Share

Chapter 6 - Jealous

Ang sinabi ng matandang Shen ay medyo nagkaroon ng komusyon sa kanilang pamilya. Everyone's competitive to try the challenge. Para kay Anais ay malaking pagsubok iyon lalo na't alam niya kung gaano kagusto ng kaniyang Tito na pamahalaan ang kompanya ng mga Shen. 

Natahimik na lamang siya habang nagpatuloy ang diskusyon. Si Brent naman ay pasulyap sulyap sa fiancee niyang tila problemado. 

Maraming naiisip si Brent para tulungan si Anais. He can hire some clients to invest on Anais. Ginagawa ko 'to dahil alam kong may potensyal siya sa pamamahala. Iyon ang rason niya sa sarili lalo na't nakikita niya na naman ang nakakalokong ngisi ni Mr. Santiago sa kaniyang isip. 

"Waiter..." ang pinsan ni Anais na si Dianna at pasimple pang sumulyap kay Brent nang magtawag. 

Brent looked at her coldly. Humagikhik ang mga pinsan ni Anais at nagpatuloy sa kanilang pangungutya kay Brent. 

"We need more wine, Brent," panggagatong naman ni Michelle na nakaangat ang kilay at nanunuya ang ngisi. 

Natuon na naman ang atensyon kay Brent sa kabila ng panandaliang tensyong namayani dahil sa desisyon ng matandang Shen. 

“You didn’t hear it, hijo?” ang ina ni Anais na talagang iritadong tiningnan si Brent. 

“Mama,” Anais tried to stop her cruel mother. 

Sa halip na mapunta kay Anais ang atensyon at mapahiya siya kasama nito, minabuti nalang ni Brent na tumayo at sundin ang utos. Kinuha niya ang wine at pormal na nagtungo sa gilid ni Dianna. 

Anais kept on looking at Brent. Ramdam ni Brent kung paano siya tinititigan ni Anais kaya ipinakita niyang ayos lang naman sa kanya na gawin iyon. 

“Alam mo guwapo ka sana kaso mas mahirap ka pa sa daga,” biglang komento ni Dianna nang titigan niya ang pagyuko ni Brent sa kanyang gilid para salinan ng wine ang wine glass nito. 

“Kadiri ka, Dianna! Your taste in men is so cheap! Anong guwapo?!” natatawang si Michelle. 

Tumawa rin si Dianna at tiningnan ang ina ni Anais. 

“The Wedding got called off, right?” 

“Why, Dianna? Do you want to replace Anais?” ang matandang Shen nang tingnan niya ito. 

“No, Ahma. Of course hindi ako katulad ni Anais…” si Diana. 

“The Sy abandoned him,” ang ina ni Anais. “Ganoon siya ka walang kwenta na kahit ang makatulong man lang sana sa problema natin ngayon ay hindi magawa. Buti pa si Samuel full package…”

“Samuel Ocampo?” ang Tito ni Anais. 

“Yes. I think he fancy Anais. I’ll probably set them up on a date one of these days…” mayabang na ngisi ni Mrs. Shen at sumulyap pa kay Brent na medyo natigilan ngunit hindi na lamang nagpahalata. 

Sa totoo lang, gusto nang magpalamon ni Anais sa lupa dahil sa pinagsasabi ng kaniyang ina kay Brent. She felt so low. Parang siya ang nanliliit dahil kabilang siya sa angkang ito. Ang mga Shen ay kilalang maimpluwensya ngunit hindi niya itatanggi na hindi siya sumasang-ayon sa sabi sabi sa kanilang pamilya. 

The Shen are greedy with power. Nagliliparan ang balitang iyon hindi lamang sa bawat angkan ng ibang henerasyon kundi sa halos nakakakilala ata sa kanila. 

Their money came from connections. Ang rason kaya lumalago dahil ipinagkakasundo ang mga babaeng anak sa mga mayayamang pamilya at talagang nangmamaliit sa mga hindi ka lebel ng kanilang pamilya. 

Si Anais ang naiiba sa kanilang lahat dahil ayaw niya sa tinatamasang karangyaan lalo na’t galing lang din sa pangit na paraan. Iyon ang rason kaya nagsisikap siyang pamahalaan ang kumpanya at baguhin ang tingin ng ibang tao sa kanila ngunit bumagsak pa ito sa kaniyang pamamalakad. 

Patong patong na ang iniisip ni Anais habang si Brent naman ay kakaiba ang tumatakbo sa isip habang nagsasalin ng wine. 

The witch is planning to set Anais up on a date with the Ocampo. Which Restaurant huh? Irita si Brent sa kaniyang biyanan na kailan talaga ay hindi naging maganda ang lumalabas sa bibig. Alam niyang hindi pabor ito sa kaniya ngunit ang ipagkasundo si Anais na labag na sa loob ni Anais ay hindi niya pahihintulutan. 

She needs to consider Anais’ feelings! Parang binibenta niya nalang ang anak para maging solusyon diyan sa problema niya. Really Brent? Because you can provide huh? You’re filthy rich and Anais doesn’t need to work her ass off in your arms you bastard. 

Brent is in denial with his feelings for Anais. Kahit minsan ay ramdam niyang nagseselos nga siya, ngunit dahil gustong panindigan na wala lang naman sa kaniya ang lahat ng ito, na nagmamalasakit lamang siya kay Anais dahil hindi ito malupit sa kanya, alam niyang sa likod ng kaniyang utak ay may iba na siyang naiisip minsan para sa babae. 

Brent’s jaw clenched after placing the wine beside the wine glass. Pabiro ring tinawag ni Michelle si Brent at nagpasalin ng wine sa kaniyang baso. Kahit iritado na siya dahil sa naiisip na date ni Samuel at Anais sa mga susunod na araw, nagawa niya pa ring tugunan ang mga utos ng Shen. 

Pansin ni Anais ang pagsulyap sulyap ni Michelle sa nakayukong si Brent. Michelle even leaned closely just to looked at Brent. 

“Ay oo nga… ang guwapo mo kahit mukha kang basahan,” natatawang si Michelle ganoon din si Dianna. 

“Sy ka nga pala. Mayaman ang mga Sy. Nanggaling ka sa mayamang angkan kaya siguro ganiyan ang tindig mo. May dugong Chinese din kayo,” nangingiting si Michelle habang seryoso lamang si Brent. 

Anais doesn’t like the subtle flirting of her cousins towards Brent. Kahit na iniinsulto nila, nararamdaman niya ang malagkit nilang titig minsan kay Brent lalo na’t nagbibiro pa si Michelle na pinisil pisil ang braso ni Brent. 

The Shen don’t mind since Brent isn’t a big deal for them anymore. Nagpatuloy sila sa topic tungkol sa business habang ang magpinsan ay si Brent ang pinagkakatuwaan. 

Hindi nakayanan ni Anais ang tingnan iyon kaya tumayo siya at nagpaalam na magco-comfort room. Dinala niya ang kaniyang crossbody bag at binuksan iyon para makapag retouch. 

Habang naiisip ang kilos ng kaniyang mga pinsan kay Brent ay nakaramdam siya ng pagkakadismaya. Binuksan niya ang compact powder at nagretouch. 

Bakit ba hindi kayang humindi ni Brent? Kailanman, hindi ko siya nakitang lumaban para sa sarili. Hinahayaan niya laging apihin siya. O baka naman… ang nangyari kanina habang binibigyan siya ng atensyon ng aking mga pinsan ay nagugustuhan niya rin? Coz they’re pretty, hot and very elegant. Magaganda sila kaya siguro… ayos lang sa kaniya? 

Nairita si Anais sa kaniyang iniisip. Hindi niya alam kung para saan iyon. At kung bakit naiisip niya ang ganoon. Alam niya kung gaano ka bait si Brent. Alam niyang tatahimik lamang ito at hahayaan ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya. 

Nagsisi rin naman siya kung bakit niya pinag-isipan nang ganoon si Brent. Hindi dapat ganoon ang iniisip niya ngunit bakit nga ba naiirita siya. 

Am I… jealous? Natawa si Anais sa naisip niya at nailing. Nagagawa mo pang magselos sa kalagitnaan ng malaki mong problema? At ano naman ngayon kung tipo nga ni Brent ang mga ganoong babae? Wala na dapat iyon sa akin total alam ko naman na pinagkasundo lamang kami. At maaaring sa mga sumunod na araw, magiging malaya na sila sa isa’t isa. 

Ngunit bakit ba nadidismaya siya nang maisip niya ang bagay na iyon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status