Share

Chapter 220

last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-06 14:56:29
Chapter 220: Simula't sapul

MADALAS sinasabi ng mga tao na dapat maging tapat at prangka tayo, lalo na sa pamilya at mga kaibigan. Kasi, bawat pagkakataon na magsisinungaling ka, kahit pa puting kasinungalingan lang, kailangan mo ng maraming kasinungalingan para maitago ito. Sa proseso ng pagtatakip, makakaranas ka ng sobrang hirap at sakit na mahirap maintindihan ng ibang tao.

Ganoon si Audrey. Para maitago ang sikreto na matagal na niyang gusto si Jaxon, araw-araw siyang umaarte. Parang siyang spy araw-araw, laging tense ang utak, natatakot na baka hindi niya sinasadyang maipakita ang sikreto niya.

Gaya ngayon, hindi siya naging maingat at nahalata siya ni Skylar.

Maganda na rin ito.

Simula ngayon, hindi na niya kailangang magpanggap araw-araw.

Naalala niya ito kaya napabuntong-hininga si Audrey, saka hinarap si Skylar nang kalmado ang mukha. Parang nag-iba siya bigla, tumindi ang dating niya, bahagyang ngumiti at tumingin kay Skylar.

"Fair competition? Ang ganda naman pakinggan. Hal
Twinkling Stardust

Bukas, hindi ko sure kung umaga ba o gabi ang update since defense na namin bukas. I'll be at school at 12pm to 7/8pm kaya hindi ko sure. But I'll try my best to update kasi ayaw ko ng absent. Wish us luck na mai-defend ang case study huhu. Dun nakasalalay mood ko. Ayaw ko ng re-defense huhu. Anyway, if may readers pa akong hindi nagbibigay ng review para dito, please leave a review on main page. Para iyon sa good stats ng book. Big help na iyon para sa akin. Thank you so much!

| 4
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Grace Odad Baldoza
thank you author Ms A , God bless you po
goodnovel comment avatar
Grace Odad Baldoza
thanks ,sa napakagandang update ito lagi kung hinihintay ,...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Bhevz Bernardino Pincas
update pls Ms. A
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   339

    Chapter 339Nang tumingin si Skylar kay Audrey, napansin niyang nakatitig din ito sa kanya.Kung tutuusin, ilang araw lang naman mula nang huli silang magkita, pero ngayong araw ay tila ibang-iba na si Skylar sa paningin ni Audrey. Malaki na ang tiyan nito, mas bilog at halatang lumaki na kumpara noon. Dati, laging maluluwag na damit at paldang mahahaba ang suot ni Skylar para itago ang tiyan niya.Habang nakatitig sa tiyan ni Skylar, hindi maiwasan ni Audrey na balikan ang nakaraan.Noong estudyante pa sila, labing-pito o labing-walo lang ang edad nila noon, magkaibigan silang kinaiinggitan ng marami. Katulad ng ibang matalik na magkaibigan, madalas nilang pag-usapan ang pangarap na magpakasal at magkaanak balang araw.Isang tag-araw, habang nakaupo sila sa duyan sa hardin, tinitingala ang mabituing langit, may hawak na ice cream at walang pakialam sa mundo, sinabi ni Skylar, "Audrey, best friend kita. Ayokong magkalayo tayo kahit kailan. Sayang, hindi ako lalaki. Kung lalaki lang ak

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   338

    Chapter 338Hindi pa kailanman napahinto si Skylar ng pulis sa daan, kaya nang may dalawang police car na humarang sa unahan at likuran niya, nagulat siya.“Anong nangyayari? Anong ginagawa ng mga pulis na ’to? May lakas pa silang loob na harangin ang sasakyan ng asawa ni Jaxon Larrazabal? Gusto ba nilang mamatay?” galit na sabi ni Xalvien. Si Jun ang nagmamaneho ngayon at nakaupo siya sa tabi ni Skylar bilang personal na bodyguard.Kumunot ang noo ni Skylar habang pinapanood ang isang pulis na lumapit at kumatok sa bintana ng sasakyan. Nang bumaba ang bintana, agad ipinakita ng pulis ang kanyang ID.“Mrs. Larrazabal, ako ay mula sa Criminal Police Brigade. Pinaghihinalaan kayong sangkot sa isang kaso ng pagpatay. Pakiusap sumama po kayo sa istasyon ng pulis.”“Kaso ng pagpatay?” Lalo pang kumunot ang noo ni Skylar, parang narinig niya ang isang kwentong kathang-isip. “Sir, baka nagkamali kayo ng tao. Wala akong pinatay.”Umiling ang pulis. “Hindi po. Bigla pong namatay si Ms. Madison

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   337

    Chapter 337“Master, sigurado po ba kayo sa gagawin niyo?” tanong ng nurse kay Harvey matapos umalis ni Skylar.“Bakit, may reklamo ka?” malamig na sagot ni Harvey habang tinitigan siya.Lulu ang tawag sa nurse. Inampon siya noon ni Harvey matapos siyang iligtas mula sa mga human trafficker at pinagaral pa ito ng medisina. Tapat at may utang-na-loob siya kay Harvey.“Wala po akong reklamo. Buhay ko po ang binawi niyong muli noon. Pero... potassium chloride po ito. Kapag mabilis ang pasok sa ugat, titigil ang tibok ng puso. Walang tsansang masagip.”Sandaling tumahimik si Lulu, inobserbahan ang mukha ni Harvey. Nang hindi ito nagalit, naglakas-loob siyang muling magsalita.“Master... ang taong nasa kama ay ‘di lang basta pasyente. Siya po ang ina niyo at ng eldest lady. Kung ituturok ko ito, mamamatay siya. Kapag nalaman ‘to ni Audrey, kamumuhian ka niya habang buhay.”Napatingin si Harvey sa kawalan. May bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, pero saglit lang. Muling naging mat

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   336

    Chapter 336Sa hallway ng ospital, paalis na sana si Skylar matapos bisitahin si Julia nang hindi inaasahang nagkasalubong sila ni Winona.Suot ni Winona ang isang itim na leather coat, puting turtleneck sweater sa loob, itim na cropped pants, at British-style leather shoes. Maiksi at ayos na ayos ang kanyang buhok, may platinum diamond earring sa kaliwang tainga. Malinis at moderno ang itsura niya, at kahit wala pa siyang sinasabi, malakas na agad ang dating niya.Napatigil si Skylar at bahagyang napakunot ang noo. Sa totoo lang, magpinsan sila ni Winona. Dapat sana, may pagmamalasakit bilang magkadugo, pero ang vibe sa pagitan nila ay parang langit at lupa kumpara sa koneksyon niya kay Julia.Napabuntong-hininga si Skylar. Totoo nga siguro ang kasabihang, “Kung ano ang puno, siya ang bunga.” Ang pagkatuso at kasamaan ni Winona ay namana niya sa tatay at kuya niya."Anong ginagawa mo rito? May sakit ka?" Tanong ni Skylar, basag ang katahimikan."May sakit? Impossible. Napakaganda ng

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   335

    Chapter 335Pagkaalis ni Harvey, dumiretso siya sa ward ni Madison.Pagpasok niya, sinalubong siya ng kasambahay mula sa Lim family na inilipat para alagaan si Madison.“Sir,” magalang na bati ng kasambahay. “Nandito po si Miss Winona mula sa Leeds family. Pumunta siya para bisitahin si Madam. Hindi ko po siya mapaalis.”“Alam ko. Tumawag siya sa akin kanina,” sagot ni Harvey habang tumingin sa kama. Bahagyang ngumiti si Winona sa kanya, pero hindi ito pinansin ni Harvey at agad sinabi sa kasambahay, “Pumunta ka sa supermarket, bumili ka ng pagkain. Gawan mo ng sabaw si Madam.”“Opo, Sir. Narinig ko pong magaling ang black fish soup sa pagpapagaling ng sugat. Since binaril si Madam, bagay na bagay po iyon.” Umalis agad ang kasambahay.Pagkahupa ng mga yabag, isinara ni Harvey ang pinto at hinarap si Winona.“Miss Leeds, ikaw na yata ang pinaka-weird na babaeng nakilala ko. Hindi tayo puwedeng mag-usap sa phone? Sa café? Sa hotel? Sa restaurant man lang? Bakit kailangan dito pa sa ward

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   334

    Chapter 334"Hindi ako naging taksil na lalaki. Naghiwalay kami ng mama mo noon dahil sa isang sitwasyong hindi na kayang ayusin. Nabiktima ako ng mga kasamahan ko sa pamilya at nahulog ako sa dagat kasama ang kotse ko. Kung hindi ako nailigtas ni Santi, baka matagal na akong nalunod."Tatlong sunod-sunod na pangungusap ang sinabi ni Yorrick, mahinahon ang tono at pare-pareho ang bilis ng paghinga. Habang nagsasalita, hindi naalis ang mata niya kay Skylar. Mula sa unang sinabi niya, nakita niyang lumaki ang mga mata nito, halatang nagulat.Hindi makapaniwala si Skylar. Kasabay ng gulat, unti-unting lumitaw ang tuwa, pananabik, at emosyon sa mga mata niya hanggang sa maging luha ito, makintab, malinaw, at umaagos pababa."Kung totoo nga na ikaw ang tunay kong ama, bakit hindi mo agad akong kinilala nung unang nagkita tayo sa Casino Royale ilang buwan na ang nakalipas?" umiiyak na tanong ni Skylar. "Dahil ba pangit ako? Dahil wala akong silbi? Natakot ka bang mapahiya kapag nalaman ng i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status