LOGIN“THE ZAMORA family?” mahinang ulit ni Yumi habang nakaupo sa likod ng sasakyan.
“Indeed,” sagot ni Mang Lito sa mahinahong tinig. “Ang pamilya Zamora. At mula ngayon, iyon na rin ang tahanan mo.” Ilang segundo siyang nanahimik. Si Don Rafael Zamora ang kanyang tunay na ama. Ang bilyon-bilyong ari-arian na iniwan nito ay ngayon ay nasa pangalan niya. Maaga o huli, haharapin niya rin ang pamilya Zamora. Hindi niya iyon maiiwasan. At hindi rin niya kailangang iwasan. Tumango siya.N“Alright,” kalmadong sabi ni Yumi. “Kung iyon ang bahay ko, dapat ko nga sigurong makita.” Kung ano man ang mangyayari, mangyayari rin. Habang papunta sila sa mansyon, maikling ipinaliwanag ni Mang Lito ang kasalukuyang sitwasyon ng pamilya. Malawak ang negosyo ng Zamora family. Karamihan ng shares ay hawak noon ni Don Rafael, habang ang maliit na bahagi ay nasa kamay ng matandang patriyarka ng pamilya at ng kapatid ni Don Rafael. Ngunit ngayon, lahat ng personal na ari-arian ni Don Rafael ay napunta kay Yumi. Ibig sabihin, siya na ang pinakamalaking shareholder ng Zamora Group. Sa ngayon, ang matandang Zamora ay nagpapagaling sa ibang bansa. Ang mga gawain sa bahay ay pinamamahalaan ng biyuda ni Don Rafael na si Amara Zamora. Samantala, ang negosyo ng grupo ay pinapatakbo ng kanilang adopted son na si Marco Zamora. --- HALOS isang oras ang lumipas bago tuluyang pumasok ang mahabang Rolls-Royce limousine sa loob ng Zamora Estate. Napakalawak ng lupain. Mula sa gate hanggang sa main villa ay inabot pa ng halos sampung minuto ang biyahe. Ang buong compound ay parang isang pribadong resort ng mga hardin, fountain, at mga gusaling klasikong Europeo ang disenyo. Ang mismong villa ay tila mas engrande pa kaysa sa mga mansyon sa mga pelikula. Halos bawat detalye ay mukhang mahal. Para kay Yumi, ito ang unang beses niyang mapunta sa ganitong klaseng lugar. Kung sasabihin niyang hindi siya kinakabahan, magsisinungaling siya. Pero pilit niyang pinanatiling kalmado ang sarili. Dinala siya ni Mang Lito sa main reception hall. Binuksan ng isang kasambahay ang mabigat na pintuan. Sa loob, tumambad sa kanya ang isang elegante at magarang babae na nakatayo malapit sa floor-to-ceiling window. May dalawang kasambahay sa tabi nito. Sa sofa naman ay nakaupo ang isang binatang naka-suit.nNang makita si Yumi, mabilis lang siyang sinipat ng babae mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay lumapit ito. Mahinang bumulong si Mang Lito sa kanya. “Ang babaeng iyan ay si Madam Amara Zamora, asawa ni Don Rafael. At ang lalaki sa sofa ay si Marco Zamora, adopted son nila.” Matapos ang pagpapakilala, tahimik na umalis si Mang Lito kasama ang mga kasambahay. Sa loob ng malawak na sala, si Yumi na lamang at ang mag-ina ang naiwan. “Your name is Yumi, right?” Tumango si Yumi. Bagaman nakangiti ang babae, ramdam niyang hindi ito palakaibigan. “Sit down,” sabi ni Amara. “Nasa bahay ka na ngayon. No need to be so stiff.” Sumingit din si Marco. “Please, have a seat.” Magalang ang tono nito ngunit malamig. Tahimik na umupo si Yumi sa kabilang dulo ng sofa. “Aunt Amara… pinatawag niyo ako dahil—” Diretso siyang pinutol ng babae. “Let’s not waste time.” Gumalaw si Marco at inilapag sa mesa ang isang folder. “Pinatawag ka namin ngayon dahil gusto naming isuko mo ang bahagi ng mana mo.” Napatigil si Yumi. Tahimik niyang kinuha ang dokumento at binasa. “Voluntary surrender of all shares under Zamora Group… relinquishing management rights… surrendering all real estate assets…” Habang nagbabasa siya, kalmadong humigop ng tsaa si Amara. “Alam ko ang sitwasyon mo,” patuloy ng babae. “Nagkaroon ng maikling relasyon ang nanay mo at si Rafael. Nabuo ka nang hindi planado.” “Pagkatapos, iniwan ka sa orphanage noong bata ka pa. Marami kang pinagdaanan.” Huminto siya sandali bago nagsalita muli. “Ang 100 million pesos ay malaking halaga para sa isang taong tulad mo. Pero ang tagapagmana ng Zamora family, hindi maaaring isang anak na lumaki sa labas ng pamilya.” Bahagyang ngumiti pa si Amara. “Pero anak ka pa rin ni Rafael. Kaya mananatili kang panganay sa pangalan.” “Kung may kailangan ka, lumapit ka lang sa akin.” Kung makapagsalita ito ay parang napagdesisyunan na nito ang lahat. Tiningnan ni Yumi ang babae. Maganda pa rin ang kutis nito, elegante, at mukhang mas bata kaysa sa tunay na edad. “Miss Yumi,” dagdag ni Marco habang tinutulak ang ballpen palapit sa kanya. “If there are no issues… please sign.” Tahimik na inilapag ni Yumi ang dokumento sa mesa. “I refuse.” Nanahimik ang buong sala. Matagal na niyang inaasahan na hindi siya tatanggapin ng pamilya. Ang negosasyong ito ay hindi talaga negosasyon. Isa itong pilit na pag-agaw. Ilang segundo siyang tahimik bago nagsalita. “Aunt Amara calls me an illegitimate child,” sabi niya nang kalmado. “But the law only recognizes blood. May will ang tatay ko. May DNA report. At personal siyang pumirma sa inheritance agreement. I’m the legal heir.” Biglang tumigas ang mukha ni Amara. Sinuri niya si Yumi na para bang ngayon lang niya ito nakita nang mabuti. Hindi niya rin inaasahan na tatanggi ang babae. “Yumi,” malamig na sabi niya, “you’re just an illegitimate daughter. Kahit ibigay namin sa’yo ang Zamora assets… hindi mo rin kayang pamahalaan.” Napatingin din si Marco kay Yumi.bSa buong city, walang taong naglakas-loob na tanggihan ang kanyang ina. “Miss Yumi,” diretsong sabi niya. “This is not a discussion. Ang Zamora family ay mas komplikado kaysa sa iniisip mo. Hindi mo kayang kalabanin ang buong pamilya.” Pero malinaw sa isip ni Yumi ang lahat. Sanay ang mga mayayaman na maliitin ang iba. Akala nila sapat na ang 100 million para patahimikin siya. Ngunit hindi siya ang tipo ng taong nagpapasindak kaya ngumiti siya nang bahagya. “Mr. Marco,” sagot niya, “sabi mo hindi ito discussion? Unfortunately, hindi pwedeng bawiin ang legal inheritance sa isang salita. I’ve studied the Zamora Group these past few days. Your core real estate alone is worth hundreds of billions. Annual revenue of the group exceeds 80 billion pesos. Tapos bibigyan ninyo ako ng 100 million para mag-give up? I know the difference between millions and hundreds of billions. Hindi iyon compensation. Robbery iyon.” Matapos niyon ay isinara niya ang folder at ibinalik kay Marco. Sandaling nagkatinginan ang mag-ina. Mukhang hindi nila inaasahan ang sagot niya. Tumayo na si Yumi. “If there’s nothing else… I’ll leave.” Huminto siya sa pintuan bago nagsalita muli. “Marco Zamora, adopted son ka ng tatay ko. Legally speaking, mas una pa rin ako sa inheritance kaysa sa’yo. So tell me, inaasahan ba ng Zamora family na isang adopted son ang magmamana ng lahat?” Pagkasabi niya, binuksan niya ang pinto. Ngunit biglang nagsalita si Marco. “Stop.” Paglabas niya sa corridor, dalawang hanay ng bodyguards ang agad na humarang. Napatingin si Yumi kay Amara. “Aunt Amara… pinipilit niyo ba akong pumirma?” Ngumisi ang babae. “Yumi, hindi mo pa siguro kilala ang ugali ko. Mas mabuting makipag-usap ka habang may pasensya pa ako.” Lumapit din si Marco. Matangkad ang lalaki at tila sinasapawan siya ng presensya nito. “If you're not satisfied,” sabi nito, “name your price.” Diretsong tumingin si Yumi sa mata nito. “You can’t afford my price. Hindi ko ibibigay kahit isang piso sa bilyong iniwan ng tatay ko.” Bahagyang sumimangot si Marco. “Then we have no choice but to offend you.” Isang hakbang pasulong ang ginawa ng mga bodyguard. Samantala, lumakad si Amara papunta sa French window at dahan-dahang nagsara ang pintuan ng sala. Nakatayo si Yumi sa gitna. Diretso ang likod. Malamig ang tingin sa mga lalaking papalapit. Pero sa sandaling iyon, biglang umalingawngaw ang mabilis na mga yabag sa corridor. Pumasok ang higit sampung lalaking naka-itim na suit. Kasama nila si Mang Lito. Nagulat si Marco. Lalong lumaki ang mata niya nang makita ang mga bagong dating. “Madam,” mabilis na lumapit si Mang Lito kay Amara at bumulong. Biglang nagbago ang ekspresyon ng babae. “What did you say?” “Tumawag po ang matandang Zamora. Confirmed. Napili ng pamilyang Villareal si Miss Yumi.” Sa sandaling iyon, lumapit ang isa pang lalaki kay Yumi. “Hello,” magalang nitong sabi. You must be Miss Yumi.” Tumango siya. “My boss hopes to have dinner with you tomorrow night.” Iniabot nito ang isang itim na business card na may gintong emboss. Hindi pa man siya nakakapagsalita, umalis na agad ang grupo. Tiningnan niya ang card. Isang pangalan lamang ang nakasulat —Adrian Villareal. Matapos umalis ang mga lalaki, tumingin ang mga bodyguard kay Marco para sa utos. Nag-alinlangan ito sandali. Ngunit iwinagayway ni Amara ang kamay at pinayagan nilang makaalis si Yumi. Agad na lumabas si Yumi ng mansyon Sa labas, nakita niya ang convoy ng mga itim na van na papalayo. Ang plaka ay nagsisimula sa “NCR-1.” Sa likod ng tinted glass, pakiramdam niya may mga matang nakamasid sa kanya. “Yumi.” Napalingon siya. Huminto sa tabi niya ang isang puting Bentley. Bumaba ang bintana. Isang lalaking nasa limampung taong gulang, naka-casual na polo at slacks, ang nakaupo sa loob. “Magpakilala muna ako,” sabi nito. “Ako ang tiyuhin mo, si Victor Zamora. Sumakay ka. Ihahatid kita.” Tiningnan siya ni Yumi nang mabuti. May pagkakahawig nga sila. Ngunit sariwa pa sa isip niya ang nangyari sa loob. “Thank you,” kalmado niyang sagot. “Pero kaya kong umuwi mag-isa.” Mabagal na umusad ang Bentley kasabay ng paglalakad niya. “Huwag kang matakot,” sabi ng lalaki. “Hindi ako tulad ng mga nasa loob. Nandito ako para tulungan ka.” Hindi pa rin siya huminto. Kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Isipin mo. Bigla kang nagmana ng bilyones bilang illegitimate daughter. Anong pamilya ang papayag na basta na lang iyon mangyari? Pero swerte ka. Napansin ka ng pamilyang Villareal.” Huminto si Yumi. “Kapag nagtagumpay ang kasal na iyon, hindi ka na kayang galawin nina Amara. Matitiyak ang posisyon mo sa Zamora family.” Napatingin siya sa lalaki. Unti-unting sumikip ang dibdib niya nang lubusang maunawaan ang sinasabi nito. “What marriage?!”“MISS LEE."Napatingala si Bianca nang marinig ang tawag. Bahagyang ngumiti si Art Mendez habang inilalapit sa kanya ang isang envelope at ilang dokumento."May ipapagawa sana ako.""Yes, sir."Marahan nitong itinulak ang invitation sa ibabaw ng mesa."Bukas ng hapon, lilipad tayo pabalik ng Metro Manila."Bahagyang natigilan si Bianca. "Tomorrow?"Agad niyang binuksan ang invitation. Isa pala itong imbitasyon para sa Philippine Future Industries and Global Investment Summit. Mabilis niyang sinilip ang listahan ng mga dadalo. Naroon ang ilan sa pinakamalalaking investment firms sa Asya. May mga international venture capital groups. Mga pharmaceutical companies, Energy corporations. At ilan sa pinakamalalaking business conglomerates sa Pilipinas.Ngunit isang pangalan ang agad na pumukaw sa kanyang atensyon. Ang Zamora Group.Tahimik siyang napatitig roon nang ilang segundo. Noon pa man ay balitang-balita na muntik nang makipag-partner ang Monteverde Group sa Zamora Group. Ngunit hindi
NANG marinig ni Clarisse ang sinabi ni Daniel ay bahagyang humupa ang galit na bumabalot sa kanya.Alam niyang tama ang asawa. Ang paghahanap kay Yumi ay hindi makakatulong sa pagbangon ng kanilang pamilya. Magbibigay lamang iyon ng pansamantalang ginhawa sa galit na nararamdaman niya. Kung nais nilang makabangon muli, kailangan nilang unahin ang mas mahahalagang bagay.---TAHIMIK silang umuwi. Ngunit pagkapasok pa lamang sa bahay ay agad na inilabas ni Clarisse ang kanyang cellphone. Hindi man niya makontak si Yumi, may isa pa siyang taong kailangang kausapin.Si Bianca Lee.Agad niyang pinindot ang numero nito. Hindi ito sumagot kaya tumawag siyang muli, at muli. Paulit-ulit. Hanggang sa wakas ay sinagot din ng kabilang linya."Clarisse," malamig na boses ni Bianca ang agad niyang narinig. "Sana mahalaga ang dahilan kung bakit paulit-ulit kang tumatawag."Napangisi naman si Clarisse. "May mahalaga talaga. Pero kahit wala, dapat sinasagot mo pa rin ang tawag ko. Tandaan mo, asawa ka
SAMANTALA, matapos ang nangyari sa ospital, sabay na umalis sina Clarisse at Daniel.Tahimik ang biyahe. Walang nagsasalita. Pareho silang may kani-kaniyang iniisip.Mula nang magsimulang bumagsak ang Monteverde Group, sunod-sunod na ring nagbago ang buhay ng kanilang pamilya..At isa sa pinakamalaking naapektuhan ay ang pagsasama nina Clarisse at Daniel.Noong una, pilit pang inaayos ni Clarisse ang kanilang relasyon. Ngunit nang makita niyang unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo ng asawa matapos humina ang impluwensiya ng kanilang pamilya, tuluyan na rin siyang natauhan.Hindi na siya ang dating Clarisse na handang magtiis para lamang mapanatili ang kanilang kasal..Tahimik niyang inayos ang lahat ng personal niyang ari-arian. Lahat ng investment na naipundar niya bago pa ang kasal ay nailipat na sa sarili niyang pangalan.Pati ang condominium, mga lupa, at iba pang assets na minana niya ay matagal nang may legal documents. Hindi maaaring angkinin ng kahit sino ang mga iyon. Dahil
NANATILING walang imik si Clyde. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig lamang sa sahig. Ngunit bago pa siya tuluyang makalakad palayo, isang lalaki mula sa kanilang grupo ang tila may naalalang bagay."Clyde."Mabagal siyang napalingon.Nagkamot ng batok ang lalaki na tila nag aalinlangan kung dapat ba niyang sabihin ang nasa isip. "May naalala lang ako."Tahimik ang lahat."Noong hindi pa kayo ni Yumi... naaalala mo ba si Bianca?"Bahagyang kumunot ang noo ni Clyde. "Ano'ng tungkol sa kanya?"Huminga muna nang malalim ang lalaki. "May isang beses na niyaya niya akong mag dinner kasama ang ilan pa nating kaibigan."Napatingin ang iba."Akala namin noon simpleng get together lang."Napailing siya."Pero habang tumatagal ang usapan... napansin naming halos ikaw lang ang laman ng bawat tanong niya."Nanigas ang mukha ni Clyde. "Anong ibig mong sabihin?""Halos lahat ng itinatanong niya tungkol sa'yo.""Kumusta ka raw noong college.""Ano raw ang mga hilig mo.""Paano ka raw
TAHIMIK na nanatili si Clyde.Hindi niya narinig ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid.Paulit ulit lamang na bumabalik sa isip niya ang malamig na mga mata ni Yumi habang sinasabi nitong wala na itong nararamdaman para sa kanya. Pakiramdam niya ay may humihigpit sa kanyang dibdib sa bawat paghinga.Napansin iyon ng isa sa mga dating kaklase nilang lalaki. Bahagya itong napabuntong hininga bago lumapit."Clyde, huwag mo nang dibdibin ang sinasabi ng mga tao."Tumango naman ang isa pa. "Tama. Ang mga bagay na tungkol sa pag ibig, hindi talaga madaling ipaliwanag.""Nagkakamali ang lahat. Kahit ang pinakamatinong tao, nadadala rin ng damdamin."Isa pa ang sumingit."Kitang kita naman naming naging seryoso ka kay Yumi noon. Hindi mo rin naman siya pinabayaan sa loob ng maraming taon. Kung ganito na siya kalamig ngayon, siguro kailangan mo na ring tanggapin."Tahimik lamang na nakikinig si Clyde. Wala siyang lakas para sumagot. Ngunit si Clarisse ay unti unting nabubuo ang larawan ng nan
BAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang
TAHIMIK na umandar ang sasakyan palabas ng driveway. Habang papalayo, hindi napigilan ni Clyde ang sarili na sundan si Yumi palabas ng bahay. Sanay na silang sabay pumapasok sa opisina tuwing umaga. “Yumi...” tawag ni Clyde, bahagyang nagmamadali. “Sabihin mo na lang sa assistant mo na ihatid ka
WALA nang oras si Yumi para umiwas. Bumuhos ang malamig na juice sa mukha niya, dumaloy pababa sa buhok at leeg, sa damit niyang maayos pa kanina. Saglit na nanlabo ang paningin niya sa biglaang lamig ng paligid. Nagkagulo ang paligid. Mabilis na nagsidatingan ang mga kasambahay, may dalang tuwaly
ISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakir
“YOU WERE listening to my phone call?”Agad na nanlamig ang ekspresyon ni Victor matapos mapansin ang reaksiyon ni Heather. Noon pa man ay hindi na nito gusto ang babae kaya mabilis na tumigas ang tono nito.Bahagyang natigilan si Heather bago agad na umiling. “I didn’t mean to overhear anything,”







