Chapter 8"Tayo? What the fuck Ash! Walang tayo. Hindi kailanman maging tayo. I admit, the sex that we often had was superb but it doesn't mean anything! Hindi kita kayang mahalin at di ako puwedeng patali sa iisa. I am still enjoying my youth!" sagot nito.Tumayo na siya mula sa pagkakadagan sa kaniya at kitang-kita pa niya ang tuluyang paglambot ng kanina ay galit na galit nitong pagkalalaki. “Kurt babae ako. You knew that you were my first. Kaya hindi ako maruming babae para makuntento sa ganito lang!” huminga siya ng malalim. Frustrated. “"So that's it? Kahit mahal na mahal na kita, we will just be a fucking buddies hanggang magsawa tayo sa isa't isa? Ganoon lang ba ang gusto mong mangyari?""Not anymore, Ash. We are not be doing this anymore. Ayaw kong nahahaluan ng emosyon ang ginagawa nating ganito. It will spoil all that we have. I tell you, when emotion comes in in this kind of relationship, I assure you that it will complicate everything. Kaya bago pa lumala ito, dapat nang
CHAPTER 9Kinagabihan ay dumating na si Daniel para sunduin si Irish."Hindi puwede yung suot mo ma’am. Baka puwede kang magpalit ng mas simple, mas mainam kung may sombrero kayo para hindi kayo makilala." Puna agad ni Daniel nang tumambad sa kaniya si Irish na naka-dress pa at todo make up."Wow! Really? Pati isusuot ko kailangan mong pakialaman? Dad, if he wants me to treat him well, he should minimize his intrusion." Mabigat na tinuran ni Irish sa Daddy niya na katabi ang Mommy nito."Do whatever he asked you to do. Sinabi ko na sa'yo, siya ang dapat mong pakisamahan, hindi siya ang dapat makisama sa'yo. Siya ng kailangan masunod at hindi ikaw ang dapat niyang paglingkuran.""What? Dad naman, hin-…”“I’ve said it. You should obey him.”Huminga siya ng malalim. “Sige, bigyan mo ako ng isang mabigat na dahilan Mr. Sandoval kung bakit hindi puwede ang suot ko."Huminga rin si Daniel ng malalim. “Mukhang may katigasan talaga ng ulo ang isang ito.” Naisip niya. Ngunit kailangan niya man
CHAPTER 10 Nang mga sandaling nakabalik na sa upuan si Daniel ay muli niyang pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Irish. Kung pagmamasdan kasi ito, napakainosente ng hitsura. Saka lang nagbabago ang tingin ng kahit sino pagbukas ng kaniyang bibig at kung kumilos na. Matalim ang mga salita at magaspang ang kilos ngunit ano kaya ang nakatagong pagkatao sa likod ng ipinapakita niyang iyon? Gusto niyang maintindihan sana siya para mas madali niya itong pakisamahan ngunit nag-aalangan siyang makipagkuwentuhan dahil baka mapapahiya lang siya. Isa pa, ano naman ang pagkukuwentuhan nila e, magkalayong-magkalayo ang mundong kinalakhan nila. Saka nararamdaman niyang walang interes si Irish na kakuwentuhan siya.Hindi niya alam kung ang jacket na suot niya ang ibibigay niya o ang malaking tuwalya niya na kinuha niya sa kaniyang backpack para may pangharang si Irish sa lamig. Hindi nga pala puwede ang jacket kasi naroon ang itinatago niyang sandata.May kalakihan ang tuwalya at sa tingin niya
"Ano hong pinagsasabi ninyo? Bakit ba parang sa tuwing nag-uusap ho tayo e, parang laging lumalayo sa talagang usapan? Ang tinatanong ko lang, kung gutom ka at gusto mo munang bumaba kasi aabutin pa ng lima hanggang anim na oras ang biyahe natin.""Ikaw na lang." mapaklang sagot ni Irish."Hindi puwede e!" pagtutol ni Daniel pero tumayo na ito.Dumaan sa harap niya ngunit hindi ito umaalis sa tabi niya."Tara na! Nagugutom ako saka naiihi rin." Muli niyang ibinunggo ang siko nito sa balikat ng nakaupong si Irish."Ayaw ko nga!""Aysus! Sige naman na Miss A!" hinawakan ni Daniel ang isang kamay niya.Napalunok siya.Hinila na siya habang hawak siya sa braso."Bitiwan mo nga ako! Ano ba!" tinanggal niya ang kamay ni Daniel.Lalong mukhang nairita."Tara na kasi! Hindi nga kita kasi puwedeng iwan saka kahit hindi ka magsabi sa akin, alam kong nagugutom ka na kaya puwede bang bawas-bawasan ang tigas ng ulo. Sige ka, kung ayaw mo, bubuhatin kita!""Ayaw ko!" pagmamatigas pa rin ni Irish.U
Siya ang natakot ngayon sa pinabayaang niyang nilikhang multo.Ngunit napangiti siya nang makita niya ang bagsak na balikat ni Irish na bumaba sa huling bus na inakyat nito. Nang makita siya ay mabilis itong umiwas ngunit wala na silang oras. Kailangan na nilang sumakay kaya hinabol niya ito at hinawakan sa braso."Tara na Irish. Walang magpapasakay sa taong walang pera. Wala ring naman bakante dahil punuan ngayon. Lahat yan nakatiket na. Gano'n ang buhay. Mahalaga sa lahat ang pera ngayon. Hindi mo sila masisisi dahil karamihan sa mga 'yan ay pamilyadong mga tao at may umaasa sa araw-araw nilang kinikita. May magugutom na pamilya.""Ayaw ko! Dito lang ako hanggang may magpapasakay sa akin hanggang Manila.""Magalit ka na sa akin pero hindi mo ako kakayanin. Hindi ako susuko sa katigasan ng ulo mo.""Ako ang hinahamon mo?" palabang tinuran ni Irish."Oo, hinahamon kita! Sorry pero nakahanap ka ng katapat mo Irish at sasabihin ko sa'yong saka ka na lang magpakaamo pagbalik mo ng Malaka
Naramdaman niya ang paggalaw ni Irish sa tabi niya kaya naputol ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan. Hanggang sa ang ulo ni Irish ay tuluyang pumatong sa kaniyang balikat. Narinig niya pa rin ang mahina nitong paghilik. Inalapit na lang niya ang kaniyang balikat para maging komportable ang First daughter sa malamang pinakamahaba at pinakamahirap nitong biyahe. Naiintidihan niya ang anak ng Presidente kung bakit ganoon na lang ito mahirap pakitunguhan. Siya ay sanay sa ganitong hirap, batid kasi niyang hindi lang nag-iinarte si Irish. Lahat ng ito bago lang sa kaniya kaya siya na sanay ang dapat umintindi sa baguhan. Siya ang aalalay. Ngunit hindi siya dapat maawa, kailangan niyang gawin ito para lumawak ang kaisipan at pang-unawa ng anak ng Presidente sa buhay ng masa. Hanggang sa tuluyan na rin siyang nakatulog sa pagod. Pinagbigyan na rin niya ang pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata.Nang magising siya ay magkadikit ang ulo nila ni Irish. Mabilis siyang umayos ng upo at saka
Mapagtatagumpayan niya kaya ang immersion o pipiliin nito ang tumakas?" Sa kalabaw mo ako pasasakayin? Iyan ang sundo na pinagmamalaki mo sa akin?" takot niyang tanong."Oo, bakit ayaw mo?"Gusto na niyang maiyak. Kagabi pa siya pagod at hapon na muli pero nasa biyahe pa siya,. Ang masaklap ngayon, sa kalabaw naman siya pasasakayin!"Anong pahirap itong ginagawa mo sa akin daddy! Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito?" naupo siya saka niya pinakawalan ang masaganang luha habang nakayuko. Di na niya kasi kayang pigilan ang sarili. Di niya niya kinakaya pa ang lahat. Sukung-suko na talaga siya. Sukang-suka sa hirap na ipinararanas ng kanyang Daddy. Sana hindi na lang pala siya pumayag.Dahan-dahang umupo si Daniel sa harap niya. Sa totoo lang, parang kinukurot ang puso niya sa nakita niyang pagtulo ng luha ni Irish. Siya na sanay na sa biyahe ay masakit na rin ang kaniyang katawan, idagdag pa ang magkakahalong pagkahapo, pagkapuyat at pagkahilo niyang nararamdaman. Itinaas niya ang kani
"Kung papalakarin mo ang kalabaw, iangat mo lang ang mga paa mo at dahan-dahang ipalo iyon sa tagiliran nito sabay sabi ng, "hing tsk tsk!" Ibig sabihin no'n aabante na. Kung pakanan, hilain mo ang taling ito sa kanan ganun din kung pakaliwa. Kung gusto mong pahintuin ang kalabaw, hilain mo ang taling ito sa gitna. Sabay sabi ng Ho." Paalala niya kay Irish.Sana hindi magluko ang kapatid ni Damulag. Alam kasi niyang may kalokohan din ang kalabaw na ito lalo na kung hindi tama ang paraan ni Irish sa pagbibigay ng kaniyang direksiyon."Magkaangkas na lang kaya tayo at baka..." kasisimula pa lang sabihin iyon ni Daniel ay sunud-sunod nang ipinalo ni Irish ang kaniyang paa sabay ng malakas niyang pagsabi ng "Hing Tsk Tsk!"Bumilis ang lakad ng kalabaw, dumiretso ito sa putikan at dahil doon, ninerbiyos si Irish. Hindi na niya alam ang gagawin. Ang kanina'y mabilis na paghakbang ng kalabaw ay naging pagtakbo. Sa mismong putikan na sila at nawala sa isip niya ang mga itunuro sa kaniya ni Da