Chapter 4: Ipagbibili muli
"Oh, nandito ka na pala, Sky," bati nito na may pilit na ngiti. "Bilisan mo, bigyan mo ako ng 50 thousand pesos. Meron ka naman yata n'on. Suwerte ako ngayon sa tingin ko. Babawiin ko lahat ng natalo ko sa sugal!"
"Tumigil ka na! Huwag mong hawakan ang bag ko!" galit na sigaw ni Skylar habang tinutulak ang ama palayo.
Ang natitirang pera niya ay para sa pagpapagamot ng kapatid niya. Hindi niya ito maaaring ibigay sa walang kwentang bisyo ng ama niya.
"Anong walang pera? Hindi ba't p****k ka? Ang laki ng kita ng trabaho mong 'yan!" sabi ni Lito na may halong pang-iinsulto.
"Reporter ako, hindi p****k!" balik ni Skylar. "Bakit ba gusto mo lagi akong ibenta? Tatay kita!"
"Wala akong pakialam kung reporter ka o p****k, ibigay mo ang bag mo!" sigaw ni Lito sabay hablot sa bag niya.
"Huwag mong kunin 'yan! Para sa pagpapagamot ni Terra ‘yan!" umiiyak na sigaw ni Skylar habang pilit na binabawi ang bag.
"Tumigil ka! Tatamaan ka sa akin!" anito at itinulak siya at kinuha ang laman ng kanyang bag.
"Pa naman?!" humagulgol si Skylar habang sinisigawan ang ama niya. "Bakit parang wala kang pakialam sa kapatid ko? Anak mo ‘yon! Bulag talaga si Mama dahil pinakasalan ka!"
Kinuha ni Lito ang mahigit limang libo mula sa bag ni Skylar at napailing. "Ang liit naman ng perang 'to. Hindi pa sapat pang-sugal. Sky, hindi ba may mataas kang trabaho? Sabi ni Caridad, malaki ang kita mo. Nasaan ang pera mo? Ilabas mo na!" dagdag pa nito.
Tumitig si Skylar sa ama niya, puno ng galit. "Ikaw pa ang may lakas ng loob magtanong kung bakit ako ganito ngayon. Kung hindi mo ako ibinenta limang taon na ang nakakaraan, hindi sana ako na-expel sa university, hindi ko sana nakaaway si Jaxon, at hindi ko sana kailangang lumayo!"
"Alam mo bang ilang taon akong nagtiis sa trabaho? Lahat ng kinikita ko, hindi ko ginagastos para sa sarili ko! Nauubos iyon sa pagpapagamot ng kapatid ko, sa utang mo, at sa sweldo ni Caridad! Pero ni minsan, hindi mo tinanong kung kumusta ako!"
Walang pakialam ang ama sa sinasabi ni Skylar. Ngunit nagbago ang naiinis na ekspresyon nito nang may mabasang bagong dating na message sa cellphone na hawak nito.
Ngumiti ito nang may binabalak at biglang lumapit sa kanya. "Okay, Sky, huwag ka nang magalit. Pasensya na, ha? Magbabago na ako, pangako."
Napalayo si Skylar, may kaba sa dibdib. "Ano na naman ang binabalak mo?"
Naalala niya ang nangyari noon, ibinenta siya ng ama sa isang mayamang negosyante para mabayaran ang utang nito. Halos ma-ràpe na siya noon, buti na lang at naligtas siya ni Jaxon. Pero hindi siya nakaligtas sa kahihiyan. Nakuhanan siya ng litrato at ang lumabas ay nagbebenta siya ng aliw. Na-expel pa siya at nawalan ng scholarship sa unibersidad na pinasukan dahil sa kanyang magulong “private life”.
Habang inaalala iyon, parang nanlamig ang buong katawan ni Skylar, galit niyang tinitigan si Lito. “Nabaon ka na naman ba sa utang sa sugal at plano mo na naman akong ibenta sa matatandang mayamang kilala mo?!”
“Sky, huwag mo ‘kong pag-isipan ng masama,” sagot ni Lito, pilit na ngumiti. “Ganito kasi… si Caridad, iyong madrasta mo, nakahanap ng mayaman na mapapangasawa mo. Kapag pumayag ka, siya na ang gagastos sa bone marrow transplant ni Terra. Bukod doon, nangako rin siyang bibigyan ka ng mansion kapag nagkaanak ka ng lalaki para sa pamilya nila.”
Hindi makapaniwala si Skylar sa narinig. “Hindi ako naniniwala na may ganito kalaking offer. Umamin ka, Pa, ilang taon na ang lalaking iyon, ha?!”
Ngumiti si Lito, “Hindi naman masyadong matanda. Mga nasa 70 years old lang naman. Kakamatay lang ng asawa niya at wala siyang anak. Kaya nagmamadali siyang maghanap ng babaeng magbibigay ng anak sa kanya. Hindi ba't hinulaan ka dati? Magkakaanak ka raw ng tatlong lalaki sa future.”
Napasinghap si Skylar sa galit.
“Sky, naka-schedule na ang blind date mo mamayang gabi, ha? Ako na ang pumayag para sa ‘yo. Mag-ayos ka. Iyong maganda. Dadalhin kita sa kanya mamaya.”
Pakiramdam ni Skylar ay bumagsak ang langit. Hindi siya makapaniwala sa kasakiman ng sariling ama na handa siyang ibenta para lang sa pera. Napuno ng luha ang kanyang mga mata, “Pa, kung ikaw ang nasa posisyon ko, magiging masaya ka ba? Seventy years old iyon! Forty years plus ang tanda niya sa akin! Sa tingin mo magiging masaya ako sa ganitong klaseng buhay?”
“Bakit mo kailangan maging masaya? Mabubusog ka ba sa saya? Isipin mo ang kumakalam mong tiyan, Sky! Hindi ‘yang pesteng kasiyahan na ‘yan!” walang pakialam na sagot ni Lito.
“Sky, sinasabi ko sa’yo, pumayag ka man o hindi, kailangang makasal ka. Kung hindi, hindi lang kapatid mo ang mamamatay, pati ikaw mawawalan ng pag-asa.”
Dumadaloy ang luha ni Skylar at hinarap ang ama. “Pa, kung ibebenta mo talaga ako, sinasabi ko sa ‘yo itatakwil kita bilang ama! Ni singkong kusing, wala ka nang makukuha sa akin!”
Tumawa lang si Lito, hindi naniwala sa sinabi niya, “Pag-usapan na lang natin ‘yan pagkatapos ng blind date mo. Tungkol sa benefits na makukuha sa kasal, huwag kang mag-alala. Ako na ang kukuha ng parte ko. Hindi mo na kailangang maghati pa.” Pagkatapos ay umalis si Lito, nakangisi na parang walang nangyari.
Naupo si Skylar sa sahig, niyakap ang sarili at walang tigil na umiyak. Wala siyang matatawag na tahanan kundi mga kamag-anak na parang mga bampirang unti-unting hinihigop ang lahat sa kanya.
Hagulhol ni Skylar ang pumuno sa silid na iyon.
NANG dumilim ang gabi, isang itim na luxury car ang huminto sa harap ng Bright Lights Club. Bumaba ang driver, pormal na binuksan ang pintuan at magalang na nagsalita, “Mr. Larrazabal, we're here.”
Dahan-dahang binuksan ni Jaxon ang kanyang mga mata at tumingin sa labas ng sasakyan. Bumaba siya at agad nakatawag ng pansin ang matikas niyang tayo at malakas na presence.
Sa entrance ng Bright Lights Club, sinalubong siya ni Manager Leon, may ngiti at halatang gumagalang, “Mr. Jaxon Larrazabal, buti dumating ka. Kung hindi, baka ipagiba ni Master Jeandric ang bubong ng club namin dahil hinihintay ka raw niya.”
Walang sinabi si Jaxon at hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaki, sinundan naman ni Manager Leon si Jaxon na para itong isang alipin.
Pagdating sa pinakamagandang VIP room, naroon ang ilang kasosyo sa negosyo, si Jeandric na kapatid ni Jaxon, at ilang mga girl escort na kasama ng mga taong naroon.
Pagkakita kay Jaxon, agad nagsalita si Jeandric, “Kuya Jax, may gusto akong sabihin sa’yo. Nakita ko si Skylar kanina dito. She's back here in Tarlac, huh?”
Biglang bumagsak ang temperatura ng silid. Matagal nang alam ni Jeandric na si Skylar ang “the girl who can't he mentioned” ni Jaxon. Ngunit imbes na matakot sa kuya, nagtuloy-tuloy ito sa pagsasalita.
“Alam mo ba kung bakit siya nandito? She’s having a date with a seventy year old guy! Grabe ang taste ni Skylar. Hindi ko maintindihan.”
Agad lumamig ang tingin ni Jaxon at may malamig na apoy sa kanyang mga mata. Walang sinabi na tumayo ito at parang may pupuntahan.
Napailing si Jeandric sa naging reaksyon ni Jaxon.
Bingo.
‘Huli ka, Kuya Jaxon.’ Napangisi si Jeandric na tumatakbo sa isip.
*
Chapter 395Ang gwardyang nakatalaga sa gate ay dating galing sa lumang bahay, inilipat ni Jaxon. Nakilala niya agad ang duguang lalaking nakahandusay, si Lee. pamangkin ng old butler. Sugatan ito at pilit na gustong makausap si Skylar. Agad niyang inisip, may masama na namang nangyari sa lumang bahay.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Binuksan niya ang gate, inalalayan si Lee papasok, at agad na pinaakyat ang katulong para tawagin si Skylar.---Hindi pa natutulog si Skylar. Paulit-ulit ang lagnat ni Jaxon, panay ang ungol na “mainit” at “masakit,” pero hindi pa rin nagigising.Paulit-ulit na sinasabi nina Santi at Julia na okay lang si Jaxon, normal lang daw ang lagnat dahil sa impeksiyon mula sa sugat, at bababa rin ito pag gumana na ang gamot. Pero ramdam ni Skylar, may tinatago sila.Kinakabahan siya. Takot siyang paggising niya'y wala na si Jaxon.Kumatok ang katulong: “Second Young Madam, gising pa po ba kayo?”Tiningnan ni Skylar ang relo. Alas dos ng madaling-araw. Kumunot an
Chapter 394Alas-dose ng hatinggabi, bumuhos ang malakas na ulan sa Metro.Nakatayo si Jeandric sa labas ng bakuran ng Lim family mansion. Basang-basa siya ng ulan, ang ayos ng buhok ay magulo at dumikit sa mukha. Malamig ang hangin, pero mas matalim ang sakit sa puso niya habang nakatingala sa kwarto ni Audrey sa itaas.Nakita niyang may ilaw sa bintana. May payat na siluetong nakatayo roon.Si Audrey.Tahimik siyang nakamasid mula sa bintana, habang si Jeandric ay nababasa sa ulan. Wala siyang reaksyon, walang emosyon. Parang kahit sa makapal na ulan, ramdam ni Jeandric ang lamig ng tingin nito.Pagkarating niya, nagpadala siya ng sunod-sunod na mensahe.Sinabi niya ang lahat ng payo ni Skylar.Sinabi niya na hindi siya galit kahit anak ni Kris ang dinadala nito. “I’ll love the child like my own,” aniya.Wala siyang natanggap na sagot.Nagpatuloy siyang nagmakaawa sa chat: Please don’t marry him. Don’t leave me. Don’t do something we’ll all regret.At sa wakas, sumagot si Audrey. Is
Chapter 393Malaki ang kwarto nina Jaxon at Skylar. Maliwanag ang kristal na chandelier sa kisame, at halos balot na balot ng liwanag si Jeandric. Tinitigan siya ni Skylar.Maputla si Jeandric, mas maputla pa kaysa dati. Tahimik siyang nakatingin sa pader na parang tulala. Wala siyang imik, parang nawalan ng kakayahang gumalaw o magsalita.Naghintay si Skylar, pero dahil hindi pa rin nagsasalita si Jeandric, tumayo siya. “Forget it. Ayaw mong magsalita, hindi kita pipilitin,” aniya.Buong hapon siyang kasama ni Jaxon sa kwarto, pero hindi man lang uminom ng tubig kaya nauuhaw na siya. Tumalikod siya para kumuha ng maiinom, nang marinig ang paos na tinig ni Jeandric.“The last time I touched her was before her period. After that, she was caught with Kris in bed. Natrauma siya... she felt dirty. Tuwing lalapit ako, tinutulak niya ako.”Tumigil si Skylar sa pag-inom ng tubig. “Anong plano mo ngayon? Hayaan mo na lang si Audrey pakasalan si Kris?”Mapait na ngumiti si Jeandric. “What can
Chapter 392Pagkatapos marinig ang paliwanag ni Julia, kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Skylar. Nanatili siyang nakaupo sa tabi ng kama ni Jaxon mula alas-tres ng hapon hanggang alas-sais y medya ng gabi, hindi man lang gumalaw ng pwesto.Nang magdilim ang lungsod ng Metro dahil sa ulan, dumating si Santi kasama ang ilang doktor. Sinuri nila si Jaxon, kumuha ng dugo, at umalis na rin agad. Hindi na muling bumalik.Walang nakakaalam sa pamilya ni Skylar, ni ang kanyang lolo’t ama. Ayaw niyang mag-alala ang mga matatanda. Pati si Jetter, hindi rin niya pinaalam kahit kay Julia.Kapag nalaman ng publiko na comatose si Jaxon, siguradong gagamitin ni Yssavel ang sitwasyon para manggulo sa kompanya. Kaya hangga’t wala pa ang resulta ng test, kailangang manatiling lihim ang lahat.Pagkatapos ng ilang sandali, may kumatok sa pinto.“Wala akong gana, Julia. Kayo na lang kumain,” wika ni Skylar, akala'y si Julia iyon.Ngunit pagbukas ng pinto, si Jeandric ang pumasok.“Skylar, ako ‘to.”
Chapter 391Nakatayo si Jetter, nakatago ang mga kamay sa likod, habang pinapanood si Skylar na lumalabas ng silid. Sa malamig na tinig, inutusan niya ang kanyang tauhan, "Clean this room. Huwag ipaalam ang nangyari. Gawin niyong parang walang naganap."“Jetter—!” galit na lumapit si Yssavel at hinila siya paharap, “Ikaw ba talaga ang anak ko? Sa oras ng ganito, kampi ka pa rin sa iba. Gusto mo ba talaga akong mamatay sa sama ng loob?”Para na siyang sasabog sa galit. Lahat ng ginawa niya, lahat ng kasamaan, ay para sa anak niya. Pero lagi siyang kinokontra nito.Tinitigan siya ni Jetter ng ilang segundo bago marahang nagsalita: “Sana... hindi na lang ako naging anak mo.”Napako sa kinatatayuan si Yssavel. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya, nanginginig ang tinig.“Literal. Kung may pagkakataon akong pumili kung sino ang magiging ina ko, hinding-hindi kita pipiliin.”Sa sobrang bigat ng mga salitang iyon, halos gumuho ang buong pagkatao ni Yssavel.“Bakit? Bakit mo ako kinamumuhia
Chapter 390Magulo ang sahig, nagkalat ang mga patalim, palaso, at dugo sa carpet. Kitang-kita kung anong delubyo ang dinaanan ni Jaxon sa silid na ito.Walang laman ang isipan ni Skylar. Nanginginig siya habang nakatitig sa mga bakas ng dugo. Hindi niya maalis sa isip ang imaheng nasugatan si Jaxon dahil sa mga trap na ‘yon.Bakit kailangang mag-set up ni Yssavel ng ganitong karaming nakamamatay na trap? Paano kung siya mismo ang aksidenteng ma-trigger nito? Baliw na talaga si Yssavel.Napatitig si Skylar kay Yssavel, puno ng galit ang mga mata.Pero abala si Yssavel. Dumiretso ito sa bahagi ng pader kung saan nakatago ang safe.Ang mga patibong sa kuwartong iyon ay nag-a-activate lang kapag maling paraan ang ginamit para buksan ang safe. Ibig sabihin, may nagtangkang galawin iyon.At malamang si Jaxon iyon.Nakita ni Skylar kung paanong pinindot ni Yssavel ang bahagi ng pader. Gumalaw ang isang painting, Van Gogh’s Sunflowers, at bumungad ang naka-embed na safe.Mukhang ordinaryo it