LOGINAng unang tawag mula sa daycare ay hindi agad binigyan ng bigat ni Linus.Abala siya sa isang meeting nang ipasa ng sekretarya ang mensahe mula sa St. Bridgette’s Academy. Maikli lamang ang nakasulat: nais siyang makausap ng adviser ni Mara tungkol sa “recent changes in behavior.” Hindi iyon emergency. Walang salitang “urgent” kaya ipinagpatuloy niya ang diskusyon tungkol sa expansion proposal na mas matagal nang naka-schedule kaysa sa anumang concern ng isang daycare.Tinawagan niya ang adviser makalipas ang dalawang oras, sa pagitan ng dalawang appointment.“Hindi naman po siya pasaway, Mr. Shaw,” maingat na paliwanag ng guro. “Pero tila hindi siya makapag-focus. Hindi siya sumasagot kapag tinatawag. At may mga pagkakataong hindi niya ipinapasa ang requirements niya.”Saglit siyang natahimik bago sumagot. “May problema ba sa klase?”“Wala naman po. Pero may mga pagbabago po ba sa bahay?”Hindi agad niya sinagot ang tanong. Sa halip, sinabi niyang kakausapin niya ang anak at babalika
May isa pang bahagi ng report na mas lalo niyang pinagtuunan ng pansin.Educational registration.Graduate-level enrollment inquiry.Application fee payments.Research grant submissions.Naitikom niya ang labi habang binabasa ang mga detalye. Hindi niya akalaing bumalik ito sa pag-aaral nang hindi niya alam. Hindi niya akalaing naghahanda ito para sa sariling career path na walang kaugnayan sa Shaw Group.Doon niya napagtanto na hindi divorce ang pinaghandaan ni Cecily kung hindi ang pagbawi ng buhay na naipagkait sa sarili nang matali ito sa kanya.Sa loob ng limang taon, inakala niyang ang mundo ni Cecily ay umiikot sa bahay, sa mga social functions, at sa pagpapalaki kay Mara kapag nasa bahay ito. Hindi niya nakita ang unti-unting pagbuo nito ng sariling sistema ng kanyang seguridad.Hindi niya naramdaman ang paglayo nito.May bahagi sa kanya na gustong ipatawag si Julie at mag-utos na bantayan ang bawat galaw ni Cecily. Kayang-kaya niya iyon. Isang tawag lamang at may team na susu
Hindi agad pinansin ni Linus ang ideyang imbestigahan si Cecily.Sa unang dalawang araw matapos makumpirma ng legal team na filed na ang divorce petition, pinili niyang ituon ang sarili sa trabaho. May board review. May foreign investors na kailangang kausapin. May dalawang subsidiaries na kailangang i-restructure. On the surface, everything remained efficient, stable, controlled.Pero sa kabila ng pagiging sistematiko ng araw niya, may bahagyang pagbabago sa ritmo ng pag-iisip niya. Kapag natatapos ang meeting at nagiging tahimik ang opisina, bumabalik sa kanya ang parehong tanong.How prepared was she?Hindi dahil sa gusto niyang pigilan ang divorce. Hindi pa niya inaamin sa sarili na may bahagi sa kanya na gustong pigilan iyon. Ang mas malinaw sa kanya ay ang pangangailangan na maintindihan ang galaw nito. Hindi siya sanay na may nangyayaring hakbang sa paligid niya na hindi niya alam ang pinanggalingan.Cecily was never impulsive. Kahit noong una silang magpakasal, she adjusted mo
Hindi agad nagbago ang takbo ng araw ni Linus matapos niyang mabasa ang divorce papers.Kung may isang bagay na kilala sa kanya, iyon ay ang kakayahan niyang huwag magpakita ng reaksyon. Sa loob ng maraming taon sa negosyo, natutunan niyang huwag magpadala sa emosyon, hindi sa harap ng board, hindi sa harap ng competitors, at lalong hindi sa harap ng mga taong umaasang matitinag siya.Kaya matapos niyang isara ang itim na envelope at itabi iyon sa gilid ng mesa, ipinagpatuloy niya ang pagpirma sa mga dokumentong nakasalansan sa harap niya. Quarterly approvals. Investment confirmations. Expansion permits.Everything continued as scheduled.Ngunit kahit patuloy ang galaw ng kamay niya, hindi umalis sa isip niya ang nilalaman ng papel.Petition for Dissolution of Marriage.Hindi siya agad naniwala.Cecily had endured five years without confrontation. Without scandal. Without ultimatum.Hindi siya ang tipo ng babaeng gagawa ng ganitong hakbang nang walang dahilan. At kung mayroon man, hin
Pagkaalis ni Ford, muling natahimik ang bahay.Dahan-dahan siyang umupo sa sofa kung saan kanina lang ay nakalapag ang divorce papers. Tumingala siya sa kisame, pinipigilan ang anumang emosyon na gustong umakyat sa lalamunan niya.Isang impit na bulong ang narinig niyang sinasambit ng utak niya.Handa ba talaga siya?It was a reckless move, she admits. But is it still reckless when it was rooted from years of what she endured?Tiniis niya ang pagmamaliit. Ang pagturing sa kanya bilang mas mababa pa sa isang tauhan sa sarili niyang tahanan. Ang pagkuha ng kalayaan niya — all for the reason of saving her family’s business.She was against it at first.Looking back, she didn’t like Linus.A known womanizer. Cold. Calculating. Already with a daughter before he even became her husband. But being
Ibinaba ni Cecily ang cellphone matapos may kausapin. Tumungo siya sa sala at doon hinintay ang pagdating ng isang panauhin.Binuksan niya ang TV, hindi para manood kundi para magkaroon ng ingay sa bahay. Ang katahimikan nitong mga nakaraang linggo ay masyadong maingay — parang bawat segundo ay nagpapaalala na wala na siyang asawa, kahit hindi pa opisyal.Ilang minuto lang, tumunog ang doorbell.Huminga siya nang malalim bago naglakad patungo sa pinto.“That was too sudden of you to list your property for rent.” Bungad nito sa kanya nang pinagbuksan niya ito ng pinto.“I want to live with people and good morning.” Sagot naman ni Cecily, bahagyang nakataas ang kilay. “Ikaw lang ang kaibigan ko, at ayoko ng tsismis. I’m still not divorced.”“As if I would like to live with you. Me? Ford Newman? Masyado ka yatang natutulog ngayong bumukod ka na, Cecily, my friend.”“Weirdo.”







