ALAS singko nang umaga ay nagising si Lia, napaupo sa kama at napahawak sa kumakalam na tiyan. Naalala niya kagabi dahil sa sama ng loob sa mga nangyari kahapon sa kaniya ay hindi siya kumain ng hapunan. Inilibot niya ang paningin at tulog pa ang mga ibang bata sa ampunan na 'yon.
Tumayo siya at nagtungo sa maliit na kusina ng ampunan, ramdam niya ang panlalambot at pagkahilo dahil sa gutom, nakita siya ng kanilang tagapagluto na si Misis Karben at marahan siyang inalalayan paupo sa silyang upuan na nasa gilid. "Malamang sa malamang ay gutom na gutom ka ano?" Wika ni Misis Karben na may ngiti sa labi. Nahihiyang tumango ang paslit na si Lia. Mabilis na kumilos ang ginang at ipinaghanda siya ng nilagang itlog at isang tasa ng gatas. Nang mailapag iyon sa kaniyang harapan ay mabilis siyang kumain at nang matapos ay masaya siyang nagpasalamat sa ginang at nagpaalam rito na lalabas at tutungo sa maliit na palaruan. Ngunit nang mapadaan siya sa isang puno kung saan nakatali si Popo- ang alagang aso ni Misis Karben. Mayroon siyang nakitang batang lalaki na siguro ay nasa trese o katorse ang edad, may hawak na pamalo at iwinawagayway ito sa harap ni popo na nangagalaiti sa pagtahol sa batang lalaki. Mabilis na tumakbo si Lia patungo sa kinaroroonan ni Popo at ng batang lalaki. "Bata! Bata! Huwag mong sasaktan si Popo!" Matinis na sigaw ni Lia habang papalapit. Tumingin ang batang lalaki kay Lia na may pagkalito sa mukha. Ang nasa isip ng batang lalaki ay tila napagkamalan siya ng batang babae na sinasaktan ang aso. "Huwag mong sasaktan si Popo, mabait siyang aso!" Sambit pa ni Lia nang tuluyan nang makalapit. Nakaramdam ng kaunting inis ang batang lalaki dahil sa narinig mula kay Lia. "Sigurado ka bang sinasaktan ko siya? Halata naman na ang aso mo ang siyang tumatahol at parang nais mangagat sa akin..." Hindi sumagot si Lia pero nanatili ang pagdududa sa ekspresyon ng mukha at tinignan ang hawak na pamalo ng kaharap. Agad namang itinapon iyon ng batang lalaki at napabuntong hininga. "Gusto ko lang takutin ang aso mo at para tumahimik sa kakatahol." "Ganoon ba?" Inosenteng tanong ni Lia sa kaharap at marahang humarap kay Popo. Ang kaninang mabangis na aso ay biglang naglaho, napakaamo na nito ngayon habang nakatingin kay Lia at iwinawagayway pa nito ang buntot nito. Marahang hinaplos haplos ni Lia ang ulo ng aso at pagkaraan ay kinausap ito na tila ba nakikipag usap sa isang tao. Napaismid ang batang lalaki dahil naweweirduhan sa ginawa ni Lia at akmang aalis na nang tawagin siya ng batang babae. "Bata..." Muling humarap ang batang lalaki kay Lia. Nakita niyang nakatingin ang batang babae sa kaniya na halos hindi na nga ito kumukurap. Ang mga bilugang mga mata nito ay tila nangungusap pa. "Gusto mo bang hawakan si Popo? Gusto mo bang haplusin ang ulo niya?" Saglit na natigilan ang batang lalaki at hindi nakasagot. "Kakapanganak lang kasi ni Popo kaya ganiyan siya kabangis lalo na sa hindi pa niya kilala. Gusto mo ba siyang hawakan?" Bumaling ang tingin ng batang lalaki sa asong nasa tabi ni Lia at pinagmasdan 'yon. Asong pinoy iyon, walang lahi, hindi katulad ng mga asong nakasanayan niyang hawakan. Pwede naman niyang tanggihan ang batang babae, pero hindi niya alam nang mga sandaling 'yon bakit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Hindi na lang namalayan ng batang lalaki na nasa harap na siya ng kalmadong si Popo at marahang hinahaplos ang ulo nito. "Sabi ko na sa'yo mabait si Popo, kahit sino ay magugustuhan siya..." Hindi alam ng batang lalaki pero parang tila naramdaman niya ang lungkot sa boses ni Lia kaya daglian niyang tinignan ito, pinagmasdan ang mukha at nakita niyang tila naiiyak na ito. "Anong nangyayari sa'yo? Bakit parang iiyak ka?" Bago pa napigilan ng batang lalaki ang sarili na itanong ang mga bagay na iyon sa kaharap ay nanulas na ito sa kaniyang mga labi. Tumingin si Lia sa kausap at hindi agad nakasagot. Lalong nalungkot ang mukha nito at napayuko. Naalala kasi niya ang nangyari kahapon. "Wala kasing may gustong umampon sa akin..." Nangunot ang noo ng batang lalaki at tumayo, pinagmasdan si Lia na yukong yuko at natatago ang mukha sa magulo nitong buhok. "Walang gustong umampon sa'yo? Bakit? You look..." natigilan bigla ang batang lalaki at inisip kung ano ba ang dapat niyang idugtong sa sinasabi. Hindi kasi siya talaga magaling sa mga nakakagaang salita. Hindi nga siya magaling makipag-usap sa iba at hindi nga niya alam bakit ngayon ay natagalan niyang may kausap. "...normal." Iyon na lamang ang idinugtong niya sa sinasabi. Mabilis na tumingin si Lia sa kaharap at pinunasan ang butil ng luha na umalpas sa mga mata nito. "Talaga ba? Dapat ko bang ikatuwa na mukha lang akong normal?" Seryosong tanong ni Lia. Napilitang sumagot ang batang lalaki kahit hindi sigurado sa sinasabi. "Oo." Mula sa seryosong mukha ay lumawak ang ngiti ni Lia. Bagay na hindi maintindihan ng batang lalaki. "Salamat, bata! Ikaw din, mukha ka rin namang normal," ganting puri ni Lia sa kaharap. Hindi nakauma ang batang lalaki at pinagmasdan na lamang si Lia na namimilog sa saya ang mga mata na para bang napakalaking bagay dito na sinabi niyang mukha itong 'normal'. Napaka- weird nito. "O sige na bata, aalis na ako, gusto kong matulog ulit, paalam!" Mabilis na tumakbo si Lia palayo. Hindi alam ng batang lalaki kung ano ang pumasok sa isip niya at tinawag niya ang papalayong si Lia. "Sandali!" Inosenteng tumigil sa pagtakbo si Lia at tumingin sa batang lalaki. "Bakit?" "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" *** SAMANTALA, sa opisina naman ng dean na si Miss Cruz ay may isang lalaking abala sa pagmamasid sa mga dokumentong nasa mesa. Naroon ang mga record at larawan ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na 'yon. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay tumigil ito sa pagtingin at marahang tumayo. "Pasensya na pero mukhang hindi ako makapili." Tumayo din si Miss Cruz at bahagyang ngumiti. "Naiintindihan ko Mr. Lancaster..." "Ako'y magpapaalam na Miss Cruz, salamat sa inilaan mong oras." Tumngo at ngumiti si Miss Cruz at inihatid sa pintuan si Mr. Lancaster. Nang makalabas ng kaniyang opisina ang lalaki ay tila doon pa lang nakahinga ng maluwag ang dean. Hindi niya lubusang kilala si Mr. Lancaster at para sa kaniya ay nakakatakot at nakakaintimidate ang aura nito. Maraming mayayamang tao na siyang nakaharap pero si Mr. Lancaster pa lamang ang bukod tanging nagpakaba sa kaniya ng ganito. Nakakalunod ang presensya ni Mr. Lancaster! Bumalik ang dean sa kaniyang lamesa at iniligpit ang mga dokumento. Nang mailagay na niya ang mga iyon sa drawer, mararahang katok sa pinto ang nagpatigil sa kaniyang ginagawa. Akala niya ay isa sa mga madre iyon na tinatawag siya para mag almusal, tinungo niya ang pintuan. "Susunod na ako, sister-" ngunit ng buksan niya ang pintuan ay natigilan siya. "Mr. Lancaster? May nakalimutan ka ba?"NALINGAT si Kairoz sa pamilyar na amoy ng isang bulaklak —ang amoy ng paborito niyang Jasmine. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ang unang sumalubong sa kaniyang paningin ay ang malamig at madilim niyang silid. Mapa-umaga o gabi man ay laging sarado ang makakapal na kurtina sa kaniyang silid, dahil sa kadiliman ay nakakatagpo siya ng katahimikan. Marahan siyang bumangon, kasabay n'un ay ang mararahang katok sa kaniyang silid. "Master Kairoz, oras na po para sa'yong tanghalian." Dinig niyang wika ng nasa labas. Napabuntong hininga si Kairoz. Bakit ba pilit pa rin siyang dinadalhan ng pagkain kahit sinasabi niya ng ayaw niyang kumain? "Come in." Pinapasok niya ang kasambahay hindi dahil para kunin ang pagkain kundi may nais lamang siyang itanong. Bumukas ang pinto at sumambulat sa silid ang liwanag nang sinindi ng kasambahay ang ilaw. Nakita niya ang kasambahay na may dalang tray ng paglain. Ito ang laging nagdadala sa kaniya ng kaniyang gamot at pagka
NALUNGKOT si Lia nang mabalitaan mula kay Manang Loy na hindi pinagbuksan ng pintuan ni Kairoz si Miss Sandy. Umalis na lamang ang babae na halata ang lungkot sa mga mata ni hindi na nga nito nagawang magpaalam pa. "Bakit po ayaw ni Kuya Kairoz ng mga bisita?" Inosenteng usisa niya sa ginang. Napatigil saglit sa pagpunas sa mga kubyertos si Manang Loy at bumuntong hininga. "Paano ko ba ito sasabihin sa'yo sa bagay na mauunawaan mo?" Hindi sumagot ang paslit. Pero sa kaniya ay madali lamang niyang maunawaan ang mga bagay bagay kung ipaliliwanag sa kaniya. "Ganito kasi 'yon, hija. Nagsimula ang lahat nang maghiwalay sina Mr. Lancaster at ang ina nina Master Kairoz. Mula noon ay hindi ko na muling nakitang ngumiti at nakihalubilo si Master Kairoz kanino man." "Bakit po sila naghiwalay?" Napangiti si Manang Loy. Isang malungkot na ngiti. "Balang araw malalaman mo rin kung bakit." Sa batang isip ni Lia ay hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
NAKAUGALIAN na ni Lia na tumulong sa pagdidilig ng halaman kay Mang Tom tuwing umaga. Kagaya nang araw na 'yon ay masaya siyang tumutulong. Nang biglang kapwa nila narinig na may nagkakagulo sa gate ng mga Lancaster. "Naku ano na naman kaya iyon?" Napapakamot sa ulong wika ni Mang Tom at muling ipinagpatuloy ang pagdidilig. Samantalang si Lia nang dahil sa kuryosidad ay marahang lumapit sa hindi kalayuan sa gate lalo na nang makita niya si Manang Loy na nagtungo sa gate. Nagtago lamang siya doon at nakiramdam. "Let me in! Let me in, idiot!" Mula sa pinagtataguan ni Lia ay dinig niyang sigaw ng babae sa mga gwardyang naroon na pumipigil dito para makapasok sa solar ng mga Lancaster. Hindi pamilyar kay Lia ang babae, pero tila may kamukha ito, hindi lang niya mapagsino. "Ipinagbabawal po kayong pumasok, ma'am. Pasensya na po," anang gwardya. "Anong ipinagbabawal?! Hindi mo ba ako nakikilala? I am Sherley Costillas, you idiot! Papasukin niyo ako at nais kong m
"WHERE?" Kalmadong tanong ni Ruvion sa paslit. "G-gusto ko po sanang ibigay kay Kuya Seric ang mga 'yan." Walang salitang binitbit ni Ruvion ang paso ng bulaklak at naglakad patungo sa dining room. Nakasunod si Lia sa lalaki at pinagmamasdan ito ng tahimik. Nakapang opisina na ito at halatang paalis na, sa totoo lang ay nakakaintimidate ang aura nito nang mga sandaling 'yon, pero ang paso ng bulaklak ay tila nilusaw nito aurang 'yon. Sa inosenteng isip ni Lia ay naisip niyang bagay na bagay kay Tito Ruvion niya ang maging isang hardinero o tagapag-alaga ng mga bulaklak! Natigilan si Seric nang makita ang ama na imbes na attache case ang bitbit kagaya ng madalas na bitbit nito, ay isang pasong bulaklak 'yon. Bagay na hindi naman nito karaniwang ginagawa. "Kuya!" Biglang lumusot mula sa likuran ng ama si Lia na may masayang mukha. "Bibigyan kita ng bulaklak!" Mabilis na sabi pa nito. Natigilan si Seric at ilang segundong hindi nakauma. Habang ipinatong naman
"AYOS ka lang ba?" May pag-aalala sa tinig ni Manang Loy nang tignan ang pobreng paslit na nanatili lamang sa likuran niya, hangat hindi nakaalis si Mrs. Costillas. Tahimik lamang ito, naluluha at nahihiya. "A-ayos lang po ako..." Ngunit alam ni Manang Loy na hindi ito okay. Napabuntong hininga siya at ginulo ang makintab na buhok ni Lia. "Huwag mong intindihin si Mrs. Costillas, Miss Lia. Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin at ipapakita ko sa'yo ang silid mo, tiyak na magugustuhan mo ang bagong ayos nito. May mga bulaklak din akong ipinalagay sa silid mo." Pilit na ngumiti si Lia sa ginang at tahimik na sumunod dito. Nang makarating sa silid ay namangha si Lia sa bagong ayos n'un. Kung maganda na ang dati ay higit na maganda ang ayos nito ngayon, magaan at mas kaaya-aya sa mata. Lalong-lalo na at may mga sariwang bulaklak na nasa paligid na nagdagdag sa ganda ng silid. "Ang ganda!" Tinakbo ni Lia ang rectangular table na puno ng paso ng mga bulaklak. Ang m
PAGDATING pa lamang ni Seric sa The Forth High School ay hindi na nakaligtas sa kaniya ang pasimpleng tingin ng grupo ni Ravin habang nagtatawanan ang mga ito. Gaya ng laging ginagawa ng batang si Seric, hindi niya pinansin ang mga ito. For him, they we're not worth the time. Naglakad siya sa hallway patungo sa classroom nila, pero naramdaman niyang sumunod ang mga ito, bagay na lihim niyang ikinainis. Talagang naghahanap ng gulo si Ravin. "Saglit lang Lancaster." Boses ni Ravin na tila may pang-aasar pa. Pero hindi pa rin ito pinansin ni Seric at nagpatuloy sa paglalakad. "Sinabi ng saglit lang!" May bahid na ng inis ang tinig ni Ravin. Pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Seric na tila walang naririnig. Hangang sa muling sumigaw si Ravin, "Balita namin nag-ampon ang dad mo, ano ah? Siya ba ang papalit sainyong magkakapatid bilang tagapagmana?" Doon natigilan si Seric sa paglalakad, pero hindi pa rin nag abalang lumingon kina Ravin. "Paanong hindi