Chapter 3: Hindi kilala
GULAT na gulat sa nalaman at sobrang emosyonal si Skylar habang umiiyak. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang pinupunit ang kanyang puso.
Alam ng Diyos kung gaano niya sinubukang umiwas kay Jaxon nitong mga nakalipas na taon.
Para makalimutan si Jaxon at makalayo sa buhay nito, iniwan niya ang lugar kung saan siya lumaki. Iniwan din niya ang kanyang kapatid na may malubhang sakit sa kanilang iresponsableng ama—lahat para makapamuhay nang tahimik at hindi na muling madamay sa gulo.
Pero ngayon, nangyari ang kinatatakutan niya.
Ginamit siya ng boss para sa sariling interes—ipinadala siya sa kwarto ni Jaxon para lang makagawa ng scoop.
Alam niyang hindi na siya palalampasin ni Jaxon. Parang mauulit ang mga araw na hindi niya gusto pang alalahanin. Mauulit iyon dahil sa mga taong kaharap niya ngayon.
"Idedemanda ko kayo!" sigaw niya habang umiiyak at tumalikod para umalis.
Biglang sinara ni Linda ang pinto ng opisina.
"Skylar, tigilan mo na 'yan," sabi ni Linda habang nakangisi. "Wala kang ebidensya. Walang maniniwala sa'yo, kahit pulis. At alam mo kung sino si Jaxon Larrazabal, hindi ba? Kung malaman niyang nagsumbong ka sa pulis, tingin mo ba, aabutan ka pa ng bukas kapag dinungisan mo ang pangalan niya?"
"Isusumbong ko pa rin kayo!" matapang na sagot ni Skylar habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi niya papayagan ang ganitong kababuyan kahit ano pa ang mangyari.
Biglang sinampal siya ng boss noong makalapit. Agad na umikot ang paningin ni Skylar dahil sa lakas at natumba siya sa sahig.
"Skylar, mabuti pang tumahimik ka na lang, kung ayaw mong mas masama ang mangyari sa'yo," banta ng boss na may galit sa mga mata.
Masamang tingin ang binato niya sa lalaki, kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
"Gusto mo bang gawin ko na sa'yo ngayon ang sinasabi ko?! Sabagay, masasarapan ka rin naman!” sigaw ng Sir habang sinubukan siyang hawakan sa dibdib.
Agad napaatras si Skylar sa takot. "Sir, huwag po! Nangangako ako, hindi ako magsusumbong. Huwag n’yong gawin sa akin ‘yan!" pagsusumamo niya habang umiiyak.
Ngunit mas lalo lang na-excite ang lalaki at inaabot nito ang labi niya.
"Huwag!" sigaw ni Skylar. Nakakuha siya ng lakas at tinulak ito palayo sa kanya tsaka mabilis na lumabas ng opisina.
Napatid ang lalaking hahabol sa kanya at natumba sa sahig.
“Taena, bumalik ka rito!” sigaw nito habang papatayo.
"Sir, wala kang suot na damit!" paalala ni Linda na pinanonood lang ang lahat.
Napahinto ang lalaki at bumulong ng mura. "Tandaan mo 'to, Skylar! Gaganti ako sa ‘yong babae ka!"
***
TUMAKBO nang mabilis si Skylar palabas ng gusali. Dahil sa takot na habulin siya, hindi siya tumigil kahit sobrang pagod na siya. Lingon siya nang lingon habang tumatawid ng kalsada kaya hindi niya napansin ang paparating na itim na kotse.
Napakabilis ng takbo ng kotse. Nang makita ito, natulala na lang si Skylar. Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot at napako na lang siya sa kinatatayuan.
Biglang nagpreno ang kotse at huminto ito sa mismong harap niya. Matagal bago si Skylar naka-recover mula sa takot. Pawis na pawis siya, nanginginig habang nakatingin sa kotseng huminto ilang dangkal lang ang layo sa kanya.
Bumaba ang bintana at sumigaw ang driver. "Gusto mo bang mamatay?!"
"S-Sorry..." sagot ni Skylar at tumayo para gumilid. Pero nang tiningnan niya taong sakay ng kotse, nakita niya si Jaxon sa loob.
Nanlamig ang buong katawan niya. Ang malamig na mukha ni Jaxon ay parang nababalutan ng yelo. Tinignan siya nito saglit bago mabilis na ibinalik ang tingin sa harapan.
Tumulo ang luha ni Skylar. Dati, si Jaxon ang magtatanggol sa kanya, pero ngayon, parang hindi siya nito kilala.
Mabilis na umalis ang kotse at tinanaw ito ni Skylar. Napangiti siya nang mapait habang umiiyak. Pinagpag niya ang suot at tiningnan ang sugatan na mga palad. Kasabay nito, tumunog ang kanyang cellphone.
Nakita niya ang pangalan sa screen at napuno ng kaba.
"Ma..." sagot niya sa nanginginig na boses.
"Skylar, mas lumala ang kondisyon ng kapatid mo. At yung bayad sa pag-aalaga ko sa kanya, padalhan mo ako agad ng one hundred thousand!" sabi ni Caridad, ang kanyang ina na parang walang pakialam sa sitwasyon niya.
"Mama, wala akong pera. Tinanggal ako sa trabaho ngayon..." sagot ni Skylar habang yakap ang mga tuhod sa gilid ng kalsada. Umiiyak siyang nagtago sa gilid at yakap ang dalawang tuhod.
"Anong kinalaman ng pagkakatanggal mo sa trabaho sa gusto ko?" galit na tanong ni Caridad. "Sinasabi ko lang sa'yo ngayon, Sky, kung hindi mo maibibigay ang pera, agad kong idi-discharge ang kapatid mo sa ospital. Bahala na siya sa buhay niya!"
"Mama, huwag naman po... Maawa kayo," pakiusap ni Skylar habang humihikbi. "Mama po namin kayo—"
"Mama?" mapanuyang sagot ni Caridad. "Skylar, malas ka! Kung hindi dahil sa'yo, hindi mamamatay ang totoo mong nanay! Gagang ‘to. Hindi mo ako nanay, oy. 'Wag mong sasabihin sa iba na magkadugo tayo, baka madamay pa ako sa kamalasan mo!"
Walang awa na sinabi ni Caridad bago nito pinutol ang tawag.
"Skylar, malas ka!"
"Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana namatay ang nanay mo!"
Ang bawat salita ay parang patalim na tumarak sa puso niya hanggang sa para siyang pinapatay n'on. Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi at humagulgol ng iyak.
"Minsan gusto ko na lang talagang mamatay para matapos na ang lahat," bulong niya sa sarili. "Pero ang huling hiling ng nanay ko bago siya namatay, alagaan ko ang kapatid ko. Hindi ako pwedeng mamatay. Walang ibang mag-aalaga sa kapatid ko, eh."
Tumayo siya at naglakad sa abalang kalsada, tuliro at walang direksyon. Paulit-ulit niyang binubulong, "Hindi ako pwedeng mamatay. Kailangan kong bumalik sa Tarlac. Kailangan kong alagaan ang kapatid ko. Kailangan niya ako..."
***
Pagdating niya sa Tarlac, dumiretso siya sa ospital. Matapos malaman ang kalagayan ng kapatid niya, halos bumagsak na siya sa sobrang pagod at lungkot.
Ayon sa doktor, malubha na ang kondisyon ng kapatid niya. Kailangan ng agarang bone marrow transplant, kung hindi, maaaring lumala ang kondisyon nito at mamatay anumang oras.
Ang halaga ng transplant ay halos apat na milyong piso. Ngunit ang lahat ng pera niya—kasama na ang ipon—ay wala pang apat na milyong piso. Ang ama niya ay lulong sa sugal at naubos na ang ipon ng yumaong ina nila dahil dito.
Ang tanging ari-arian nila ay ang bahay, pero ang madrasta niyang si Caridad ay nagpakasal sa ama niya dahil sa bahay na iyon. Siguradong hindi papayag si Caridad na isangla ang bahay para sa treatment ni Terra.
"Ano'ng gagawin ko? Sino ang pwedeng mautangan ng apat na milyong piso?" tanong niya sa sarili habang iniisip ang mga opsyon.
Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Jaxon. Napailing siya at pinagsabihan ang sarili, "Skylar, kailan mo ititigil ang katangahan mong umasa kay Jaxon tuwing may problema? Ayaw ka na niyang makita, kaya tigilan mo na 'yang kahibangan mo!"
Bumalik siya sa kwarto ng kapatid niya, puno ng sama ng loob at kawalan ng pag-asa. Ngunit pagpasok niya, nakita niya ang ama niyang si Lito na iniisa-isa ang laman ng kanyang maleta.
"Pa! Ano'ng ginagawa ninyo sa gamit ko?!" galit na sigaw niya. Sa tuwing umuuwi siya, palaging ginagalugad ng ama niya ang mga gamit niya para kunin ang pera niya at ipangsugal.
Ano na naman ‘to?!
*
Chapter 395Ang gwardyang nakatalaga sa gate ay dating galing sa lumang bahay, inilipat ni Jaxon. Nakilala niya agad ang duguang lalaking nakahandusay, si Lee. pamangkin ng old butler. Sugatan ito at pilit na gustong makausap si Skylar. Agad niyang inisip, may masama na namang nangyari sa lumang bahay.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Binuksan niya ang gate, inalalayan si Lee papasok, at agad na pinaakyat ang katulong para tawagin si Skylar.---Hindi pa natutulog si Skylar. Paulit-ulit ang lagnat ni Jaxon, panay ang ungol na “mainit” at “masakit,” pero hindi pa rin nagigising.Paulit-ulit na sinasabi nina Santi at Julia na okay lang si Jaxon, normal lang daw ang lagnat dahil sa impeksiyon mula sa sugat, at bababa rin ito pag gumana na ang gamot. Pero ramdam ni Skylar, may tinatago sila.Kinakabahan siya. Takot siyang paggising niya'y wala na si Jaxon.Kumatok ang katulong: “Second Young Madam, gising pa po ba kayo?”Tiningnan ni Skylar ang relo. Alas dos ng madaling-araw. Kumunot an
Chapter 394Alas-dose ng hatinggabi, bumuhos ang malakas na ulan sa Metro.Nakatayo si Jeandric sa labas ng bakuran ng Lim family mansion. Basang-basa siya ng ulan, ang ayos ng buhok ay magulo at dumikit sa mukha. Malamig ang hangin, pero mas matalim ang sakit sa puso niya habang nakatingala sa kwarto ni Audrey sa itaas.Nakita niyang may ilaw sa bintana. May payat na siluetong nakatayo roon.Si Audrey.Tahimik siyang nakamasid mula sa bintana, habang si Jeandric ay nababasa sa ulan. Wala siyang reaksyon, walang emosyon. Parang kahit sa makapal na ulan, ramdam ni Jeandric ang lamig ng tingin nito.Pagkarating niya, nagpadala siya ng sunod-sunod na mensahe.Sinabi niya ang lahat ng payo ni Skylar.Sinabi niya na hindi siya galit kahit anak ni Kris ang dinadala nito. “I’ll love the child like my own,” aniya.Wala siyang natanggap na sagot.Nagpatuloy siyang nagmakaawa sa chat: Please don’t marry him. Don’t leave me. Don’t do something we’ll all regret.At sa wakas, sumagot si Audrey. Is
Chapter 393Malaki ang kwarto nina Jaxon at Skylar. Maliwanag ang kristal na chandelier sa kisame, at halos balot na balot ng liwanag si Jeandric. Tinitigan siya ni Skylar.Maputla si Jeandric, mas maputla pa kaysa dati. Tahimik siyang nakatingin sa pader na parang tulala. Wala siyang imik, parang nawalan ng kakayahang gumalaw o magsalita.Naghintay si Skylar, pero dahil hindi pa rin nagsasalita si Jeandric, tumayo siya. “Forget it. Ayaw mong magsalita, hindi kita pipilitin,” aniya.Buong hapon siyang kasama ni Jaxon sa kwarto, pero hindi man lang uminom ng tubig kaya nauuhaw na siya. Tumalikod siya para kumuha ng maiinom, nang marinig ang paos na tinig ni Jeandric.“The last time I touched her was before her period. After that, she was caught with Kris in bed. Natrauma siya... she felt dirty. Tuwing lalapit ako, tinutulak niya ako.”Tumigil si Skylar sa pag-inom ng tubig. “Anong plano mo ngayon? Hayaan mo na lang si Audrey pakasalan si Kris?”Mapait na ngumiti si Jeandric. “What can
Chapter 392Pagkatapos marinig ang paliwanag ni Julia, kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Skylar. Nanatili siyang nakaupo sa tabi ng kama ni Jaxon mula alas-tres ng hapon hanggang alas-sais y medya ng gabi, hindi man lang gumalaw ng pwesto.Nang magdilim ang lungsod ng Metro dahil sa ulan, dumating si Santi kasama ang ilang doktor. Sinuri nila si Jaxon, kumuha ng dugo, at umalis na rin agad. Hindi na muling bumalik.Walang nakakaalam sa pamilya ni Skylar, ni ang kanyang lolo’t ama. Ayaw niyang mag-alala ang mga matatanda. Pati si Jetter, hindi rin niya pinaalam kahit kay Julia.Kapag nalaman ng publiko na comatose si Jaxon, siguradong gagamitin ni Yssavel ang sitwasyon para manggulo sa kompanya. Kaya hangga’t wala pa ang resulta ng test, kailangang manatiling lihim ang lahat.Pagkatapos ng ilang sandali, may kumatok sa pinto.“Wala akong gana, Julia. Kayo na lang kumain,” wika ni Skylar, akala'y si Julia iyon.Ngunit pagbukas ng pinto, si Jeandric ang pumasok.“Skylar, ako ‘to.”
Chapter 391Nakatayo si Jetter, nakatago ang mga kamay sa likod, habang pinapanood si Skylar na lumalabas ng silid. Sa malamig na tinig, inutusan niya ang kanyang tauhan, "Clean this room. Huwag ipaalam ang nangyari. Gawin niyong parang walang naganap."“Jetter—!” galit na lumapit si Yssavel at hinila siya paharap, “Ikaw ba talaga ang anak ko? Sa oras ng ganito, kampi ka pa rin sa iba. Gusto mo ba talaga akong mamatay sa sama ng loob?”Para na siyang sasabog sa galit. Lahat ng ginawa niya, lahat ng kasamaan, ay para sa anak niya. Pero lagi siyang kinokontra nito.Tinitigan siya ni Jetter ng ilang segundo bago marahang nagsalita: “Sana... hindi na lang ako naging anak mo.”Napako sa kinatatayuan si Yssavel. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya, nanginginig ang tinig.“Literal. Kung may pagkakataon akong pumili kung sino ang magiging ina ko, hinding-hindi kita pipiliin.”Sa sobrang bigat ng mga salitang iyon, halos gumuho ang buong pagkatao ni Yssavel.“Bakit? Bakit mo ako kinamumuhia
Chapter 390Magulo ang sahig, nagkalat ang mga patalim, palaso, at dugo sa carpet. Kitang-kita kung anong delubyo ang dinaanan ni Jaxon sa silid na ito.Walang laman ang isipan ni Skylar. Nanginginig siya habang nakatitig sa mga bakas ng dugo. Hindi niya maalis sa isip ang imaheng nasugatan si Jaxon dahil sa mga trap na ‘yon.Bakit kailangang mag-set up ni Yssavel ng ganitong karaming nakamamatay na trap? Paano kung siya mismo ang aksidenteng ma-trigger nito? Baliw na talaga si Yssavel.Napatitig si Skylar kay Yssavel, puno ng galit ang mga mata.Pero abala si Yssavel. Dumiretso ito sa bahagi ng pader kung saan nakatago ang safe.Ang mga patibong sa kuwartong iyon ay nag-a-activate lang kapag maling paraan ang ginamit para buksan ang safe. Ibig sabihin, may nagtangkang galawin iyon.At malamang si Jaxon iyon.Nakita ni Skylar kung paanong pinindot ni Yssavel ang bahagi ng pader. Gumalaw ang isang painting, Van Gogh’s Sunflowers, at bumungad ang naka-embed na safe.Mukhang ordinaryo it