Share

Chapter 2

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone, kaya dali-dali kong tinignan kung sino ang tumawag at agad naman akong napangiti nang makita ko ang pangalan ni Amalia sa screen sa ng aking cellphone.

"Bitch, why you took so long?" bungad niya sa akin, pero tumawa lang ako. At talagang hindi nagbago ang isang 'to, gumagala pa rin kahit may pasok kinabukasan. Paano ko nalaman na gumala siya? simple lang naman, may narinig lang naman akong music as her background.

"Sorry naman, Hahahha! By the way, I heard that you were suspended, is that true?" napairap na lang ako, ang balita nga naman, kung kumalat parang apoy. "yeah!" bored kong sabi.

"Hahhaha! As usual, Coollen." tama naman siya, I always got suspended o hindi kaya pinapalinis ng cr sa school kaya siguro inilipat niya ako ng skwelahan dahil palagi na lang siyang pinatawag sa guidance.

"Who told you?" tanong ko rito,

"Your mom, tumawag siya sa akin," sabi niya at natawa nang mahina. "Coollen, tell me ano pang nangyari sa school niyo?"

"Huwag na, mabobored ka lang kakikinig ng mga walang kuwenta kong kuwento," tugon ko.

"Kailan pa ako na-bored sa mga pakulo mo?" tapos tumawa siya nang malakas.

"Where are you?" sabi ko.

"Gaya nang dati. Punta ka, see you!" She said as she hang up the call. Napangiti naman ako, nang matapos ang tawag agad naman akong naghanda. Well, this is not new to me, I hang out with my friends as long as I want to.

Agad naman akong nagbihis. Nagsout ako ng fitted dress na kulay black and I also put a light make up on my face. Hindi ko na tinali ang medyo weavy kong buhok. Nilagyang ko lang ng hairpin sa gilid para hindi sagabal sa mata ang ibang maliit kong buhok. At pagkatapos noon ay kinuha ko na ang cellphone at ito'y nilagay ko loob ng shoulder bag. Pagkatapos kong mag-ayos. Agad akong bumaba, at nang napansin kong wala namang tao sala, agad akong kumaripas patungo sa garahe.

Wala naman sila pake sa akin kaya hindi naman nila ako hahanapin. Sumakay na ako sa aking kulay black na sasakyan at agad binuhay ang makina.

Pupuntahan ko si Amalia sa isang bar. Wala namang bago dahil palagi naman namin iyon ginagawa. But this time, I'll make sure that this is going to be more fun. Wala pang isang oras narating ko na ang aking destinasyon. Pinarada ko muna ang sasakyan at agad akong pumasok sa loob. I roam my eyes in the whole place, at napailing na lang ako dahil kahit kaunti walang nagbago sa lugar. Ang mga design ay ganoon pa rin, but I still love the ambiance. At aaminin ko, I'm more comfortable here, than our house.

Maya-maya lamang biglang may kumalabit sa akin at ako naman ay napatingin rito. base sa kasuotan niya, Isa siyang bartender dito sa bar.

"Ma'am, nandoon po si Maam Amalia," turo ng bartender sa table na kinaroroonan ni Amalia.

"Okay,” tugon ko na lang. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko na si Amalia. Napangiwi na lang ako sa kaniya. I never imagine that my best friend is starting to flirt.

"What? Kailan siya natutu sa mga bagay na iyan?" Pinuntahan ko na lang siya sa table niya. Amalia also wearing stripe dress at naka ponytail ang kaniyang buhok.

"Did I disturb the both of you?" bigla kong tanong as i reach their table. Agad ko naman naagaw ang kanilang atensyon dahilan para humiwalay ang kanilang mga labi. Yes, they were kissing passionately and guest what? Hindi ko alam kung sinong h*******k na lalaking kahalikan ng bestfriend ko.

"Hi, Coollen!" sabi niyang nang nakangiti at humalik sa pisnge ko.

"Yuck! Amalia," sigaw ko at saka pinunasan ang pisnge ko. Baka may rubies.

"Ang arte mo naman Coollen nagkahiwalay lang tayo ng school, ganiyan ka na," pagmamaktol niya.

"Eh ikaw nga ehh. Natutu ka nang humalik, at saan ka naman natutu niyan? ha," saad ko at natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hay naku! Coollen. We're 18 already and I think okay na siguro may kahalikan 'di ba?" I just rolled my eyes as my response, kahit kailan hindi talaga siya magpapatalo. Ano pa ba ang inaasahan ko sa isang Amalia. She's a kind of girl na kung ano ang gusto niya, makuha niya agad in just a snap. "Anyway, can I drink this?" tanong ko sa kaniyang habang pinapakita ko ang baso na may lamang tequila at kinuha ko rin ang lemon sa lalagyan. Hindi ko pa narinig ang tugon niya pero nilagok ko na agad ang Tequila, Hindi ko alam kung ano ito ang aking nararamdaman, ang gusto ko lang ngayon ay uminom ng alak at magpakalasing.

"Coollen, ano ngang nangyari sa school niyo?" biglang tanong niya sa akin.

"Wala naman, ayon school pa rin,” sabi ko at nilagok na naman ang Tequila na nasa shot glass.

"haist! Ang hirap mo kausapin," pagmamaktol niya…

"So, kumusta ka pala sa School niyo?" pag-iiba ko ng topic.

"Ayon ang boring wala kasi wala ka eh" tugon niya.

"Speaking of Spencer, where is he?" dugtong niya at saka nagsalin ng alak sa baso.

"Iwan ko sa lalaking iyon,” ani ko at saka nilagok ang Tequila na binigay niya. Muli kong binaling ang aking tingin at tinuunan ko nang pansin ang lalaking nabingwit niya na ngayon nasa kaniyang tabi at panay tingin sa akin na may nakakalukong ngiti sa labi. What the hell! Saan niya ba ito napulot at hindi ko naman bet, kaya kinalabit ko na si Amalia dahil hindi ko na nagustuhan ang galaw ng lalaking ito.

"Amalia, saan mo ba nakuha ang lalaking iyan?” tanong ko sa kaniya.

"Ahh, Si Jarred, boyfriend ko siya," sabi niya.

Napangiwi na lang ako sa sagot niya.

"Paniguradong iiwan ka lang niyan," sabi ko at nilagok ulit ang Tequila sa aking baso. Bitter na kong bitter pero ang ganitong lalaki ay hindi dapat pagkatiwalaan.

"Wow, naman daig mo pang manghula," sabi niya nang natatawa. Wala naman talaga akong gusto sa kaniya para ni Amalia. Ang ganda naman ng bestfriend ko para pagtripan lang niya. Kahit medyo guwapo siya, wala pa rin akong tiwala sa pagmumukha niya. Hindi ako papayag na paglaruan niya lang si Amalia. kaya, I came up with a brilliant Idea, nang pagkatapos kong lagukin ang isang basong tequila na nasa shot glass. Sakto namang tumayo si Amelia para kumuha ng drinks.

"Follow me,” I whispered Jarred dahilan para siya'y mapangisi. Agad akong nagtungo sa comfort room. Agad din naman sumunod si Jarred na siyang dahilan para mapangisi ako nang todo. Pumasok ako sa women's comfort room at sumunod naman si Jarred. Pareho kaming naimpluwensiya ng alak, pero hindi pa ako ganoon kalasing para madala sa init ng katawan.

Nang nakapasok na siya sa Cr. he immediately locks the door and pinned me against the wall.

"Take it easy, you're so aggressive, babe," sabi ko na may ngiti sa aking labi. Yeah, I look like a slut here.

"Hi babe, you're so gorgeous," he whispered as he smells my hair down to my earlobe. Nandidiri na ako sa ginawa niya. I think he's expert when it comes seducing girls.

"I didn't imagine, that you're so fast, babe," dagdag pa niya and this time, he kisses my neck while his hands are touching my body and it feels like he is searching for something. My body is also starting to heat as I feel his manhood rubbing against mine, pero pinigilan ko iyon.

"Gusto kita, babe!" as I said those words. I immediately wrap my arms into his neck, and When he's about to kiss my lips, agad ko siyang tinuhod at sinipa ang kaniyang paa.

"Yes Baby, gusto kitang sipain at bugbugin," nakangisi kong bulong sa kaniya. Nakita ko kung paano nanlisik ang kaniyang mga mata dahil sa galit. "Don't ever hurt Amalia, kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ko at muli siyang sinipa at nasa sahig pa rin siya habang mamimilipit sa sakit.

"Siguraduhin mo lang, dahil baka hindi mo na maisanay ang hanay mo!" sabi ko at tuluyan siyang iniwan sa loob ng CR. Wala lang naman, may galit ako sa mga manloloko.

Nang nakarating na ako sa table. Agad ko namang nakita si Amalia na nakaupo sa aming table mag-isa. "Did you see Jarred? hinanap ko siya pero ni anino niya wala akong nakita?" tanong niya nang paupo na ako.

"Hindi ko siya nakita, kagagaling ko lang ng Cr e." Maya-maya lamang nakita ko si jarred na parating na sa amin at sobrang sama ng tingin niya sa akin. Who cares? Wala naman akong ginawa sa kaniya. It was just a warning.

Nang nasa table na si jarred agad naman siyang tinanong ni Amalia.

"Why you take so long, babe?" Tanong ni Amalia habang nagsalin ng beer sa para sa akin. Umupo muna saglit si Jarred sa tabi ni Amalia. At maya-mata bigla itong tumayo nang hindi man lang sinasagot ang tanong ni Amelia.

"Amalia, let's break up," bigla na lang sabi ni Jarred dahilan para maibuga ko ang beer.

"Coollen! " sigaw ni Amelia nang may tumilapon at nabasa ang kaniyang kamay.

"Ouh! I'm sorry, nagulat lang ako." Effective pala ng ginawa ko. Palihim na lang akong napangiti

Ayaw ko lang may umaaligid sa best friend ko tapos sasaktan lang.

"Why Jarred? Naboboringan ka na ba sa akin?" tanong ni Amalia, kung makatanong parang bata.

"Oo, ang hirap mong intindihin, daig mo pa ang bata. Ang dami mo ring request kapag ika'y dinadatnan. Ang hirap mo pang suyuin, tapos minsan may tupak ka! napapagod na ako Amalia. Let's just break up!" sigaw niya ni Amalia at deritso itong naglakad papalayo at iniwan kami sa table. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksiyon? Matutuwa ba ako o magluluksa?

"That was a straightforward," biglang kong sabi kaya napatingin sa akin si Amalia at agad rin namang binalik ang kaniyang tingin sa lalaking paalis na ng bar.

Tinignan ko na lang Amalia na ngayo'y tinignan rin si Jarred paalis. Wala akong nakitang kahit anong bakas na reaksiyon sa kaniyang mukha.

Mayamaya lang biglang sumigaw si Amalia.

"Tangina mo! Akala mo ba mahal rin kita? Fuck you!"

Napailing na lang ako sa kanila, ganito ba talaga ang eksena ng mga taong maghiwalay?Ang boring naman kung ganito. Walang paiyak-iyak at pahabol-habol. siguro sa tv lang iyon makikita at hindi sa totoong buhay.

"Amalia, kung iiyak ka man, umiyak ka lang diyan dahil panyo lang talaga ang aking maiambag at isa pa, wala rin akong pake." gusto ko lang siyang asarin, dahil alam kong nasasaktan ang gagang ito. "Alam ko, kaya nga hindi ako iiyak dahil hindi ko rin siya mahal,” sabi niya at deretsong nilagok ang beer nasa baso. At ngayon ko lang din alam kung bakit kami magkaibigan dahil ma-attitude kami mga sis. Minsan nga hindi ko maintindihan, magjowa tapos hindi mahal. Ano iyon? kailangan lang kapag tinutuyo?

"Hoy! Amalia, nakarami ka na. Baka hindi ka na makauwi niyan?" pag-iiba ko ng topic.

"Susundiin ako ni kuya rito,” sabi niya. Nakakainggit naman kapag ganoon ang kapatid, 'yung susunduin ka. Sa akin kasi wala e. Sana all na lang dahil may kapatid. "Sige, mauna na ako sa 'yo," sabi ko at nagsisimula nang maglakad. Hindi pa naman ako masyadong lasing dahil nakakalad pa naman ako nang maayos. Nang nakalabas na ako ng bar, agad kong hinanap ang sasakyan. Suddenly, habang ako'y naglalakad may nabunggo akong lalaki at ang noo ko ay tumama sa kaniyang dibdib. "Aray!" napadaing ako habang Hinihimas-himas ko ang aking noo, ang sakit kasi parang bakal. "Sorry po," agad kong sabi sa lalaki na aking nabunggo at hanggang ngayon nakatayo pa rin sa aking harapan. He's standing 6 ft tall.

"Haist, damn! ang tigas talaga ng ulo mo." Narinig kong mura niya pero hindi ko nalang pinansin dahil sumasakit na aking ulo at medyo nahihilo na rin ako.

Nagpatuloy na lang akong maglakad pa punta sa aking kotse, halos magkandarapa na ako dahil sa sobrang hilo. Nang nasa tapat na ako ng aking kotse agad ko naman itong binuksan at sa hindi inaasahan, biglang may nagsalita mula sa aking likuran.

"Ako na ang magdri-drive," sabi niya at agad inagaw ang susi sa aking kamay at inaalalayan niya akong sumakay ng sasakyan. Hindi naman ako nagreklamo dahil sobrang nahihilo na talaga ako.

"Ayan, iinom ka tapos hindi mo naman kaya," sabi niya at saka sumakay sa driver's seat.

Nakakapagod pala, inaantok na ako. Ngunit nang hindi ko pa pinikit ang aking mga mata, nakilala ko kung sino lalaking magmaneho ng aking sasakyan, ay iyung lalaking palaging nasa aking tabi kahit marami akong kalukuhang ginagawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status