Share

Kabanata 4

Forget

“Mag-iingat ka. Maghihintay ako sa’yo…” sambit ko.

“You too, babe. Take care here,” he gently whispered.

We hugged each other for the last time as he gently kissed my forehead. I embrace him and feel this moment before he’s gone. We slowly parted after minutes. 

I couldn't help but tear up. After spending time with him for almost a week, he’s now going out of the country for a business matter. And I don’t know when will he goes back.

“I’ll be back, okay? And we’ll get married as soon as I come back,” muling paalala niya. 

Tumango lamang ako at isang mahigpit na yakap pa ang nangyari bago siya tuluyan na naglakad palayo at sumakay sa pribadong sasakyang panghimpapawid. 

Pumatak ang butil ng aking luha habang nakatitig sa kaniya. 

Being with him for a week makes me feel calm despite my secret. We had already met a designer for our wedding and he promised that when he got back, we will be preparing to be husband and wife. 

Mabilis kong pinalis ang luha sa mga mata nang lumingon pa siya sa akin. Kumaway kami pareho sa bawat isa bago siya tuluyang pumasok sa loob.

Hinintay ko munang makalipad ang sasakyan niya bago ako tumalikod na agad nilapitan ng driver na pinasama niya para maghatid sa akin pauwi.

“Ma’am, uuwi na po?”

I shook my head. “Hindi pa. Gusto ko munang dumaan sa mall.”

Tumango ang driver at nagpatiuna na naglalakad. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makarating sa harapan ng sasakyan. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot patungo sa driver seat. Nang nakapasok, sumandal ang ulo ko sa upuan at ni-relax ang sarili pero biglang nag-ring ang phone ko. 

I immediately check who’s calling and feeling confused when I saw the HR manager calling me. Agad kong sinagot iyon bilang respeto. 

“Hello?”

“Good morning, Miss Ronquillo. Just to remind you again that your resignation letter has been refused,” she informed formally. 

Umawang ang labi ko sa labis na pagkatataka. “B-Bakit po? I sent it almost a week-”

“We already responded to your email. And you still have a contract that needs to be finished,” she said.

Napatampal ako sa sariling noo nang naalala na may natitira pa akong limang buwan bago matapos ang kontratang tinanggap ko.

“Ma’am, it can’t really be possible?” 

“Be professional, Miss Ronquillo. If you keep urging it, we can sue you for neglecting the contract. It will also affect your future application with another company.”

“Where’s Sir Liam? Did he snuggle-”

“No, Miss. And he doesn’t know about your resignation letter. It’s almost a week since he didn’t show up himself.”

I sighed heavily feeling bewildered. 

“Thank you, Ma’am…” but I don’t believe you.

Binaba ko ang tawag at saglit na napatulala. Napatiim-bagang ako at dahan-dahan na nilingon ang driver na seryosong nagmamaneho. 

Napabuntong hininga ako ng malallim bago nagsalita. “Kuya sa Ishi’s restaurant po tayo…”

Tiningnan lamang ako ng driver mula sa side mirror at kalaunan ay tumango. Bumalik ako sa pagkakasandal sa likod ng upuan at hinilot-hilot ang sentido. 

I slowly closed my eyes tightly as feeling irritated starting to arise from me. I’m sure Liam is involved with this. Hindi talaga siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya!

Hindi puwedeng ganito palagi. Kailangan ko nang tuldukan kung ano man ang maling nangyari sa amin. At sisiguraduhin kong pagbalik ni Ken ay ikakasal kami at walang makakapigil doon! 

Lumipas ang halos kalahating oras nang narinig ang boses ng driver. 

“Nandito na po tayo, Ma’am.”

Dumilat ako at diretsong tumingin sa kabas ng bintana ng kotse. Hindi ko namalayan na nakarating na kami dahil sa lalim ng iniisip ko.

Humugot ako ng hangin bago binuksan ang pinto at lumabas. 

Nang nakalabas ako, agad sumabog ang buhok ko dahil sa malamig na ihip ng hangin ang sumalubong at yumakap sa aking katawan. 

Inayos ko ang sarili bago humakbang patungo sa driver. 

“Ma’am hintayin ko po ba kayo?”

Umiling ako.

“Hindi na po, Manong. Baka po matagalan ako kaya mauna na lang kayo pauwi,” sabi ko.

“Anong oras po kita susunduin?” anito.

Umiling-iling muli ako.

“Hindi na Manong, ako na bahala.”

Napakamot ito ng ulo at alanganin na tumingin sa akin. “Baka po malagot ako kay Sir Trevious-”

Ngumiti ako. “Tatawagan ko na lang po,” paninigurado ko.

“Sige po, Ma’am,” pagsuko niya. 

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan bago ako tumalikod at nag-umpisa nang maglakad papasok ng resto na may mga customer na rin.

“Good morning, Ma’am Fiona.”

“Morning, Ma’am…”

Those are the greetings I received when I entered inside the restaurant. Karamihan sa kanila ay nagtataka nang nakita ako marahil sa gulat dahil isang linggo akong hindi pumapasok.

Tinanguhan ko lang sila at dumiretso ako patungo sa opisina ni Liam at unti-unting nabubuhay ang inis sa kalooban ko. 

Napatiim-bagang ako at walang pasabi kong binuksan ang pintuan ng kaniyang opisina. Nakababastos man dahil boss ko pa rin siya pero anong pakialam ko? Sinisira niya ako.

Dahan-dahan nagsalubong ang kilay ko nang bumungad sa akin ang malinis niyang silid. Humakbang ako papasok, sinuri ang paligid pero wala akong nakitang Liam.

I glanced at his table. It’s clean and neat even though there are a lot of papers on the top that he surely needs to sign. 

Agad kong nilapitan ang mga iyon at tiningnan. Umawang ang labi ko nang nakitang parang hindi pa nagagalaw.

Hindi naman niya ugali ang mag-iwan at magtambak ng pepermahan kaya nakakapagtaka. Muli kong sinuri ang mga papel ngunit napaigtad ako sa gulat dahil sa boses na lumitaw.

“Oh, sorry. I thought Liam was already here…”

Napakunot ang noo ko, nagtataka. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko sa hamba ng pintuan si Marice na kahera.

Tinitigan ko siya saglit. She didn’t knock and she just directly entered? Amazing!

“I-I mean, Sir Liam…” dagdag niya.

Napalabi ako nang napansin ang bahagyang pagkautal niya. 

“Sorry, M-Ma’am Fiona. Akala po namin nandito na si Sir Liam. Isang linggo na po kasi siyang hindi nagpapakita” anito.

“One week? Why?”

“Hindi po namin alam ang dahilan. Marami na rin po ang naghahanap sa kaniya.”

Tumangpo-tango ako. “Anyway anong kailangan mo sa kaniya?”

Hindi nawala sa paningin ko ang multo niyang pagngisi. “Wala po. Sige po mauna na ako…”

“Wait-”

Hindi ko na naituloy ang akmang sasabihin dahil agad na itong lumabas. Hindi ko alam kung anong nangyari kaya pinagsawalang bahala ko na lamang. Ngunig may parte sa akin na nagtataka kung bakit ganoon na lamang siya kung umakto.

I breathed out heavily as soon as I took all the unsigned papers. Wala akong choice kundi ang ihatid ‘to sa kaniya.

Ininda ko ang nagtatakang tingin ng mga staffs sa akin pagkalabas ng opisina. Dumiretso lamang akong lumabas at agad na nag-abang ng taxi na saktong dumaan sa harapan ko at huminto. Sumakay na ako roon at nagpahatid sa penthouse ni Liam.

Madalas siyang nandoon dahil siya lang ang nandito sa pinas na nagha-handle ng negosyo nila. His parents are staying in Japan, to his father’s country.

It’s more than one hour when I arrived at his apartment. Hindi ko maiwasan ang mangatog nang nanumbalik sa isipan ko ang tagpong nangyari noon. 

Mabilis na nag-init ang bawat sulok ng aking mata habang nakatayo sa harap ng pintuan. Kinain muli ako ng konsensya dahil sa nagawa kaya dahan-dahan akong umatras. Hindi ko pa kaya ngunit biglang bumukas ang pinto.

Bumuka ang bibig ko sa gulat. Tumambad sa akin ang balot na balot na katawan ni Liam. Napalunok ako at hindi malaman ang gagawin.

A deafening silence enveloped us when he suddenly cleared his throat. “W-What brought you here?”

Lumipat ang mata ko sa kaniya nang nahimigan ang nanghihinang boses. Sunod na tumaas ang isa niyang kilay, napayuko ako at pumikit.

God, Fiona! Go back to your senses! You’re here to confront him!

I immediately opened my eyes as I lifted my gaze and stared at him boldly. “I sent my resignation letter last week but it was not granted. Did you do something about it?”

Pumungay ang kaniyang mga mata nang tumitig ito sa akin. Maya-maya lang ay nawalan ito ng emosyon.

“I don’t know about it,” aniya at unti-unting bumbaba ang tingin sa bitbit kong mga papeles. 

Malakas na kumakabog ang dibdib ko at hindi maalis ang tingin sa kaniya. I felt awkward but I couldn't take my eyes off him. Parang may kung ano sa kalooban ko ang nagwawala habang pinagmamasdan siya.

“What’s that?”

Napabalik ako sa ulirat nang narinig muli ang kaniyang boses at sa pagkakataon na ito ay gamit ang malamig na tono.

My hands trembled as I stretched my hands in front of him to give all the unsigned paoers. Para akong tinatakasan ng talas ng dila habang kausap siya.

“Dumaan ako sa resto dahil na refuse ang resignation letter ko. Nabalitaan kong hindi ka pumasok at natambakan ng pepermahan kaya naisipan kong dalhin dito,” sabi ko.

Damn self! Why are you explaining?

Napaiwas ako ng mata sa kaniya nang napansin ang paghulma ng multong ngiti sa gilid ng kaniyang labi. Umangat ang kamay niya at tinanggap iyon.

“T-Thanks…”

Kumunot ang noo ko nang naramdaman ang mainit niyang kamay nang aksidente itong dumampi sa akin. Umangat ang ulo ko at saktong nakatingin pa rin siya.

“You can go now, I’ll just call the HR department about your resignation,” aniya na ikinagulat ko. 

“Liam…”

“It’s fine, Fiona. Don’t mind the remaining months of the contract. I won’t sue you about it,” dagdag niya. 

May kung ano sa kalooban ko ang hindi ko maintindihan. This is what I wanted to happen right? To be free without thinking from him.

“You can go, Fiona. I also need to go,” ulit niyang sinabi.

“Liam, about what happened-”

“Forget it. I already forgot about it,” kaswal niyang sinabi at agad tumalikod.

Natulala ako dahil sa kaniyang naging tugon. Akala ko ipagpipilitan niya pa ang lahat pero mukhang nagkamali ako. 

Napangiti ako nang bumukas ang kaniyang pinto at pumasok na siya roon. Naiwan akong nakatayo, tumatambol ng malakas ang dibdib.

Akala ko mahihirapan akong kumbinsihin siyang kalimutan ang lahat nang nangyari pero ngayon siya na mismo ang nagtapos. 

Dahan-dahan akong tumalikod, bakas ang malapad na ngiti sa labi. I can finally live peacefully now without thinking of something.

Humakbang na ako paalis nang bigla akong nakarinig ng kung anong nabasag sa loob ng penthouse ni Liam kaya napahinto ako sa paghakbang. 

I slowly turned my back and I could hear Liam loudly cursing inside as soon as another fragile piece of stuff broke. Sa gulat ko ay napabalik ako sa pintuan. 

Kumatok ako ng ilang beses bago ito pinihit pabukas.

Buti hindi niya pa nai-lock.

Nilakihan ko ang bukas ng pinto, humakbang ako papasok kasabay nang pamimilog ng aking mga mata dahil sa nakita.

“Liam!” sigaw ko at patakbo siyang nilapitan na nakahandusay sa sahig. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status