Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 1 - An Unlikely Pair

Share

The Fine Print of Falling in Love
The Fine Print of Falling in Love
Author: Olivia Thrive

Chapter 1 - An Unlikely Pair

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-05-31 15:08:07

Isang fashion event ang dinaos at dinaluhan ng mga kilalang personalidad at kasama dito ang ex ni Alexis na si Julio. Sobrang sakit ng loob niya imbes na maging masaya si Alexis dahil sa tagumpay ng kanilang event ay parang gusto niyang magluksa. Hayun siya sa isang sulok ng ballroom at umiinom hanggang sa matanaw niya si Ralph. Ito ang taong makakatulong para maibangon ang dangal niya pero paano nya ito kukumbinsihin? Hindi na nakapag isip pa ng plano si Alexis at basta na lang nilapitan si Ralph.

Bago pa man makapag-isip ng magandang plano si Alexis, hinawakan naniya ang batok ni Ralph, hinila ito palapit—at hinalikan.

Mainit.

Matapang.

Mapangahas.

Ang buong lugar ay tila natigilan. May mga napalingon, may mga nagtaka, may mga napangiti. Ngunit wala ng pakialam si Alexis. Lasing siya. Hindi sa alak lamang—kundi sa galit, sa sakit, sa pagod ng paulit-ulit na panlilinlang.

Nakita niya kasi kanina si Julio—ang dating kasintahan.Kasama nito si Mica, ang babaeng naging dahilan ng lahat ng kanyang kabiguan. At ngayon, magkaakbay at magkalingkis silang parang walang nangyaring kasalanan.

Kaya heto siya ngayon, nakipaghalikan sa lalaking kaibigan ng kanyang ex—si Ralph.

Nagulat siya nang hindi umiwas si Ralph. Hindi lang ito pumayag—gumanti ito. Mas mariin. Mas malalim. Para bang may pinakakawalang damdamin na matagal nang ikinukubli.

Ngunit sa likod ng halik ay isang bagay na hindi niya inaasahan.

May dumaplis na damdaming hindi bahagi ng plano. Hindi ito dapat kasama. Hindi dapat siya kinabahan. Hindi dapat siya... kinilig.

Pagkatapos ng halik, unti-unti niyang binawi ang kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. Malapit. Tahimik.

“Bakit ka pumayag?” tanong niya, bahagyang garalgal ang tinig.

“Bakit hindi?” sagot ni Ralph, habang nakatitig pa rin sa kanya, tila sinisilip ang mga lihim sa likod ng kanyang mga mata.

“Isang halik lang dapat…” bulong sa sarili ni Alexis habang pinipigilan ang sariling mapatingin muli kay Ralph.

“…pero bakit parang gusto kong ulitin?”

Sinapo niya ang labi niya, parang sinusuri kung may bakas pa ng mapangahas na tagpong iyon. Naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng daliri niya. Hindi ito takot. Hindi rin ito kaba na gaya ng dati. Ito ay… pananabik. At ayaw niyang aminin iyon.

Napahinto siya sa gitna ng corridor. Napalingon si Ralph.

“Okay ka lang?” tanong ni Ralph, bahagyang may pag-aalala sa boses.

Tumingin si Alexis sa mga mata nito—matapang, mahinahon, pero may tagong damdaming nagkukubli sa likod ng bawat tingin.

“Okay lang,” sagot ni Alexis, ngunit tila hindi kumbinsido kahit siya mismo. “Medyo… nagulat lang ako sa sarili ko.”

Hindi nagsalita si Ralph. Hindi rin siya lumapit. Nakatayo lang ito sa tapat niya, parang hinihintay siyang buuin ang sariling isip.

Sa likod niya, naririnig niya ang mga bulung-bulungan ng mga tao, ang pag-click ng mga kamera, at ang mabibilis na yabag ng mga usisero.

Pero ang tunog na pinakamalakas at nakakabibingi ay ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

At hindi niya inaakalang ang halik na iyon—na dapat ay bahagi lamang ng isang panandaliang paghihiganti—ang magpapagising sa kanyang matagal na siyang nahihibang sa maling tao.

Hindi alam ni Alexis kung anong mas nakakakaba—ang mga matang nakatingin sa kanila o ang presensya ni Ralph na hindi pa rin umaalis sa tabi niya.

Nag-angat ng kilay si Julio mula sa kinatatayuan nila ni Mica. Kita sa mga mata nito ang pagtitimpi—ng galit? O ng pagtataka? Hindi niya alam. Si Mica naman ay tahimik pa rin, ngunit napansin ni Alexis ang bahagyang paninigas ng panga nito, na para bang nagpipigil ng isang hindi kanais-nais na reaksyon.

“Show’s over,” bulong ni Ralph, halos hindi gumagalaw ang labi. “Tara na. I’ll take you home.”

Hindi siya agad nakakilos. Parang may parte sa kanya ang gusto pang manatili—hindi para ipagpatuloy ang eksena, kundi para lang maramdaman ang init ng mga labi ni Ralph sa kanya. Ano na namang kagagahan ang naisip niya?

Hindi pa rin makagalaw si Alexis. Parang may mga tanikala sa kanyang mga paa—hindi ng takot, kundi ng hindi maipaliwanag na emosyon. Hindi siya handa sa halik. Lalong hindi siya handa sa lahat ng posibleng mangyari bunsod ng aksyon nya ngayon.

Ngunit isang saglit lang, at naramdaman na niya ang kamay ni Ralph sa kanyang pulso. Hindi marahas, pero matatag. May pag-alalay. May… pakialam.

Hinila siya nito palayo. At habang naglalakad silang dalawa palabas ng hall, sa gilid ng paningin ni Alexis ay namataan niya ang grupo ng kanilang mga kapwa fashion stylist—mga kasamahan sa industriya, mga kasabwat sa tsismis, at mga tahimik na saksi sa kanyang pagkadurog ilang linggo pa lamang ang nakakaraan.

Isa-isang nagtaas ng baso ang ilan. May kumindat. May pumalakpak. May nag-cheer ng malumanay, na para bang sinasabi:

“Finally.”

“About damn time.”

“Sa wakas, gumising ka na, gurl.”

Bahagyang napangiti si Alexis. Malungkot. Magaan. Hindi niya akalaing may mga taong lihim na nagmamasid, umaasang matututo rin siya mula sa mga maling desisyon.

Habang patuloy silang naglalakad, lumingon siya muli sa ballroom. Sina Julio at Mica ay naiwang nakatayo, tila hindi alam kung magpapatuloy ba sa pagpapanggap na walang nasaktan, o hahabulin ang eksenang tuluyan nang sinarhan.

“Sigurado ka bang ayaw mong bumalik at suntukin si Julio?” tanong ni Ralph, pilit na pinapagaan ang hangin. May ngiti sa labi pero may tensyon pa rin sa boses.

Napahagikgik si Alexis, unang beses ngayong gabi.

“Hindi na. Tapos na ’yung chapter na ’yon,” sagot niya, pero sa loob-loob niya: baka nagsisimula na ang bagong isa.

Huminto sila sa harap ng elevator. Sa sandaling iyon, nagkatinginan ulit sila—hindi na dahil sa pagtataka, kundi dahil sa tahimik na tanong na sabay nilang gustong itanong:

“Anong susunod?”

Bago pa man bumukas ang pinto ng elevator, Alexis ay muling nagsalita, mahina pero malinaw:

“Ralph… thank you. Hindi ko alam kung anong pinasok ko, pero salamat.”

Tumingin si Ralph sa kanya. “Hindi ko rin alam. Pero kung ito man ang simula ng gulo… handa akong sumabay.”

Bigla silang natahimik. Wala ni isang salita sa unang ilang minuto. Tanging ingay ng tibok ng puso ni Alexis at ang paghinga nila ang pumupuno sa pagitan nila.

Hanggang sa biglang nagsalita si Ralph.

“Pakasal na tayo.”

Olivia Thrive

A/N Dear Readers, Thank you so much for your support. You have reached this far kaya ituloy tuloy mo na!! Alamin kung meron nga bang happy ending ang istorya ni Ralph at Alexis. Alam kong may nakakarelate sa mga niloko at hindi pinili na eventually ay makakakilala ng taong handa kang piliin. Praying for your continuous support! Love ya'll!! Lovelots! Olive

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rosalie Gentelizo
wala pa update po
goodnovel comment avatar
Cristina Valencia
ganda! hindi nakakabored basahin
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Kabanata 250 - Family Home Theater

    Matagal nang pangako ni Ralph kay Ayesha na magdaos sila ng family movie night—pero palaging nauurong dahil sa trabaho, baby duties, at pagod sa araw-araw. Kaya isang Sabado ng gabi, sa wakas, tinupad niya ang plano. Ipinahanda niya kay Alexis ang popcorn habang siya naman ay abala sa pag-set up ng maliit na projector sa sala.“Ready ka na ba, love?” sigaw ni Ralph habang inaayos ang mga unan sa sahig. “Hindi ito basta movie night—special to.”“Special?” napangiti si Alexis habang karga si Ayanna. “Anong pinaplano mo, Mr. Santillian?”Ngumisi lang si Ralph. “Makikita mo mamaya.”Dumating si Ayesha, suot ang pajama niyang may bituin, bitbit ang stuffed toy na hindi niya maiwan. “Daddy! Can I press play?”“Oo, pero wait lang,” sabi ni Ralph habang nilalagyan ng kumot ang sahig. “Family photo first, bago magsimula.”Nag-groufie silang apat—si Alexis na yakap si Ayanna, si Ayesha na nakasandal sa balikat ng ama. Ang simpleng eksenang iyon ay punong-puno ng saya.Pag-press ni Ayesha ng pla

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 249 - A night filled with Stars

    Sa isang malamig na Sabado ng gabi, nagpasya si Ralph na oras na para sa isang simpleng, espesyal na bonding na walang gadgets. Ilang araw na niyang napapansin na kahit si Ayesha, na dati’y mahilig sa mga libro at drawing, ay madalas nang abala sa tablet. Si Alexis naman, kapag tulog na ang mga bata, ay hindi mapigilang mag-scroll sa phone. Kaya nang matapos ang hapunan, inilabas ni Ralph ang isang kahon mula sa garahe at ngumiti nang makahulugan.“Ano ’yan, Daddy?” tanong ni Ayesha, na kaagad na-curious.“Telescope,” sagot niya, pinupunasan ang alikabok. “At star map. Tonight, no phones, no TV. Just us and the stars.”Napangiti si Alexis habang pinapahiran ang kamay ni Ayanna ng baby lotion. “Parang ang saya niyan. Matagal na rin nating hindi nagagawa ’to.”Habang inaayos ni Ralph ang telescope sa bakuran, tumulong si Ayesha na ikalat ang picnic blanket. Si Ayanna ay nakaupo sa stroller, nakasuot ng makapal na kumot para sa malamig na hangin. Huminga nang malalim si Alexis, ramdam an

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 248 - Talent show

    Sa sumunod na kabanata ng buhay nina Ralph at Alexis, isang bagong yugto ng mas masayang pamilya ang bumungad sa kanila. Makalipas ang ilang linggo mula nang ayusin nilang pamilya ang laruan ni Ayesha, naging mas maingat na ang bata sa mga gamit niya. Isang Sabado ng umaga, habang ang araw ay nagtatago pa sa likod ng mga ulap, nagising si Alexis sa mahina at magkahalong tunog ng pag-awit ni Ayesha at pag-gurgle ni Ayanna. Sumilip siya sa kwarto ng mga bata at nakita ang nakakatawang eksena: si Ayesha, nakasuot ng improvised na korona mula sa mga craft supplies, ay gumagawa ng “mini concert” para kay Ayanna gamit ang inayos nilang xylophone. Nakahiga sa crib si Ayanna, humahagikhik sa bawat nota na tinutugtog ng ate.Lumapit si Ralph, bagong gising at may hawak pang mug ng kape. “Mukhang may bagong talent show tayo,” biro niya, pinipigilan ang tawa para hindi maistorbo ang palabas. Nagtinginan sila ni Alexis at parehong nakaramdam ng init sa puso—isang simpleng umaga, ngunit puno ng al

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 247 - Broken Toy

    Sa isang maulang hapon sa kanilang sala, umalingawngaw ang hikbi ni Ayesha. Nakalugmok siya sa sahig, hawak-hawak ang paborito niyang laruan—isang maliit na wooden xylophone na bigay pa ni Alexis noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Nahulog ito kanina mula sa mesa habang naglalaro sila ni Ayanna, at ngayon, ang isa sa mga kahoy na bar ay natanggal at ang maliit na pamalo ay nabali. Para kay Ayesha, parang gumuho ang mundo. Mahalaga sa kanya ang laruan na iyon hindi lamang dahil matagal na niyang kaibigan sa paglalaro kundi dahil iyon din ang gamit niyang nagturo kay Anjo, ang kanyang yumaong nakababatang kapatid, ng unang mga nota. Kaya nang masira ito, naramdaman niyang nawala rin ang isang piraso ng kanilang mga alaala.Agad lumapit si Alexis, niyakap ang umiiyak na anak at hinaplos ang buhok nito. “Shh… Ayesha, accidents happen,” malumanay niyang sabi. Si Ralph, na noon ay nag-aayos ng mga libro sa shelf, ay agad ding lumapit at tiningnan ang pinsala ng laruan. “Mukhang na

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 246 - Social Media Leak

    Isang maaliwalas na Linggo ng hapon, nakaupo si Ayesha sa sala, naglalaro sa lumang tablet na minsan nang gamit ni Ralph para sa trabaho. Mahilig siyang mag-explore ng mga app at madalas niyang tinitingnan ang mga lumang video ng kanilang pamilya. Isa sa mga paborito niya ay ang nakakatawang video nina Ralph at Alexis na sumasayaw habang pinapatawa si Ayanna. Sa isip ni Ayesha, iyon ay isang nakakaaliw na sandali na tiyak na magugustuhan ng mga kaibigan niya. Dahil sa kanyang pagiging curious at kulang pa sa pang-unawa sa epekto ng online sharing, pinindot niya ang “Share” button at in-upload ang video sa isang social media platform na ginagamit ng kanyang mga kaklase. Sa murang edad, ang iniisip lang niya ay masaya itong panoorin—hindi niya alam kung gaano kabilis kumalat ang isang bagay sa internet.Kinabukasan, nagsimula ang bulungan sa eskuwelahan. Pagpasok ni Ayesha sa classroom, may ilang kaklase ang bumati sa kanya nang may mga pabulong na tawa. “Cute ng Daddy mo sumayaw!” sabi

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 245- Nosy Neighbor

    Mula nang lumipat ang bagong kapitbahay na si Mrs. Elvira Santos sa katabing bahay, tila mas naging abala ang tahimik na kalye nina Ralph at Alexis. Sa umpisa, natuwa pa sila—isang magalang na ginang na may matamis na ngiti at mahilig magdala ng pagkain. “Welcome to the neighborhood!” sabi ni Alexis noong unang araw, tuwang-tuwa habang tinatanggap ang isang basket ng ensaymada. Si Ayesha at ang maliit na Ayanna ay nag-wave pa ng mga kamay mula sa beranda.Ngunit paglipas ng mga linggo, napansin ni Alexis ang kakaibang bagay. Tuwing lalabas siya para magpatuyo ng labada o magdilig ng halaman, nandoon si Elvira, laging may tanong. “Saan nag-aaral si Ayesha? Ano’ng oras kayo umaalis at umuuwi?” Minsan pa’y nagtanong ito kung magkano ang ginastos nila sa renobasyon ng bahay. Natawa lang si Alexis noon, ngunit may kung anong kaba na nagsimulang kumapit sa kanya.Isang hapon, habang naglalaro si Ayesha sa harap ng bahay kasama ang kalaro, nakita ni Alexis si Elvira na kinakausap ang bata. H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status