LOGINTAHIMIK na umandar ang sasakyan palabas ng driveway.
Habang papalayo, hindi napigilan ni Clyde ang sarili na sundan si Yumi palabas ng bahay. Sanay na silang sabay pumapasok sa opisina tuwing umaga. “Yumi...” tawag ni Clyde, bahagyang nagmamadali. “Sabihin mo na lang sa assistant mo na ihatid ka. May malaking board meeting tayo ngayon.” Hindi man lang siya nilingon ng babae habang binubuksan ang pinto ng kotse. “May appointment ako sa isang real estate agent. Titingin ako ng condo.” Napakunot ang noo ni Clyde. “Pero importante ang meeting ngayon—” Hindi pa siya tapos magsalita ay kalmado na siyang pinutol ni Yumi. “Mabilis maubos ang units doon. Kapag hindi ako pumunta ngayon, baka wala na bukas.” Huminto siya sandali bago lumingon. “Hindi ba ikaw ang palaging nagsasabi na endless ang trabaho? Na dapat matuto akong i-prioritize ang sarili ko?” At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Clyde ng kakaibang lamig pero agad din siyang ngumiti. “Okay. Hindi na lang ako papasok sa office ngayon. Sasamahan na lang kita tumingin.” “No need.” Mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Yumi. Lumapit siya at bahagyang tinapik ang dibdib ng lalaki gamit ang daliri. “Gusto kong ako muna ang pumili. Pag napili ko na, saka kita dadalhin doon.” Alam niya ang tunay na dahilan. Hindi siya gustong samahan ni Clyde. Gusto lang siyang bantayan nito. Sa plano ni Clyde, kapag nabili ang property at naka-register sa kanilang dalawa bilang mag-asawa, sa huli mapupunta rin iyon sa lalaki at kay Bianca. Napangiti si Clyde at hinawakan ang pulso niya. “Surprise ba ‘to para sa’kin?” “Yes.” Bahagyang nanigas ang labi ni Yumi, at agad din niyang hinila pabalik ang kamay matapos sabihin iyon. “Okay,” sabi ni Clyde sa mababang tinig, saka inakbayan ang balikat niya. “Ikaw ang masusunod.” Hindi na nakaiwas si Yumi kaya hinayaan na lang niya ito. Pinilit niyang tiisin ang pagkasuklam habang hawak siya ng lalaki. Nang tuluyan nang makaalis ang kotse ni Yumi, biglang naglaho ang ngiti sa mukha ni Clyde. May mali. Pakiramdam niya, parang nagbago si Yumi. O baka naman natural lang sa babae ang pagiging sensitive? Baka naman nagseselos lang ito sa kanya at kay Bianca. Hinila niya pababa ang kurbata habang napabuntong-hininga. Hindi niya dapat iniisip si Yumi. Dahil gaano man ito kabuti, gaano man ito ka-faithful sa kanya, iisa lang ang babaeng pakakasalan niya. Si Bianca lang... --- SAMANTALA, mahigit isang oras ang lumipas. Nakatayo si Yumi sa harap ng napakalaking floor-to-ceiling window ng isang luxury condo showroom sa Bonifacio Global City. Mula roon, tanaw ang buong financial district. Ang unit na pinili niya ay isang high-end single-floor penthouse na modern minimalist ang design, kumpleto sa smart home system, at may mahigit 280 square meters na floor area. Hindi man ito ang pinakamalaki sa building, pero ito ang may pinakamagandang view. Sa isip niya, malinaw na malinaw kung gaano kaganda ang tanawin dito kapag gabi at nagliliwanag na ang buong siyudad. “This one is fine.” Kalmado niyang sinabi sa sales manager. “Process the papers. I-register under my name only.” Napangiti nang malaki ang manager. Sa simula kasi ay akala nito ay casual viewing lang ang ginagawa ni Yumi. Pero mukhang serious buyer pala ito. Agad siyang dinala sa VIP lounge sa lobby, pinaghanda ng juice at pastries, at personal na kinuha ang kontrata. Pagbalik nito, kailangan na lang ni Yumi pumirma at magbayad. Saka na aasikasuhin ng staff ang lahat ng dokumento. Makakalipat siya agad. At ibig sabihin noon, pwede na siyang umalis sa bahay na matagal na niyang kinamumuhian. Habang naghihintay siya ng kontrata, isang matinis na boses ang biglang sumingit sa katahimikan. “So ikaw pala ‘yung babaeng gustong agawin ang unit na gusto ko?” Napatingin si Yumi. Isang babae na naka designer suit ang papalapit, naka-sunglasses pa at may dalawang bodyguard sa likod. Kasama nito ang isang sales manager. “Are you talking to me?” tanong ni Yumi, kalmado. “Who else?” mataray na sagot ng babae. “Ako ang unang nakakita ng unit sa Building A. Bibilhin ko ‘yon.” Tinanggal nito ang sunglasses. Defined at maganda ang mukha nito, pero punong-puno ng kayabangan ang ekspresyon. “Hindi sinabi ng manager na reserved ang unit. At wala ka ring deposit,” malamig na sagot ni Yumi. “Ako ang unang nagbayad. So technically… mine.” Halos mag-stomp ang babae sa inis. “Whatever. Hindi naman ako nag-iinform.” Tumaas ang baba niya habang sinasabi iyon. “I have priority. So you have to give way.” “Priority?” kunot-noong tanong ni Yumi. Sumagot ang sales manager sa tabi ng babae. “Here, buyers must verify their funds first. Hindi po first come first served. Base po ito sa client's net worth.” Halatang puno ng pangmamaliit ang tono nito. Bahagyang napabuntong-hininga si Yumi. “Medyo unfair naman ang rule na ‘yan.” Sakto namang bumalik ang manager na may hawak ng kontrata ni Yumi. Kaagad nitong napansin ang tensyon. Lumapit ito kay Yumi at mahinahon siyang kinausap. “M-Ma'am ang apelyido po ng babaeng ‘yan ay Tan. Ang pamilya nila ang may-ari ng pinakamalaking toy company sa bansa.” Kilala ni Yumi iyon, ang Yu Playventures. Isa sa top business families sa Metro Manila. Sa ranking ng mga negosyante, nasa Top 6 ang pamilya nito. Kaya may dahilan para maging mayabang ang babaeng nasa harap niya. “I understand kung upset kayo,” sabi pa ng sales manager. “Pero rules are rules.” Tahimik na ngumiti si Yumi. “Actually hindi naman ako upset.” Huminga siya nang marahan. “Pero according to your rules, my priority is higher than hers.” Tumayo siya. “I’ll take the unit.” Napatigil ang lahat. Napasimangot naman si Miss Tan. “Ha?” Napatingin siya sa manager. “Anong sinabi niya?” Agad na chineck ng sales manager ang reservation tablet. Imposible.nKung may mas mayamang client kaysa kay Miss Tan, dapat na-notify na sila agad. At base sa simpleng suot ng babaeng ito, mukha lang itong bagong-yaman. “Miss, maybe hindi niyo po naiintindihan—” “Let’s verify the funds,” putol ni Yumi. Iniabot niya ang ID. Hindi siya galit. Sanay na siya sa mga ganitong tao. --- SA IKALAWANG palapag ng showroom, gumalaw ang manipis na kurtina ng isang VIP room. May matangkad na lalaking tumayo mula sa sofa. Ang kasama niya ay agad na nag-utos sa staff. “President Zamora said there's no need to verify her assets.” Huminto ang waiter. “She’s the daughter of the Zamora family.” Ang Zamora family. Ang pinakamayamang pamilya sa buong Metro Manila. Ngunit wala ni isa sa business circle ang nakarinig na may anak na babae ang pamilyang iyon. --- SAMANTALA, umupo muli si Yumi sa sofa habang naiinip namana ang sales manager. “Miss, please don’t overestimate yourself. Maybe may pera kayo, pero buying one unit here might already be your limit.” Tumigas ang tono nito nang sabihin iyon. “Kung hindi niyo mapapatunayan ang net worth niyo, we’ll have security escort you out.” Sa pagkakataong iyon, natawa si Miss Tan. “Relax. Hahayaan niyo siya.” Pinag-krus ang mga braso. “I want to see kung anong klaseng priority meron siya.” Tumingin siya kay Yumi nang may panghahamon. “Pero kapag wala… luluhod ka sa harap ko at magso-sorry.” Bahagyang ngumiti si Yumi. “Sure. Pero kapag meron ako?” Bahagyang tumagilid ang ulo niya. “Will you kneel and apologize too?” Hindi pa nakakasagot si Miss Tan nang may lalaking nakasuot ng suit ang nagmamadaling lumapit. Pawisan ito. “Miss—I'm so sorry!” Halos yumuko ito. “You do have priority! Please forgive our negligence!” Napatingin ang lahat. Nang i-check kasi nila ang records, lumabas na ang babaeng kausap nila ay may assets worth hundreds of billions. At kakarehistro lang bilang biological daughter of the Zamora family patriarch. Biglang nanghina ang tuhod ng female sales manager. Halos lumuhod ito. “I’m sorry Miss Zamora! Hindi ko po kayo nakilala!” Napaatras naman si Miss Tan. Hindi siya makapaniwala. “Z—Zamora family?” Ang Zamora family na kayang pabagsakin ang buong financial market ng bansa sa isang galaw lang? Tahimik na pumirma si Yumi sa kontrata. “Please process it quickly,” sabi niya. “May iba pa akong aasikasuhin.” Nanginginig ang manager habang kinukuha ang kontrata. Samantalang lumapit naman si Miss Tan. “Kung Zamora ka… bakit hindi kita kilala?” Napakunot ang noo niya. “Hindi naman nagkaroon ng anak na babae si Don Rafael Zamora.” Mas lalong nabalisa ang isip ng babae. Baka, illegitimate child? Pero hindi pa siya nakakagalaw nang may grupo ng mga lalaking naka-itim na suit ang pumasok sa lobby. Huminto sila sa harap ni Yumi. Isang matandang lalaki na may puting guwantes ang lumapit. “Miss Tan.” Magalang ngunit may awtoridad ang boses. “Magkakilala tayo. Ako si Mang Lito, head butler ng Zamora family.” Biglang nawala ang angas ni Miss Tan. “U-Uncle Lito…” Napalingon siya kay Yumi. “Siya ba talaga…?” Tumango ang matanda. “Ang babaeng nasa harap mo ay ang tunay na anak ni Don Rafael Zamora. Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya.” Pagkatapos ay humarap siya kay Yumi. At yumuko nang siyamnapung degree. “Welcome home, Miss.” Kasabay niya, sabay-sabay ding yumuko ang mga bodyguard. “Miss.” Napailing si Yumi sa gulat. Hindi niya inaasahan ang eksenang iyon. Napahiya naman si Miss Tan. Halos hindi na siya makatingin kay Yumi ng mga sandaling iyon. Mahigpit niyang hawak ang bag habang tinatangkang umalis pero hinarang siya ng mga bodyguard. Ngumiti si Mang Lito. “Miss Tan, may maliit kayong misunderstanding sa aming young lady. Should we resolve it now?” Namumutla ang mukha ng babae. Kung luluhod siya ngayon,btapos na ang reputasyon niya sa buong social circle. Saglit na nag-isip si Yumi. “Forget it,” sabi niya. “Wala naman akong naging loss.” Tumango lang si Mang Lito. “Then Miss Tan, please apologize.” Malakas ang pressure sa boses ng matanda. Kaya napalunok na lang si Miss Tan. “I—I'm sorry.” Pagkatapos noon, agad siyang umalis na halos takpan ang mukha sa kahihiyan. Matapos ng gulo, lumapit si Mang Lito kay Yumi. “Nakahanda na po ang sasakyan sa labas.” Nag-gesture pa ito papunta sa exit. “Please come with us, Miss.” Hindi gumalaw si Yumi. Diretso lang niyang tiningnan ang matanda. “Come with you?” Bahagyang ngumiti si Mang Lito. “Of course. Back to the Zamora Mansion.”TAHIMIK na natigilan si Yumi sa mismong bungad ng silid. Madilim, walang ilaw, at masyadong tahimik.Tanging ang malamlam na liwanag mula sa mga gusali sa labas ang pumapasok sa malalawak na glass windows ng villa, sapat lamang upang bahagyang luminaw ang anyo ng mga kasangkapan sa loob.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahang ganoon ang sasalubong sa kanya, na para bang walang tao sa loob ng kuwarto."Adrian?” pagtawag niya sa lalaki.Dahan-dahan siyang naglakad papasok. Ngunit nang makarating siya sa bandang living area ng master suite, doon niya nakita ang lalaking hinahanap.Nakahiga si Adrian sa mahabang sofa sa tabi ng bintana. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito at may manipis na kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan habang natutulog.Sa isang iglap, parang may mabigat na bagay na naalis sa dibdib ni Yumi."Adrian..."Agad niyang ibinaba ang handbag sa gilid at mabilis na lumapit. Lumuhod siya sa tabi ng sofa at marahan niyang hinaplos ang noo ng lalaki.
SAMANTALA, mas maaga nang dumating si Yumi sa pribadong silid ng isang upscale restaurant sa BGC na nireserba ni Uncle Victor.Bago siya umalis ng bahay, sinabi niya kay Adrian na magdi-dinner siya kasama ang kanyang tiyuhin at si Gabriel. Bagama't walang sinabi ang lalaki, malinaw niyang nakita ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata nito.Kung hindi lamang dahil hindi pa ganap na nakakapagpahinga si Adrian mula sa kamakailang pagkakasakit, gusto sana niya itong isama pero pinili niyang huwag na. Kailangan lang niyang tapusin ang dinner at makauwi agad.Habang nasa biyahe, ilang beses siyang nagpadala ng message kay Adrian. Ipinapaalam niya rito kung nasaan siya at kung anong oras siya nakarating. Ngunit wala pa ring reply.Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. Pagkatapos ng ilang sandali, habang pansamantalang lumabas sina Uncle Victor at Gabriel upang sagutin ang isang tawag, agad niyang dinial ang numero ni Adrian.Ilang ring din ang lumipas bago ito sumagot."Hello?"Agad na lumam
KINABUKASAN ng umaga, matapos umalis si Yumi upang bisitahin sina Uncle Victor at Gabriel, isang mensahe mula sa hindi kilalang numero ang natanggap ni Adrian.Abala siya buong umaga kaya hindi niya agad iyon nabuksan. Nang magka-oras siya bandang tanghali at silipin ang cellphone, saka lamang niya nakita kung sino ang nagpadala.Si Mikaela. Matagal na niyang hindi nakikita ang pangalang iyon sa screen. Marahan niyang binuksan ang mensahe."How are you? I heard you weren't feeling well recently. Aalis ako ng bansa bukas. Can we meet tonight?"Tahimik na napatitig si Adrian sa mensahe. Hindi siya agad sumagot.Makalipas ang ilang minuto, isa pang notification ang lumitaw. Mula pa rin kay Mikaela."You once said you would never forget the help my family gave you. I just want a proper goodbye. Otherwise, there are things I could tell Yumi myself. But I don't want to do that."Bahagyang tumalim ang tingin ni Adrian, saka tahimik niyang ibinaba ang cellphone. At kasabay niyon ay unti-untin
TAHIMIK na nakatingin si Adrian sa asawa matapos marinig ang pag-amin nito. Bahagyang gumaan ang ekspresyon ng lalaki, ngunit kasabay no’n ay may lumitaw ding guilt sa mga mata nito.“I’m sorry,” mahina nitong saad.Agad namang napakunot-noo si Yumi.Mukhang may gusto pang sabihin si Adrian, ngunit bago pa ito makapagsalita ay marahan nang inilapat ni Yumi ang daliri sa labi nito upang pigilan siya.“Axel already explained everything to me,” mahinahon nitong saad. “Nando’n ka para sa trabaho. At hindi mo kontrolado kung may biglang lalapit o gagawa ng issue.” Bahagya siyang huminto bago marahang ngumiti. “Nobody can be perfect all the time, Adrian.”Tahimik lamang na nakatingin sa kaniya ang lalaki.“Stop apologizing,” dugtong ni Yumi habang diretso itong nakatitig sa mga mata nito. “Hindi ba sapat na naiintindihan kita?”Bahagyang napaangat ang kilay ni Adrian bago tuluyang natawa nang mahina.“The most understanding woman in the world…” mababa nitong saad habang marahang hinahaplos
BAHAGYANG nanginig ang balikat ni Yumi habang mahigpit pa rin ang yakap kay Adrian. Mainit ang paghinga niya laban sa balikat ng lalaki at ramdam na ramdam ni Adrian ang takot sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.“I was really terrified…” mahina nitong bulong. “Noong nakita kitang walang malay sa hospital… pakiramdam ko mawawala ka na talaga.”Tahimik lamang na natigilan si Adrian. Unti-unting bumigat ang ekspresyon nito habang nakatingin sa babaeng nasa mga bisig niya. Sa unang pagkakataon matapos ang aksidente, malinaw niyang naramdaman kung gaano katindi ang takot na pinagdaanan ni Yumi.Dahan-dahan nitong iniangat ang kamay upang punasan sana ang luha nito, ngunit nanatiling nakayakap si Yumi at ayaw bumitaw.“When you were unconscious…” nanginginig pa rin ang boses nitong saad, “gusto ko lang manatili sa tabi mo. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag iniwan mo ako.”Tahimik na napapikit si Adrian. Kahit noong mga panahong mahal na mahal ni Yumi si Clyde, bihira niya itong
MARIING napapikit si Yumi habang mahigpit ang hawak sa cellphone.“Hindi ka talaga marunong makinig,” mababa nitong saad habang pinipigilan ang inis at pag-aalala sa boses. “Nandiyan sina Lola Chandria, Mang Lito, at private nurses para bantayan ka. Hindi mo kailangang gumala.”Mahina namang natawa si Adrian mula sa kabilang linya.“They’re too noisy,” kalmado nitong sagot. “At gusto kitang makasama nang tahimik.”Bahagyang natigilan si Yumi matapos marinig iyon.“You really are…” mahina nitong bulong habang napapailing.Kanina lamang ay galit at sermon ang gusto niyang ibigay sa lalaki. Ngunit matapos marinig ang simpleng dahilan nito, unti-unting nawala ang inis niya.Ano pa bang magagawa niya kung ganoon ang sinabi ni Adrian?Tahimik siyang napabuntong-hininga bago muling nagsalita.“Anong sabi ng doctor?” diretsahan nitong tanong. “Nagpalit ba ulit ng dressing today? Uminom ka ba ng gamot?”“Yes,” maikling sagot ni Adrian. “Axel handled everything.”Bahagyang gumaan ang pakiramdam







