Share

22: Drunk

Tatlong araw na mula ng tagpong iyon nila ni Troy, ngunit sa loob ng tatlong araw ay hindi niya rin ito nasisilayan.

Linggo ngayon at wala siyang pasok. Nasa bahay lang siya at kasalukoyang nagkakape kasama ang kaniyang ina sa hapag.

"Anak, maayos lang naman kayo ni Troy di'ba?" Naputol ang malalimang pagiisip ni Hailey nang biglaang magtanong ang kaniyang ina.

"P-Po?" Napakurap siya saglit, "Ahh, ayus naman po kami, ma." At saka lang sumagot nang mag sink in sa kaniya ang tanong.

"Gano'n ba, nak? Kasi hindi ko na nakikita si Troy nitong nga nagdaang mga araw eh." Hindi lang pala siya ang nakapansin, pati rin pala ang kaniyang ina na tahimik lang.

"Baka busy lang siguro, ma?" Wika niya.

Nagtataka na napapatango ito, mukhang hindi kumbinsido. "Nakakapanibago lang kasi nak, dahil kahit busy siya dati, nag e-effort pa naman 'yung pumunta dito sa bahay."

Patagong napakagat sa likod ng kaniyang pisngi si Hailey sapagkat hindi niya inaasahan na magsuspitsya ang ina niya tungkol roon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status