Share

Kabanata 21

Tears

"Fiel, let me explain…"

Dire-diretso akong humakbang Palayo at halos maging takbo ang bawat yapak ko.

Mariin kong pinalis ang patuloy na tumatakas na luha sa mga mata habang nagsasalita siya.

May kailangan pa ba siyang ipaliwanag? Kita-kita ng dalawa kong mata ang lahat. Saksi ang ako kung paanong magkalapat ang labi nila.

"Fiel!"

Napapikit ako nang maramdaman ajg paghawak ng kaniyang kamay sa braso ko. Tuluyan na niya na akong naabot.

Napapikit ako nang maramdaman ang yakap niya mula sa likuran.

“Baby, please listen…"

"A-Aalis na muna ako. Baka nakakaistorbo ako…" sambit ko kahit na parang may paulit-ulit na punyal ang tumatarak sa kalooban ko.

"Hindi. Hindi. Nagkakamali ka—"

"Bumalik ka na kay Marice. Mamaya na ako uuwi. P-Pasensiya na sa istorbo."

Pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakayakap ngunit hinigpitan niya iyon lalo. Mas lalo rin naninikip ang dibdib ko. Pero may karapatan nga ba akong masaktan?

"No, you just mistaken it, she came here just to-"

"Please Liam,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status