Beranda / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 2 - The Unexpected Proposal

Share

Chapter 2 - The Unexpected Proposal

Penulis: Olivia Thrive
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-31 15:10:35

“Pakasal na tayo.”

Parang tumigil ang mundo ni Alexis sa tinuran ng lalaki. Lumingon siya, dahan-dahan, parang hindi siya sigurado kung tama ang narinig.

“Ano?” tanong niya, halos pabulong, ngunit puno ng pagkabigla.

“Let’s get married,” ulit ni Ralph, sa mas mahinahong tinig ngayon. Pero walang biro sa mukha. Walang ngiti. Walang pang-uuyam. Seryoso.

Nanlaki ang mga mata ni Alexis. Natawa siya—hindi dahil natutuwa, kundi dahil nabigla.

“Ralph… seryoso ka ba?”

Tahimik si Ralph. Ilang segundo ring walang sagot. At sa katahimikang iyon, ramdam ni Alexis ang bigat ng bawat tanong na bumabagabag sa kanya.

Napapikit si Alexis. Hindi dahil sa pagod, kundi sa gulo ng damdamin. Parang bigla siyang isinabak sa eksenang hindi pa niya handa. Gusto niyang itanong kung iniisip ba ni Ralph ang mga posibilidad, ang komplikasyon. Pero hindi na niya kaya. Ang utak niya ay punong-puno na. Hindi niya sigurado ngayon kung siya ba o si Ralph ang lasing.

Hindi ako pwedeng magdesisyon ngayon,” bulong niya. “Hindi pa ako sigurado.”

Ngunit pagkatapos ng ilang segundo, muling nagsalita si Ralph. Mahina, may halong biro.

“Do you want to check just in case?”

Napatingin si Alexis sa kanya. Napakunot ang noo, pero hindi makapigil ng bahagyang pag-angat ng labi. Hindi niya inaasahan ang tanong. Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang matawa… o kabahan.

“Ralph…” simula niya, pero nahinto ang kanyang tinig nang mapansin niyang unti-unti nang lumalapit ang mukha ng lalaki.

Dahan-dahan. Walang pagmamadali. Walang pagpilit. Parang bawat pulgadang inilalapit nito ay may kasamang tanong: “Pwede ba?”

At sa kanyang pananatiling tahimik, walang pagtutol, marahil ay sapat na ang kanyang katahimikan bilang oo.

Pumikit si Alexis. Ramdam niya ang init ng hininga ni Ralph na dumampi sa kanyang pisngi. Hanggang sa ang distansya ay tuluyan nang nawala.

Isang halik na nasundan pa ng isa.

Hindi tulad ng una—na puno ng galit, pasabog, at palabas.

Ito ngayon ay banayad. Maingat. Tila isang tanong na dahan-dahang hinahanap ang sagot sa pagitan ng kanilang mga labi. Pero ano nga ba ang dapat isagot ni Alexis sa puntong ito? Dapat bang sakyan na lang niya ang trip ni Ralph? Hindi kaya tulad niya ay lasing din ito?

Ilang sandali matapos ang halik, muling nagsalita si Ralph.

“ Bukas, kapag malinaw na ang lahat… hihintayin ko ang sagot mo.”

Lumingon siya sa lalaki, tila sumusubok basahin ang intensyon sa likod ng tila imposibleng alok. Ngunit walang paliwanag na nakita sa mga mata nito. Tanging determinasyon. O baka kalituhan lang din, tulad ng sa kanya.

At doon siya mas lalong kinabahan.

Ito ba’y simula ng bago… o pagtatakip lamang sa sugat na hindi pa naghihilom?

Hindi pa rin sigurado si Alexis sa isasagot o mararamdaman pero isa bagay lang ang sigurado, mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi!

Hindi nagkamali si Alexis. Kahit alam niyang marami siyang nainom kagabi—halos hindi siya makatulog.

Walang tama ang posisyon niya sa kama. Tihaya, tagilid, pabaliktad. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mata, ang bumabalik sa isip niya ay hindi ang matamis na alak na unti-unting tumama sa sistema niya kagabi—kundi ang isang tanong na tila isinulat sa hangin mismo ni Ralph.

“Pakasal na tayo.”

Tatlong salita, pero parang isang pagsabog sa gitna ng tahimik niyang mundo.

Binalikan niya ang lahat. Ang halik. Ang mga mata ni Ralph. Ang biglaang pagkislap ng mga kamera. Ang katahimikan bago siya makasagot. Tila lahat ay mabagal pero malinaw. Parang pelikula. Parang hindi totoo. Pero naroon siya—hindi man niya maalala nang buo, pero ramdam niya ang bigat ng katotohanan.

Umikot siyang muli sa kama, kinuyom ang unan. Sa isip niya, naroon pa rin si Julio. O… dapat ay naroon.

Pero ang mas ikinabigla niya—hindi na siya umiiyak para dito. Hindi na siya nagngingitngit sa galit. Hindi na siya umiikot sa tanong na “bakit hindi ako ang pinili?”

Hindi ba dapat masakit pa rin? Hindi ba dapat sariwa pa rin ang sugat?

Pero sa halip, tila ba ang kirot ni Julio ay napalitan na ng isang bagong uri ng kalituhan—hindi na tungkol sa kung bakit siya iniwan… kundi kung bakit siya ngayon ay biglang pinipili.

At iyon ang mas nakakapanginig sa kanya.

Dahil habang nakahiga siya, gising ang katawan, gising ang puso—hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot… o kiligin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Khaye Cee
can't wait for the next chapters ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 244 - Scheduled date nights

    Pagkaraan ng matagumpay na surprise dinner ni Ralph, tila nagbukas ng bagong pahina ang kanilang buhay mag-asawa. Habang nakahiga silang magkatabi kinagabihan, naramdaman ni Alexis ang kakaibang gaan sa puso. Nakatingin siya sa kisame, pinakikinggan ang mahinang ugong ng electric fan at ang malalim na hinga ni Ayanna mula sa baby monitor. “Alam mo, Ralph,” bulong niya, “I think we need to do this more often.”Umikot si Ralph para harapin siya at hinaplos ang kanyang buhok. “Do what?”“Date nights,” tugon ni Alexis. “Parang ngayon lang ulit ako nakahinga nang ganito. Parang hindi lang ako Mommy, hindi lang ako tagapagpalit ng diaper—parang… ako ulit.”Ngumiti si Ralph at bahagyang tumango. “Exactly what I was thinking. Kaya simula ngayon, magse-set tayo ng schedule. Kahit simple lang—kahit dito lang sa bahay. Basta may oras tayong dalawa.”Kinabukasan, habang nagpapadede si Alexis kay Ayanna, binuksan niya ang calendar sa phone at nagsimulang magmarka ng mga petsa. Nang makitang nakati

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 243 - Surprise Date

    Maghapon nang abala si Ralph sa bahay. Kahit sa pagitan ng pag-aalaga kay Ayanna at pagtulong kay Ayesha sa homework, sinikap niyang itago ang mga plano para sa isang espesyal na gabi. Alam niyang matagal na nilang hindi nagagawa ni Alexis na mag-date mula nang ipinanganak si Ayanna. Ang mga gabi nila ay madalas nauuwi sa pagpapalit ng diaper, pagpapadede, at paghele hanggang makatulog ang sanggol. Ngunit ngayong unti-unti nang naaayos ang routine, gusto niyang paalalahanan ang asawa kung gaano pa rin siya nito kamahal.“Ate Ayesha,” bulong ni Ralph habang inaabot ang kamay ng anak na babae, “help Daddy keep a secret, okay? We’re going to surprise Mommy tonight.”Nagliliwanag ang mga mata ni Ayesha. “A surprise? Like a party?” tanong niya, sabik na sabik.“Not a party,” sabi ni Ralph, pinipigilan ang tawa. “Just a special dinner for Mommy. But don’t tell her, ha? It’s our secret.”Pagkalipas ng ilang oras, habang inaasikaso ni Alexis ang gamit ni Ayanna sa kwarto, halos madulas si Aye

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 242 - Siblings Bonding Through Art

    Hapon na at banayad ang sikat ng araw na pumapasok sa sala. Nakatambak sa mesa ang mga krayola, watercolor, at ilang pirasong colored paper na kinuha ni Ayesha mula sa school art kit niya. Tahimik siyang nakaupo, nakalabi at nakatingin sa blangkong papel, halatang nag-iisip ng ideya. Sa gilid ng sofa, si Ayanna ay nakahiga sa kanyang baby mat, nakatingala at abala sa pag-abot sa maliit na mobile toy na nakasabit sa itaas.Pumasok si Alexis mula sa kusina, may hawak na baso ng juice. “Ate, anong ginagawa mo?” tanong niya, lumapit at sumilip sa mesa.Napatingala si Ayesha at ngumiti. “Mommy, gusto kong gumawa ng art para kay Ayanna. Alam mo yung baby album? Gusto kong lagyan ng drawing ko. Para pag lumaki siya, makita niya na ginawa ko iyon para sa kanya.”Natigilan si Alexis sandali, naantig sa sinabi ng anak. Umupo siya sa tabi at hinaplos ang buhok nito. “Ang sweet naman ng Ate. Sure, gagawin natin iyon. I’m sure matutuwa si Ayanna pag nakita niya yun balang araw.”Dumating si Ralph

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 241- Family Garden

    Mainit ang sikat ng araw ngunit banayad ang hangin na dumadampi sa kanilang bakuran. Nakatayo si Ralph sa gitna ng maliit na garden plot na matagal na nilang plano ni Alexis na buhayin muli. Kasama nila ngayon si Ayesha na punung-puno ng energy, at si Ayanna na nakaupo lamang sa stroller, nakasuot ng payat na sombrero at nakangiti sa tuwing natatamaan ng liwanag.“Papa, dito natin ilalagay yung sunflower, di ba?” masiglang tanong ni Ayesha habang nakaluhod at may hawak na maliit na pala.Tumango si Ralph at ngumiti. “Yes, sweetheart. Sunflowers always face the sun, kaya magandang paalala na kahit anong mangyari, we should always look toward the light.”Si Alexis naman ay nakaupo sa isang maliit na bangko malapit kay Ayanna, nagbabantay habang abala rin sa pagtulong. May dala siyang basket ng mga binhi—sunflower, kamatis, basil, at ilang herbs. “We’ll plant vegetables too,” sabi niya. “Para makita ni Ayesha na hindi lang maganda, kundi may pakinabang din.”“Wow! So we’ll have flowers a

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 240 - The Lost Teddy Bear

    Maalinsangan ang hapon nang mapansin ni Alexis ang kakaibang katahimikan sa sala. Karaniwan, rinig ang halakhak at ingay ni Ayesha na abala sa paglalaro, pero sa pagkakataong iyon, nakaupo siya sa sahig, tila may hinahanap at naiiyak. Lumapit agad si Alexis. “Anak, bakit umiiyak ka?” mahinahon niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ng anak.“Mommy… hindi ko makita si Teddy,” humikbi si Ayesha, sabay punas sa mata.Nabahala agad si Alexis. Alam niyang si “Teddy” ang stuffed bear na ibinigay kay Ayesha noong bata pa si Anjo, ang kapatid nitong pumanaw. Mula noon, naging simbolo iyon ng koneksyon ni Ayesha sa nakababatang kapatid na hindi na niya makakasama. “Baka naiwan mo lang sa kwarto mo?” suhestiyon ni Alexis, pilit na pinapakalma ang bata.Umiling si Ayesha. “Nilabas ko siya kanina para ipakita kay Ayanna… tapos… wala na siya!” At tuluyan nang bumuhos ang luha niya.Agad na tinawag ni Alexis si Ralph na noon ay nag-aayos ng gamit sa veranda. Pagkarinig ng sitwasyon, kumunot ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 239 - Hands that Hold Us Together

    Sa mga sumunod na linggo matapos bumalik sa normal ang kanilang takbo ng buhay, mas lalong naging malinaw kay Ralph kung gaano kahalaga ang balanse—hindi lamang sa trabaho at pamilya, kundi sa oras na ibinibigay niya sa bawat miyembro ng tahanan. Naging mas maingat siya sa pagpili ng mga kasong tinatanggap at mas madalas niyang inaayos ang kanyang iskedyul para makauwi nang mas maaga. Para kay Ralph, bawat sandaling kasama sina Alexis, Ayesha, at Ayanna ay parang kayamanang hindi matutumbasan ng anumang tagumpay sa korte. Isa itong desisyon na hindi niya pinagsisisihan, dahil sa bawat pag-uwi niya, sinalubong siya ng init at pagmamahal na walang katulad. Tuwing gabi, bago matulog, laging sabay-sabay silang nagtitipon sa kuwarto ng mga bata. Si Alexis ang madalas na nagkukuwento ng mga fairy tales at kwentong may aral, habang si Ayesha ay mahilig ding magbasa at sumingit ng ilang bahagi para tulungan ang ina. Hindi naman mapigilan ni Ralph na ngumiti habang nakikita ang dalawang pinak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status