Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 15 - An Inch Closer

Share

Chapter 15 - An Inch Closer

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-06-06 13:52:00

Gabi pa rin, pagkatapos ng paalalang binitiwan ni Ralph tungkol sa kanilang kontrata. Mainit pa ang katahimikan. Nasa loob pa rin sila ng honeymoon villa — elegante, romantiko, perpekto para sa bagong kasal… ngunit tila hindi sapat para takasan ang emosyong pilit nilang ikinukubli.

“Mas mabuting… maghiwalay muna tayo ng kwarto ngayong gabi.”

“Oh. Okay. Sure.”

“Para lang malinaw ang mga boundaries natin. You know… to avoid any… complications.”

Tango lang ang naging tugon ni Alexis.

"Good night, Mrs. Santillan."

Ngumiti kahit pilit si Alexis. Akmang hahakbang na siya palayo ngunit pinigilan siya ni Ralph at hinagkan sa pisngi. Parte pa rin ba ng pagpapanggap yun? Wala namang tao sa paligid. Narealize ni Alexis na hindi niya dapat bigyan ng malisya ang mga ginagawa ni Ralph. Siya lang ang nagbibigay kahulugan sa mga actions nito. Samantalang ito ay focus lang sa pagpapanggap.

Nagtungo na si Alexis sa silid na binigay ni Ralph. Nakatitig siya sa salamin habang nag aapply ng pang skincare.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 19 - Breaking the Rules

    Pagkapasok sa villa, tahimik si Ralph at Alexis. Ngunit hindi ito tahimik na awkward — kundi tahimik na puno ng kuryente, ng hindi maipaliwanag na tensyon. Pareho nilang alam: may namumuo. May bumibigat. At kahit pa may kontratang nakasulat, tila mas malakas ang dikta ng damdamin kaysa tinta sa papel.Pagpasok, una si Alexis sa sala, hinubad ang kanyang jacket at nagsimulang mag-ayos ng buhok sa salamin.“Ang lamig sa labas pero parang ang init ng pakiramdam ko.”Sumulyap si Ralph sa kanya, hindi maalis ang tingin sa likod ng babaeng na unti-unting naglaladlad ng tunay na sarili — hindi lamang bilang partner sa plano, kundi bilang taong gusto niyang mas makilala pa.

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 18 - Sign of Jealousy

    Patapos na ang ilang araw na pagsasama nila Ralph at Alexis para sa kanilang kunwaring honeymoon. Marami silang baong magagandang memories pero hindi pa rin maiwasan ni Alexis na malungkot. Napansin naman agad ni Ralph iyon at niyaya pa siyang kumain sa labas.Agad namang pumayag si Alexis. Simple lang ang date nila. Candlelit table, steak at wine. Kumpleto na. Napakaromantic ng set up."You like the place?"Alexis smiled genuinely. "Oo naman."At nang matapos sandaling nagpaalam si Alexis para mag cr. Sabay tayo mula sa kanyang upuan. Bago pa siya tuluyang lumayo, inabot niya ang pisngi ni Ralph at pinisil ito nang marahan. “Huwag mo akong hanapin agad.”Ngumiti si Ralph, medyo namula sa ginagawa ni Alexis, pero hindi na nagtanong pa. Tumango lang siya at hinigop ang alak.Pagbalik ni Alexis mula sa comfort room, napansin niyang may tatlong babaeng nakapali

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 17- Target Locked

    Hindi pa rin dalawin ng antok si Alexis matapos ang mainit na eksena na namagitan sa kanila ni Ralph. Ang mga bituin sa langit ng Tagaytay ay tila nagpipiyestang kumikislap, pero hindi iyon ang nagniningning sa gabi — kundi ang mga matang gising pa rin ni Alexis, habang nakatitig sa kisame, hawak-hawak ang kanyang sariling dibdib na parang sinusubukang pigilan ang pagbilis ng tibok ng puso.Napapikit siya, humawak sa dibdib. Mabigat. Ramdam ang bigat ng damdaming pilit iniiwasan.“Hindi naman ito ang usapan, diba? Tatlong buwan. Walang personalan. Walang puso. Pero Ralph… anong klaseng biro ang tadhana kung sa'yo ko muling nakita ang sarili ko?”Bumangon siya, lumapit sa bukas na pintuan ng veranda. Tanaw ang mga ilaw ng Tagaytay sa malayo. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kawalang katiyakan.“Alam kong nasaktan ka rin. Na may bahagi sa’yo na pilit isinasara ang pinto para sa bagong pagmamahal. Pero Ralph… paano kung ako ang kumatok? Paano kung sa dami ng taong umalis, ako

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 17- Target Locked

    Hindi pa rin dalawin ng antok si Alexis matapos ang mainit na eksena na namagitan sa kanila ni Ralph. Ang mga bituin sa langit ng Tagaytay ay tila nagpipiyestang kumikislap, pero hindi iyon ang nagniningning sa gabi — kundi ang mga matang gising pa rin ni Alexis, habang nakatitig sa kisame, hawak-hawak ang kanyang sariling dibdib na parang sinusubukang pigilan ang pagbilis ng tibok ng puso.Napapikit siya, humawak sa dibdib. Mabigat. Ramdam ang bigat ng damdaming pilit iniiwasan.“Hindi naman ito ang usapan, diba? Tatlong buwan. Walang personalan. Walang puso. Pero Ralph… anong klaseng biro ang tadhana kung sa'yo ko muling nakita ang sarili ko?”Bumangon siya, lumapit sa bukas na pintuan ng veranda. Tanaw ang mga ilaw ng Tagaytay sa malayo. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kawalang katiyakan.“Alam kong nasaktan ka rin. Na may bahagi sa’yo na pilit isinasara ang pinto para sa bagong pagmamahal. Pero Ralph… paano kung ako ang kumatok? Paano kung sa dami ng taong umalis, ako

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 16 - Tagaytay Getaway

    Ang simoy ng hangin ay malamig, may halong bango ng kape, at tanaw mula sa balcony ng suite nila Alexis at Ralph ang tila walang katapusang tanawin ng Taal Volcano. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang “honeymoon itinerary” — isang kunwaring romantic escape, pero bakit tila hindi na ito basta palabas? O ayaw lamang isipin ni Alexis na isang palabas?Habang hinihigop niya ang mainit na tsokolate sa balcony, napatingin siya kay Ralph na abala sa pag-aayos ng camera tripod. May nakaplano silang buong araw na photoshoot para sa social media — sweet couple content, breakfast date sa balcony, cozy roadtrip shots, at romantic dinner sa dulo ng gabi.Si Ralph nagsasalita habang inaayos ang angle ng camera “Ready ka na, Ma’am Mrs. Santillan?”Natawa naman si Alexis.“Stop calling me that! But also... kinda cute.”Tumawa rin si Ralph — isang tawa na hindi pilit. Isa sa mga bihirang pagkakataong parang hindi siya laging nag-iisip, parang masaya lang siya sa kasalukuyan.“Alam mo, kung araw-araw g

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 15 - An Inch Closer

    Gabi pa rin, pagkatapos ng paalalang binitiwan ni Ralph tungkol sa kanilang kontrata. Mainit pa ang katahimikan. Nasa loob pa rin sila ng honeymoon villa — elegante, romantiko, perpekto para sa bagong kasal… ngunit tila hindi sapat para takasan ang emosyong pilit nilang ikinukubli.“Mas mabuting… maghiwalay muna tayo ng kwarto ngayong gabi.”“Oh. Okay. Sure.”“Para lang malinaw ang mga boundaries natin. You know… to avoid any… complications.”Tango lang ang naging tugon ni Alexis."Good night, Mrs. Santillan."Ngumiti kahit pilit si Alexis. Akmang hahakbang na siya palayo ngunit pinigilan siya ni Ralph at hinagkan sa pisngi. Parte pa rin ba ng pagpapanggap yun? Wala namang tao sa paligid. Narealize ni Alexis na hindi niya dapat bigyan ng malisya ang mga ginagawa ni Ralph. Siya lang ang nagbibigay kahulugan sa mga actions nito. Samantalang ito ay focus lang sa pagpapanggap.Nagtungo na si Alexis sa silid na binigay ni Ralph. Nakatitig siya sa salamin habang nag aapply ng pang skincare.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status