Beranda / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 19 - Breaking the Rules

Share

Chapter 19 - Breaking the Rules

Penulis: Olivia Thrive
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-07 10:00:00

Pagkapasok sa villa, tahimik si Ralph at Alexis. Ngunit hindi ito tahimik na awkward — kundi tahimik na puno ng kuryente, ng hindi maipaliwanag na tensyon. Pareho nilang alam: may namumuo. May bumibigat. At kahit pa may kontratang nakasulat, tila mas malakas ang dikta ng damdamin kaysa tinta sa papel.

Pagpasok, una si Alexis sa sala, hinubad ang kanyang jacket at nagsimulang mag-ayos ng buhok sa salamin.“Ang lamig sa labas pero parang ang init ng pakiramdam ko.”

Sumulyap si Ralph sa kanya, hindi maalis ang tingin sa likod ng babaeng na unti-unting naglaladlad ng tunay na sarili — hindi lamang bilang partner sa plano, kundi bilang taong gusto niyang mas makilala pa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 22- Viral Post

    Pagkababa mula sa elevator ng opisina, sabay si Ralph at Alexis pero maingat sa distansya. Hindi nila inaasahan ang pagtanggap ng mundo sa “honeymoon” nila. Hinatid lamang ni Ralph si Alexis. “Good morning, Mr. and Mrs. Viral! Kayo na talaga!” bati ng katrabaho ni Alexis.Napahinto si Alexis at Ralph. Sabay silang napatingin sa isa’t isa, parehong may pilit na ngiti.Bumulong si Ralph kay Alexis.“You need to post less next time.”“Too late. You’re a celebrity husband now.” tila nang iinis na tugon ni Alexis.Pagpasok pa lang nila sa kani-kanilang department, sinalubong agad sila ng mga tao.Katrabaho ni Alexis:“Grabe, Alexis! Sobrang sweet n’yong dalawa sa video sa cliffside. ‘My forever’ daw, oh! Kinilig buong department!”“Hi Alexis! And congrats, ha? You and Ralph are trending on my feed. Power couple!” ani ng kausap ni Alexis na kliyente sa telepono.Napakagat-labi si Alexis, napatingin sa screen kung saan bukas pa ang isang tab—nagta-top trending ang hashtag na #Coupleoftheyear

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 21 - Back to Reality

    Tapos ang ilang araw ng honeymoon nila Alexis at Ralph. Maagang umalis ang dalawa mula sa villa. Habang binabaybay ng SUV ang palusong na kalsada ng Tagaytay, binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Wala sa kanilang nagsasalita, ngunit parehong abala ang isip sa mga nangyaring matamis at masalimuot sa loob ng ilang araw nilang pagpapanggap bilang mag-asawa.Sa front passenger seat, tahimik si Alexis habang pinagmamasdan ang mga ulap na tila dumarampi sa mga bundok. Naka-jacket siya, bahagyang yakap ang sarili, at minsan-minsan ay palihim na sumusulyap kay Ralph.Si Ralph naman ay nakapokus sa kalsada, pero sa bawat salubong ng malamig na hangin sa kanyang mukha, hindi niya maiwasang maalala ang halik, ang ngiti, ang tawa ni Alexis. Lalo na ang mga gabing halos hindi siya makatulog dahil sa damdaming pilit niyang nilalabanan."Parang ayoko pang umuwi." ani Alexis na lumabi pa. "Masyado ka namang nag enjoy kasama ako." biro ni Ralph."Oo nga eh. More than I should." ani Alexis na

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 20 - Dangerous Game

    Maaga pa lang ay gising na si Ralph. Suot ang kanyang gray cotton shirt at navy pajama pants, agad silang nagtakbo para magjogging at umaasang kakalma. Nang hindi pa rin siya kumalma ay dumerecho siya sa shower.Pagkatapos ay inabala niya ang sarili sa paggawa ng kape. Subalit hindi niya mapigilan ang panakaw na pagsulyap sa orasan… at sa hallway kung saan lalabas si Alexis.Iniiling-iling niya ang sarili. Kalokohan. Panaginip lang ‘yon. Kalma ka lang, Ralph.Pero hindi kalma ang puso niya. Bawat galaw ng orasan ay tila paalala ng halik na muntik mangyari—doon sa panaginip… at sa aktwal na villa noong nakaraang gabi.Biglang—May marahang yabag. Lumingon si Ralph. At gaya ng inaasahan… naroon si Alexis.Naka-oversized white shirt ito na halatang sa kanya, at shorts na barely visible. Gulo pa ang buhok, pero parang modelong bagong gising. At ang ngiti nito—maaliwalas, parang walang bakas ng mga halik at tensyon kagabi."Good morning, mister. Ikaw pala ang masipag ngayon.""Nagising lan

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 19 - Breaking the Rules

    Pagkapasok sa villa, tahimik si Ralph at Alexis. Ngunit hindi ito tahimik na awkward — kundi tahimik na puno ng kuryente, ng hindi maipaliwanag na tensyon. Pareho nilang alam: may namumuo. May bumibigat. At kahit pa may kontratang nakasulat, tila mas malakas ang dikta ng damdamin kaysa tinta sa papel.Pagpasok, una si Alexis sa sala, hinubad ang kanyang jacket at nagsimulang mag-ayos ng buhok sa salamin.“Ang lamig sa labas pero parang ang init ng pakiramdam ko.”Sumulyap si Ralph sa kanya, hindi maalis ang tingin sa likod ng babaeng na unti-unting naglaladlad ng tunay na sarili — hindi lamang bilang partner sa plano, kundi bilang taong gusto niyang mas makilala pa.

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 18 - Sign of Jealousy

    Patapos na ang ilang araw na pagsasama nila Ralph at Alexis para sa kanilang kunwaring honeymoon. Marami silang baong magagandang memories pero hindi pa rin maiwasan ni Alexis na malungkot. Napansin naman agad ni Ralph iyon at niyaya pa siyang kumain sa labas.Agad namang pumayag si Alexis. Simple lang ang date nila. Candlelit table, steak at wine. Kumpleto na. Napakaromantic ng set up."You like the place?"Alexis smiled genuinely. "Oo naman."At nang matapos sandaling nagpaalam si Alexis para mag cr. Sabay tayo mula sa kanyang upuan. Bago pa siya tuluyang lumayo, inabot niya ang pisngi ni Ralph at pinisil ito nang marahan. “Huwag mo akong hanapin agad.”Ngumiti si Ralph, medyo namula sa ginagawa ni Alexis, pero hindi na nagtanong pa. Tumango lang siya at hinigop ang alak.Pagbalik ni Alexis mula sa comfort room, napansin niyang may tatlong babaeng nakapali

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 17- Target Locked

    Hindi pa rin dalawin ng antok si Alexis matapos ang mainit na eksena na namagitan sa kanila ni Ralph. Ang mga bituin sa langit ng Tagaytay ay tila nagpipiyestang kumikislap, pero hindi iyon ang nagniningning sa gabi — kundi ang mga matang gising pa rin ni Alexis, habang nakatitig sa kisame, hawak-hawak ang kanyang sariling dibdib na parang sinusubukang pigilan ang pagbilis ng tibok ng puso.Napapikit siya, humawak sa dibdib. Mabigat. Ramdam ang bigat ng damdaming pilit iniiwasan.“Hindi naman ito ang usapan, diba? Tatlong buwan. Walang personalan. Walang puso. Pero Ralph… anong klaseng biro ang tadhana kung sa'yo ko muling nakita ang sarili ko?”Bumangon siya, lumapit sa bukas na pintuan ng veranda. Tanaw ang mga ilaw ng Tagaytay sa malayo. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kawalang katiyakan.“Alam kong nasaktan ka rin. Na may bahagi sa’yo na pilit isinasara ang pinto para sa bagong pagmamahal. Pero Ralph… paano kung ako ang kumatok? Paano kung sa dami ng taong umalis, ako

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status