KINAGABIHAN ay nagtatalo ang kalooban ni Seric kung kakatok ba siya sa silid ng kaniyang kuya na si Kairoz. Nasa harapan na siya ng silid nito nang mga sandaling 'yon at matagal na nakatitig sa saradong pinto.
He's afraid of rejection. Paano kung kagaya ng madalas na ginagawa ni Kairoz na hindi siya pinagbubuksan ng pintuan o pinapaalis siya ay ganoon din ang mangyari ngayong gabi? Matagal na panahon na rin na inilalayo ni Kairoz ang sarili sa kanila, sa totoong mundo at gumawa ng sarili nitong mundo. Ayaw man niyang aminin pero namimiss niya ang kaniyang kapatid, maging ang kapatid na si Elvren. Huminga ng malalim si Seric at kumatok ng tatlong beses. Naghintay siya ng ilang segundo kung may magbubukas at nang wala ay tumalikod na siya, handa ng umalis. Pero natigilan siya nang maramdaman niyang bumukas ang pinto. Nakita niya si Kairoz na nakatayo sa pintuan. Payat, maputla at nanlalalim ang mga mata. Walang kabuhay-buhay ang buo nitong pagkatao. "Hey, brother. Binilhan ko ng cake si Lia kanina, baka lang gusto mo?" Sabay pakita sa hawak na cake na nasa platito. "Masyadong matamis." Tipid na tugon ni Kairoz. Hindi agad nakauma si Seric at pagkaraan ay marahang muling nagsalita, "Nagpunta kami ni Daddy sa isang bahay ampunan. Nag-ampon siya ng batang babae, nakita mo na ba siya?" Marahang tumango si Kairoz. "Kanina sa hardin." "Oh." Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. "Kung ayaw mo nitong cake, I'll take it out." Paalis na siyang muli nang magsalita si Kairoz. "Give it to me." Kinuha nito ang platito na hawak ni Seric. "Thanks." Sabay sinarado na ang pintuan. Matagal na nanatiling nakatayo roon si Seric kahit pa kanina pa sinarado ni Kairoz ang pintuan. Hindi siya makapaniwala na kinuha ng kapatid ang cake at nagpasalamat pa ito. Lagi niyang inihahanda ang sarili sa rejection ng kaniyang kapatid, pero hindi niya naihanda ang sarili sa kabaligtaran, kaya ngayon ay hindi siya makapaniwala. Hiling ni Seric na sana nga lang ay makita ni Kairoz na may ibang buhay pa rito sa labas ng kanilang mansion, maliban sa apat na sulok ng kwarto nito na naging kanlungan nito sa nakalipas na limang taon. SAMANTALA... Sa kailaliman ng gabi ay nagising si Lia na kumakalam ang tiyan. Hindi gaanong marami ang kinain niya nang gabi, halos ang cake lamang yata na dala ni Seric ang kinain niya. Kaya ngayon ay gutom siya. Naalala niya na may cake pa siyang hindi naubos at inilagay ni Manang Loy sa Ref. Tahimik na binuksan ni Lia ang pintuan ng kaniyang silid, sumilip siya sa labas at pinakinggan ang paligid. Tahimik na at nakakatiyak siyang tulog na ang mga tao sa mansion. Naglakad siya palabas nang tahimik, tila kuting sa kalaliman ng gabi. Bago makarating sa kusina ay madadaanan niya ang living room, madilim din doon at dumiretso na siya sa kusina na hindi naman pinapatay ng mga kasambahay ang mga ilaw. Binuksan niya ang malaking ref at nakita nga ang cake na naroon, pero nasa mataas na bahagi, tila ba hindi niya maaabot. "Bakit naman ang taas," bulong niya sa sarili. Naisip niyang kumuha ng upuan at tumuntong doon upang maabot ang cake, kaso naisip niya, mabigat ang mga upuan na nasa dining area at tiyak na gagawa ng ingay kapag hinila naman niya. Nakakahiya kapag may nagising siya. Kaya kahit imposible ay pilit pa rin miyang inaabot ang cake. Nagulantang na lamang si Lia nang naramdaman niyang may mataas na pigura ang biglang lumitaw sa likuran niya at inabot ng isang medyo mabalahibong kamay ang cake na kaniyang inaasam. Agad niyang tinignan kung sino ang taong iyon na nang sa mga sandaling 'yon ay nakatingin din sa kaniya. "Tito Ruvion..." Sa nanlalaking mga mata ay anas ng paslit. Nakasuot pa ito ng damit pang opisina. Napakatangkad nito at talagang napakatangos ng ilong, manipis ang mga labi na kitang kita niya dahil nakatingala siya rito. Napakagwapo nito, pero hindi maitatago ang pagod sa mukha nito. "Ito ba ang inaabot mo?" Buong buo ang boses nito, pero hindi naman ito tunog galit. "O-opo..." Sa totoo lang ibang hiya at takot ang nararamdaman niya kapag nasa paligid si Tito Ruvion. Lagi kasi itong seryoso at parang di marunong ngumiti man lang. Dinala ni Ruvion ang cake sa mesang siguradong maaabot na ng paslit. "Hindi ka ba nabusog sa dinner kanina?" Kalmadong tanong nito. Nahihiyang sumagot ang paslit, "busog na po, pero nagutom po ako ulit. Pasensya na po." Hindi nagsalita si Ruvion at pinagmasdan ang paslit. Halos kadarating lamang niya galing opisina at gusto lamang sana niyang umupo sa sofa bago umakyat sa silid kaya hindi na siya nag-abalang magbukas ng ilaw. Pero ilang saglit pa lamang siyang nakakaupo ay may nakita siyang maliit na pigura na marahang naglalakad, tila ba takot makagawa ng ingay. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan itong maglakad na tila pusa, hangang sa makita niya itong hirap sa pag-abot ng nais kainin, kaya nagmagandang loob na lamang siyang iabot yon sa paslit. Napansin niyang biglang nahiyang kumain si Lia, dahil siguro sa presensya niya, bagay na naiintindihan ni Ruvion. Hindi agad masasanay ang bata sa kaniyang presensya. "Aakyat na ako. Pagkatapos mong kumain magpahinga ka na rin sa silid mo." Kita niya ang pagkislap ng saya sa mga mata ni Lia nang marinig na aakyat na siya. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero pinigilan niya ang sarili at umakyat na sa silid. Mabilis na tinapos ni Lia ang pagkain sa cake at umakyat na rin sa kaniyang silid. Masaya at nakangiti siyang humiga sa malambot at komportableng kama. Naisip niya napakaganda rin ng nangyayari sa buhay niya. Mabait sa kaniya ang Kuya Seric niya, at si Tito Ruvion, mukhang nakakatakot man itong pakisamahan pero alam niyang mabait din, meron pa siyang mabait na Manang Loy. Muling napangiti ang paslit at kuntentong ipinikit ang mga mata. Excited siya sa mga susunod pang mga kaganapan sa buhay niya.NALINGAT si Kairoz sa pamilyar na amoy ng isang bulaklak —ang amoy ng paborito niyang Jasmine. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ang unang sumalubong sa kaniyang paningin ay ang malamig at madilim niyang silid. Mapa-umaga o gabi man ay laging sarado ang makakapal na kurtina sa kaniyang silid, dahil sa kadiliman ay nakakatagpo siya ng katahimikan. Marahan siyang bumangon, kasabay n'un ay ang mararahang katok sa kaniyang silid. "Master Kairoz, oras na po para sa'yong tanghalian." Dinig niyang wika ng nasa labas. Napabuntong hininga si Kairoz. Bakit ba pilit pa rin siyang dinadalhan ng pagkain kahit sinasabi niya ng ayaw niyang kumain? "Come in." Pinapasok niya ang kasambahay hindi dahil para kunin ang pagkain kundi may nais lamang siyang itanong. Bumukas ang pinto at sumambulat sa silid ang liwanag nang sinindi ng kasambahay ang ilaw. Nakita niya ang kasambahay na may dalang tray ng paglain. Ito ang laging nagdadala sa kaniya ng kaniyang gamot at pagka
NALUNGKOT si Lia nang mabalitaan mula kay Manang Loy na hindi pinagbuksan ng pintuan ni Kairoz si Miss Sandy. Umalis na lamang ang babae na halata ang lungkot sa mga mata ni hindi na nga nito nagawang magpaalam pa. "Bakit po ayaw ni Kuya Kairoz ng mga bisita?" Inosenteng usisa niya sa ginang. Napatigil saglit sa pagpunas sa mga kubyertos si Manang Loy at bumuntong hininga. "Paano ko ba ito sasabihin sa'yo sa bagay na mauunawaan mo?" Hindi sumagot ang paslit. Pero sa kaniya ay madali lamang niyang maunawaan ang mga bagay bagay kung ipaliliwanag sa kaniya. "Ganito kasi 'yon, hija. Nagsimula ang lahat nang maghiwalay sina Mr. Lancaster at ang ina nina Master Kairoz. Mula noon ay hindi ko na muling nakitang ngumiti at nakihalubilo si Master Kairoz kanino man." "Bakit po sila naghiwalay?" Napangiti si Manang Loy. Isang malungkot na ngiti. "Balang araw malalaman mo rin kung bakit." Sa batang isip ni Lia ay hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
NAKAUGALIAN na ni Lia na tumulong sa pagdidilig ng halaman kay Mang Tom tuwing umaga. Kagaya nang araw na 'yon ay masaya siyang tumutulong. Nang biglang kapwa nila narinig na may nagkakagulo sa gate ng mga Lancaster. "Naku ano na naman kaya iyon?" Napapakamot sa ulong wika ni Mang Tom at muling ipinagpatuloy ang pagdidilig. Samantalang si Lia nang dahil sa kuryosidad ay marahang lumapit sa hindi kalayuan sa gate lalo na nang makita niya si Manang Loy na nagtungo sa gate. Nagtago lamang siya doon at nakiramdam. "Let me in! Let me in, idiot!" Mula sa pinagtataguan ni Lia ay dinig niyang sigaw ng babae sa mga gwardyang naroon na pumipigil dito para makapasok sa solar ng mga Lancaster. Hindi pamilyar kay Lia ang babae, pero tila may kamukha ito, hindi lang niya mapagsino. "Ipinagbabawal po kayong pumasok, ma'am. Pasensya na po," anang gwardya. "Anong ipinagbabawal?! Hindi mo ba ako nakikilala? I am Sherley Costillas, you idiot! Papasukin niyo ako at nais kong m
"WHERE?" Kalmadong tanong ni Ruvion sa paslit. "G-gusto ko po sanang ibigay kay Kuya Seric ang mga 'yan." Walang salitang binitbit ni Ruvion ang paso ng bulaklak at naglakad patungo sa dining room. Nakasunod si Lia sa lalaki at pinagmamasdan ito ng tahimik. Nakapang opisina na ito at halatang paalis na, sa totoo lang ay nakakaintimidate ang aura nito nang mga sandaling 'yon, pero ang paso ng bulaklak ay tila nilusaw nito aurang 'yon. Sa inosenteng isip ni Lia ay naisip niyang bagay na bagay kay Tito Ruvion niya ang maging isang hardinero o tagapag-alaga ng mga bulaklak! Natigilan si Seric nang makita ang ama na imbes na attache case ang bitbit kagaya ng madalas na bitbit nito, ay isang pasong bulaklak 'yon. Bagay na hindi naman nito karaniwang ginagawa. "Kuya!" Biglang lumusot mula sa likuran ng ama si Lia na may masayang mukha. "Bibigyan kita ng bulaklak!" Mabilis na sabi pa nito. Natigilan si Seric at ilang segundong hindi nakauma. Habang ipinatong naman
"AYOS ka lang ba?" May pag-aalala sa tinig ni Manang Loy nang tignan ang pobreng paslit na nanatili lamang sa likuran niya, hangat hindi nakaalis si Mrs. Costillas. Tahimik lamang ito, naluluha at nahihiya. "A-ayos lang po ako..." Ngunit alam ni Manang Loy na hindi ito okay. Napabuntong hininga siya at ginulo ang makintab na buhok ni Lia. "Huwag mong intindihin si Mrs. Costillas, Miss Lia. Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin at ipapakita ko sa'yo ang silid mo, tiyak na magugustuhan mo ang bagong ayos nito. May mga bulaklak din akong ipinalagay sa silid mo." Pilit na ngumiti si Lia sa ginang at tahimik na sumunod dito. Nang makarating sa silid ay namangha si Lia sa bagong ayos n'un. Kung maganda na ang dati ay higit na maganda ang ayos nito ngayon, magaan at mas kaaya-aya sa mata. Lalong-lalo na at may mga sariwang bulaklak na nasa paligid na nagdagdag sa ganda ng silid. "Ang ganda!" Tinakbo ni Lia ang rectangular table na puno ng paso ng mga bulaklak. Ang m
PAGDATING pa lamang ni Seric sa The Forth High School ay hindi na nakaligtas sa kaniya ang pasimpleng tingin ng grupo ni Ravin habang nagtatawanan ang mga ito. Gaya ng laging ginagawa ng batang si Seric, hindi niya pinansin ang mga ito. For him, they we're not worth the time. Naglakad siya sa hallway patungo sa classroom nila, pero naramdaman niyang sumunod ang mga ito, bagay na lihim niyang ikinainis. Talagang naghahanap ng gulo si Ravin. "Saglit lang Lancaster." Boses ni Ravin na tila may pang-aasar pa. Pero hindi pa rin ito pinansin ni Seric at nagpatuloy sa paglalakad. "Sinabi ng saglit lang!" May bahid na ng inis ang tinig ni Ravin. Pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Seric na tila walang naririnig. Hangang sa muling sumigaw si Ravin, "Balita namin nag-ampon ang dad mo, ano ah? Siya ba ang papalit sainyong magkakapatid bilang tagapagmana?" Doon natigilan si Seric sa paglalakad, pero hindi pa rin nag abalang lumingon kina Ravin. "Paanong hindi