Chapter 6: Huwag kayong lumapit
HINDI namalayan ni Skylar na umalis na si Jeandric dahil sa lalim ng iniisip at naiwan sila ni Jaxon sa mahabang pasilyo.
Naninibago at kinakabahan si Skylar; mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung paano makitungo kay Jaxon. Nag-iisip si Skylar kung magsasalita siya para basagin ang katahimikan pero bigla nang naglakad palayo si Jaxon.
“Jaxon...” Agad niyang hinawakan ang kamay nito. Mainit iyon, hindi tulad ng malamig at walang emosyon na ekspresyon ng mukha nito.
“Sa nangyari ngayong gabi... Salamat... Maraming salamat...” Nauutal ang boses niya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng lalaki.
Hindi sumagot si Jaxon. Tila hindi niya narinig ang sinabi ni Skylar. Nakatitig lang ito sa kamay ng babae, tila naguguluhan.
Dahil doon, inakala ni Skylar na galit si Jaxon sa paghawak na ginawa niya. Agad niya itong binitiwan at yumuko para humingi ng paumanhin. “S-Sorry, Jaxon.”
Nang bitiwan niya ang kamay nito, bahagyang gumalaw ang kamay ni Jaxon at parang hahabulin ang kamay niya ngunit agad nitong nahuli ang sarili. Sa inis, sumigaw ito kay Skylar.
“Go away!”
Nanginig si Skylar sa sigaw nito kaya agad siyang napapikit. Nang muli siyang dumilat, malayo na si Jaxon. Malalaki ang mga hakbang nito papalayo kasama ang mga bodyguard.
Nanatili si Skylar sa kinatatayuan, gulong-gulo ang isip. May kurot sa puso niya habang pinapanood ang papalayong si Jaxon. Napangiti siya ng mapait.
“Bakit pa ako naniwala kay Jeandric? Kung talagang may pakialam ka pa sa akin, paano mo ako nagagawang itaboy nang ganito?”
---
PAGLABAS ni Jaxon sa Bright Lights Club, binuksan agad ng isa sa mga tauhan ang pinto ng sasakyan. Tahimik siyang sumakay habang si Wallace naman ang nagmaneho. Sa rearview mirror, napansin ni Wallace ang malamlam na titig ni Jaxon sa pintuan ng club. Nakaigting ang panga, parang galit pa rin.
Nakakatakot ang ekspresyon ni Jaxon. Ngayon lang nakita ni Wallace ang ganoong pagkakainis ng boss. Agad nitong pinaandar ang sasakyan.
Habang umaandar ang sasakyan, natanaw ni Jaxon si Skylar na tulala at nakatitig sa kawalan. Binawi agad ni Jaxon ang tingin at malamig na tinanong si Wallace, “Who's that old man?”
“Old man, Sir?” Nalito si Wallace.
Napakunot ang noo ni Jaxon at inis na nagsalita, “Her blind date, damn it!”
Doon lang naintindihan ni Wallace na ang tinutukoy nito ay si Mr. Lapuz. “Ah, si Mr. Lapuz, Sir. Negosyante siya ng mga toilet cleaning appliances, may mahigit limang bilyon ang assets.”
“Five billion, huh,” malamig na sabi ni Jaxon. “In ten days, I don't wanna see his company in this industry. Make sure to block all his possible connections.”
“Yes, Sir Jaxon.”
“Anyway, do you know the person who slapped her yesterday?”
“Sir, natuklasan na po. Ang boss ni Miss Skylar Aquino mismo ang gumawa noon,” sagot ni Wallace.
“Make him pay the price.”
“Sir, puputulin ba ang kamay?” tanong ni Wallace, napapalunok ng laway sa kaba.
“Cut off his hands?” Matalim na tingin ang ibinigay ni Jaxon. “Who am I? Jeandric?”
“Sorry, Sir.”
“Ruin their business. Make their businesses declare bankruptcy. You know what to do, Wallace.”
“Y-Yes, Sir.”
---
HINDI na umuwi si Skylar matapos ang gulong nangyari. Takot siya na bugbugin ng ama niyang si Lito kaya nagpasya siyang pumunta sa ospital para alagaan ang kapatid niya. Habang naghihintay ng sasakyan, biglang may humintong isang itim na van sa harap niya.
Mula sa sasakyan ay lumabas ang mga matitipunong lalaki at lumapit kay Skylar. Sinubukan niyang tumakbo pero agad siyang nahuli at naisakay sa van.
“Ahhh!” sigaw niya, nanginginig sa takot. “Tulong—!”
Naputol ang sigaw niya nang takpan ang bibig niya at hatakin papaloob ng van. Nanginginig ang buong katawan ni Skylar. Ang mga lalaking kumuha sa kanya ay may mga tattoo, mukhang mga taong hindi gagawa ng mabuti. Natatakot siya!
“S-Sino kayo? Hindi ko kayo kilala! Baka maling tao ang nakuha n’yo!”
Lumapit ang isang lalaking balbas-sarado, tinitigan si Skylar mula ulo hanggang paa at saka nagsalita. “Hindi kami nagkamali, Miss. Ikaw ang babaeng ibinenta ni Lito sa boss namin—si Skylar Aquino.”
“Ano sinasabi mo?! Ibinenta niya ako sa boss n'yo?!” Mas lalong tumahip ang dibdíb ni Skylar sa takot.
Ngumisi ang lalaki kay Skylar, inilapit ang bibig sa tainga niya at malaswàng bumulong habang natatawa, “Maganda ang boses mo, ah? Pero mas maganda siguro kapag umuungól ka, ‘no.”
Sinimulan siyang hawakan ng lalaki pero umiiwas siya. “Babayaran ko kayo! Triple sa presyo na binayad ng papa ko! Huwag n'yo akong saktan, please!”
“Triple?” Tumawa ang lalaking balbas-sarado habang nakatingin sa kanya, napapailing. “Ang yabang mo, ha? Talagang kaya mo? Alam mo ba kung magkano ang utang sa sugal ng tatay mo sa boss ko?”
Umiling si Skylar. Itinaas ng balbas-sarado ang dalawang daliri at ginalaw sa harap niya, “Two million bawat laro. Ang tatlong beses na talo niya ay anim na milyon. Mayroon ka ba n'on?”
Nanlaki ang mata ni Skylar. Hindi na nga umabot ng one hundred thousand ang lahat ng cash at ipon niya, paano pa kaya ang anim na milyon?
Nakita ng balbas-sarado ang gulat na reaksyon ni Skylar at hinamak siya ng nakangisi, “Sa itsura mong iyan, malabo kang magkaroon ng anim na milyon. Kaya mas mabuti pa, sumama ka na lang sa nightclub. Mag-entertain ka ng mga customer. Malay mo, may dumating na isang sugar daddy. Kung magustuhan ka, baka makuha mo agad ang pambayad para sa utang.”
Dadalhin siya sa nightclub para kumuha ng customers?
Nablangko si Skylar sa narinig. Natakot siya nang husto at nawala sa isip ang dapat gawin. Agad siyang nagsalita at nagmakaawa. Baka madaan sa awa at pakawalan siya.
“Parang awa n'yo na po... Huwag n’yo akong idaan sa ganito. Promise, gagawa ako ng paraan para bayaran ang utang ng papa ko. Huwag niyo lang akong ipadala sa nightclub, please...”
Punong-puno ng takot ang mga mata ni Skylar at nanginginig ang kanyang boses habang umiiyak. Alam niyang hindi niya kayang ibenta ang sarili para lang mabayaran ang utang ng kanyang ama.
Tinitigan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa na may kung ano sa ngisi nito. “Ang ganda mo talaga. Alam mo, gusto ko talagang palayain ka pero ayaw pumayag ng boss ko. Kaya ganito na lang, sumama ka sa amin. Kung masaya kami sa serbisyo mo, baka i-refer ka namin sa mga mayayamang customer para makaipon ka kaagad ng pambayad. Ano, deal?”
Natulala si Skylar. Ibig sabihin, siya na ang sunod na magiging biktima nila. Agad siyang umatras at niyakap ang sarili sa takot.
Ano na ang gagawin niya? Sarado ang pinto ng sasakyan kaya hindi siya makakatalon palabas. Wala rin siyang cellphone dahil hinablot agad ang bag na dala niya ng mga taong ‘to. Wala siyang lakas laban sa mga lalaking ito. Nagagalit siya sa sarili dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili.
Tama ang sinabi ni Jaxon noon. Kung wala ang proteksyon nito, para siyang puppet na madaling kontrolin ng iba. Wala siyang kakayahang ipagtanggol ang sarili kahit kaunti.
“Ang ganda mo talaga. O teka, huwag kang umatras. Sumunod ka na lang sa gusto namin. Papayag ka rin naman, e,” sabi ng mga lalaki habang dahan-dahang papalapit kay Skylar na panay naman ang atras.
“Huwag kayong lalapit! Ahh—”
*
Chapter 400Mabilis na pumasok si Jaxon sa operating room. Agad niyang nakita si Skylar na nakahiga sa operating table, walang malay. Nasa paligid ang maraming doktor, nurses, pati sina Kris at Santi. Si Kris ang nag-de-defibrillate kay Skylar, bawat shock, gumagalaw ang katawan niya, tapos muling lulundo.Gulat na gulat si Jaxon. Bakit ganito? Bakit kailangang gamitin ang defibrillator? Wala sa hinagap niya na ganito kabigat ang sitwasyon.Maraming nagsasabing ang panganganak ay parang paglalakad sa bingit ng kamatayan. Puwedeng bumalik, puwede ring hindi. At sa lagay ni Skylar, baka hindi na siya makabalik.Parang sinaksak si Jaxon sa dibdib sa takot.Napahakbang siya papunta sa operating table, pero sa sobrang taranta, nadapa siya. Mabuti’t nakahawak siya sa gilid ng mesa at hindi tuluyang bumagsak.“Jaxon?! Anong ginagawa mo rito?!” gulat ni Santi. Napatingin din ang ibang nurse. Si Jaxon, nakaluhod, mahigpit na nakahawak sa operating table habang nakatitig sa maputlang mukha ni S
Chapter 399Nagulat si Skylar nang makita si Jaxon. Mahigpit ang hawak niya sa pulso ni Jetter, halos bumaon ang mga kuko sa balat nito. Ngunit ni hindi man lang siya napansin ni Jetter, nakatitig lang siya sa lalaking bagong dating.Tahimik na nakatayo si Jaxon sa harap ng operating room. Suot ang pormal na damit at maayos ang ayos ng buhok, para siyang bumangon mula sa kamatayan. Dati ay naiirita si Skylar sa sobrang pormal ng bihis ni Jaxon, pero ngayon, hindi niya napigilang maiyak sa tuwa.Hindi niya akalaing magigising agad ito. Ayon kay Santi, hindi delikado ang lagay ng lalaki, pero mahirap tanggalin ang lason sa katawan niya at walang kasiguraduhan kung kailan ito magigising. Inakala niyang tulad ni Jesse, matagal itong mananatili sa coma.Pero heto siya ngayon, gising, buhay, at nasa tabi niya.Sa ilang hakbang lang, nasa harapan na ni Jaxon si Skylar. Lahat ng tao sa hallway, mga doktor, nars, Jetter, Wallace, Xalvien, Jun, lahat sila'y napatingin sa kanya. Parang isang har
Chapter 398Mabagal na lumapit si Yssavel sa kama ni Jesse, marahang humuhuni ng isang malungkot na himig. Alas-tres kinse ng madaling-araw, patuloy pa rin ang ambon sa labas. Tumitig siya sa bintana, kung saan manipis na ulap at hamog ang bumalot sa salamin. Malabo ang tanawin sa labas, tulad ng puso niyang matagal nang naguguluhan.Matapos pagmasdan sandali, isinara niya ang kurtina at bumalik sa kama ni Jesse. Umupo siya sa gilid, marahang hinaplos ang mukha nito gamit ang kanyang payat at maputing mga daliri. Tahimik siyang tumitig sa lalaki, ang lalaking minahal niya ng kalahating buhay.Humuni siya ng mababang tinig.“In the dream, I dreamed of a dream that I couldn't wake up from…"Isa itong kantang may pamagat na "Red Rose", isang awiting puno ng lungkot.Bata pa lang si Yssavel, alam na niyang babaero si Jesse. Alam niyang mahirap ang buhay na pinili niya, pero pinilit pa rin niyang mapasakanya ang lalaki. Noong ikinasal sila, sinabi ng kanyang ina na parang gamugamo siyang l
Chapter 397Pagdating ni Jetter sa pintuan ng silid ni Yssavel, bumungad sa kanya si Skylar, may hawak na baril, at tinatapakan ang dibdib ng kanyang ina. Agad siyang sumigaw."Tama na ‘yan!"Dahil sa mahabang taon ng pagsasanay sa militar, malakas at matining ang boses ni Jetter, sapat para patahimikin ang buong silid. Nang pumasok siya, kusang nagbigay-daan ang mga tauhan ni Skylar. Pati sina Wallace at Jun, bagaman hindi takot, ay nagpakita ng respeto, hindi lamang dahil isa siyang Major General, kundi kapatid din siya ni Jaxon.Hindi natinag si Skylar. Wala siyang pakialam kung sino si Jetter, ang mahalaga sa kanya ay ang buhay ni Jaxon."Saan ang antidote?" mariing tanong ni Skylar habang pinipiga ang dibdib ni Yssavel gamit ang paa.Napangiwi si Yssavel sa sakit, pero nang makita ang anak, lalo siyang naging kumpiyansa. "Jetter, alisin mo ang babae! Binabali na niya mga buto ko!"Lumapit si Jetter at sinabing, "Skylar, calm down. Let’s talk properly."Pero hindi siya pinansin ni
Chapter 396“Audrey, pwede bang... huwag na lang natin ituloy ang pagbubuntis na ’to?”Nanlaki ang mga mata ni Audrey sa narinig. Paulit-ulit na tumunog sa isip niya ang sinabi ni Jeandric, parang sirang plaka.Tiningala niya si Jeandric, mas matangkad sa kanya, minahal nang sobra, pinagkatiwalaan. Hindi niya inakalang sa dami ng pinagdaanan nila, magagawa pa rin nitong sabihin ang gano'ng klaseng bagay.“Napaka-selfish mo!” galit na sigaw ni Audrey, habang tumutulo ang luha niya. “Alam mo bang baka ito na lang ang tanging pagkakataon kong maging ina?”“Hindi mo naman ikinakasigurado ‘yan,” sagot ni Jeandric. “You’re not sterile. Kung magsusumikap tayo, magkakaanak din tayo sa tamang panahon. I just... I can’t lose you.”Bigla siyang sinampal ni Audrey, mas malakas kaysa sa una. Napaatras si Jeandric, may dugo sa gilid ng labi niya.“Lumayas ka,” utos ni Audrey, tinuturo ang pinto.Pinunasan ni Jeandric ang dugo sa bibig niya at tumingin nang diretso kay Audrey. “Huwag mong kalimutan.
Chapter 395Ang gwardyang nakatalaga sa gate ay dating galing sa lumang bahay, inilipat ni Jaxon. Nakilala niya agad ang duguang lalaking nakahandusay, si Lee. pamangkin ng old butler. Sugatan ito at pilit na gustong makausap si Skylar. Agad niyang inisip, may masama na namang nangyari sa lumang bahay.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Binuksan niya ang gate, inalalayan si Lee papasok, at agad na pinaakyat ang katulong para tawagin si Skylar.---Hindi pa natutulog si Skylar. Paulit-ulit ang lagnat ni Jaxon, panay ang ungol na “mainit” at “masakit,” pero hindi pa rin nagigising.Paulit-ulit na sinasabi nina Santi at Julia na okay lang si Jaxon, normal lang daw ang lagnat dahil sa impeksiyon mula sa sugat, at bababa rin ito pag gumana na ang gamot. Pero ramdam ni Skylar, may tinatago sila.Kinakabahan siya. Takot siyang paggising niya'y wala na si Jaxon.Kumatok ang katulong: “Second Young Madam, gising pa po ba kayo?”Tiningnan ni Skylar ang relo. Alas dos ng madaling-araw. Kumunot an