Chapter 5: Sinong nanakit sa ‘yo
"MR. LARRAZABAL, hindi pa nagsisimula ang usapan natin tungkol sa deal! Saan ka pupunta?" Tanong ng negosyanteng kausap ni Jaxon, halatang nag-aalala na baka hindi na bumalik si Jaxon. Tumayo ito mula sa sofa at sinubukang pigilan si Jaxon.
Pero parang hindi narinig ni Jaxon ang mga salita nito. Nagpatuloy lang siya sa paglakad palabas ng kwarto habang mabigat ang ekspresyon. Malamig at madilim ang ekspresyon sa mukha ni Jaxon, takot ang mga napapatingin sa kanya.
Malakas na isinara ni Jaxon ang pinto nang maraan doon. Sa lakas ng tunog, napatalon ang negosyanteng sumubok magpigil kay Jaxon at natakot nang humabol pa.
Mas kalmado ang isa pang negosyanteng naroon. Nang makitang umalis si Jaxon, tiningnan nito si Jeandric at tinanong, "Sir Jeandric, mukhang galit na galit si Mr. Jaxon. Ano bang nangyari? Parang world wàr 3, ah."
Ngumiti si Jeandric pero halata sa mukha na ayaw nitong sumagot sa tanong. "Looks like the deal's pause for tonight. Mag-enjoy na lang kayo diyan. Let's reschedule it, alright?"
Tumayo si Jeandric, kinuha ang suit jacket at lumabas para sundan si Jaxon. Iniwang nitong nagtataka ang dalawang negosyante sa loob ng VIP room.
Habang naglalakad si Jaxon sa pasilyo, mabilis siyang sinundan ng kanyang assistant na si Wallace, bahagya pang tumatakbo para makasabay.
Habang puno ng galit, biglang nagsalita si Jaxon, iyong boses ay mababa at malamig.
"In five minutes, I want to see Skylar in front of me."
Tumango si Wallace. "Opo, Sir."
Habang inaayos ni Wallace ang mensahe sa kanyang telepono para maipasa ang utos, muling nagsalita si Jaxon.
"Find out who's her date tonight."
Sa hindi inaasahan, bago pa makasagot at makakilos si Wallace, biglang lumitaw si Skylar sa pasilyo, nagmamadaling tumatakbo na parang tumatakas, hawak-hawak ang laylayan ng suot na dress.
May mga malalaking lalaking humahabol kay Skylar. Halata ang takot sa mukha ng babae at halos mawalan na ito ng lakas sa pagtakbo dahil nagkakanda-dapa dapa ito makalayo.
Kanina, habang nasa blind date, pilit si Skylar na painumin ng alak ng matandang blind date. Hinawakan siya nito sa kamay at halata ang malaswang tingin sa kanya. Sa sobrang takot, nagdahilan si Skylar pupunta sa banyo, ngunit tumakas siya. Ngayon, hinahabol siya ng mga tauhan ng matandang ka-blind date.
"Ahhh!" Napatili si Skylar nang mahawakan ang braso niya ng isa sa mga tauhan. Kasunod nito, isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha.
"Leche ka! Sabi nang huwag kang tumakas!"
Sa sobrang lakas ng sampal, natumba si Skylar sa sahig. Tumunog ang tenga niya sa lakas ng impact at nandilim din ang paningin niya, pakiramdam niya'y nawalan siya ng lakas para bumangon.
"Kuya Jaxon, mukhang si Skylar 'yan," biglang sabi ni Jeandric, nasa tabi na ni Jaxon.
Nagulat si Skylar sa narinig. Tumingala siya at nakita si Jaxon na nakatayo malapit sa kanya.
“J-Jaxon, tulungan mo ako…”
Pero ang mukha ng lalaki ay nananatiling malamig at walang ekspresyon habang nakatingin sa kanya na parang walang pakialam sa nangyayari sa kanya.
Nasaktan ang puso ni Skylar. Namuo ang luha sa kanyang mga mata habang tinititigan si Jaxon, umaasang may gagawin ito.
Ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon ni Jaxon. Sa halip, umiwas ito ng tingin. Parang hindi nito nakita ang ginagawa sa kanya. Tuluyang bumagsak ang luha ni Skylar. Halos mawalan na siya ng pag-asa.
Muling lumapit ang matandang blind date ni Skylar kasama ang kanyang mga tauhan. Hinawakan nito ang buhok ni Skylar at pilit siyang pinatayo.
"Ang kapal ng mukha mo! Tumakas ka pa, ha! Subukan mo pang gawin 'yan ulit at sigurado akong bubugbugin kita!"
Itinaas ng matanda ang kamay nito, handang sampalin muli si Skylar.
Bago pa dumapo ang kamay ng matanda sa pisngi ni Skylar, isang boses ang narinig mula sa likod.
“You fúcking stop!”
Napatigil ang matanda at lumingon. Nakita ng matandang lalaki sina Jaxon at Jeandric. Natigilan ito at mabilis na alanganing napangiti.
"Ah, Mr. Larrazabal, Sir Jeandric! Hindi ko alam na nandito pala kayo."
Dahan-dahang nilingon ni Jeandric ang matanda at nagsalita nang may bahagyang ngiti pero halatang may babala sa tono ni Jeandric.
"You're holding someone you shouldn't hold."
Nagulat ang matanda sa sinabi ni Jeandric.
"S-Sino? Itong babaeng ‘to?" tanong nito sabay lingon kay Skylar na gulat sa mga pangyayari.
"Don't you know that she's my brother's woman? Siya ang magiging sister-in-law ko."
Nang marinig iyon, agad nitong binitiwan si Skylar at nagmakaawa. Takot sa kahihinatnan ng ginawa sa future Mrs. Larrazabal.
"Pasensya na, Sir, hindi ko alam! Kung alam ko lang ang totoo, hindi ko sana siya sinaktan. Pasensya na! Hindi na mauulit! Sorry!"
Ipinasa nito si Skylar kay Jaxon na napapaso ang mga kamay. Nadapa si Skylar sa pagtulak ng matanda ngunit kaagad siyang inalalayan ni Jeandric.
"Ito, isuot mo muna 'to," sabi ni Jeandric at tinanggal ang coat na suot at ipinatong sa balikat ni Skylar. Tumango si Skylar, ramdam pa rin niya ang hapdi ng mga sugat sa kanyang katawan kaya hindi maibuka ang bibig para magpasalamat.
Malalim ang mga mata ni Jaxon na nakatitig sa matandang blind date ni Skylar, walang sinasabi pero parang nababalutan ito ng yelo. Walang nangahas na kumilos dahil doon.
Tumingin si Jeandric kay Jaxon, parang binabasa ang ekspresyon ng kapatid. Pagkatapos, puno ng galit na inikot ni Jeandric ang mga mata. "Sino ang sumampal kay Skylar?"
May lalaking nanginginig sa takot ang itinulak palabas ng mga tauhan ng matandang blind date. Natumba ito at napaluhod sa sahig.
"Those who lay their hand on Skylar, cut them off," malamig at puno ng bagsik na utos ni Jeandric. Pagkatapos ay tumingin siya kay Jaxon. "Kuya Jax, sapat ba ‘yong parusa para sa kanya?"
Nananatiling malamig ang ekspresyon ni Jaxon. Walang sinabing kahit ano, kaya hindi malaman kung kuntento ba sa ginawa ni Jeandric o hindi.
"If you're not talking then it means you're still not satisfied. Hmm, let me do something about it." Matigas na dagdag ni Jeandric, "Then, cut off both of his hands!"
"Sir Jaxon, susundin ba natin ang sinabi ni Sir Jeandric?" tanong ni Wallace kay Jaxon.
"Follow his command," malamig na sagot ni Jaxon habang tinitingnan nang matalim ang lalaking nanakit kay Skylar. Walang mabakas na damdamin sa boses nito.
Nanlaki ang mata ni Skylar sa narinig. Hindi niya maunawaan si Jaxon. Seryoso ba ito o hinahayaan lang si Jeandric na gawin ang gusto nito?
"Yes, sir." Itinaas ni Wallace ang kamay at ilang malalaking lalaking nakasuot ng itim ang lumapit at hinila ang lalaki na sumisigaw.
"Boss, tulungan mo ako!" nanginginig na hingi ng tulong ng lalaki sa matandang lalaki. Pero umiwas ng tingin ang blind date ni Skylar, takot sa maaaring gawin pa ni Jaxon at Jeandric.
Sunod-sunod na napalunok si Skylar. Parang normal lang sa kanila ang ganitong sitwasyon; ang manakit at magparusa.
"Sky, mahalaga ka pa rin sa baliw na kapatid ko," biglang bulong ni Jeandric na may bahagyang patawang tono. Napatingin si Skylar kay Jeandric, halatang hindi makapaniwala.
Napatingala siya kay Jaxon na nakatuon din ang mga mata sa kanya. Walang mabasang emosyon ang mga mata. Hindi tulad dati na palaging nakangiti sa kanya ang mga labi nito na umaabot hanggang mga mata ang tuwa.
Mahalaga siya para kay Jaxon? Bakit… bakit hindi niya maramdaman?
*
Chapter 400Mabilis na pumasok si Jaxon sa operating room. Agad niyang nakita si Skylar na nakahiga sa operating table, walang malay. Nasa paligid ang maraming doktor, nurses, pati sina Kris at Santi. Si Kris ang nag-de-defibrillate kay Skylar, bawat shock, gumagalaw ang katawan niya, tapos muling lulundo.Gulat na gulat si Jaxon. Bakit ganito? Bakit kailangang gamitin ang defibrillator? Wala sa hinagap niya na ganito kabigat ang sitwasyon.Maraming nagsasabing ang panganganak ay parang paglalakad sa bingit ng kamatayan. Puwedeng bumalik, puwede ring hindi. At sa lagay ni Skylar, baka hindi na siya makabalik.Parang sinaksak si Jaxon sa dibdib sa takot.Napahakbang siya papunta sa operating table, pero sa sobrang taranta, nadapa siya. Mabuti’t nakahawak siya sa gilid ng mesa at hindi tuluyang bumagsak.“Jaxon?! Anong ginagawa mo rito?!” gulat ni Santi. Napatingin din ang ibang nurse. Si Jaxon, nakaluhod, mahigpit na nakahawak sa operating table habang nakatitig sa maputlang mukha ni S
Chapter 399Nagulat si Skylar nang makita si Jaxon. Mahigpit ang hawak niya sa pulso ni Jetter, halos bumaon ang mga kuko sa balat nito. Ngunit ni hindi man lang siya napansin ni Jetter, nakatitig lang siya sa lalaking bagong dating.Tahimik na nakatayo si Jaxon sa harap ng operating room. Suot ang pormal na damit at maayos ang ayos ng buhok, para siyang bumangon mula sa kamatayan. Dati ay naiirita si Skylar sa sobrang pormal ng bihis ni Jaxon, pero ngayon, hindi niya napigilang maiyak sa tuwa.Hindi niya akalaing magigising agad ito. Ayon kay Santi, hindi delikado ang lagay ng lalaki, pero mahirap tanggalin ang lason sa katawan niya at walang kasiguraduhan kung kailan ito magigising. Inakala niyang tulad ni Jesse, matagal itong mananatili sa coma.Pero heto siya ngayon, gising, buhay, at nasa tabi niya.Sa ilang hakbang lang, nasa harapan na ni Jaxon si Skylar. Lahat ng tao sa hallway, mga doktor, nars, Jetter, Wallace, Xalvien, Jun, lahat sila'y napatingin sa kanya. Parang isang har
Chapter 398Mabagal na lumapit si Yssavel sa kama ni Jesse, marahang humuhuni ng isang malungkot na himig. Alas-tres kinse ng madaling-araw, patuloy pa rin ang ambon sa labas. Tumitig siya sa bintana, kung saan manipis na ulap at hamog ang bumalot sa salamin. Malabo ang tanawin sa labas, tulad ng puso niyang matagal nang naguguluhan.Matapos pagmasdan sandali, isinara niya ang kurtina at bumalik sa kama ni Jesse. Umupo siya sa gilid, marahang hinaplos ang mukha nito gamit ang kanyang payat at maputing mga daliri. Tahimik siyang tumitig sa lalaki, ang lalaking minahal niya ng kalahating buhay.Humuni siya ng mababang tinig.“In the dream, I dreamed of a dream that I couldn't wake up from…"Isa itong kantang may pamagat na "Red Rose", isang awiting puno ng lungkot.Bata pa lang si Yssavel, alam na niyang babaero si Jesse. Alam niyang mahirap ang buhay na pinili niya, pero pinilit pa rin niyang mapasakanya ang lalaki. Noong ikinasal sila, sinabi ng kanyang ina na parang gamugamo siyang l
Chapter 397Pagdating ni Jetter sa pintuan ng silid ni Yssavel, bumungad sa kanya si Skylar, may hawak na baril, at tinatapakan ang dibdib ng kanyang ina. Agad siyang sumigaw."Tama na ‘yan!"Dahil sa mahabang taon ng pagsasanay sa militar, malakas at matining ang boses ni Jetter, sapat para patahimikin ang buong silid. Nang pumasok siya, kusang nagbigay-daan ang mga tauhan ni Skylar. Pati sina Wallace at Jun, bagaman hindi takot, ay nagpakita ng respeto, hindi lamang dahil isa siyang Major General, kundi kapatid din siya ni Jaxon.Hindi natinag si Skylar. Wala siyang pakialam kung sino si Jetter, ang mahalaga sa kanya ay ang buhay ni Jaxon."Saan ang antidote?" mariing tanong ni Skylar habang pinipiga ang dibdib ni Yssavel gamit ang paa.Napangiwi si Yssavel sa sakit, pero nang makita ang anak, lalo siyang naging kumpiyansa. "Jetter, alisin mo ang babae! Binabali na niya mga buto ko!"Lumapit si Jetter at sinabing, "Skylar, calm down. Let’s talk properly."Pero hindi siya pinansin ni
Chapter 396“Audrey, pwede bang... huwag na lang natin ituloy ang pagbubuntis na ’to?”Nanlaki ang mga mata ni Audrey sa narinig. Paulit-ulit na tumunog sa isip niya ang sinabi ni Jeandric, parang sirang plaka.Tiningala niya si Jeandric, mas matangkad sa kanya, minahal nang sobra, pinagkatiwalaan. Hindi niya inakalang sa dami ng pinagdaanan nila, magagawa pa rin nitong sabihin ang gano'ng klaseng bagay.“Napaka-selfish mo!” galit na sigaw ni Audrey, habang tumutulo ang luha niya. “Alam mo bang baka ito na lang ang tanging pagkakataon kong maging ina?”“Hindi mo naman ikinakasigurado ‘yan,” sagot ni Jeandric. “You’re not sterile. Kung magsusumikap tayo, magkakaanak din tayo sa tamang panahon. I just... I can’t lose you.”Bigla siyang sinampal ni Audrey, mas malakas kaysa sa una. Napaatras si Jeandric, may dugo sa gilid ng labi niya.“Lumayas ka,” utos ni Audrey, tinuturo ang pinto.Pinunasan ni Jeandric ang dugo sa bibig niya at tumingin nang diretso kay Audrey. “Huwag mong kalimutan.
Chapter 395Ang gwardyang nakatalaga sa gate ay dating galing sa lumang bahay, inilipat ni Jaxon. Nakilala niya agad ang duguang lalaking nakahandusay, si Lee. pamangkin ng old butler. Sugatan ito at pilit na gustong makausap si Skylar. Agad niyang inisip, may masama na namang nangyari sa lumang bahay.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Binuksan niya ang gate, inalalayan si Lee papasok, at agad na pinaakyat ang katulong para tawagin si Skylar.---Hindi pa natutulog si Skylar. Paulit-ulit ang lagnat ni Jaxon, panay ang ungol na “mainit” at “masakit,” pero hindi pa rin nagigising.Paulit-ulit na sinasabi nina Santi at Julia na okay lang si Jaxon, normal lang daw ang lagnat dahil sa impeksiyon mula sa sugat, at bababa rin ito pag gumana na ang gamot. Pero ramdam ni Skylar, may tinatago sila.Kinakabahan siya. Takot siyang paggising niya'y wala na si Jaxon.Kumatok ang katulong: “Second Young Madam, gising pa po ba kayo?”Tiningnan ni Skylar ang relo. Alas dos ng madaling-araw. Kumunot an