Share

Chapter 31

MULA SA KINAUUPUAN ni Rosemarie at pagtingin sa pulsuhan ng pasyenteng kanyang ginagamot ay napatayo siya ng makita si Ingrith. Ang mga manggagamot naman ay gumilid habang nakayuko dito kaya ganon din ang kanyang ginawa.

Hindi angkop ang marangyang kasuotan at kagandahan ng babae sa payak na lugar na iyon. Tila namumukod tangi ito, tila sa isang tuyong hardin at ito lang ang nag-iisang paru-paro o natatanging buhay na bulaklak.

"Ikaw siguro si Rosemarie." Sabi nito ng tumayo sa kanyang harapan.

"Ano ang makapaglilingkod ko sa inyo, Kamahalan?"

"Sumunod ka sa akin." Saka siya naunang lumabas.

Nagbulungan naman ang mga kasamahan ni Rosemarie, nagtataka at iba ay naiinggit. Mabilis na lang niya itong sinundan.

"Huwag mo na akong tawagin na kamahalan, oo nga at nagmula ako sa maharlikang pamilya ngunit kahit kailan ay hindi ko naramdaman na isa akong maharlika."

Hindi alam ni Rosemarie kung bakit iyon sinasabi sa kaniya ni Ingrith.

"Si binibining Yovanna lang ang itinuring ako na kapantay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status