang malaking leather armchair si Daddy Adrian.Naka-white dress shirt si Daddy na nakatupi ang sleeves hanggang siko. Ang kanyang pormal na ayos ay bahagyang magulo, at ang mga mata niyang may taglay na matinding kapangyarihan ay pinalilibutan ng matinding pagod, galit, at takot. Sa kanyang tabi ay nakatayo si Mommy Yumi, nakahawak ang kamay nito sa balikat ni Daddy habang may matamis pero nag-aalalang tingin sa akin.Si Athan naman ay nakasandig sa gilid ng mahabang bookshelves, hawak ang kanyang encrypted tablet habang patuloy na nagbabasa ng mga ulat mula sa NBI at sa aming private intelligence team."Eighteen bullet holes, Yvaine," basag ni Daddy sa katahim
CHAPTER 4: THE AMBUSH(Yvaine’s POV)—Kagagaling ko lang sa isang tatlong oras na high-level corporate gala at charity auction sa isang eksklusibong golf club estate. Bilang President ng Villareal-Zamora Group, kailangan kong maging perpekto sa harap ng mga investors at media. Nakangiti, nakikipag-hands shake, at nagpapakita ng walang katulad na autoridad habang nakasuot ng isang fitted champagne-gold gown.Nang sa wakas ay makapasok ako sa likod ng aking armored SUV, mabilis kong inalis ang aking high heels at isinandal ang aking ulo sa leather headrest."Dideretso na po ba tayo sa Forbes Park, President Yvaine?" tanong ng aking senior security driver habang dahan-dahang pinalalabas ang sasakyan sa gate ng estate."Yes, please," mahina kong sagot habang pikit ang mga mata. "Gusto ko nang magpahinga."Nakahilera ang aming convoy. Sa unahan ay ang lead security van, sa gitna ang aking bulletproof SUV, at sa hulihan ay ang backup security vehicle. Apat na nakabaril na bodyguards ang ka
CHAPTER 3: THE MISSION AND THE VENGEANCE(Julian’s POV)—Huminto ang kulay itim kong SUV sa tapat ng naglalakihang iron gates ng Villareal-Zamora Headquarters sa Bonifacio Global City. Nakatingin ako sa limampung palapag na gusali habang nakasandal ang aking mga kamay sa manibela. Ang matayog na tower na 'to ay isa sa mga simbolo ng pinakamayamang kumpanya sa buong bansa. Para sa public eye , ito ang tahanan ng tagumpay, karangyaan, at kapangyarihan nina Mayumi Zamora at Adrian Villareal. Pero para sa akin? Ito ang monumento ng kasinungalingan at pagtataksil na sumira sa pamilya ko noong araw.Inayos ko ang kulay itim kong suit, ang silk tie sa aking leeg, at dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan. Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako papasok sa malawak na marble lobby ng tower. Bawat hakbang ng aking leather shoes ay may kasamang bigat at pait na itinago ko sa loob ng dalawampung taon."Good morning, Sir. Do you have an appointment?" pormal na tanong ng receptionis
CHAPTER 2: MIDNIGHT ROYALTY(Yvaine’s POV)Gabi na nang matapos ang dinner meeting ko kasama ang marketing team sa isang eksklusibong fine dining restaurant sa BGC. Sumakay ako sa likod ng aking armored SUV habang kasunod ang dalawang backup vehicles ng security detail ko."Ma'am Yvaine, dideretso na po ba tayo sa Forbes Park estate?" tanong ng aking head security driver habang nakatitig sa rearview mirror."No. Drop me off at my Makati condo," pormal kong utos habang nakatitig sa aking phone. "I have paperwork to finish tonight. At ayaw kong magpaabala.""Copy, Ma'am."Pagdating sa aking high-rise residential building sa Rockwell, Makati, naglakad ako pumasok sa VIP elevator habang nakabuntot ang dalawa kong guards hanggang sa pinto ng aking penthouse unit."You can stay in the hallway or the lobby," pormal kong sabi bago ko pinalukso ang aking fingerprint scanner. "I don't want anyone inside my apartment tonight.""Yes, President Yvaine. Tumawag lang po kayo kapag may kailangan kayo
TUMIGIL sandali ang Bentley sa gilid ng kalsada. Bahagyang lumingon si Victor Zamora kay Yumi bago niya muling binuksan ang pinto ng sasakyan.“Come,” mahinahon niyang sabi. “Pag-usapan natin sa loob ng kotse.”Sandaling nag-alinlangan si Yumi. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari sa loo
“THE ZAMORA family?” mahinang ulit ni Yumi habang nakaupo sa likod ng sasakyan.“Indeed,” sagot ni Mang Lito sa mahinahong tinig. “Ang pamilya Zamora. At mula ngayon, iyon na rin ang tahanan mo.”Ilang segundo siyang nanahimik. Si Don Rafael Zamora ang kanyang tunay na ama. Ang bilyon-bilyong ari-a
TAHIMIK na umandar ang sasakyan palabas ng driveway. Habang papalayo, hindi napigilan ni Clyde ang sarili na sundan si Yumi palabas ng bahay. Sanay na silang sabay pumapasok sa opisina tuwing umaga. “Yumi...” tawag ni Clyde, bahagyang nagmamadali. “Sabihin mo na lang sa assistant mo na ihatid ka
ISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakir







