Share

Chapter 9

"Akin na," agad naman nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi.

Nandito na kami sa rooftop at isang metrong pagitan naming dalawa. Wala kasi akong ideya sa kaniyang sinabi. Kung tutuusin nga siya pa nga may utang sa akin dahil sa pan-trip niya.

"Ang ano?"

"Iyang nakasabit sa bag mo? " napatingin naman ako sa nakasabit sa zipper ng aking bag. Ito iyung napulot ko noong nakaraang araw. So, ibig sabihin, siya iyung lalaki na nahagip ng aking camera at pinagkamalan nila Amalia na secret boyfriend ko raw.

"What a coincidence?"

"Bakit?" sabi ko sabay taas ng kilay.

"Akin na nga!" Napangisi naman ako sa aking naisip. kinuha ko ang ang bagay na hinanap niya nasa sa zipper ng aking bag at ito'y pinakita sa kaniya.

"Sa iyo ba ito?" sabi ko sabay taas ng aking kanang kamay at pinagdidiinan ang bagay.

"oo,"

"May pangalan ba sa iyo?" bigla kong tanong.

"Babaeng tanga, hindi ako nakikipaglaro sa iyo!" sabi niya at napangiti naman ako dahil ang sarap niyang asarin ang dali niyang mapiko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status