Share

TGWAE 03

Chapter 03 | The Murder

|TAYJA PRISH|

~×~(Taira)~×~

Taira has been struggling to understand what was happening around her. Things were too hasty and blurry na hindi na nito alam kung papaano pa niya iintindihin ang mga bagay bagay. 

"Taira? Nakita mo ba si Mama?" her brother asked her habang lumilinga linga ito sa buong paligid dahil pagkatapos ng burol ay bigla na lamang itong nawala na parang bula.

He thought, their mother just went out for a while to breathe somewhere else pero talagang wala na ito sa lugar ng pinaglibingan ng kanilang Ama. Tatlong araw lang ang itinagal ng burol dahil na rin sa bilin nang kanilang ina kinabukasan matapos matanggap ang masamang balita.

"Sabi niya po sa akin may pupuntahan lang siya, Kuya. Hindi naman niya po sinabi kung saan," napabuntonghininga naman si Tairon na mukhang nakahinga nang maluwag dahil sa narinig. 

"Ah. Mabuti naman pala at nagpaalam sa iyo. Akala ko-," ipinilig nito ang ulo at napagpasiyahang huwag na lang ituloy ang dapat nitong sasabihin.

"Tairon, halina kayo," matamlay na tawag sa kanila nang kanilang ate na si Tiara. Different from her jolly and active personality, she seemed drained to the core after what happened.

"Tara! Buhatin ko na lang ang baby na yan!" 

To lift the mood, Tairon playfully lifted his sister Taira and he attempted to run carrying her when Tiara grabbed him by his arms. Kaya naman mukha itong isang tuta na napagalitan ng kaniyang amo.

"Ang KJ kahit kailan," bulong ni Tairon na hindi naman nakaabot sa pandinig ni Tiara.

"Where's Mama?" Tiara soon asked her brother as they were on their way into their gloomy house.

"Somewhere down the road," wala sa sarili nitong sagot habang nagmamaneho.

Gamit nila ang kotse ni Tairon na regalo pa nang kanilang magulang nang grumaduate ito ng kolehiyo. Tiara and Tairon were already done with their studies but they chose to stay in their house to take care of their sister, Taira. 

Bata pa si Taira. Siguradong mapag-iiwanan ito ng kanilang magulang kapag umalis na sila sa kanilang bahay.

Tiara sighed. Sinilip nito ang kanilang nakababatang kapatid sa may back seat ng sasakyan. Yakap nito ang regalo nilang magkapatid na blue fluffy bear at mukhang tulog na tulog. Napagod na yata dahil sa rami nilang inasikaso kahit naroon lang ito sa gilid at pinapanood sila.

"Naaawa na ako sa bata," she suddenly blurted out habang nakatulala itong nakatingin sa labas ng bintana sa kaniyang gilid.

Tairon sighed at hindi napansin ang paghigpit nang kapit nito sa steering wheel. 

"We just have to keep our eyes on her. She doesn't have to experience these sh*ts at her young age," hindi nito malaman kung saan siya nagagalit. Kung sa biglaang mga pangyayari o sa katotohanang ang kanilang ina ay nagsisimula nang lumayo sa kanilang magkakapatid.

They would often watch her talk to herself alone, locking herself in her room, and slowly changing into someone they couldn't recognize anymore.

"Saan ba nagpunta si Mama? Gabi-gabi na iyon umaalis nang bahay. Any idea?"

Umiling si Tairon dahil hindi talaga nito malaman kung saan nagpupupunta ang kanilang ina gabi-gabi. Pagkatapos kasi nito patulugin ang kanilang bunso ay umaalis na rin agad. Mukha pang lagi itong balisa at nagmamadali.

"Ask her when she comes home tonight, Tiara. You can't expect an answer from me," naipikit na lamang ni Tiara ang mga mata nito dahil sa lamig ng boses ni Tairon nang sagutin siya.

He was only acting like this when he find things absurd already. Hindi naman niya ito masuway at baka siya ang mapagbalingan nang init ng ulo.

"Kung maaga itong uuwi," nasabi na lamang niya sa kawalan ng masasabi.

Nang makarating sa kanilang bahay ay ni walang bakas na umuwi man lang ang kanilang ina para magpalit ng damit o di kaya'y may kinuha bago pumunta sa lugar na pupuntahan. Tairon was already upset and it only made it worst.

"Ewan ko na," malakas nitong isinara ang pintuan ng kotse bago pagbuksan ng pinto ang kaniyang mga kapatid.

He carried their little sister as Tiara opened their main door to help him.

The sky was already beyond dark pero wala pa rin ang kanilang ina. Nasa harapan na sila ng hapag upang kumain ng dinner, nagbabasakaling makakasabay nila ito sa pagkain.

"Gutom ka na ba Taira?" Tiara asked as she looked at her sister na kapuwa naghihintay rin sa kanilang ina.

"Opo. Pero hindi pa po umuuwi si Mama," sagot nito at muling tumitig sa adobo nilang ulam sa lamesa.

Ang totoo niyan ay kanina pa siya nagugutom. Hindi ito nakapagmeryenda dahil napahaba ang tulog niya kaya ganito na lamang siya kagutom.  

"Kumain ka na, Taira. Nagtext na ito na mamaya pa siya makakauwi. Hindi naman magandang nalilipasan ka nang gutom," Tairon said, partly lying about their mother, texting them. 

"Okay po, Kuya. Kumain na rin po kayo," nagkatinginan ang dalawa bago sabay na bumuntonghininga.

Matapos kumain ay napagpasiyahan nilang magmovie marathon habang hinihintay ang kanilang ina. Gabing gabi na pero wala pa rin ito kaya hindi nila maiwasan ang mag-alala para rito.

"Anong gusto mong panoorin baby?" Tairon sweetly asked his sister.

"Hmm? Gusto ko po si Nemo!" Bibong sagot nito habang hindi naman napigilan ni Tiara ang tumawa nang makita ang pagngiwi ng kapatid sa natanggap na sagot.

"Ayan! Tanong pa kasi!" Asar nito na sinagot lamang ni Tairon nang isang irap.

"Para kang babae! Ang arte!"

Sasagot pa sana si Tairon nang bumukas na ang TV. Naglapag lamang sila ng isang makapal na kumot sa sahig sa kanilang sala para kung makatulog man ay komportable pa rin sila.

Nakahiga na si Taira sa gitna nilang dalawa habang si Tairon ang may hawak sa remote para maghanap nang mapapanood. 

Sakto namang balita ang bumungad sa kanila, hindi na muna niya ito nilipat kaya naman ganoon na lang ang kanilang gulat nang pumarada sa malaking screen ang imahe ng kanilang ina.

"The f*ck?!"

"Sh-! Tairon si Taira!" Hindi na ito nagdalawang isip at pinatay ang TV. 

"Bakit po?" inosenteng tanong ni Taira sa kaniyang dalawang kapatid na nagmistulang naging yelo dahil ni isa sa kanila ay hindi kumukurap.

Nakatulala lamang ang kaniyang dalawang kapatid dahil sa nakita nilang imahe ng kanilang ina.

Their mother was being dragged by policemen. Isang presinto ang nasa kanilang likuran at maraming kamera ang pilit na kinukuhanan ang pangyayari. Her clothes were drenched in red color which they knew wasn't an ordinary red paint on it. 

It was blood.

Her hands also have blood on them na para bang pinaglaruan nito ang dugo. Nakaposas ngunit ni isang emosyon ay wala kang makikita sa kaniyang magandang mukha. It was like she became a monster they didn't know, existed in the depths of her soul.

"Wala, Taira. Matulog na tayo,"

"Eh, gusto ko po si Nemo!" Nagkatinginan na naman ang dalawa saka binalingan ang TV sa kanilang harapan. It was as if they can still visualize what they saw earlier, they couldn't help but shudder in cold. 

"Wala na si Nemo, Taira. Nai-delete ko pala noong nakaraan. Sa ibang araw na lang ha? Magda-d******d ako ng Nemo mo. Okay?"

Pouting, Taira sighed and cutely nodded her head in agreement with what her sister said.

"Okay, po! Pero tabi-tabi tayo pong matulog ha?" 

Lumungkot bigla ang ekspresyon nito pagkabanggit nang mga salitang 'yon. Ang kanilang Ama kasi ang kadalasang katabi nito bago matulog at ngayong wala na siya, it suddenly made her feel lonely about how their father's absence affected her.

"Of course naman, baby Taira! Now, mahiga ka na,"

Nang makitang tulog na si Taira ay nagkatinginan silang magkapatid. Dahan dahan silang umalis sa lapag upang hindi nila ito magising at tiyaka pumunta sa kanilang kusina. 

Tairon has his iPad when they settled themselves at the dining table. Magkatabi nilang tiningnan ang kasalukuyang mainit na balita na pinagpipiyestahan ng madla. 

Their mother committed a murder. 

"What the f*ck is this?" pabulong na tanong ni Tairon.

Kapuwa sila nagtataka kung bakit at ano ang nangyari. Ang sabi sa balita ay nakita ang kanilang ina na lumabas sa patient room sa isang hospital na naliligo ng dugo. Iyon ang hospital room kung saan ang taong nakabanggaan nang kanilang ama ay nakaadmit. 

"Is this real?" mahinang tanong ni Tiara. Nanghihina siyang napasandal sa kaniyang upuan habang nakatulala sa kung saan. 

First, their father died in a car accident, and now this? A f*ucking murder? 

"Ni hindi na makilala ang pasiyente dahil sa raming saksak nito sa mukha, partikular na sa mga mata nito. Mayroon ding iba't ibang saksak sa iba't ibang parte ng katawan ng pasyente dahilan upang ang tiyansa nitong mabuhay-,"

Muntik nang ibato ni Tairon ang kaniyang iPad dahil sa narinig kung hindi lamang napigilan ni Tiara sa pamamagitan ng paghigit nito sa kaniyang braso. 

"Tairon...,"

"F*ck it, Tiara. Just f*cking sh-!"

~×~×~×~

I sighed. 

Ibinagsak ko ang katawan sa aking kama at tumitig sa kisame ng kuwarto. I kept on repeating the scenes that I just wrote minutes ago as I can't grasp them out of my mind.

'Was it too dark?'

Ang tanong na lagi kong sinasambit sa tuwing natatapos ko ang ilang kabanata ng istorya ni Taira and then it would take me to that day when I decided to create Taira as one of my main characters. The day I still didn't know I had that dark side of a personality. 

The day I made Taira a vessel of my hidden dark persona.

Napatitig ako sa madilim na kalangitan sa may labas ng bintana sa aking kuwarto. As for how I see it, the sky is dark but my soul is darker. I unconsciously touched my eyepatched left eye as I recall the past I tried to bury deep inside my mind but it only made me see it through my nightmares, visiting me while I was asleep. 

Oh, how dark can it be? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status