Share

The Family Heirlooms
The Family Heirlooms
Penulis: Ma Ri Tes

Prologue

Penulis: Ma Ri Tes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-20 08:26:40

Ng mailagay na ng maayos ni Matet sa box ang nilutong puto at caramel pudding ay dali dali na syang pumanhik sa kwarto nila ni Javi para magbihis. Sumilip sya saglit sa malaking bulwagan ng mansion ng mapadaan sya dito.

Halos lahat ng panauhin ay nandoon na.

"Mukhang ako na lang ang wala doon ah", sabi nya sa sarili habang lumalakad ng halos patakbo na papuntang kwarto nila."Kakahiya na huli ako, ngayon ko lang makilala buong pamilya nya", kaya mas nilakihan pa nya ang mga hakbang. Nasa pinto pa lang sya ng kwarto ay agad syang sinalubong ni Gelai(Gelo), ang bading na binayaran ni Javi para tulungan sya sa pag-ayos.

"Ang tagal nyo po Señorita", bungad nito sa kanya.

" Inayos ko pa kasi ang niluto ko at inilagay sa box", maikling paliwanag nya habang humihingal pa.

"Maligo na po kayo. Para maayusan ko na po kayo".

" Hindi na ako maliligo, halika ka na, tulungan mo na ako sa pag-aayos, "hinila nya ang kamay nito papuntang vanity nya at agad syang umupo sa harap ng salamin para makapag-umpisa na ito sa magmemake-up sa kanya. Nagmamadali na sya kaya wala na syang oras para maligo pa. Ayaw nyang kung ano pa ang sabihin ng pamilya ni Javi sa kanya dahil nahuli sya. Hindi na ito nagreklamo at sinunod ang utos nya.

" Señorita mangangamoy po kayo nyan", pabiro nitong sabi habang inaayusan sya.

"Ok lang mangamoy pantika para pwede ko na silang iprito di ba?!",pabiro nyang sabi kay Gelai. "Sa Middle East nga halos linggong hindi naliligo mga tao doon, dinadaan lng sa pagpeperfume ang amoy para hindi halata ang baho nila, wala namang nagrereklamo dba, tsaka nakapaligo naman ako kaninang umaga", mahabang litanya nya sa sinabi nito.

" Sabagay Señorita, isa pa kahit pawisan po kayo, mabango ka pa rin po",.

"Ayyeeyy, binola pa ako! At tsaka ilang beses ko ba sasabihin sayo Gie na huwag mo akong tawaging Señorita,kelangan ko ba ipalala yan palagi? ", kunwari galit na angil nya.

"Hindi kita binobola Tet, totoo sinasabi ko", ngumiti na lang sya, tinawag na sya nito sa kanyang palayaw. Akala nito siguro totoong galit sya. Para sa kanya hindi kasi nababagay na tawagin syang Señorita dahil mahirap lang sya at lalo na lilisanin nya rin ang mundong yun kapag tapos na ang kasunduan nila ni Javi.

Ng matapos ni Gelai ang pagkulorete ng mukha nya ay sinunod naman nito ang kanyang buhok. Hinayaan lang nito na nakalugay ang kanyang mahabang buhok pero kinulot nito ng kaunti ang dulo at ang ilang hibla ay inilagay sa paharap. Tsaka kinuha nito ang box na nakalagay sa mesa at iniabot sa kanya.

"Magpalit ka na Tet ng damit", utos nito sa kanya.

Kinuha nya ang dress sa box at nagbihis kaagad. Kulay peach yun at off shoulder kaya lutang ang kanyang kaputian. Pagkatapos nyang magbihis ay kinuha nya ang jewelry box sa drawer na ibinigay sa kanya ng matandang Donya. Mahigpit na ibinilin sa kanya na iyon ang isusuot nya sa kaarawan nito. At ngayon yun! Iniabot nya ito kay Gelai para tulungan syang maisuot yon.

"Tulungan mo ako nito",malumanay na utos nya dito at agad naman syang tinulungan.

Ng tapos na syang mag-ayos ay tinitigan sya ng mabuti ng bading. " Ang ganda nyo po Tet", bulalas nito. Pinangigilan pa ang mukha nya at kinurot ng kaunti.

Tumawa sya ng bahagya at tinabig ang kamay nito. "Ayan, ka na naman, binibiro mo naman ako" palagi kasi syang sinasabihan nito na maganda kapag nasa parlor sya nito.

"Totoo yan Tet ha,mukha kang tunay na prinsesa sa ganyan mong ayos",may sensiridad pa sa tono ng boses nito. Nginitian nya lang ito ng tipid.

**Sa Bulwagan**

Nilapitan ni Señora Lucy si Javi at tinanong kung nasan na si Matet dahil hinahanap ito ng Nana(Donya Amanda) nya.

"Asan na ba ang asawa mo?Hinahanap sya ng Nana mo.

"Pababa na po yun mom", sagot nya sa ina.

" Halos lahat ay nandito na ah! Bakit hindi pa tayo magsimula sa selebrasyon? "si Emily yun, pinsang buo ni Javi, anak ito ni Señora Debie at Don Lacson.

" Hintayin lang nating bumaba si Matet, inaantay kasi sya ng Nana nyo", si Señora Lucy na ang sumagot.

"Sino ba yun? Espesyal na bisita? ", tanong nito na may halong pang-iinsulto sa tono.

Sakto naman na bumababa na ng 2nd floor si Matet kaya halos lahat ng bisita ay napabaling kanya. Nakasunod naman dito si Gelai.

Pababa na sya ng hagdan. Halos maririnig nya na ang tambol ng kanyang puso sa kaba dahil nakita nya na halos sa mga bisita na nandun ay nakatingin sa kanya. Hindi sya sanay na nasa kanya ang atensyon ng mga tao. First time itong mangyari sa buhay nya. Lalo na't nakikita nya sa mga mata nito ang paghanga pero ng tingnan nya ang pamilya ni Javi kabaliktaran naman ang reaksyon sa mga mukha ito. Nagtataasan ang mga kilay nito at halatang hindi sya nagustuhan kaya kumunot saglit ang noo dahil nagtaka sya kung bakit ganun ang reaksyon ng mga iyon.

" Ayan na po sya Ma, pababa na", sabi ni Javi sa ina ng makita na si Matet na pababa ng hagdan. Napahanga sya sa taglay nitong ganda na halos nagdulot yun ng kakaibang damdamin sa kanya.Nag-excuse sya sa ina para salubungin ito.

Hinintay nya sa dulo ng hagdan ang asawa. Nakangiti sya ng matamis at tinitigan ito ng mabuti. Pagkalapit nito sa kanya ay dinampian nya ng halik ang labi nito. Naamoy nya ang mabango nitong hininga at naramdaman ang malambot labi. Nakita nyang napatigil ito saglit kaya binulungan nya ito.

"It's just a smack kiss, para naman kapani-paniwala na mag-asawa tayo di ba?!. And you look so gorgeous", magiliw pa nyang sabi dito.

" Thanks Gelai", binalingan nito si Gelo ng dumaan sa kanilang tabi at pumunta sa pwesto ng iba pang mga bisita. Tumango lang ito at tipid na ngumiti sa kanya.

"Halika na",at ibinalik agad ang atensyon sa asawa tsaka iginiya niya ang ito patungo mahabang sa mesa.

***

Hindi nya inaasahan ang ginawa ni Javi na paghalik sa kanya.Naamoy nya ang mabangong hininga nito.Biglang lumakas ang tibok ng puso nya dahil doon kaya napatigil sya saglit, ganunpaman ng makabawi sya sa pagkabigla ay nginitian nya na ito.

"Totoo naman ang sinabi nito pero hindi naman nya kelangan gawin yun ah", sa isip nya. Ikinawit nya ang braso nya sa braso ng lalaki na kanina pa nag-aantay sa kanya at iginiya sya nito papalapit sa mahabang mesa na nasa malaking bulwagan. Umupo sila sa kanang bahagi ng Donya at sa kaliwa naman ay ang mga magulang ni Javi.

" Asawa yan ni Javi", bulong ni April kay Emily bilang sagot sa tanong nito kanina.

"Kaya pala, ano sya nagpapakaespesyal?, sabi nito na may halong pang-uuyam at inis sa tinig.

" Hayaan mo na, mamaya mo na ilabas ang inis mo sa kanya kapag tapos na ang selebrasyon ", sabi ni Señora Debie sa anak na alam nyang kapag hindi nya ito sinaway ay siguradong pagsasalitaan nito ng hindi maganda ang asawa ni Javi. Kilala nya ang anak, maliit lang ang pasensya nito at wala itong pakialam sa paligid kapag nagagalit ito. Ayaw nyang mangyari yun, kelangan nila makuha ang loob ng matandang Donya kaya gagawin nya ang lahat para hindi makapag-iskandalo ang anak.

Ng makaupo na sina Javi at Matet sa hapag kainan ay tumayo ang matandang Donya. Inalalayan naman ito ng kanyang nurse para hindi ito matumba.

"Dahil andito na ang lahat, umpisahan na natin ang selebrasyon", anunsyo nito sa mahinang boses, halatang nanghihina.

Nag-umpisa na maghandog ng regalo ang mga bisita. Iba-ibang regalo ang ibinigay sa matanda. Mayroong mamahaling alahas, paintings, figurines at iba pang mamahaling bagay. Ng ang lahat ay nakapagbigay na ng regalo,binalingan naman nito si Matet na kasalukuyang kumakain na.

"Iha, akala ko may ibibigay ka ding regalo sa akin?", tanong nito dito.

Napatigil naman ito sa pagnguya at tumingin ito sa matanda.

" Opo Nana, saglit po", sagot nito. Bumaling sya sa kinaroroonan ni Aling Alma at sinenyasan na dalhin sa kanya ang niluto nyang puto at caramel pudding kanina. Iyon kasi ang inihanda nyang regalo para dito. Tumalima naman ito at iniabot sa kanya ang dalawang box.

"Salamat po nanay Alma", magiliw nyang sabi sa katulong. Ngumiti ito at bumalik na sa pwesto.

" Ito po Nana", iniabot nya ang box sa matanda at kaagad naman nito binuksan.

Ng mabuksan ng matanda ang box, narinig nyang nagbubulung-bulongan ang mga bisita lalo na ang pamilya ni Javi. May naririnig syang positibo pero mas marami ang negatibo.

"Ang cheap naman, hindi ba nya kaya bumili ng mamahaling bagay para iregalo sa kay Donya Amanda", narinig nyang sabi ng isang bisita.

" Gusto mo ata patayin ng mabilis si Nana ah", sabi ni Señora Emilda, isa sa mga tiyahin ni Javi. "Alam mong maysakit sya tapos papakainin mo ng matatamis, gusto mo bang tataas ang sugar nya? ", dagdag pa nito.

Hindi nya pinansin lahat ng narinig nya bagkus nagfocus sya sa matandang Donya.

" Yan po ang regalo ko sa inyo Nana, alam ko naman kasing hindi nyo kelangan ng materyal na bagay. Ang mahalaga po sa ngayon ay ang alagaan kayo ng mabuti at mapasaya po kayo palagi ", paliwanag nya sa matanda para hindi na ito magtanong kung bakit iyon ang ibinigay nya.

" Salamat Iha, inalala mo talaga ang kapakanan ko", sabi nito na may ngiti sa labi.

Iba-iba ang reaksyon ng mga bisita sa sinabi nya. Mayroong nagsabi na tama naman sya dahil hindi naman madala ng matanda ang mamahaling regalo sa kabilang buhay. Mayroon naman na nagsasabi na nagpapapel lang sya sa matanda. Wala syang pakialam kung anu ang sasabihin ng mga bisita, nandoon lang naman sya dahil sa kasunduan nila ni Javi at kailangan. nyang magampanan ng maayos ang kanyang papel.

"Tama na yang drama", si Señora Grasya ang pumutol sa kanilang pag-uusap ng matanda. "Nana dahil ganyan po ang kalagayan nyo, kelangan nyo na pong gumawa ng last will and testament ", suhestiyon nito sa Donya.

" Tama po Nana si Tita Grasya, "pagsang-ayon ni Emily. "Lalo na po kung kanino mapunta ang " Family Heirlooms " na iniingatan ng angkan natin", pagkasabi nito ay tinapunan ng tingin si Javi.

Hindi yun nakaligtas sa paningin ni Matet, nakita nya na ng binanggit ni Emily ang "Family Heirlooms" nakatingin lahat ng pamilya ni Javi dito. Nagtaka sya sa mga reaksyon nito.

"Anu kaya ang koneksyon ni Javi sa "Family Heirlooms" bakit lahat sila nakatingin dito", tanong nya sa isip nya.

"Tama po", pagsang-ayon ng pamilya ni Javi at synchronized pa ang pagkasabi ng mga ito, akala mong nagmeeting na iyon sa kung anu ang sasabihin nila.

" You all shut up! ", malakas na hampas sa ibabaw ng mesa ang ginawa ni Don Antonio, ama ni Javi. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya. Galit ang tinig nito. Lahat na andoon ay nabigla at natahimik.

"Hindi nyo na nirespeto ang okasyon ng Nana. "Hindi kayo makapaghintay sa tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan!Ipinapakita nyo lang na andito kayong lahat para sa mga mamanahin nyo!Mga ganid kayo!"galit nitong sabi habang tinuturo isa isa ang pamilya na nasa hapag kainan.

" Hindi naman sa ganun kuya, ang sa amin lang....",naputol ang iba pang sasabihin ni Señora Debie ng magsalita si Donya Amanda.

"Tama na yan!", mataas na tinig ng Donya Amanda ang pumutol sa namumuong tensyon sa bulwagan na yun. " Hindi kayo dapat nagpapalitan ng hindi magandang salita dahil lang sa bagay na yan. At lalo pa marami tayong bisita, nakakahiya kayo!" mahinahon na nasabi ng matanda ng makitang kumalma na sila. "Magkakaroon tayo ng pagtitipon sa sunod na araw para pag-usapan ang bagay na yan", dugtong pa nito. " Sa ngayon magsitigil kayo!", may diin nitong dagdag sa sinabi. "Sige na, magsikain na kayo".

Tahimik lang sya at matamang na nagmatyag sa mga nangyayari sa paligid nya.Kung kanina ay nagtaka sya kung bakit napatingin ang pamilya ng lalaki dito ng binanggit ang tungkol sa " Family Heirlooms ", ngayon naman ay naku-curious na sya. "Anu yung Family Heirlooms ng angkan ng mga ito. Bakit ganito na lang pagkainteresan ng pamilya nya at si Nana.... napatingin sya mg mabuti sa matanda.

May sakit ba talaga ito?, bakit bigla itong tumayo at nagtaas ng tinig? nakita nya kasi na tumayo ito bigla ng nagtataasan ng boses ang Don Antonio at Señora Debie pero bumalik naman agad ito sa pagkaupo, hindi iyon nakaligtas sa mapagmatyag nyang mata. "Paano nya nagawa yun? Pero impossibleng wala itong sakit, maputla kasi ito at halatang mahina. Pero hindi ito payat gaya ng ibang may sakit na kanser", mga nag-aagaw na katanungan sa kanyang utak na hindi nya alam kung makakakuha sya ng kasagutan.

"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Family Heirlooms   Kabanata 36: Call Me by My Name

    MATET " Dito na lang ako Mr. Dixon", wika nya sa lalaki. "Can you please stop calling me Mr. Dixon. Call me by my name, Javi". " But I should't call you by that. You need to be respected, you're rich and well known! ", she argued. " Does it matter if I'm rich or I have high status in the society ", he asked. " uhhhuhh", she nodded. He stopped the car but didn't unlocked the door. "Can you please unlocked the door", she pleaded. Nilinga ni Javi ang paningin sa paligid na parang may hinahanap. Binaliwala nito ang pakiusap nya. " Saan ang bahay ng ate mo? " he asked. Wala syang balak na sabihin kung saan banda ang bahay ng kapatid nya. Alam nyang, ihahatid sya nitong hanggang doon. Ayaw nya yun. Pakiramdam nya habang tumatagal ang pagsasama nila ng lalaking ito, nagkakaroon sya ng malaking utang na loob dito. Ayaw nya rin ang nararamdamang napapalapit sya sa lalaki. "Hindi mo kailangang alamin kung saan naroon ang bahay ng kapatid ko. It's too much already that

  • The Family Heirlooms   Kabanata 35: Job Hiring

    MATET "Uhmm. . .Mr. Dixon hindi na ako magtatagal. May pupuntahan pa kasi ako", saad niya. " Ok, pero ihahatid kita". "Ha? Naku, huwag na. Baka nakaabala ako sayo". " No , Wala naman akong ginagawa doon sa resort ", pagpupumilit nito. 'Uhm, nakakahiya naman kasi. . . mamimili pa ako eh", ayaw nya talagang ihahatid sya nito " It's ok, sasamahan kita", determinado ito sa sinasabi. "Uhh,. . . Ok", nagdadalawang-isip man, hindi na sya nagreklamo pa. " Le-Let's go". Nag-grocery muna sya ng mga kakailanganin nila sa loob ng bahay. Next stop nya, pumasok sya sa school supplies area para bilhan ng bagong sapatos at bag ang mga anak. Sumunod lang sa kanya si Javi at ito pa ang humihila ng cart nya. Almost 15 minutes ang pamimili nya bago pumila sa counter. "Hintayin mo na lang ako sa labas Mr. Dixon, babayaran ko lang to", pakiusap nya sa lalaki. " No, sasamahan pa rin kita". "No need, Kaya ko na to. " "But I insist". " Umusad naman kayo. Ang dami pang magbabayad

  • The Family Heirlooms   Kabanata 34: Unexpected Meet-up

    JAVI Past eleven na ng umaga ng dumating sya sa DFA. Mabilis lang naiproseso ang dokumento nya dahil may kaibigan siyang kilala sa departamento. Lumabas sya ng DFA ng matapos ang appointment niya. Dumaan sya sa harap ng POEA at may nahagip ang kanyang mata na isang babae na pamilyar sa kanya ang pigura. Tumigil sya sa paglalakad upang pagmasdan ng mabuti ang babaeng yun. Ng tumayo ito dahil sa paglapit ng isang lalaki, doon nya na tuluyang nakilala ang babae. "(What is she doing here? ) ", tanong nya sa sarili. Dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan nito. Pinag-aaralan nya rin ang galaw ng lalaking kausap nito. " (Another pervert! ) ", nagtitimbagang sya ng marealize na hinaharas na naman ito. " (Ganito ba palagi ang senaryo kapag nagkikita kami?), inis nyang tanong. Hinila nya ng marahas ang lalaking halos hahalik sa braso ni Matet. Hawak din nito ang kamay ng babae. "You're B***sh*t! Wala kang karapatang hawakan ang kamay nyan dahil ako lang ang may karapatan", mahina

  • The Family Heirlooms   Kabanata 33: Bad news and good news

    Iniinat ni Matet ang katawan pagkatapos nyang gawin ang lahat ng gawaing bahay. Umupo sya sa duyan na nasa lilim ng punong mangga. "Hmmm, paubos na ang ipon ko, pero hindi pa rin nagparamdam ang agency na inaaplayan ko", bulong nya. Kinuha nya ang cellphone upang i-message ang kaibigan na nagrekomenda sa kanya sa agency. " [Sis gandang araw. Kumusta na? ]"panimula nyang mensahe. "[Ok lang sis, Ikaw kumusta naman jan? ]", balik tanong nito. Mabuti't online din ito sa mga oras na yun. " [Ok lang naman sis. Uhh, . . . sis kamusta nga pala ang application ko? ]" "[Ahh, sis nasa line up ka pa for selection kaya antay lang ng kaunti.]", paliwanag ng kaibigan nya. " [Suggest ko sis, kumuha ka na ng CoC sa POEA para kung maselect ka na mas madali ka ng makaalis]", suhestiyon nito. "[Sige sis, aasikasuhin ko ang CoC ko]", reply nya. Napabuntong-hininga sya. Isinilid nya ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa. " Mukhang matatagalan pa ako dito ah", she mumbled. "Kelangan

  • The Family Heirlooms   Kabanata 32 : Wasted chances

    "Jhon, huwag mong idamay ang anak natin sa galit mo sa'kin", galit nyang singhal sa asawa. " Yang mga anak mo! nakuha yang pag-uugali mo! Nakakasuka, kaya lumayas kayo dito! ". " Sumusubra ka na John! Walang kinalaman ang mga anak natin sa away natin! ". Bumangon si John at tumayo. Itinulak nito si Bryle. " Aray", natumba ang bata sa gilid ng kabinet. Agad nyang sinaklolohan ito. " Nak may masakit ba? ", kaagad nyang siniyasat ang katawan ng anak baka nasugatan. " Ok lang po ako mama",malungkot nitong turan. "Salamat kung ganun", pinatayo nya ang anak at inilabas sa kwarto nila. " Sa labas lang muna kayo ha", pakiusap nya sa anak. Tumango naman ito at sinunod ang siya. Nakita nya kinuha ni John ang kanyang mga damit at itinapon ito sa labas, pati ang damit ng kanilang mga anak. "Magsilayas kayo rito. Mga wala kayong silbi! ", sigaw nito. " Papa, ano ba? Huwag mo naman tong gawin sa amin! ", rinig nyang pagsusumamo ni Laine. Pinupulot nito ang mga damit na tina

  • The Family Heirlooms   Kabanata 31: Back Again

    Tinupad nga ng Ate Bel nya ang pangako nito na uuwi sa probinsya upang sabay nilang salubungin ang bagong taon. Ganun din ang iba pa nyang kapatid. Matatawag silang isang tunay na pamilyang Pilipino. May close family ties. Nag-aaway man pero sa huli ay naayos nila ang kanilang problema. Sa pagsalubong ng bagong taon ay may kanya-kanya silang menu. Nagsipagluto sila sa kani-kanilang tahanan at dinala ang handa sa bahay ng kanilang ina. Ang kanyang Ate Bel ay nagluto ng puto at kutchinta. Si Lea ay nagluto ng spaghetti. Si Ana ay nagluto ng salad. Ang Ate Marie nya ang bumili ng cake at sya naman ay nagluto ng ulam na may sabaw at gulaman para sa dessert nila. Masaya nilang sinalubong ang bagong taon na sama-sama. Ang mga natirang pagkain sa pagsalubong ng bagong taon ay dinala nila sa beach na malapit lang sa kanila kinabukasan. Doon sila kadalasan pumupunta kapag may okasyon. Bumalik sila sa kani-kanilang buhay matapos ang bagong taon. At naging busy ang lahat. Isang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status