Chapter 2: Para sa scoop
ANG GALIT na tingin ni Jaxon kay Skylar ay para bang gusto siya nitong saktan. Nanlamig siya sa takot. Namutla si Skylar at biglang bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata.
“H-How could you say that to me? Hindi ako cheap! I'm not a slút!”
Hindi niya gustong mapunta sa kama ni Jaxon. Siya itong biktima pero hindi nakikita iyon ni Jaxon. Ang nasa isip nito ay sinilo niya ito.
“If you're not cheap, why did you climb my bed, Skylar?! And why are you crying? May karapatan ka bang umiyak sa harap ko?" malamig na sabi ni Jaxon, walang bahid ng awa ang tono ng boses. Sa lamig ng boses nito ay parang hinihiwa noon ang puso ni Skylar at nahihirapan siyang huminga.
“Five years ago, I told you I don't wanna see your face again. But here you are, shameless to get in my bed. If you're not cheap, what are you?”
Parang bomba ang bawat salitang binitiwan ni Jaxon. Sa narinig, tahimik na umalpas sa mga mata niya ang mga luha, kagat-kagat ni Skylar ang labi para pigilan ang hagulhol.
“Get out of here!” Hinila si Skylar ni Jaxon pababa sa kama at inihagis ang kanyang maskara na tumama pa sa may dibdíb ni Skylar.
Nang marinig iyon, mabilis na sininop ni Skylar ang iba pang gamit at walang lingon-lingon na tumakbo palabas ng kwarto.
"Damn it!" asik ng naiwang si Jaxon sa loob ng suite. Tinitigan nito ang pagtakas ni Skylar doon.
Galit nitong sinipa ang unan at pinagbabato ang mahawakan. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ang pakiramdam siya. Sinindihan ni Jaxon ang isang sigarilyo na nahablot sa side table at may tinawagan.
“Come up here!”
Pagkalipas ng tatlong minuto, dumating si Wallace, ang private assistant ni Jaxon, na hinihingal. Nakita ng lalaki si Jaxon na nakatayo sa harap ng bintana, suot ang itim na robe, hawak ang isang sigarilyo at humihithit doon. Ang aura nito ay malamig at nakakatakot na parang gustong umatras ni Wallace.
"Sir Jaxon..." maingat na sabi ni Wallace.
"Who's the person who brought a woman here?" tanong ni Jaxon, kalmado ang mukha ngunit alam ni Wallace na nagpipigil ito ng galit.
Napalunok si Wallace. "Pasensya na, Sir Jaxon. Iche-check ko kaagad at babalik ako sa loob ng sampung minuto."
Pagkaalis ni Wallace, nanatili si Jaxon sa harap ng bintana, tahimik na pinapanood ang mga tao sa labas. Nakita niya mula sa labas ng transparent window si Skylar na nasa intersection, nagtatangkang pumara ng taxi ngunit walang pumapansin sa kanya. Para itong iniwan ng mundo. Matagal bago nakasakay si Skylar sa taxi at umalis.
Pagbalik ni Wallace, dala na nito ang impormasyon.
"Sir Jaxon, nalaman ko na. Ang babae kagabi ay si Skylar Aquino, an unknown entertainment reporter. Madalas siyang nagbabantay ng mga celebrities para kumuha ng balita."
"So, she's a paparazzi, huh? Check the whole room." Alam na ni Jaxon ang intensyon ni Skylar. Umigting ang panga niya sa naisip.
Pagkatapos ng thorough inspection, nakahanap si Wallace ng isang wireless na pinhole camera. Dumilim ang ekspresyon ni Jaxon.
“You're good, Skylar. Just for a fúcking scoop, you even paid with your body.” Nakakuyom ang palad na humarap siya sa assistant. “Spread the news. Walang media company dito sa Metro Manila ang dapat kumuha kay Skylar o makakalaban nila ako."
Ang boses ni Jaxon ay malamig at kalmado, sanay na sanay na itong magbitiw ng mga salitang kayang sumira sa isang tao.
"Yes, Sir Jaxon."
***
PAGKATAPOS makauwi, nagmadali si Skylar na pumasok sa banyo para maligo. Tumayo siya sa ilalim ng shower. Ang mainit na tubig ay halos sumunog sa kanyang balat hanggang mamula ito, pero hindi nito kayang alisin ang sakit at sama ng loob sa kanyang puso.
Ang mga salitang binitiwan ni Jaxon—na isa siyang cheap na babae— paulit-ulit na naririnig ng kanyang isip.
Napaupo siya, niyakap ang kanyang tuhod at humagulhol.
"Jaxon, bakit mo naman ako tinawag na gano'n? Hindi naman ako pokpók, eh. Hindi ko ibinebenta ang sarili ko para sa pera. You should believe me! Dati naman, naniniwala ka sa lahat ng sinasabi ko..."
Hindi niya alam kung paano sila umabot sa ganitong sitwasyon. Magkaklase sila noong high school, naging close noong college at sandali ring nagsama sa iisang bahay. Pero ngayon, bakit umabot sa ganitong sitwasyon?
Ayaw ni Skylar na maging kaaway si Jaxon. Masakit. Hindi niya kaya.
Simula nang ituring siya ni Jaxon na kaaway, naalis si Skylar sa eskuwela, nawalan ng trabaho at lumayo siya. Ang bawat araw na lumilipas ay parang bangungot—parang nahulog siya sa napakalalim na hukay. Pilit siyang lumalaban para makalabas, ginagamit ang natitirang lakas pero hindi siya makaahon.
*
PAGLABAS ng banyo, narinig ni Skylar ang pagtunog ng kanyang cellphone. May tumatawag, si Linda na co-worker niya.
"Linda…" Sinagot niya ang tawag, handang tanungin ito kung bakit siya nito pinahamak kagabi.
Pero bago pa siya makapagsalita, nagsalita na ito, "Skylar, pinapaalam lang ng Sir na tanggal ka na."
Nanlaki ang mata ni Skylar sa narinig. Parang ilang segundo pa bago siya nakapagsalita.
"Ha? Bakit? Ano'ng ginawa ko?!"
Pero ang sagot lang sa kanya nito ay ang pagpatay ng tawag.
Dahil doon, nagdesisyon si Skylar na puntahan ang opisina nila para humingi ng sagot sa tanong niya. Hindi siya pwedeng basta-basta mawalan ng trabaho. Kailangan niya ng pera. Kailangan niyang malaman kung bakit siya tinanggal!
Pagdating niya sa opisina, walang tao sa front desk kaya walang pumigil sa kanya. Pumasok siya diretso sa opisina ng boss.
"Sir, bakit n’yo ako tinanggal—Sir?"
Walang tao roon. May narinig si Skylar boses mula sa loob ng maliit na kwarto sa opisina. Isang pamilyar na boses ng babae.
"Sir..."
Si Linda iyon, parang dumadaîng kaya napalunok si Skylar. Napagtanto ni Skylar na may relasyon si Linda at ang kanilang boss. Kaya pala mataas ang performance bonus ni Linda kahit sabay lang sila nag-umpisa sa kumpanya.
Napabuntong-hininga siya at naupo sa sofa. Hintayin niya na lang silang matapos.
Matagal bago tumigil ang mga naririnig niyang ingay mula sa maliit na kwarto. Pero hindi pa rin lumabas ang Sir at si Linda. Sandaling nahinto ang ingay at boses ni Linda ang narinig ni Skylar.
"Sir, nakuhanan ko ng litrato si Skylar at si Jaxon Flinn Larrazabal noong lumabas sila sa suite. May reward ba ako sa ginawa ko?"
Natigilan si Skylar. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Alam pala ni Linda na nasa kwarto siya ni Jaxon at kinunan pa siya ng litrato!
"Ikaw pa ang may lakas ng loob humingi ng reward?! Buti nga hindi kita sinisante kasabay ni Skylar!" galit na sagot ng lalaki.
Nagulat si Linda sa sagot nito. "Bakit, Sir? Hindi ba ikaw ang nagsabi na lagyan ko ng drûgs ang inumin ni Skylar at dalhin siya sa kwarto ni Jaxon Larrazabal para may headline tayo?"
Hindi na napigilan ni Skylar ang sarili. Binuksan niya ang pinto dahil sa galit.
"Ang kakapal ng mukha ninyo?! Anong kasalanan ko para gawin n'yo sa akin iyon?! Ang sasama ninyo! Hindi n'yo ba alam na ilegal ang ginawa n’yo? Irereport ko kayo sa mga pulis!"
*
Chapter 337“Master, sigurado po ba kayo sa gagawin niyo?” tanong ng nurse kay Harvey matapos umalis ni Skylar.“Bakit, may reklamo ka?” malamig na sagot ni Harvey habang tinitigan siya.Lulu ang tawag sa nurse. Inampon siya noon ni Harvey matapos siyang iligtas mula sa mga human trafficker at pinagaral pa ito ng medisina. Tapat at may utang-na-loob siya kay Harvey.“Wala po akong reklamo. Buhay ko po ang binawi niyong muli noon. Pero... potassium chloride po ito. Kapag mabilis ang pasok sa ugat, titigil ang tibok ng puso. Walang tsansang masagip.”Sandaling tumahimik si Lulu, inobserbahan ang mukha ni Harvey. Nang hindi ito nagalit, naglakas-loob siyang muling magsalita.“Master... ang taong nasa kama ay ‘di lang basta pasyente. Siya po ang ina niyo at ng eldest lady. Kung ituturok ko ito, mamamatay siya. Kapag nalaman ‘to ni Audrey, kamumuhian ka niya habang buhay.”Napatingin si Harvey sa kawalan. May bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, pero saglit lang. Muling naging mat
Chapter 336Sa hallway ng ospital, paalis na sana si Skylar matapos bisitahin si Julia nang hindi inaasahang nagkasalubong sila ni Winona.Suot ni Winona ang isang itim na leather coat, puting turtleneck sweater sa loob, itim na cropped pants, at British-style leather shoes. Maiksi at ayos na ayos ang kanyang buhok, may platinum diamond earring sa kaliwang tainga. Malinis at moderno ang itsura niya, at kahit wala pa siyang sinasabi, malakas na agad ang dating niya.Napatigil si Skylar at bahagyang napakunot ang noo. Sa totoo lang, magpinsan sila ni Winona. Dapat sana, may pagmamalasakit bilang magkadugo, pero ang vibe sa pagitan nila ay parang langit at lupa kumpara sa koneksyon niya kay Julia.Napabuntong-hininga si Skylar. Totoo nga siguro ang kasabihang, “Kung ano ang puno, siya ang bunga.” Ang pagkatuso at kasamaan ni Winona ay namana niya sa tatay at kuya niya."Anong ginagawa mo rito? May sakit ka?" Tanong ni Skylar, basag ang katahimikan."May sakit? Impossible. Napakaganda ng
Chapter 335Pagkaalis ni Harvey, dumiretso siya sa ward ni Madison.Pagpasok niya, sinalubong siya ng kasambahay mula sa Lim family na inilipat para alagaan si Madison.“Sir,” magalang na bati ng kasambahay. “Nandito po si Miss Winona mula sa Leeds family. Pumunta siya para bisitahin si Madam. Hindi ko po siya mapaalis.”“Alam ko. Tumawag siya sa akin kanina,” sagot ni Harvey habang tumingin sa kama. Bahagyang ngumiti si Winona sa kanya, pero hindi ito pinansin ni Harvey at agad sinabi sa kasambahay, “Pumunta ka sa supermarket, bumili ka ng pagkain. Gawan mo ng sabaw si Madam.”“Opo, Sir. Narinig ko pong magaling ang black fish soup sa pagpapagaling ng sugat. Since binaril si Madam, bagay na bagay po iyon.” Umalis agad ang kasambahay.Pagkahupa ng mga yabag, isinara ni Harvey ang pinto at hinarap si Winona.“Miss Leeds, ikaw na yata ang pinaka-weird na babaeng nakilala ko. Hindi tayo puwedeng mag-usap sa phone? Sa café? Sa hotel? Sa restaurant man lang? Bakit kailangan dito pa sa ward
Chapter 334"Hindi ako naging taksil na lalaki. Naghiwalay kami ng mama mo noon dahil sa isang sitwasyong hindi na kayang ayusin. Nabiktima ako ng mga kasamahan ko sa pamilya at nahulog ako sa dagat kasama ang kotse ko. Kung hindi ako nailigtas ni Santi, baka matagal na akong nalunod."Tatlong sunod-sunod na pangungusap ang sinabi ni Yorrick, mahinahon ang tono at pare-pareho ang bilis ng paghinga. Habang nagsasalita, hindi naalis ang mata niya kay Skylar. Mula sa unang sinabi niya, nakita niyang lumaki ang mga mata nito, halatang nagulat.Hindi makapaniwala si Skylar. Kasabay ng gulat, unti-unting lumitaw ang tuwa, pananabik, at emosyon sa mga mata niya hanggang sa maging luha ito, makintab, malinaw, at umaagos pababa."Kung totoo nga na ikaw ang tunay kong ama, bakit hindi mo agad akong kinilala nung unang nagkita tayo sa Casino Royale ilang buwan na ang nakalipas?" umiiyak na tanong ni Skylar. "Dahil ba pangit ako? Dahil wala akong silbi? Natakot ka bang mapahiya kapag nalaman ng i
Chapter 333Ang gabing namatay sina Lito at Xenara ay ang gabing wala silang tulog. Buong gabi, hindi makatulog si Skylar matapos basahin ang sulat na iniwan ni Lito. Ramdam niya sa mga salita nito na alam ng matanda kung sino ang tunay niyang ama, pero pinili nitong manahimik.Samantala, pasado alas-tres na ng madaling araw nang bumalik si Jaxon sa kwarto. Hindi siya galing sa trabaho o lamay, kundi nagpunta si Jeandric sa bahay nila bandang alas-onse at bigla siyang sinugod. Matapos ang mainit na sagutan, pinunit ni Jeandric ang isang bahagi ng kanyang damit gamit ang kutsilyo at inihagis ito sa paanan ni Jaxon, isang tahimik na pahayag na tapos na ang kanilang pagiging magkapatid.Mula ngayon, magkaaway na sila.Buong-buo ang desisyon ni Jeandric na ipaglaban si Audrey. Alam ni Jaxon na pareho silang tipo ng lalaki na kapag pumili ng babae, buo ang loob na kakampi ito habambuhay, mga kaibigan ng babae ay kaibigan niya, mga kaaway ng babae ay kaaway niya rin.Kaya’t ngayong naging
Chapter 332Sinabi ni Lito sa sulat:[Skylar, kapag natanggap mo ang sulat na ito, malamang wala na si Papa. Sinulat ko ito para sabihin sa’yo ang isang bagay, hindi ako ang tunay mong ama. May iba kang ama, pero hindi ko pa pwedeng sabihin kung sino siya ngayon. Huwag kang mag-alala, balang araw, siya na mismo ang lalapit sa’yo. Sa ngayon, maghintay ka lang nang mahinahon.]Pagkabasa ni Skylar ng sulat, natulala siya. Hindi siya makapaniwala.Hindi siya ang tatay ko?Sino ang tunay kong ama? At sino ako?Wala sa sarili, tumayo lang siyang nakatulala nang matagal, wala sa ulirat.---Dumating si Jetter sa ospital. Naka-uniporme pa siya ng militar. Pagkarinig niya ng tawag mula kay Jaxon, agad siyang bumalik mula sa kampo, hindi man lang nagpalit ng damit.Maganda na talaga ang kanyang itsura, pero lalo siyang naging kahanga-hanga sa uniporme. Napahinto ang mga nurse at babaeng dumadaan sa hallway, lahat tila nahulog ang loob sa kanya.Pero wala siyang pakialam sa kanila. Mabigat ang p