Share

The Fake Wife's Perfect Revenge
The Fake Wife's Perfect Revenge
Author: GennWrites

CHAPTER 1

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-03-08 11:26:50

ISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Kaya kinabukasan, nagtungo siya sa Local Civil Registry ng Maynila para mag-request ng replacement. Pagpasok niya, tahimik ang opisina. Sa likod ng salamin, tiningnan ng clerk ang dala niyang certificate, saka nagtaas ng kilay.

“Ma’am,” maingat na sabi nito habang nagta-type sa computer, “wala po kaming marriage record under your name.”

Napakunot ang noo ni Yumi. “N-No. Two years na akong kasal, Miss.” Iniabot niya ang napunit na certificate at pilit ipinakita sa kaharap na babae.

Paulit-ulit naman na nag-check ang clerk. Sa huli, iniikot nito ang monitor papunta sa kanya upang ipakita ang nasabing record.

“Wala po talaga, Ma'am. I'm sorry po. At…” tumigil sandali ang clerk, “hindi rin po standard ang seal. Medyo tabingi. Possible pong peke ang marriage certificate ninyo.”

Parang biglang pinagbagsakan ng langit at lupa si Yumi dahil sa narinig. Hindi na siya nakapagsalita pa at dali-dali siyang lumabas ng Civil Registry na parang walang direksiyon, wala sa sarili. Mainit ang araw, maingay ang kalsada, pero lahat ay tila nakabibingi para kay Yumi.

Mayamaya pa'y nang akma na siyang tatawid sa pedestrian lane, biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya itong dinukot mula sa bulsa ng suot niyang blazer. Subalit nang tingnan niya kung sino ang nasa caller ID ay napakunot ang noon niya.

“Hello? Sino 'to?” sagot niya sa tawag.

“Ms. Mayumi Zamora? Good afternoon. Ako po si Attorney Reyes, personal lawyer ng inyong ama. Maaari po ba kayong magpunta sa Ortigas Law Center para pirmahan ang inheritance agreement?”

Scammer. Uso ito sa panahon ngayon.

Iyon ang unang pumasok sa isip ni Yumi. Kaya nag-decide siyang patayin na sana ang tawag, nang biglang nagsalita muli ang nagpakilalang lalaki.

“Ang pangalan po ng inyong ina ay Marissa Alonzo. Dalawampung taon na ang nakalipas, iniwan po kayo sa gate ng San Jose Children’s Home. Na-verify na po namin, kayo po ang nag-iisang biological child ni Mr. Rafael Zamora, isa sa pinakamayamang businessman sa Metro Manila.”

Nanlamig ang buong katawan ni Yumi sa narinig. Tama ang lahat ng sinabi ng lalaki tungkol sa kanya. Posible nga kayang totoo ang sinasabi nito? Subalit hindi na siya nagtanong pa. Kaagad siyang dumiretso siya sa appointment sa Ortigas at hindi na nag-aksaya pa ng oras.

May kalahating oras din bago niya narating ang law office. Pagpasok niya sa loob ng opisina, parang may humahampas na alon sa utak niya habang ipinapaliwanag ng abogado ang lahat—ang yaman, ang mga kompanya, ang mga ari-arian. Ang ama niyang hindi niya kailanman nakilala ay pumanaw isang buwan na ang nakalipas. At siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga naiwan nitong mga ari-arian.

“Ms. Zamora,” tanong ng abogado matapos ang mahabang paliwanag, “ano po ang marital at reproductive status ninyo?”

Sumagi sa isip ni Yumi ang mukha ng kanyang asawa. Tahimik siyang napatingin sa bag niya, naroon ang pinagtagpi-tagping na pekeng marriage certificate.

“Bigyan niyo po ako ng dalawang oras,” mahinahon niyang sabi. “May kailangan lang akong kumpirmahin.”

Paglabas niya ng opisina, dumiretso siya sa Monteverde Group Headquarters. Bahagyang nakabukas ang pinto ng opisina ni Clyde Monteverde, ang kanyang asawa. Iaangat pa lang sana ni Yumi ang kamay niya upang itulak ang pinto nang may marinig siyang boses ng babae na parang pamilyar sa kanya.

“Clyde,” malambing na sabi nito, “five years na tayong kasal. Hanggang kailan mo ba ako itatago?”

Nanigas si Yumi sa kinatatayuan. Kilala niya ang boses na iyon. Si Bianca Lee, ang university adviser nila noon. Anim na taon ang tanda nito kay Clyde. Maganda, elegante, at hinahangaan ng buong campus noon. At ano raw? Limang taon nang kasal? How come? Samantalang two years na silang kasal ni Clyde.

Pinigil ni Yumi ang hininga niya, na at pilit na hinintay ang sagot ng kanyang asawa. Nagkakabasakali na baka nagkamali lang siya ng narinig.

Ilang sandali pa'y sumunod ang boses ni Clyde na malumanay, kontrolado, eksaktong tono na minahal niya sa loob ng maraming taon.

“Malapit na ang IPO ng company. Kailangan ko pa ang suporta niya sa maraming bagay. At may iniwang habilin si Lolo na hindi ka pwedeng pumasok sa pamilya. Ayokong mahirapan ka, at di ko kakayaning masaktan ka.”

Halos lumobo ang ulo ni Yumi sa narinig. Tinakpan niya ang bibig niya para hindi mapahikbi. Dahan-dahan niyang inayos sa loob ng bag ang napunit na certificate na para bang isa itong mamahaling bato. Siya pala ang tanga. Simula pa lang ay niloloko na siya ni Clyde, ng lalaking itinuturing niyang mundo...

---

KAAGAD na umalis si Yumi sa lugar na iyon at tinawagan ang abogado ng kanyang ama.

“Attorney Reyes,” malamig at klaro ang boses niya, “pwede ko na pong pirmahan ang inheritance agreement,” aniya saka huminga nang malalim. “At para malinaw, unmarried po ako. Wala po akong anak. Sa akin po mapupunta ang buong ari-arian.”

Matapos ang lahat, pauwi na sana siya nang mabangga ang sasakyan niya. Minor lang ang tama, pero nagkaroon siya ng maliit na sugat sa noo. Matapos magpa-first aid sa ER, naalala niyang pumunta sa sa OB-Gyne para magpa-test. At nang matanggap niya ang resulta, tuluyang lumubog ang puso niya.

“So… normal po ang uterus ko?” tanong niya sa doktor.

“Oo. Healthy ka, Ms. Zamora.”

“Pwede po akong magbuntis?”

“Of course.”

“At… hindi po makakaapekto sa normal sex life?”

Kahit ang babaeng doktor ay bahagyang namula. “Ms. Zamora, valid pa ba ‘yang tanong?”

Naalala kasi ni Yumi ang sinabi ni Clyde noon, na ang medical report na ipinakita sa kanya. Ang kasinungalingang hindi raw siya pwedeng magkaanak. Sa madaling salita ay baog daw siya.

“I’ll still marry you,” sabi nito noon. “Ikaw lang ang pinili ko.”

Dahil doon, tiniis niya ang pang-aalipusta ng pamilya Monteverde. Ang panlalait ng biyenan. Ang mga gabing hindi siya makatulog. Lahat pala ay kasinungalingan...

---

SAMANTALA, nang malaman ni Clyde ang aksidente, agad siyang pumunta sa ospital. Nakasuot pa ito ng puting polo, mukhang nag-aalala, ang lalaking minahal niya sa loob ng anim na taon.

“Let’s go,” mabilis na sabi ni Yumi at nilampasan ito. Ang yakap na minsang naging tahanan niya, ngayon ay sukang-suka na siya.

Sa sasakyan, patuloy pa rin ang pag-aalala ni Clyde. Hindi siya sinagot ni Yumi. Napatingin lang siya sa diamond ring sa daliri niya.

Pagdating sa Monteverde Mansion sa Alabang, narinig niya ang tawanan sa itaas. Isang batang lalaki, at isang babaeng boses. Si Mico, ang batang inampon nila. Limang taong gulang at hawak ang kamay nito si Bianca.

Tahimik na dumulog si Yumi sa dining table at hindi na kumibo pa.

“Yumi,” maingat na panimula ni Clyde maya-maya, “si Ms. Bianca ay kasalukuyang nagsusulat ng parenting book at naghahanap ng tahimik na environment. Medyo busy rin ang kumpanya lately, at alam kong busy ka rin, kaya naisip ko lang…”

Nakita ni Clyde ang tamang pagkakataon. Marahan niyang ibinaba ang kutsara at tumingin kay Yumi. “Gusto kong dito muna tumuloy si Bianca. Tutulungan ka niya kay Mico. Mukhang mas komportable rin naman si Marco sa kanya.”

Limang taon ng pagtatago, at ngayon, mukhang gusto na ng babaeng ito ang pumasok ng lantaran sa buhay nila.

Hindi tumingin si Yumi, parang hindi niya narinig ang sinabi ng asawa. Tahimik lang siyang kumain, mabagal at kontrolado ang bawat galaw.

Biglang nanigas ang atmosphere. Medyo nailang si Clyde. Bahagya siyang yumuko at marahang nagpaalala, “Yumi, kinakausap kita.”

Sa isang mahinang clatter, ibinaba ni Yumi ang kubyertos. Pero hindi pa man siya nakakapagsalita, mabilis nang sumingit si Bianca.

“I'm really sorry,” agad nitong sabi, may halong pag-aalala ang boses. “Kasalanan ko kung nagiging awkward. Yumi, sinabi lang naman iyon ni Clyde dahil nag-aalala siya, busy ka sa work, sa bahay, at sa pag-aalaga kay Mico. Gusto lang niyang may tumulong sa’yo…”

“No! I want Tita Bianca to stay!” Agad na tumutol si Mico, na katabi ni Bianca. At hindi pa man tapos magsalita si Bianca, nagsimula na itong maghampas ng kutsara sa mesa, paulit-ulit at walang pagpipigil.

“Mico, no! That's bad, baby…” mabilis na saway ni Bianca.

“Mico, wala kang modo,” sabay na sita ni Yumi, awtomatikong lumabas ang disiplina sa boses niya.

Naghalo ang dalawang boses sa gitna ng tensyon. Dahan-dahang tumigil si Mico. Pero imbes na humupa, mas tumalim ang tingin nito kay Yumi. At kasunod niyon ay bigla nitong dinampot ang baso ng juice at buong lakas na itinapon ang laman na diretsong tumama kay Yumi...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 177

    TAHIMIK na natigilan si Yumi sa mismong bungad ng silid. Madilim, walang ilaw, at masyadong tahimik.Tanging ang malamlam na liwanag mula sa mga gusali sa labas ang pumapasok sa malalawak na glass windows ng villa, sapat lamang upang bahagyang luminaw ang anyo ng mga kasangkapan sa loob.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahang ganoon ang sasalubong sa kanya, na para bang walang tao sa loob ng kuwarto."Adrian?” pagtawag niya sa lalaki.Dahan-dahan siyang naglakad papasok. Ngunit nang makarating siya sa bandang living area ng master suite, doon niya nakita ang lalaking hinahanap.Nakahiga si Adrian sa mahabang sofa sa tabi ng bintana. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito at may manipis na kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan habang natutulog.Sa isang iglap, parang may mabigat na bagay na naalis sa dibdib ni Yumi."Adrian..."Agad niyang ibinaba ang handbag sa gilid at mabilis na lumapit. Lumuhod siya sa tabi ng sofa at marahan niyang hinaplos ang noo ng lalaki.

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 176

    SAMANTALA, mas maaga nang dumating si Yumi sa pribadong silid ng isang upscale restaurant sa BGC na nireserba ni Uncle Victor.Bago siya umalis ng bahay, sinabi niya kay Adrian na magdi-dinner siya kasama ang kanyang tiyuhin at si Gabriel. Bagama't walang sinabi ang lalaki, malinaw niyang nakita ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata nito.Kung hindi lamang dahil hindi pa ganap na nakakapagpahinga si Adrian mula sa kamakailang pagkakasakit, gusto sana niya itong isama pero pinili niyang huwag na. Kailangan lang niyang tapusin ang dinner at makauwi agad.Habang nasa biyahe, ilang beses siyang nagpadala ng message kay Adrian. Ipinapaalam niya rito kung nasaan siya at kung anong oras siya nakarating. Ngunit wala pa ring reply.Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. Pagkatapos ng ilang sandali, habang pansamantalang lumabas sina Uncle Victor at Gabriel upang sagutin ang isang tawag, agad niyang dinial ang numero ni Adrian.Ilang ring din ang lumipas bago ito sumagot."Hello?"Agad na lumam

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 175

    KINABUKASAN ng umaga, matapos umalis si Yumi upang bisitahin sina Uncle Victor at Gabriel, isang mensahe mula sa hindi kilalang numero ang natanggap ni Adrian.Abala siya buong umaga kaya hindi niya agad iyon nabuksan. Nang magka-oras siya bandang tanghali at silipin ang cellphone, saka lamang niya nakita kung sino ang nagpadala.Si Mikaela. Matagal na niyang hindi nakikita ang pangalang iyon sa screen. Marahan niyang binuksan ang mensahe."How are you? I heard you weren't feeling well recently. Aalis ako ng bansa bukas. Can we meet tonight?"Tahimik na napatitig si Adrian sa mensahe. Hindi siya agad sumagot.Makalipas ang ilang minuto, isa pang notification ang lumitaw. Mula pa rin kay Mikaela."You once said you would never forget the help my family gave you. I just want a proper goodbye. Otherwise, there are things I could tell Yumi myself. But I don't want to do that."Bahagyang tumalim ang tingin ni Adrian, saka tahimik niyang ibinaba ang cellphone. At kasabay niyon ay unti-untin

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 174

    TAHIMIK na nakatingin si Adrian sa asawa matapos marinig ang pag-amin nito. Bahagyang gumaan ang ekspresyon ng lalaki, ngunit kasabay no’n ay may lumitaw ding guilt sa mga mata nito.“I’m sorry,” mahina nitong saad.Agad namang napakunot-noo si Yumi.Mukhang may gusto pang sabihin si Adrian, ngunit bago pa ito makapagsalita ay marahan nang inilapat ni Yumi ang daliri sa labi nito upang pigilan siya.“Axel already explained everything to me,” mahinahon nitong saad. “Nando’n ka para sa trabaho. At hindi mo kontrolado kung may biglang lalapit o gagawa ng issue.” Bahagya siyang huminto bago marahang ngumiti. “Nobody can be perfect all the time, Adrian.”Tahimik lamang na nakatingin sa kaniya ang lalaki.“Stop apologizing,” dugtong ni Yumi habang diretso itong nakatitig sa mga mata nito. “Hindi ba sapat na naiintindihan kita?”Bahagyang napaangat ang kilay ni Adrian bago tuluyang natawa nang mahina.“The most understanding woman in the world…” mababa nitong saad habang marahang hinahaplos

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 173

    BAHAGYANG nanginig ang balikat ni Yumi habang mahigpit pa rin ang yakap kay Adrian. Mainit ang paghinga niya laban sa balikat ng lalaki at ramdam na ramdam ni Adrian ang takot sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.“I was really terrified…” mahina nitong bulong. “Noong nakita kitang walang malay sa hospital… pakiramdam ko mawawala ka na talaga.”Tahimik lamang na natigilan si Adrian. Unti-unting bumigat ang ekspresyon nito habang nakatingin sa babaeng nasa mga bisig niya. Sa unang pagkakataon matapos ang aksidente, malinaw niyang naramdaman kung gaano katindi ang takot na pinagdaanan ni Yumi.Dahan-dahan nitong iniangat ang kamay upang punasan sana ang luha nito, ngunit nanatiling nakayakap si Yumi at ayaw bumitaw.“When you were unconscious…” nanginginig pa rin ang boses nitong saad, “gusto ko lang manatili sa tabi mo. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag iniwan mo ako.”Tahimik na napapikit si Adrian. Kahit noong mga panahong mahal na mahal ni Yumi si Clyde, bihira niya itong

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 172

    MARIING napapikit si Yumi habang mahigpit ang hawak sa cellphone.“Hindi ka talaga marunong makinig,” mababa nitong saad habang pinipigilan ang inis at pag-aalala sa boses. “Nandiyan sina Lola Chandria, Mang Lito, at private nurses para bantayan ka. Hindi mo kailangang gumala.”Mahina namang natawa si Adrian mula sa kabilang linya.“They’re too noisy,” kalmado nitong sagot. “At gusto kitang makasama nang tahimik.”Bahagyang natigilan si Yumi matapos marinig iyon.“You really are…” mahina nitong bulong habang napapailing.Kanina lamang ay galit at sermon ang gusto niyang ibigay sa lalaki. Ngunit matapos marinig ang simpleng dahilan nito, unti-unting nawala ang inis niya.Ano pa bang magagawa niya kung ganoon ang sinabi ni Adrian?Tahimik siyang napabuntong-hininga bago muling nagsalita.“Anong sabi ng doctor?” diretsahan nitong tanong. “Nagpalit ba ulit ng dressing today? Uminom ka ba ng gamot?”“Yes,” maikling sagot ni Adrian. “Axel handled everything.”Bahagyang gumaan ang pakiramdam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status