Home / Romance / The Forbidden Desire / CHAPTER 6 (WOUNDS)

Share

CHAPTER 6 (WOUNDS)

Author: Lola Lush
last update Last Updated: 2025-08-02 13:09:30

PAGKAPASOK ni Lia at ni Manang Loy sa silid ng una ay agad na tinakbo ng paslit ang balkonahe sa kaniyang silid, at inilagay ang jasmine roon kung saan masisinagan ito ng araw tuwing umaga.

"Sigurado ka bang diyan mo ilalagay 'yan hija?"

Sunod-sunod na tango ang naging tugon ni Lia habang marahang inaamoy-amoy ang talulot ng mga bulaklak na hindi pa naman ganoon kalanta. Para kay Lia, maisasalba pa niya ang munting bulaklak.

"Oh siya sige Miss Lia at maiwan na muna kita. Marami pa kasi akong gagawin. Tatawagin na lang kita mamayang tanghalian."

"Sige po, Manang Loy."

Nang mapag-isa sa silid ang paslit ay marahan niyang kinausap ang halaman na animo'y naiintindihan siya nito.

"Kailangan mong mabuhay ulit. Ang ganda-ganda at ang bango-bango mo pa naman. Huwag kang mag-alala at aalagaan kita, palagi kitang didiligan at papaarawan," matatas na wika ni Lia sa bulaklak.

Nang magsawa sa kakausap sa halaman ay napagpasyahan ng bata na umidlip na muna at medyo naramdaman niya ang mga sugat dahil sa pagkakadapa niya kanina sa hardin. Tanghalian na nang magising siya at tinawag ni Manang Loy. Pagkatapos kumain ng tanghalian ay muli siyang umakyat sa silid, ramdam na ramdam ni Lia ang pag-iisa at hindi rin niya maiwasan na mamiss ang mga batang nakasama niya sa bahay-ampunan at ang mga ibang tao roon na katulad nina Mrs. Karben.

Upang malibang, ibinuhos ni Lia ang oras at pansin sa mga halaman na naroon sa balkonahe ng kaniyang kwarto, partikular sa Jasmine na nasa paso na kahit nasa ganoong kalagayan ay amoy pa rin ang alimuyak. Hindi na namalayan ni Lia ang oras at hapon na pala. Nagulat na lamang siya nang makarinig nang mahihinang katok sa kaniyang silid.

Tinakbo niya ang pintuan at binuksan. Natigilan siya nang makita si Seric.

"K-kuya Seric?" Nagliwanag ang mukha ng paslit. Hindi niya mawari kung bakit masaya siya sa tuwing nakikita ito kahit pa lagi lamang walang ekspresyon ang mukha nito.

"I brought you this." Sabay taas ni Seric sa kamay na may hawak na box ng cake.

"P-para sa akin?"

"Hindi ba't sabi mo ay gusto mo ng cake?"

Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Lia at masayang inabot ang box ng cake. Talagang hindi siya makapaniwala na tinotoo ni Seric ang sinabi nitong pagdadala siya ng pasalubong.

May pasimpleng ngiti ang sumilay sa gilid ng mga labi ni Seric nang mapagmasdan ang reaksyon ni Lia dahil sa dala niyang cake para rito. Ngiti na halos hindi nakikita ninuman sa mansion na 'yon. Pasimpleng ginala ni Seric ang paningin sa loob ng silid ni Lia. Malaki at may masayang kulay ang pintura ng silid na.

"Hindi ko ito mauubos," wika ni Lia sabay napanguso pa ito. "Alam ko na. Hahatian kita at si Manang Loy..."

Sinundan ng tingin ito ni Seric patungo sa bed side table. Napakunot ang noo ng batang lalaki nang mapansin na medyo paika-ikang maglakad si Lia.

"Bakit ka ganiyan maglakad?" Hindi napigilan ni Seric na itanong kay Lia.

Natigilan si Lia at humarap sa batang lalaki.

"Wala ito. Kanina kasi ay nadapa ako sa labas."

Nagulat si Lia nang pumasok sa silid si Seric na may seryosong mukha.

"Upo." Sabay turo sa kama.

Marahang binitawan ni Lia ang cake na hawak sa may bedside table at sumunod sa sinabi ni Seric.

"Titignan ko ang sugat mo," wika ni Seric na hindi batid ni Lia kung nag-aalala ba o ano.

Nagkaroon ng kaunting kaba si Lia dahil baka makita ni Seric ang ibang sugat niya nang tumalon sa dampa. Itinatago pa naman niya ang mga 'yon.

"Hindi na kailangan, magaling na 'to pagkalipas lamang ng dalawang araw."

Ngunit tila walang narinig si Seric at lumuhod ito sa harapan niya at bahagyang itinaas ang mahabang bestidang suot niya hangang tuhod. Natigilan si Seric nang makita hindi lamang ang bagong sugat ni Lia kung hindi mga maraming galos at sugat na tila pahilom pa lamang. Imposibleng nakuha lamang ni Lia ang mga 'yon sa pagkakadapa kanina.

"Kasabay ba ng mga sugat sa palad mo ang mga sugat at galos na narito sa tuhod mo? Saan mo galing ang mga ito?" Seryosong usisa ni Seric kay Lia.

Hindi agad nakaimik si Lia. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Nag-aalinlangan siya na sabihin dito ang totoo dahil baka tulad ng Dean ay hindi siya paniwalaan. Hindi kasi siya pinaniwalaan ng Dean nang sabihin niya ang ginawa ni Rowan sa kaniya at kung paano siya nagkasugat. Ang tingin ng Dean sa kaniya ay sinungaling at gumagawa lamang ng kwento dahil baka raw sumama lang ang loob niya dahil si Rowan na ang inampon at hindi siya.

Paano kung ganoon din ang maging tingin ni Seric sa kaniya?

"Wala. Nadapa lamang talaga ako Kuya Seric." Sa huli ay pinili niyang huwag sabihin.

Huminga nang malalim si Seric at hindi na pinilit pang magsabi ng totoo si Lia. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng silid ni Lia ng walang imik.

Naluluhang sinundan na lamang ng tingin ni Lia ang paglabas ni Seric sa kaniyang silid. Tiyak na alam nitong nagsisinungaling siya at baka nagalit ang Kuya Seric niya dahil ayaw niyang sabihin dito kung saan ba talaga nanggaling ang mga sugat niya. Iiyak na sana nang tuluyan si Lia nang muling na pumasok sa silid si Seric. May dala itong medicine kit.

"Lalagyan ko ng gamot ang mga sugat mo."

Hindi nakauma si Lia at tanging nagawa na lamang niya ay pagmasdan ang paggagamot ni Seric sa kaniyang mga sugat. Sa murang edad nito ay napaka-mature na nito kung umakto. May kung anong mainit na mga kamay ang humaplos puso ni Lia habang pinagmamasdan ang ginagawa ng batang lalaki. Gusto niyang maluha.

Ramdam na ramdam niya ang pagmamalasakit ni Seric sa kaniya kahit wala naman itong sinasabi. Ngayon lang napagtanto ni Lia na ganito pala ang pakiramdam ang magkaroon ng kapatid na lalaki.

"Kainin mo na ang cake na dala ko," ani Seric habang nililigpit ang mga ginamit at pagkatapos ay tumayo na. "Kung hindi mo mauubos, ilagay mo sa ref sa baba," dagdag pa nito.

Tumango si Lia at marahang nagpasalamat, "S-salamat...K-kuya..."

"Kapag handa ka ng sabihin kung saan galing ang mga sugat mo, makikinig ako." 'yun lamang at lumabas na ng silid si Seric.

Si Seric na ang nasa isip nang mga sandaling 'yon ay nabully sa bahay-ampunan si Lia. Naikuyom ni Seric ang mga kamao. Paanong napapahintulutan ng dean ang mga ganoong kaganapan sa isang ampunan? Hindi man lang ginamot ang sugat ni Lia? Kung hindi niya nakita ang mga sugat ng huli, hangang kailan itatago nito ang mga 'yon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 13 (LIFE)

    NALINGAT si Kairoz sa pamilyar na amoy ng isang bulaklak —ang amoy ng paborito niyang Jasmine. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ang unang sumalubong sa kaniyang paningin ay ang malamig at madilim niyang silid. Mapa-umaga o gabi man ay laging sarado ang makakapal na kurtina sa kaniyang silid, dahil sa kadiliman ay nakakatagpo siya ng katahimikan. Marahan siyang bumangon, kasabay n'un ay ang mararahang katok sa kaniyang silid. "Master Kairoz, oras na po para sa'yong tanghalian." Dinig niyang wika ng nasa labas. Napabuntong hininga si Kairoz. Bakit ba pilit pa rin siyang dinadalhan ng pagkain kahit sinasabi niya ng ayaw niyang kumain? "Come in." Pinapasok niya ang kasambahay hindi dahil para kunin ang pagkain kundi may nais lamang siyang itanong. Bumukas ang pinto at sumambulat sa silid ang liwanag nang sinindi ng kasambahay ang ilaw. Nakita niya ang kasambahay na may dalang tray ng paglain. Ito ang laging nagdadala sa kaniya ng kaniyang gamot at pagka

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 12 (LIAR)

    NALUNGKOT si Lia nang mabalitaan mula kay Manang Loy na hindi pinagbuksan ng pintuan ni Kairoz si Miss Sandy. Umalis na lamang ang babae na halata ang lungkot sa mga mata ni hindi na nga nito nagawang magpaalam pa. "Bakit po ayaw ni Kuya Kairoz ng mga bisita?" Inosenteng usisa niya sa ginang. Napatigil saglit sa pagpunas sa mga kubyertos si Manang Loy at bumuntong hininga. "Paano ko ba ito sasabihin sa'yo sa bagay na mauunawaan mo?" Hindi sumagot ang paslit. Pero sa kaniya ay madali lamang niyang maunawaan ang mga bagay bagay kung ipaliliwanag sa kaniya. "Ganito kasi 'yon, hija. Nagsimula ang lahat nang maghiwalay sina Mr. Lancaster at ang ina nina Master Kairoz. Mula noon ay hindi ko na muling nakitang ngumiti at nakihalubilo si Master Kairoz kanino man." "Bakit po sila naghiwalay?" Napangiti si Manang Loy. Isang malungkot na ngiti. "Balang araw malalaman mo rin kung bakit." Sa batang isip ni Lia ay hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 11 (SANDY MONTCLAIR)

    NAKAUGALIAN na ni Lia na tumulong sa pagdidilig ng halaman kay Mang Tom tuwing umaga. Kagaya nang araw na 'yon ay masaya siyang tumutulong. Nang biglang kapwa nila narinig na may nagkakagulo sa gate ng mga Lancaster. "Naku ano na naman kaya iyon?" Napapakamot sa ulong wika ni Mang Tom at muling ipinagpatuloy ang pagdidilig. Samantalang si Lia nang dahil sa kuryosidad ay marahang lumapit sa hindi kalayuan sa gate lalo na nang makita niya si Manang Loy na nagtungo sa gate. Nagtago lamang siya doon at nakiramdam. "Let me in! Let me in, idiot!" Mula sa pinagtataguan ni Lia ay dinig niyang sigaw ng babae sa mga gwardyang naroon na pumipigil dito para makapasok sa solar ng mga Lancaster. Hindi pamilyar kay Lia ang babae, pero tila may kamukha ito, hindi lang niya mapagsino. "Ipinagbabawal po kayong pumasok, ma'am. Pasensya na po," anang gwardya. "Anong ipinagbabawal?! Hindi mo ba ako nakikilala? I am Sherley Costillas, you idiot! Papasukin niyo ako at nais kong m

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 10 (PINK ROSES)

    "WHERE?" Kalmadong tanong ni Ruvion sa paslit. "G-gusto ko po sanang ibigay kay Kuya Seric ang mga 'yan." Walang salitang binitbit ni Ruvion ang paso ng bulaklak at naglakad patungo sa dining room. Nakasunod si Lia sa lalaki at pinagmamasdan ito ng tahimik. Nakapang opisina na ito at halatang paalis na, sa totoo lang ay nakakaintimidate ang aura nito nang mga sandaling 'yon, pero ang paso ng bulaklak ay tila nilusaw nito aurang 'yon. Sa inosenteng isip ni Lia ay naisip niyang bagay na bagay kay Tito Ruvion niya ang maging isang hardinero o tagapag-alaga ng mga bulaklak! Natigilan si Seric nang makita ang ama na imbes na attache case ang bitbit kagaya ng madalas na bitbit nito, ay isang pasong bulaklak 'yon. Bagay na hindi naman nito karaniwang ginagawa. "Kuya!" Biglang lumusot mula sa likuran ng ama si Lia na may masayang mukha. "Bibigyan kita ng bulaklak!" Mabilis na sabi pa nito. Natigilan si Seric at ilang segundong hindi nakauma. Habang ipinatong naman

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 9 (FLOWERS)

    "AYOS ka lang ba?" May pag-aalala sa tinig ni Manang Loy nang tignan ang pobreng paslit na nanatili lamang sa likuran niya, hangat hindi nakaalis si Mrs. Costillas. Tahimik lamang ito, naluluha at nahihiya. "A-ayos lang po ako..." Ngunit alam ni Manang Loy na hindi ito okay. Napabuntong hininga siya at ginulo ang makintab na buhok ni Lia. "Huwag mong intindihin si Mrs. Costillas, Miss Lia. Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin at ipapakita ko sa'yo ang silid mo, tiyak na magugustuhan mo ang bagong ayos nito. May mga bulaklak din akong ipinalagay sa silid mo." Pilit na ngumiti si Lia sa ginang at tahimik na sumunod dito. Nang makarating sa silid ay namangha si Lia sa bagong ayos n'un. Kung maganda na ang dati ay higit na maganda ang ayos nito ngayon, magaan at mas kaaya-aya sa mata. Lalong-lalo na at may mga sariwang bulaklak na nasa paligid na nagdagdag sa ganda ng silid. "Ang ganda!" Tinakbo ni Lia ang rectangular table na puno ng paso ng mga bulaklak. Ang m

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 8 (CONFLICT)

    PAGDATING pa lamang ni Seric sa The Forth High School ay hindi na nakaligtas sa kaniya ang pasimpleng tingin ng grupo ni Ravin habang nagtatawanan ang mga ito. Gaya ng laging ginagawa ng batang si Seric, hindi niya pinansin ang mga ito. For him, they we're not worth the time. Naglakad siya sa hallway patungo sa classroom nila, pero naramdaman niyang sumunod ang mga ito, bagay na lihim niyang ikinainis. Talagang naghahanap ng gulo si Ravin. "Saglit lang Lancaster." Boses ni Ravin na tila may pang-aasar pa. Pero hindi pa rin ito pinansin ni Seric at nagpatuloy sa paglalakad. "Sinabi ng saglit lang!" May bahid na ng inis ang tinig ni Ravin. Pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Seric na tila walang naririnig. Hangang sa muling sumigaw si Ravin, "Balita namin nag-ampon ang dad mo, ano ah? Siya ba ang papalit sainyong magkakapatid bilang tagapagmana?" Doon natigilan si Seric sa paglalakad, pero hindi pa rin nag abalang lumingon kina Ravin. "Paanong hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status