/ Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 112 - In the Limelight

공유

Chapter 112 - In the Limelight

작가: Olivia Thrive
last update 최신 업데이트: 2025-07-08 23:10:10

Mula nang sumikat ang fashion line at podcast ni Alexis, mas naging abala ang mundo niya. Iba’t ibang collaborations, interviews, at guestings ang sunod-sunod na pumasok sa kalendaryo niya. Sa bawat post at episode, mas dumadami ang humahanga, hindi lamang sa talento niya kundi sa lakas at paninindigan na taglay ng kanyang pagkatao.

Ngunit sa gitna ng mga palakpak at tagumpay, may ibang nararamdaman si Ralph—isang pamilyar na kirot na matagal na niyang hindi naramdaman.

Selos.

Isang hapon, maaga niyang sinundo si Alexis sa opisina nito para sorpresahin sana ng dinner date. Nakasando’t maong pa siya, may hawak na paboritong milk tea ng asawa. Excited pa siya dahil bihira na siyang makapagsingit ng ganitong oras sa sobrang dami ng mga kaso.

Pero pagkababa niya ng kotse, nakita agad niya si Alexis sa labas ng building, tumatawa habang kausap ang isang lalaki.

Matangkad. Maayos ang bihis. Gwapo.

At masyadong malapit kay Alexis.

“Grabe, Alexis, you really inspire me,” narinig pa ni Ralph h
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 141- Bouncing Back to Work and Reality

    Matapos ang ilang buwang pagpapahinga at sunod-sunod na therapy sessions, sa wakas ay nakatanggap na si Alexis ng go signal mula sa kanyang therapist. Ito isa sa mga pinakahihintay niyang magandang balita. Bagama’t naging mahaba at mabigat ang kanyang naging laban kontra sa trauma, hindi niya kailanman sinukuan ang sarili. At sa suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at buong online community, handa na siyang humakbang muli.“Lex, sigurado ka na ba?” tanong ni Ralph habang inaayos ang seatbelt niya sa passenger seat. Siya ngayon ang designated driver ni Alexis kahit hindi na ito kailangan ay hindi pa rin maiaalis ang pagka-overly protective nito.Ngumiti si Alexis habang tinutupi ang kanyang blazer at isinabit sa likod ng upuan. “I’m not just sure. I’m ready. Hindi na ako ‘yung Alexis na lumilingon sa likod na parang laging may humahabol.”Napatitig si Ralph sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman—halo ng tuwa, ginhawa, at kaunting kaba. Para sa kanya, si Alexis ay nalug

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 140 - Breaking Free

    Makalipas ang ilang buwan ng bangungot, unti-unting natutong huminga muli si Alexis.Ang kanyang therapy sessions ay hindi naging madali sa simula. Sa unang mga linggo, halos wala siyang nasabi. Tahimik lang siyang nakaupo sa loob ng silid na may maputing pader, simpleng couch, at mala-kalmadong aroma ng lavender. Naroon ang kanyang doctor, isang certified trauma specialist na inirekomenda mismo ni Ralph.“Don’t worry, Alexis,” malumanay na sabi ng therapist. “You don’t need to say anything you’re not ready to share.”Tumango lamang siya noon, bagaman sa loob niya, naguguluhan pa rin siya kung tama bang narito siya. Para kasing kahinaan ang paghingi ng tulong. Para bang kung aaminin niyang sugatan siya, e di siya na ’yung natalo.Pero linggo-linggo, bumabalik siya. Kahit hindi pa siya handang magsalita, pinupuntahan niya pa rin ang mga session. At unti-unti, nang dumating ang ikaapat na linggo, nagsimula na siyang magsalita.“Hindi ko alam kung saan ako magsisimula,” nanginginig ang t

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 139 - Justice is Not Optional

    Mula nang umuwi si Alexis mula sa ospital, isang bagay ang hindi niya inaasahan—ang lawak ng suporta mula sa kanyang online community.Isang hapon, habang tahimik siyang nakaupo sa couch, yakap-yakap ang isang unan, nagulat siya nang dumagsa ang mga notifications sa kanyang phone. Hindi niya agad binuksan—pagod pa rin siya, emosyonal, at to be honest, natatakot siyang makakita ng masasakit na komento o tanong tungkol sa nangyari sa kanya.Ngunit biglang dumating si Ralph na may hawak na tablet at sabik na ngumiti.“Lex,” aniya, “I think you need to see this.”Agad niyang tinanggap ang tablet, at halos mapaluha siya sa nakita.Isang buong thread ng messages, comments, at posts mula sa kanyang followers at fellow moms ang bumungad sa kanya. May mga larawan ng mga nanay na hawak ang kamay ng kanilang anak, may mga quotes ng lakas at pag-asa, at may mga mensahe na nagsasabing:“You inspired us. Now, let us be your strength.”“No one deserves what happened to you, Alexis. But you survived.

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 138 - People Around You

    Pagkalipas ng ilang araw, nagsimulang dumalaw ang ilan sa kanyang mga katrabaho. Bitbit nila ang mga bulaklak, prutas, at mga mensahe ng suporta. Isa sa kanila ang nagdala ng isang scrap book na gawa ng buong team—puno ng photos nila ni Alexis sa opisina, mga caption ng “We miss you,” “Get well soon,” at “Balik ka na, Boss!”Hindi niya napigilang mapangiti.“Nakakamiss din kayo,” wika niya habang tinitingnan ang bawat pahina.“Hindi mo lang alam, Lex,” sabi ng isa sa kanila, “pero nung nawala ka, parang kulang ang opisina. Hindi lang dahil sa trabaho mo, kundi dahil sa aura mong nakaka-inspire. Baka akala mo fashion lang ang naiambag mo, pero mas malalim pa doon.”Napayakap siya sa mga ito, damang-dama ang pagkakaugnay-ugnay nila hindi lang bilang mga kasamahan sa trabaho, kundi bilang mga kaibigan at ka-alyado sa personal niyang laban.Pagkatapos ng masayang kuwentuhan, tawanan, at pagbibigay ng mga munting regalo ng mga katrabaho ni Alexis, dumating ang isa pang hindi inaasahang san

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 137 - Joy in Little Things

    Sabi nila, ang pagmamahal ay makikita sa malalaking sakripisyo. Pero para kay Alexis, ang tunay na pag-ibig ay nasusukat sa mga simpleng kilos na paulit-ulit, araw-araw, hindi hinihingi, pero kusa.Gabi noon, katatapos lang niyang patulugin si Anjo. Si Ayesha ay may assignment pa sa kusina. Napaupo siya sa sofa, pilit pinapakalma ang likod niyang sumasakit sa kakabuhat kay Anjo buong araw.Napapikit siya saglit, pero nagulat nang maramdaman ang malambot na haplos sa kanyang balikat.“Masakit pa rin?” bulong ni Ralph habang marahang minamasahe ang likod niya.“Medyo,” sagot ni Alexis, bahagyang napahilig sa asawa. “Ang dami kong binuhat kanina. Kasama na si Anjo sa mga groceries.”Napangiti si Ralph at nagpatuloy sa pagmamasahe, dahan-dahan ngunit may diin sa tamang lugar. “Akin na lahat ng bigat mo, Lex. Huwag mo na yang pasanin mag-isa.”Napakagat-labi si Alexis sa narinig. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa pagmamahal na ramdam niya sa bawat galaw ni Ralph.Pagkatapos ng masahe, h

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 136 - Emotional Support

    “Mommy, bakit ka umiiyak?”Hindi agad nakasagot si Alexis. Hawak niya ang basang tuwalya na ibinabad niya para sa noo niya kanina. Nakaupo siya sa gilid ng kama, pilit pinapakalma ang sarili habang pinipigilan ang muling pag-ikot ng kanyang paningin.Gabi na, at dapat ay tahimik na ang bahay. Pero hindi niya naitago ang hikbi niya sa banyo. Lumingon siya at nakita ang maliliit na mata ni Ayesha na puno ng pag-aalala.“Okay lang ako, sweetheart,” bulong niya, pilit ang ngiti.Lumapit si Ayesha. “Sabi po ni Daddy, you’re strong. Pero strong people can cry too, di ba?”Napakagat-labi si Alexis. “Oo, anak. Minsan, kahit strong ka, napapagod din.”Hinawakan ni Ayesha ang kamay niya. Maliit, malamig, pero may bigat ng pagmamahal. “I’m here, Mommy. Always.”At doon, muling tumulo ang luha ni Alexis.Simula nang ma-diagnose siya ng PTSD, nag-iba ang takbo ng mga araw ni Alexis. May mga umagang ayaw niyang bumangon. May mga gabi namang paulit-ulit siyang nagigising dahil sa mga panaginip—boses

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status