Share

Chapter 3: The Bachelor

Tatiana was stunned at the woman's reaction. After telling her about her real identity, she started sobbing and hugged her like she was a long lost treasure.

Samantala ay hindi pa rin makapaniwala ang ginang sa kanyang nalaman. 

"oh my goodness hija, I still can't believe this is really happening." She said in between her sobs. 

"Ang laki na ng pinagbago mo, napakaganda mo na, kamukhang kamukha mo ang mommy mo. Ang liit mo pa nung una't huli kitang nakita." Umiiyak pa ring sabi niya. 

"Ang tagal kitang hinanap anak. Andito ka lang pala, matagal na pala kitang nakita, hindi ko alam. Patawarin mo ako hija." Sabi sa kanya ng ginang tsaka niyakap sya ulit.

"Okay lang po yun maam, naiintindihan ko po. Atsaka isa pa ay sadya pong iniba ang pangalan ko para hindi po ako madaling makita ng mga naghahanap sa akin. Lalong lalo na ng mga taong pinagtatangkaan ang buhay ko." Yanah said to her politely.

"Naku, kaya pala eh kahit anong hanap ko sa pangalan mo dito sa orphanage eh hindi kita mahagilap. Ano na nga ba ang pangalan mo ngayon anak? And please, don't call me Maam, call me Tita instead. Or better yet, just call me mommy." The Lady said eagerly to her.

"Naku, Tita na lang po." At nagngitian ang dalawa.

"Maam Diana, tawag na po kayo sa stage." A child approached them.

"Naku, muntik ko nang makalimutan." at saka bumaling ang ginang sa kanya. "Tapusin ko lang muna ito anak ha. We still have lots to talk about." And she went on to the stage. 

Habang nagbibigay ng kanyang talumpati ang ginang ay isang lalaki ang dumating at umagaw sa atensyon ng lahat ng mga panauhing naroroon.

Pumukaw naman ito sa interes ng dalaga. Ang lalaki ay may mala adonis na pangangatawan, ang buong hitsura nito'y maihahalintulad sa isang Greek god, napakakisig at napakagwapo.

" Oh my God babe, is that Ashton?! You never told me he's coming here today!!" halos maghisteryang wika ni Scarlet na katabi lamang niya ng upuan.

"You know him?" Tanong niya sa kaibigan.

"Of course! Who doesn't?? I mean, I always see him in social gatherings in Manila, pero hindi ko alam na sumama pala sya dito sa probinsya." Sagot ng kaibigan sa kanya.

"Ah ganun ba. Nasabi na rin naman nilang dadating din ang anak ni maam Diana." Sabi niya habang nakatingin sa lalaking pinagtitinginan rin ng mga naroroon.

"Ang gwapo di ba? Crush ko din yan dati eh. But unfortunately, head over heels yan sa girlfriend nyang si Ciara. But from what I heard, they already broke up because Ciara cheated on him with her leading man. Maybe that's why he's here, you know, to mend his broken heart." Dagdag pa nito saka pinagtuonan na ng pansin ang pagkaing nasa harapan nito.

Agad namang naagaw ang pansin niya ng magsimulang tahakin ng binata ang daan patungo sa harapang lamesa. Halos lahat ng madaanan nito ay hindi napipigilang mapalingon sa kanya dahil sa paghanga sa taglay na kakisigan nito.

Bagay na bagay rito ang suot nitong white longsleeves polo, na pinaresan nito ng black pants and shoes. 

Nahigit naman ng dalaga ang kanyang hininga ng sa di inaasahan ay magkasalubong ang tingin nilang dalawa. She felt her world stop for a moment while watching those soul piercing eyes that had met hers. 

Hindi maintindihan ni Yanah ang kanyang nararamdaman. Para bang may napukaw ang binata sa kaibuturan niya na hindi niya maintindihan. 

It was her first time to feel that way. All her life, she had dedicated herself to the orphanage so she had no time to deal with her suitors. Ito rin ang unang beses na makatagpo siya ng taong kasing gwapo ni Ashton.

Ngunit hindi makayanan ni Yanah ang intensidad ng mga titig nito kaya naman ay nauna syang magbaba ng tingin at bumaling na lamang sa mga pagkaing nasa harap niya.

Amoy na amoy naman niya ang lalaki habang dumaraan ito sa likuran niya. Maging ang amoy nito ay may hatid na kakaibang epekto sa kaloob looban niya. 

Saka pa lamang nakahinga ng maayos si Yanah ng makitang nakalampas na ang lalaki at umupo na ito sa upuang katabi ng kanyang ina.

Matapos naman ang talumpati ni Maam Diana ay agad itong bumaba at nilapitan ang anak. Hinalikan naman ni Ashton ang ina sa pisngi nito.

Dumaan ang mga oras ay natapos na rin ang pagdiriwang. Tumutulong na magligpit ng mga lamesa si Yanah ng lumapit sa kanya si maam Diana.

"Yanah anak, I am truly happy to meet you today. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. But as much as I want to stay here and talk to you, ay hindi pwede dahil may lakad pa kami ng anak ko ngayon. But don't worry, babalik ako rito, gusto kong mag bonding tayong dalawa, okay?".Sabi sa kanya ng ginang na ikinatuwa naman niya.

"Maraming salamat po Tita Diana. Hihintayin ko na lamang po ang araw na yan." Masayang sagot ni Yanah.

"By the way, I believe you have already seen my son." Sa puntong iyon ay biglang kumabog ang puso ni Yanah. Iginiya naman siya ng ginang palapit sa anak nitong nakikipag-usap sa iba pang mga bisita.

"Ashton." Panimula ni maam Diana na nagpabawi ng atensyon ng anak.

"I want you to meet someone." Saka siya iniharap ng ginang sa binata. Naramdaman niya ang mga titig nito dahilan kung bakit hindi niya masalubong ang tingin nito.

"This is Tatiana Legazpi, her mother was my very very close friend, the closest actually, but she already died a long time ago. Actually nakita mo na sya dati nung baby pa sya, if you still remember, you were still 6 years old then. They visited us in our rest house here in Davao." Pagbibigay ng impormasyon ng Ginang na nagpagulat naman sa kanya. Kung ganoon pala ay nagkita na sila noon pa man.

"I'm not quite sure if I still remember mom. As you said i was just six years old then, how can I even remember?." He said with a bored expression on his face.

At sa unang pagkakataon ay narinig niya ang boses ng binata. Kahit pala ang boses nito ay malakas ang charisma. Tipong bagay na bagay maging Dj sa radyo na pwede niyang pakinggan buong araw.

" By the way, it's Ashton David Leviste." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.

Nanlalamig naman niyang inabot ang kamay ni Ashton. Tila libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo niyang katawan ng mahawakan niya ang kamay ng binata, kaya naman ay madali niyang binawi ang kanyang kamay na siyang ipinagtaka nito.

"By the way hija, are you still single?". Biglaang tanong ni Maam Diana sa kanya na ipinagtaka naman niya.

"Po?? O-opo tita, b-bakit niyo po n-natanong?." Mas lalo pang nadagdagan ang hiya ni Yanah ng magkautal utal sya sa harap ng dalawa.

Samantala ay tila ba nasiyahan ang Ginang sa narinig mula sa kanya.

"Oh! That's great then! Do you know that my son is single too? Kung ganoon ay may pag-asa kayong dalawa." 

Sa sinabing yon ng ginang ay lalong namula sa hiya sa Yanah, ramdam na ramdam niyang sobrang init na ng mukha niya at pulang pula na sya.

"Mom, what are you saying? You're embarassing me. You know what? Let's just go, we still have a meeting to attend to." Pagpapa alala nito sa ina.

"Oh, yes, i almost forgot." At binalingan siya nito. "Hija, sa susunod na lang natin ipagpatuloy ang usapang ito ok? We still have to attend a meeting. Di bale, babawi ako sayo next time. I'll just call the orphanage kung kailan para makapaghanda ka." Then the Lady gave her a hug before bidding her goodbye.

Nakita naman ni Scarlet ang mga nangyari kaya nilapitan niya ang kaibigan.

"Hoy babe! nakita ko yun ah. Close kayo ni maam Diana? At bakit namumula ka? Crush mo si Ashton no?" Saka tumawa ang loka-loka niyang kaibigan.

"Babe naman, tumigil ka nga.May makarinig pa sayo eh, nakakahiya." Bulong niya sa kaibigan saka lalo pang namula.

"Hala! Lalong namula oh!" Sabi nito habang tinuturo ang mukha nya.

"Hala babe dalaga ka na! may crush ka na eh! First time tong nangyari ah. Isang Ashton David Leviste lang pala ang makakapagpablush sayo. Magcelebrate tayo babe!" Napailing na lamang siya sa kagagahan ng kaibigan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status