Share

CHAPTER 3

John's POV

While I'm here waiting for Julia, I can't stop thinking about her. Naisip ko na okay din pala siyang kasama and I think napaka-bait niya. To be honest, nung makasama ko siya ay nahihiya ako kasi pag-tumititig ako sa mga mata niya ay parang may kuryente na hindi ko maintindihan. 

Habang kasama ko siya ay tila nakakalimutan ko din ang sakit na idinulot ni Kate, para bang hindi ako nanggaling sa isang matinding break-up.

Napatingin ako sa pinto at napaayos ako ng tayo nung nakita kong lumabas na si Julia at lumapit naman din siya sakin, "Pasensya na at natagalan ako, pinaghintay pa kita. Ano, tara na?" Pag-aaya niya at halatang-halata na excited siya sa gala namin.

"No need to say sorry. Okay lang yun," Sabi ko sabay ngumiti.

Tumango naman siya kaya bigla ko siyang hinila kung saan-saan. 

Sa Camella Homes pala kami nakatira and mga isang taon na din kami nakatira sa subdivision.  We went to the small city here at itinuro sa kanya yung mga daan at mga pasikot-sikot hanggang sa natahimik kaming dalawa.

Hindi ko alam kung nasaan na kami basta ang alam ko lang ay naglalakad-lakad lang kami hanggang sa hindi ko namalayan na nasa may Grand Palace Resto na pala kami. Sobrang layo na pala ng nilakad namin and to think napaka-awkward naman. Hindi ko alam paano simulan ang pag-sasalita pero I tried to break the silence.

"Do you like here? I mean, you know, dito sa Butuan City. Iba naman kasi ang Davao sa Butuan."

Tumango naman siya, "Yeah! I like in here. Hindi siya ganun ka crowded though namimiss ko yung friends ko," she said, "Also at the school, people there are nice also pero siguro hindi lahat but I met a new friend, si Queen." 

I nodded as she continued, "Yung kaibigan mong si King ba yun? Parang feel ko na may gusto siya kay Queen pero tinatago niya lang ang feelings niya. Pero nevermind, instinct ko lang 'yun. The way niya kasi asarin si Queen eh."

Napahinto ako at lumingon sa kanya para magsalita, "Ako din naman," Napatawa naman kaming dalawa, "Nahahalata mo din pala 'yun. Palagi kong kinukumbinsi 'yang si King na mag-confess na sa kanya pero ayaw niya talaga. Siguro nga dahil medyo nerdy type si Queen and King is a basketball player."

"Parehas lang din naman pala sa school ko dati eh halos hindi rin type nila na mag-on yung nerds tapos mga famous types." 

Nung ngumiti siya ay parang may anong nararamdaman ko sa katawan ko. Nakakakuryente na naman, "Good thing at hindi ako kagaya nila eh."

"Really?" Sarkastikong pagtatanong at bigla niya naman akong iniwan nang maglalakad siya ng mabilis.

Aba!

Hinabol ko naman siya dahil bigla lamang siyang tumakbo. Sa kamalas-malasan ay bigla-bigla nalang akong nadapa!

"Wala namang tubig pero bakit ka nag-da-dive diyan?" Natatawang biro ni Julia. Medyo na-amaze ako sa kanya kasi hindi ko alam na may ganito pala siyang side. I like that one!

"Pagbabayaran mo talaga to Alvarez! Aray ko!" Biro ko lang naman yun at tumayo ako habang pinagpag ang dumi sa damit at pantalon ko.

"Last name basis na pala tayo ngayon? Sige, ayos lang naman sa akin, AQUINO. Pagbabayaran ko talaga," Napatawa naman ako sa kanya dahil talagang ine-emphasize pa niya yung surname ko. 

"You're on the basketball team?" Mapanuya niyang tanong, "As what? Benchwarmer?"

Na shock naman ako kahit char lang yon. I know naman that she's just joking, "Excuse me. For your information, ako yung best shooter noon pa man hanggang ngayon. Palagi akong nasasali and famous talaga ako since grade eight," Proud na proud kong sambit sa kanya.

Inakbayan niya naman ako na parang kabarkada ko lang, "So it means that you're dating someone kasi mostly basketball players have girlfriends." 

After hearing that, my jolly face turned to deadly serious. I haven't even thought about Kate the whole evening and that's not it. This is the first time I felt so alive since the break up one month ago.

She looked at me but I turned my head away, "Siguro huwag na nating pag-usapan yun."

Bahagya ring napawi ang ngiti niya at tumango nalang, "Okay. I'm sorry," Naging malumanay na ang boses niya, like an angel. Napalingon naman siya sa paligid, "So, saan na tayo papunta ngayon?"

I smiled at may naisip na akong lugar kung saan kami pupunta, "Tara. May pupuntahan pa tayo," Sabi ko at hinila ko na lamang ang mga kamay niya.

Naglalakad lang kami papuntang Capitol at dumeretso hanggang sa narating namin ang Hugot Café.

"Welcome to --"

"Welcome din," Pag singit ko naman. Nagtataka ang barkada ko nang makita niya ako sa coffee shop nila.

"Himala! Anong ginagawa mo dito? I mean, hindi ba dapat ngayon nagmumukmok ka lang? Moved on na, bruh?" Napahinto siya nang nakita niya si Julia at tila nagtataka. Kahit ako ay nagtataka rin na tila parang nagulat ang naging itsura niya nung napatingin siya sa may ibaba at nagtataka naman ako kung bakit ganun itsura niya.

"Anyare sayo, bruh?" Pagtingin ko naman ay hindi ko napansin na nakahawak pa pala ang kamay ko sa kamay ni Julia. Agad ko namang binawi yun dahil nahihiya ako at baka ano pang isipin ng kaibigan kong si Derek.

"Anyway," Paninimula ko, "This is Julia. She's our new neighbor," Tumingin naman ako kay Julia, "Julia, this is my friend, si Derek."

"Oh," Napatango naman si Julia at ngumiti sa kanya, "Hi Derek, it's nice to meet you," Bati niya at nakipag-shake hands sa kanya.

"It's nice to meet you din. Halikayo, maupo kayo at baka gusto niyong mag-order," Sabi naman ni Derek kaya naupo kami sa may pandalawahang upuan.

"Ah sige. Derek saan pala CR niyo dito?" Tinuro naman ni Derek kung saan ang CR nila. Nang makaalis na si Julia ay agad namang tumabi sakin si Derek.

"Wow! Ang bilis makahanap ng bago, ah. Rebound?"

"Kapit-bahay ko lang yun, ano ka ba," Natawa ako sa kanya, "She's my friend."

"Sus, denial ka lang talaga kasi puro Kate yang nasa utak mo."

"Oh, shut up, bruh." 

Nakabalik na din si Julia sa table at kinausap na din si Derek, "Ang ganda naman dito. Talagang pang-hugot o pang-bitter lang makakapasok dito 'no? Ano pala yung ibang andun?" Turo niya sa ibang lugar sa labas.

"Calda Pizza tsaka Ice Factory. Sa tapat naman ay Backyard Resto. Marami pa ding kainan dito."

"Alam mo ba na sa pamilya niya talaga itong business?" Pagku-kwento ko kay Julia at nagulat naman siya. 

"Pamilya namin ang may-ari nito at malapit lang bahay namin dito," Sabi ni Derek at binigyan kami nang menu.

"Ano sayo? May napili ka na bang o-orderin? Don't worry, ako na manlilibre," Sabi ko sa kanya habang abala sa pagpili sa menu.

"Ah okay. Itong dessert lang. Cookies and cream ice cream," Tumango naman ako. Liningon ko naman si Derek na may hawak na listahan. 

"Dalawang ice cream lang, bruh, you know my flavor" Sabi ko nalang at umalis na si Derek sa harap namin upang gawin ang inorder namin. Maya-maya ay na-serve na yung ice cream at umupo din si Derek sa kabila.

"Saan ka nag-aaral, Jul?" Tanong ni Derek kay Julia. Ba't hindi niya alam? Hindi na naman siguro pumasok 'to.

"Agusan High," She answered and smiled at him while eating her ice cream.

"Ah ganun ba? Ano strand? Ang nice lang talaga dun sa paaralan kahit maraming bato ang paligid, 'no?" Namamaghang tanong niya at agad ko naman siyang binatukan ng malakas, "Aray! Bruh naman! Ba't mo ako binatukan?!"

"Ba't ka ba tanong ng tanong? Wala ka ba sa school kanina?" Tanong ko dahil hindi ko siya napansin kanina eh.

"Hindi ako nakapasok kasi late na ako nagising. Ang daming customer kagabi kaya napuyat ako," Sabay kamot niya sa batok. Kaya naman pala eh. Masipag talaga siya, 'no? Sana ako din, masipag.

"Kaya pala eh. Kaklase kaya natin siya. Kung ganun, hindi mo ba nakita sa group chat natin?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Derek at napatingin kay Julia, "Ay pasensya naman. Pasensya ka na Julia. Yun pala sinasabi nila na may transferee daw."

"Yes, ako ata yun. Ako lang naman yung bago sa school and kaklase. By the way, isali niyo ko sa GC, ha. Atsaka ikaw lang ba ang nagtatrabaho dito? I mean, kahit gabi nagta-trabaho ka?" Tanong ni Julia habang kumakain.

"Minsan lang naman. Busy kasi ako eh lalong-lalo na sa school. Ang daming assignments lalong-lalo na projects kaya hindi talaga ako nagta-trabaho sa weekdays. Kagabi lang ako nagtrabaho kasi nagpapahinga muna sila mama at papa. Ngayon naman magta-trabaho muna ako dahil wala sila ngayon pero promise, bruh, matutulog ako ng maaga ngayon para maaga na akong magising bukas." 

"Pagtiyagaan mo yan bruh," Sabi ko at patuloy lang ang kwentuhang walang ending.

Julia's POV

Napasarap kami sa pag-uusap ng napansin kong it's ten five in the evening. Naalala kong ten 'yung curfew and medyo malayo-layo pa 'yung subdivision dito.

Patay talaga ako kay Mama nito! Baka mapulot pa ako sa presinto, hindi pa naman ako eighteen. I quickly turned to John, "John, I think we have to go. Hindi ko napansin yung oras, pasado alas diyes na pala."

"Hala! Oo nga pala. Nakalimutan ko. Bruh, uuwi na kami, nakalimutan kong curfew na pala."

Napatingin siya sa relo niya, "Hala, oo nga. Sige, salamat sa time at pati sayo, Julia. Mag-iingat kayo pauwi," Tumango naman kami and we went out.

Naglalakad nalang kami kasi napakatahimik na nang lugar, wala man lang mga sasakyan. Patay talaga ako kay Mama nito. She hates it when I don't follow her rules.

Naglalakad pa kami papasok sa Camella Homes at super malayo pa siya kaya saktong narating namin ang lugar ay mag-a-alas onse na at paniguradong patay ako kay Mama, "Oo nga pala. About earlier, pasensya ka na sa mga sinasabi ko. Hindi ko naman kasi alam na na-offend ka na sa mga sinasabi ko. Joke lang naman kasi yung about sa basketball capabilities mo eh."

"Wala sa'kin 'yon. Alam ko naman na nagbibiro ka lang atsaka hindi rin naman yun ang dahilan eh."

Napakunot ang noo ko, "Ano ba yun?"

"Remember you asked kung may girlfriend na ba ako?" Then I nodded ataiintindihan ko na. He smiled, "You should go in, Lia baka hinahanap ka na."

"Yeah, definitely," I smiled, "By the way, I loved the new nickname. Very original." 

Papasok na sana ako sa bahay nang tumikhim siya. I looked at him, "Tomorrow four PM doon sa cafe?"

"Sige. See you tomorrow," Ngumiti naman ako sa kanya at napangiti naman siya.

"Sige, see you. Good night, Lia," Then umalis na siya at pumasok nako sa bahay. Pagpasok ko palang ay napakadilim na ng loob. Halos wala na akong makita sa sobrang dilim. Tulog na ata sila eh.

Aakyat na sana ako ng may biglang lumabas galing sa kusina. Si Mama at kita-kita kong galit na naman siya,  "Julia Elaine Alvarez! Anong oras na?! I told you to be at home at ten!" Sigaw niya kaya lumapit ako sa kanya at nakapamewang na siya.

"I'm sorry. Hindi ko namalayan ang oras atsaka naglalakad lang kami wala ng tricycle pauwi. Napasarap kami sa pag-uusap with my new friends."

Napataas naman ang kilay ni mama. Hindi ko maintindihan kung ano na namang issue niya ngayon. I just said that I'm sorry. I mentally rolled my eyes, "Baka nakalimutan mo ang rules natin bago tayo lumipat dito?!"

"Of course, not. First, studies. Second, no boyfriend. Third, when weekdays be at home at eight and weekends be at home at ten. Fourth, I will help you take care of Shan and --"

"Paki-ulit nga? Helping me taking care of Shan?" Nagtatakang tanong ni Mama at mas lalong lumapit sakin.

Tumango naman ako ng dahan-dahan, "Yes, kasi nag-aaral pa ako ngayon."

"Helping me? Nag-aaral? Hindi ba dapat responsibilidad mo yun?!" Napalunok ako sa takot, "Nakalimutan mo na ba kung sino yung lumapit sakin at may pa-iyak-iyak pa when you knew you were pregnant? Don't you remember that it was your mistake? And now, you're letting me taking care of your son?"

Bigla akong namutla and at the same time I was hurt, "Mom, is Shan a mistake for you? Is that it? Wow, amazing naman. He's your grandson and ngayon, you'll say he's just a mistake?!" Sigaw ko at tumakbo ako papuntang kwarto ko.

Nagbuhos ang mga luha ko. Actually, hindi naman ito ang first time na nag-aaway kami ni Mama. Paulit-ulit lang yung mga nangyayari and she's always blaming me about everything!

But I think she is right but not that quite right. Shan is not a mistake but I am. I am just a seventeen year-old girl na nagpapabuntis na lang sa isang irresponsableng lalaki. So, I admit that it is definitely a mistake! 

I know I made wrong choices and decisions in my life but I regret everything nung iniwan ako ng hinayupak kong ex-boyfriend na sarili niya lang ang iniisip niya.

Nang dahil sa pag-iiyak ko ay nagising si Shan na umiiyak din. Nararamdaman niya ang nararamdaman ng ina niya.

I got him at hinehele, "Shhhh, mommy is here," Tumahimik na siya and he giggled kaya napangiti ako at hinalikan ko ang noo niya. 

"I love you, baby. Thank you for making me happy always."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status