Share

Chapter 6: The Broken Hearted Cassanova

After like a million years of persuading, Scarlet finally won against Yannah. For the very, very first time, she made her wear a slightly revealing red dress.

At first, she was so against it, but after some negotiations and ripping of clothes, Scarlet finally won.

Hindi rin naman maipapagkaila ni Yannah na bagay nga sa kanya ang damit kaya naman ay pumayag na rin siya.

Habang palabas sila ng shop, ay hindi mapigilan ni Yannah ang maging awkward sa suot na damit. Bukod sa hindi siya sanay sa pagsusuot ng ganoon ay hindi rin siya sanay sa atensyong nakukuha niya.

Pagkalabas pa lamang nila ng fitting room ay namangha na kaagad ang mga saleslady na nasa loob ng shop. Hindi makapaniwala ang mga ito na ang old-fashioned na babaeng pumasok sa shop nila ay may tinatago din palang kaseksihan.

Lalo ring dumami ang atensyong nakuha nila ng lumabas sila ng shop. Mapa babae man o lalaki ay kakikitian mo ng paghanga, may iba namang kababaihan na bakas ang inggit.

Yannah had her red dress on while Scarlet had her blue one with the same style. First time nilang mag twinning na dalawa, dahil na rin ito sa pagkakaiba nila ng estilo ng pananamit. Kaya naman tuwang tuwa si Scarlet sa nangyari at sinamantala niya ang pagkakataon para makapagtwinning kasama ang pinakamatalik niyang kaibigan.

“Babe, ang ganda natin diba. Dapat dati pa to eh, dati ko lang gusto na mag twinning tayo kaya lang ang kj mo lagi.” Panunumbat ni Scarlet sa kanya.

“Oo na, ito naman eh. Kaya lang hindi ako sanay sa atensyon na nakukuha natin babe eh.” Pag-amin niya sa kaibigan.

“Ano ka ba babe, dahil sa paghanga lang naman yan. Tsaka pabayaan mo yang mga tingin ng mga bitches dyan, naiinggit lang yang mga yan sa ganda natin.” Sabi ni Scarlet na nakapagbawas naman sa pressure na nasa loob niya.

Natawa na lang ang dalawa sa sinabi ni Scarlet. Hindi na nila namalayan ang oras kaya naman ay nagulat na lamang sila ng mapagtantong pasado alas 2 na pala ng hapon. They did't even had their lunch yet.

Pumasok sila sa isang Chinese restaurant na katapat lang ng mall ng pinangggalingan nila.

“Babe, mahal yata dito eh, di ko afford, mag Jollibee na lang tayo babe.” Sabi ni Yanah kay Scarlet.

“Oh come on babe, it's ok, it's my treat, pambawi ko sa damit mo na pinunit ko. And besides, I'm craving for some Chinese food right now, and I'm starving babe.” Says Scarlet.

Napilitan na lamang si Yanah na pumayag sa kagustuhan ni Scarlet, isa pa ay maging sya ay nagugutom na din naman.

Pagkapasok pa lamang nila ng restaurant ay pingtitinginan na sila ng mga tao, lalong lalo na kay Yanah. Napansin din niya ang atensyong natatanggap niya kaya naman ay hindi na naman nya mapigilang mailang.

Lumapit ang waiter matapos nilang maupo sa kanilang napiling pwesto. Nagmamasid sya sa kanyang paligid ng may makilala syang isang pamilyar na postura.

“babe, di ba si Ashton yun?” pagtawag niya sa atenson ng kaibigan.

Nagtataka namang napalngon lingon si Scarlet.

“Asan babe? Wala naman akong makita ehh.” Nagtatakang tanong ni Scarlet.

“Ayun babe ohh, may kasama pa ngang babae eh, akala ko ba broken hearted yan?” sagot ni Yanah habang nakatingin sa lalaki.

“Ano? May kasamang babae? Asan ba kasi babe? Bakit wala naman akong nakikita, baka namamalikmata ka lang.” May pagdududa pang tanong ni Scarlet.

“Babe naman ehh, ayun ohh”. Sabay turo sa kinauupuan ng binata.

Nagulat naman si Scarlet ng makitang nandoon nga si Ashton. “Hala oo nga babe, at ibang babae na naman kasama, ang landi pang makaasta grabe”. 

Nagugulat na may halong pandidiri ang ipinupukol na tingin ni Scarlet. Paano ba naman kasi ay bang babae na naman ang kasama ni Ashton.

“Sabagay, ikaw ba naman makalapit ng ganyan kay Ashton, sa gwapo ba namang yan eh sinong babae ang hindi maiinlove. Kahit nga siguro matanda na eh magkakaron din ng pagnanasa sa lalaking yan.” Sabi pa ni Scarlet na masama ang tingin sa babaeng kasama ni Ashton.

“Ano ba naman yan babe, may makarinig pa sayo eh baka kung ano pang sabihin satin.” Nahihiyang sabi ni Yanah ng mapansing may napapatingin sa kanila.

Sakto namang dumating ang pagkaing inorder nila kaya naman ay nawala na rin sa isip nila ang naging usap usapan kani-kanina lang.

Laking gulat naman ni Yanah ng paglingon niya ay saktong nagtama ang paningin nila ni Ashton. Sobrang bigat ng naging pakiramdam nya. Tila ay tumigil sandali ang pagtibok ng puso niya at nahirapan syang huminga, lalo na ng unti-unting bumaba ang paningin nito sa kabuoan nya.

Di mapigilan ni Yanah ang mapalunok. Napansin din niya ang tila paghanga sa titig ng binata. Siguro ay dahil ibang-iba ang hitsura nya ngayon kesa noong huli silang nagkita.

Una niyang binawi ng kanyang tingin dahil sa hindi na rin nya makayanan ang pressure sa mga titig nito. Naaliw na rin naman sya ng pagbaling niya ng tingin sa kaibigan ay sarap na sarap ito sa pagkain, siguro nga ay talagang nagutom ito sa maghapong pagsho-shopping.

Maya-maya pa ay naramdaman nyang kailangan niyang mag-cr kaya ay nagpaalam sya kay Scarlet. Bago sya umalis ay tumingin muna sya sa kinaroroonan ng binata ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makitang nakakatitig pa rin pala ito sa kanya kaya naman ay agad niyang binawi ang tingin at nagmamadalin pumunta sa palikuran.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa loob, pero ang alam lamang niya ay kahit ilang minuto na ang nakalipas ay naroon pa rin ang kaba niya. Pakiramdam niya ay sobrang sakit ng dibdib niya sa sobrang lakas ng pagtibok nito. 

Maya-maya pa ay nagkaroon na rin sya ng lakas ng loob na lumabas, ngunit ganoon na lamang ang pagtalon niya ng paglabas ay ang napakagwapong mukha ni Ashton ang nakita niya. 

Ganun na lamang ang paghigit niya ng kanyang hininga ng bigla ay lumapit ito at magsalita. “ Hey there beautiful, you took a lot of time in there, I’ve been waiting for you for quite a while.” Sabi pa nito na ikinabigla niya.

‘Sandali, hindi nya ba ako nakikilala?’ tanong niya sa isip at saka nagpalinga linga sa paligid.

“Hey, I’m talking to you.” Sabi pa nito sabay ngumiti ng pagkatamis tamis na ikinalundag ng kanyang puso.

“Ahh, ako ba?” Sabi pa nya habang nakaturo sa kanyang sarili. Ramdam na ramdam din niya ang pag init ng kanyang mukha. 

“Yeah, you look great that red dress. What’s your name? And by the way, are you single?” tanong pa nito sa kanya na ikinabigla nya.

Ikinalungkot naman nya ang sinabi nito ng hindi niya namamalayan. ‘kung ganon ay hindi niya nga ako nakikilala.’ Sabi nya sa kanyang isip.

“Ahh, Ashton, hindi mo ba ako natatandaan? Nagkita na tayo dati, pinakilala ako ng mama mo sayo sa Thanksgiving ng ampunan.” Diretsong sabi nya kahit hiyang hiya na sya.

Para namang nabigla ang binata sa kanyang sinabi. Hindi rin niya ito matingnan ng diretso.

“tsaka bakit ganyan ka magsalita sa akin, di ba kasama mo girlfriend mo? At isa pa sa natatandaan ko sinabi rin ng mama mo na single ka diba?” dagdag pa niya habang nakatungo.

“ohh, I remember now. You’re that innocent girl named Yanah right?” Sabi pa nito habang naroon pa rin ang napakatamis na ngiti na nagpapadagdag lamang ng kanyang kaba. 

“ Innocent? Hindi ahh.” Tanging nasagot na lamang niya dahil sa hiya.

“ You’re so adorable Yanah. I’m gonna see you soon anyways, mom has been telling me a lot about you and your parents and of how excited she is about your day out.” Tumalikod na rin ito at akma ng aalis ngunit muli itong humarap sa kanya. “I’m single anyway, that bitch is not my girlfriend.” At saka ito umalis ng tuluyan.

Hindi naman maintindihan ni Yannah ang kanyang mararamdaman habang pabalik sya sa kanilang upuan. Lumingon muli sya sa kinaroroon ng binata at napagtanto na umalis na rin pala ito at ang babaeng kasama. Gayunpaman ay hindi pa rin nya mapigilang matuwa dahil sa nangyari sa kanya sa araw na iyon. Hanggang sa pag-uwi ay naroon pa rin ang tuwa sa kanyang puso. Mukhang hindi na naman sya makakatulog ngayong gabi, ngunit hindi na ito dahil sa kanyang mga bangungot kundi ay dahil na sa kilig na naroon sa kanyang kaibuturan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status