LOGINTUMIGIL sandali ang Bentley sa gilid ng kalsada. Bahagyang lumingon si Victor Zamora kay Yumi bago niya muling binuksan ang pinto ng sasakyan.
“Come,” mahinahon niyang sabi. “Pag-usapan natin sa loob ng kotse.” Sandaling nag-alinlangan si Yumi. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari sa loob ng Zamora Mansion, ang pagpilit sa kanya na isuko ang mana, ang mga bodyguard na handang pigilan siya, at ang kakaibang pagdating ng mga taong nagdala ng pangalan ng pamilyang Villareal. Gayunpaman, matapos ang ilang segundo ng pag-iisip, pumasok pa rin siya sa sasakyan. Habang dahan-dahang umaandar ang kotse sa kahabaan ng malawak na driveway ng Zamora Estate, nagsimula nang magsalita si Victor. Mula sa kanya, mabilis na nalaman ni Yumi ang buong dahilan kung bakit biglang nagbago ang sitwasyon kanina sa loob ng mansyon. Ang taong tumulong sa kanya upang makaalis sa alanganing sitwasyon, ay mula sa pamilyang Villareal— isa sa pinakamalalaking financial conglomerates sa bansa. Ang negosyo ng Villareal Group ay umaabot sa mga pangunahing industriya tulad ng banking, technology, energy, at infrastructure. Sa mundo ng negosyo, halos lahat ng malalaking kumpanya ay may koneksyon sa kanila.nKung ilalarawan sa simpleng salita, ang kayamanan ng pamilya ay halos kasing-laki ng impluwensiya ng isang bansa. Ang kasalukuyang tagapagmana ng pamilya ay si Adrian Villareal. Dalawampu’t walong taong gulang pa lamang ito ngunit siya na ang nagpalawak sa negosyo ng pamilya sa ibang bansa.bSa loob ng ilang taon, halos triple ang laki ng Villareal Group. Sa industriya, kilala siya bilang pinakamakapangyarihang batang leader ng negosyo sa bansa. Noong nakaraang gabi, tumawag umano ang patriarch ng pamilyang Villareal kay Don Esteban Zamora, ang matandang patriyarka ng pamilya Zamora. Ang dahilan ng tawag, ay isang marriage alliance. At ang napili nilang babae para sa kasal ay walang iba kundi si Yumi Zamora. Tahimik na nakinig si Yumi habang nagsasalita si Victor. Ipinaliwanag din nito na napakaraming mayayamang pamilya ang gustong magkaroon ng koneksyon sa pamilyang Villareal. At siyempre, isa na roon ang pamilya Zamora. Si Victor mismo ay ipinadala upang kausapin siya. Ngunit hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Yumi. “So you’re saying,” diretso niyang tanong, “mas makapangyarihan ang Villareal kaysa sa Zamora family?” Bahagyang ngumiti si Victor. “Hindi sila dapat ikumpara. Pero kung gusto mong ipaliwanag nang simple, ang Zamora family ang pinakamalaking negosyo sa Metro Manila. Pero ang Villareal family…” Huminto ito sandali bago nagpatuloy. “…sa buong bansa, walang negosyanteng maglalakas-loob na bastusin sila.” Tahimik na tumingin si Yumi sa bintana ng sasakyan. Pagkaraan ng ilang sandali, muli siyang nagsalita. “Then what kind of person is Adrian Villareal?” Bahagyang napakamot sa ilong si Victor. Alam niyang ang misyon niya ay hikayatin si Yumi na tanggapin ang kasal. Kaya nag-alinlangan siyang sagutin ang tanong. “Adrian Villareal is very famous internationally,” sabi nito. “Pero bihira siyang lumabas sa local media. Medyo… mysterious siya. Hindi ko pa rin siya personal na nakikilala, pero ayon sa mga balita…” Tumigil muli ito sandali. “Ano ang sabi ng balita?” diretso niyang tanong. Napangiti nang pilit si Victor. “Well… hindi raw siya madaling pakisamahan.” Kahit paano ay pinili pa rin niyang maging maingat sa mga salita. Kung ang problema ni Adrian Villareal ay pagiging “medyo mahirap pakisamahan” lamang, matagal nang binaha ng mga proposal ang pintuan ng Villareal mansion. “Define difficult,” kalmadong tanong ni Yumi. Natawa nang bahagya si Victor. “Medyo aloof daw siya, strict, at parang hindi masyadong komportable sa mga babae. Pero huwag kang mag-alala. Kilala ang pamilyang Villareal sa maayos na pagpapalaki, so his character shouldn’t be too bad.” Shouldn’t. Mas lalo lamang nakadagdag sa pagdududa ni Yumi ang salitang iyon. Tahimik niyang tinitigan si Victor. Hindi nagtagal ay napabuntong-hininga ang lalaki. “Fine,” sabi niya sa wakas. “Ayon sa mga tsismis, Adrian Villareal is cold, ruthless in business, and extremely profit-driven. Wala raw itong pakialam sa emosyon ng ibang tao. Kung may taong sumalungat sa lalaki, hindi raw maganda ang kinahinatnan.” Tahimik lang na nakinig si Yumi. Pagkaraan ng ilang sandali, muling nagsalita si Victor. “Pero arranged marriage lang naman ito. Hindi mo kailangang mag-alala. Maraming ganitong kasal sa mga mayayamang pamilya. At sa sitwasyon mo ngayon…” Tumigil ito at tumingin kay Yumi. “Hindi lang ang pamilya Zamora ang nakamasid sa’yo. Napakaraming tao ang gustong agawin ang kayamanan mo. Mas mabuting may makapangyarihang kakampi ka.” Saglit na nanahimik ang sasakyan. Pagkaraan ng ilang segundo.. “Okay.” Napatingin si Victor sa kanya. “Don’t reject it too quickly—” Pero napatigil din si Victor nang makita ang seryosong anyo ng dalaga. “You… agreed?” “Yes,” diretsong sagot ni Yumi. Hindi silankailanman tunay na naging tunay na mag-asawa ni Clyde. At sa ngayon, nag-iisa lamang siya sa mundong ito. Kung ikukumpara kay Clyde Monteverde, ang lalaking dalawang taon siyang niloko gamit ang pekeng kasal, ang taong tulad ni Adrian Villareal ay daang beses na mas makapangyarihan. Ginamit siya ni Clyde bilang hakbang sa kanyang ambisyon. Pero kung magiging kakampi niya ang isang taong tulad ni Adrian, iyon ay magiging tulay palabas sa putikan ng kanyang nakaraan. Mas mahalaga pa, ang sitwasyon sa pamilya Zamora ay napakagulo. Si Amara Zamora at ang anak nitong si Marco ay malinaw na gustong agawin ang kanyang mana. At kahit may legal siyang dokumento, mahirap ipaglaban ang bilyong ari-arian kung wala siyang sapat na suporta. Huminga nang marahan si Yumi habang nakatingin sa labas ng bintana. “Marriage is not about love,” sabi niya nang mahinahon. “It’s a transaction. An alliance.” Mas mabuti nang pumili siya ng makapangyarihang kakampi kaysa tuluyang lamunin ng mga taong gustong agawin ang lahat sa kanya. “Kung pinili ako ng Villareal family,” dagdag niya. “Wala akong dahilan para tumanggi.” --- KINAGABIHAN, pagbalik ni Yumi sa Monteverde residence, napansin niyang tahimik ang buong bahay. Wala si Clyde. Wala rin si Bianca. Nang tanungin niya ang kasambahay, saka niya nalaman ang dahilan. Umalis si Clyde kasama si Bianca at si Mico upang pumunta sa isang art exhibition sa isang kalapit na probinsya. Hindi raw sila uuwi ng gabing iyon. Kinuha ni Yumi ang kanyang cellphone. Maraming missed calls si Clyde. May ilang text din ito tulad ng, “Yumi, gustong pumunta ni Mico sa art exhibit kasama si Miss Bianca. Medyo malayo kaya sasamahan ko na sila.” Isang perpektong mensahe mula sa isang “masayang pamilya.” Napangiti nang bahagya si Yumi. Buti na lang at hindi sila uuwi ngayong gabi. May sapat siyang oras para gawin ang kailangan niyang gawin. Matapos basahin ang mensahe, tinawag niya ang ilang kasambahay. Tinulungan siya ng mga ito na mag-empake ng lahat ng gamit sa kanyang kwarto. “Madam,” tanong ng isa sa kanila habang inilalagay sa kahon ang mga damit. “Magta-travel po ba kayo?” “Yes,” sagot ni Yumi habang inaayos ang mga dokumento sa drawer. “At huwag niyong sabihin kay Clyde. Busy siya sa mga araw na ito.” Hindi naman talaga busy si Clyde. Busy lamang ito sa pagiging ama at asawa ng ibang babae. Hindi rin naman magtatagal ang masasayang araw ng lalaki. Hindi nagtagal ay natapos ni Yumi ang pag-iimpake. Nang makatulog ang mga kasambahay, tumawag siya ng moving service upang ilipat ang lahat ng gamit palabas ng bahay. Ngunit may dalawang bagay siyang hindi makita. Ang una ay isang research thesis na matagal niyang pinagtrabahuhan. At ang pangalawa ay ang core data ng isang proyekto na siya mismo ang nag-develop para sa kumpanya ni Clyde. Ang thesis ay dati niyang itinatago sa drawer. Nayon ay wala na. Malaki ang posibilidad na kinuha iyon ni Clyde. Ang ibang dokumento naman ay nasa opisina ng kumpanya, at wala siyang access upang kunin iyon. Ngunit iyon ang bunga ng maraming taon niyang trabaho. Hindi niya maaaring iwan ang mga iyon sa kamay ng lalaking nanloko sa kanya. --- KINABUKASAN ng umaga, tumawag si Clyde. Maingay ang background, mukhang nasa highway pa ito. “Yumi, nakita mo ba ang message ko kahapon?” “Yes,” sagot niya habang hinahalo ang kape. “I saw it.” “I’m sorry,” sabi ng lalaki. “Biglaan kasi ang plano. Guest natin si Bianca, hindi ko siya pwedeng pabayaan mag-isa kasama si Mico.” “Why apologize?” mahinahong sagot ni Yumi. “Natural lang naman na samahan mo si Bianca.” Bahagyang nagulat si Clyde. Akala niya ay galit si Yumi dahil hindi ito nag-reply kagabi. “Yumi, hindi ka kasi nag-reply kagabi, akala ko—” “Busy ako kahapon,” putol ni Yumi. “After looking at the condo, may meeting pa ako. Wala talaga akong oras mag-reply.” Magaan ang tono ng kanyang boses. Parang walang anumang galit. Napabuntong-hininga si Clyde sa kabilang linya. “I knew you were busy. Don’t work too hard. It hurts me.” Bahagyang napakunot ang noo ni Yumi. Wala na nga siyang gana kumain, lalo pang nawala matapos marinig ang mga salitang iyon. Ilang sandali pa'y biglang sumingit ang boses ni Mico mula sa kabilang linya. “Daddy! Don’t talk to bad women!” Kasunod nito ay ang boses ni Bianca. “Mico, that’s rude.” “Alright,” sabi ni Clyde. I’m driving. See you tonight.” Hindi man lamang nakasagot si Yumi dahil kaagad na naputol ang tawag, na para bang isa lang siyang sampid sa pamilyang iyon at siya ang salot sa buhay ng batang inalagaan at pinalaki niya...HINDI na nagsalita si Adrian, at bahagya lamang siyang tumango na para bang mayroon silang isang lihim na kasunduan.Paglabas nila ng restaurant, lumapit kaagad kay Adrian ang assistant nitong si Axel at may ibinulong. Nahalata naman kaagad niyang tila may importante pang lakad ang lalaki kaya hindi na siya nang-abala pa.“No need to send me home,” ani Yumi. “I’ll just take a taxi.”Hindi siya sinagot ng lalaki, ngunit sinamahan pa rin siya nito hanggang sa sasakyang naghihintay sa labas. Pagkasakay niya, nagpalitan pauna sila mg marahang pagtango sa isa't-isa, at saka lamang ito umalis.---HABANG nasa biyahe pauwi, tumawag ang kanyang Uncle Victor. Nais nitong malaman kung kumusta ang unang pagkikita nila ni Adrian Villareal. Sinabi ni Yumi ang totoo na maayos naman ang usapan nila. At kung may problema man, iyon ay ang napakalakas na presensya ni Adrian Villareal. Hindi maiwasang kabahan kapag malapit ito sa kanya.Pag-uwi sa kabibili lang niyang condo, kaagad na naligo si Yumi. Su
NANG araw ding iyon, maagang nagpunta si Yumi sa opisina ng Monteverde Group, at dumiretso agad siya sa opisina ni Clyde. Ito ang perpektong pagkakataon. Wala ang lalaki. Maari niyang hanapin ang mga dokumentong kailangan niya. Ngunit kahit halughugin niya ang buong opisina, ay wala siyang nahanap. Kahit sa computer ni Clyde.Habang nag-iisip siya kung saan pa maaaring hanapin ang mga iyon, may kumatok sa pintuan.“Secretary Yumi,” sabi ng staff. “Wala si Mr. Monteverde ngayon. May ilang contracts na kailangan ng signature.”Kinuha ni Yumi ang mga dokumento. Ang mga ito ay mga partnership agreements na siya mismo ang naghirap upang makuha. Kung maantala ang funding, malamang ay mabigo ang proyekto.“Na-contact niyo ba si Mr. Monteverde?” tanong niya.“Yes,” sagot nito. “Pero busy daw siya. Sinabi niya na kung may kailangan, ikaw na raw ang bahala.”Bahagyang ngumiti ng mapait si Yumi. Sa kumpanya ni Clyde, siya ang pinakamatrabaho. Kapag abala ang lalaki, siya ang gumagawa ng lahat ng
TUMIGIL sandali ang Bentley sa gilid ng kalsada. Bahagyang lumingon si Victor Zamora kay Yumi bago niya muling binuksan ang pinto ng sasakyan.“Come,” mahinahon niyang sabi. “Pag-usapan natin sa loob ng kotse.”Sandaling nag-alinlangan si Yumi. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari sa loob ng Zamora Mansion, ang pagpilit sa kanya na isuko ang mana, ang mga bodyguard na handang pigilan siya, at ang kakaibang pagdating ng mga taong nagdala ng pangalan ng pamilyang Villareal.Gayunpaman, matapos ang ilang segundo ng pag-iisip, pumasok pa rin siya sa sasakyan. Habang dahan-dahang umaandar ang kotse sa kahabaan ng malawak na driveway ng Zamora Estate, nagsimula nang magsalita si Victor.Mula sa kanya, mabilis na nalaman ni Yumi ang buong dahilan kung bakit biglang nagbago ang sitwasyon kanina sa loob ng mansyon. Ang taong tumulong sa kanya upang makaalis sa alanganing sitwasyon, ay mula sa pamilyang Villareal— isa sa pinakamalalaking financial conglomerates sa bansa.Ang negosyo
“THE ZAMORA family?” mahinang ulit ni Yumi habang nakaupo sa likod ng sasakyan.“Indeed,” sagot ni Mang Lito sa mahinahong tinig. “Ang pamilya Zamora. At mula ngayon, iyon na rin ang tahanan mo.”Ilang segundo siyang nanahimik. Si Don Rafael Zamora ang kanyang tunay na ama. Ang bilyon-bilyong ari-arian na iniwan nito ay ngayon ay nasa pangalan niya. Maaga o huli, haharapin niya rin ang pamilya Zamora. Hindi niya iyon maiiwasan. At hindi rin niya kailangang iwasan.Tumango siya.N“Alright,” kalmadong sabi ni Yumi. “Kung iyon ang bahay ko, dapat ko nga sigurong makita.” Kung ano man ang mangyayari, mangyayari rin.Habang papunta sila sa mansyon, maikling ipinaliwanag ni Mang Lito ang kasalukuyang sitwasyon ng pamilya. Malawak ang negosyo ng Zamora family. Karamihan ng shares ay hawak noon ni Don Rafael, habang ang maliit na bahagi ay nasa kamay ng matandang patriyarka ng pamilya at ng kapatid ni Don Rafael.Ngunit ngayon, lahat ng personal na ari-arian ni Don Rafael ay napunta kay Yumi.
TAHIMIK na umandar ang sasakyan palabas ng driveway.Habang papalayo, hindi napigilan ni Clyde ang sarili na sundan si Yumi palabas ng bahay. Sanay na silang sabay pumapasok sa opisina tuwing umaga.“Yumi...” tawag ni Clyde, bahagyang nagmamadali. “Sabihin mo na lang sa assistant mo na ihatid ka. May malaking board meeting tayo ngayon.”Hindi man lang siya nilingon ng babae habang binubuksan ang pinto ng kotse. “May appointment ako sa isang real estate agent. Titingin ako ng condo.”Napakunot ang noo ni Clyde. “Pero importante ang meeting ngayon—”Hindi pa siya tapos magsalita ay kalmado na siyang pinutol ni Yumi. “Mabilis maubos ang units doon. Kapag hindi ako pumunta ngayon, baka wala na bukas.”Huminto siya sandali bago lumingon. “Hindi ba ikaw ang palaging nagsasabi na endless ang trabaho? Na dapat matuto akong i-prioritize ang sarili ko?” Kalmado ang boses niya ngunit may kakaibang ngiti sa sulok ng labi at kislap sa mata niya.At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si C
WALA nang oras si Yumi para umiwas. Bumuhos ang malamig na juice sa mukha niya, dumaloy pababa sa buhok at leeg, sa damit niyang maayos pa kanina. Saglit na nanlabo ang paningin niya sa biglaang lamig ng paligid. Nagkagulo ang paligid. Mabilis na nagsidatingan ang mga kasambahay, may dalang tuwalya at tissue, nagmamadaling tinulungan si Yumi na magpunas. "Mico!" sigaw ni Clyde, galit na galit. Nagulat ang bata. Sa isang iglap, tumakbo ito paakyat ng hagdan, mabilis na parang takot na takot. Papasugod na sana si Clyde nang biglang tumayo si Bianca at hinarangan ito. "Clyde," mahinahon ngunit mariin ang tono nito, "bata lang siya. Hindi pwedeng dahas ang ituro natin. Ako na ang kakausap sa kanya." Matapos magsalita, sumulyap siya kay Yumi na tila may gustong sabihin, pero piniling manahimik. Si Clyde ay agad bumaling kay Mia. "Ayos ka lang ba?" tanong niya, puno ng pag-aalala. "Tingnan ko—” Tapos na magpunas si Yumi, pero inabot pa rin ng kamay ni Clyde ang mukha niya. “No, maru







