Share

Chapter 5: The Red Dress

Tatiana and Scarlet are on their way to the shopping mall. It was their usual hobby specially when Tatiana's having her nightmares. 

It's Scarlet's way of pampering her friend. Kahit na hindi man siya pinapayagang bilhan ito ng mga mamahaling bagay, ay bumabawi naman siya sa pagpapasaya dito.

Alam niyang makasama lang siya ni Yanah ay sapat na sa babae. Kaya ito ang dahilan kung bakit si Yanah lang ang naging totoong kaibigan niya. Kahit ulila ito sa magulang at malayo ang agwat nila sa buhay ay hindi nito kailanman pinagsamantalahan ang pagiging mayaman niya. 

Maging ang mga magulang ni Scarlet ay malaki ang tiwala kay Yanah. Nakita ng mga ito kung gaano kabuti ang kalooban ng kaibigan dahilan kung bakit pumayag din ang mga itong sundan niya si Yanah sa University na pinasukan nito.

Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan. Hindi maipagkakailang sobrang ganda nito. Masyado lamang itong konserbatibo kung manamit. Pero sa kabuoan ay mapagkakamalan talagang mayaman ang dalaga.

Makinis at maputi si Yanah, hindi nalalayo sa balat ni Scarlet. Ang kaibahan lang ay mas matangkad si Scarlet ng kaunti at may kasingkitan ang mata, samantalang si Yanah naman ay sakto lang ang tangkad, at mas mapupungay ang mga mata.

Batid din ni Scarlet na mas malakas ang sex appeal ng kaibigan keysa sa kanya, mas lapitin kasi ito ng nga manliligaw noong nag-aaral pa lamang sila. Ngunit sa kabila nito ay nananatiling NBSB si Yanah.

Sinasabi nitong ayaw niya munang mag boyfriend habang nag-aaral, pero halos dalawang taon na mula ng magtapos sila ay wala pa rin itong sinasagot kahit isa sa mga manliligaw nito.

Siguro'y wala lang talagang natipohan ang kaibigan, pero naalala niya ang naging tingin nito kay Ashton noong thanksgiving. Alam niyang humahanga ang kanyang kaibigan sa binata, ang inaalala niya lamang ay ang kapakanan nito.

Alam niya ang reputasyon ng binata sa mga babae, nagbago nga lamang ng makilala nito si Ciara Saavadra. Naging magkarelasyon ang mga ito ng limang taon. Pero bago pa man noon ay papalit palit na ng babae si Ashton, at natatakot siyang dahil wala na ang dalawa, ay bumalik na naman ang pagiging babaero nito.

Natatakot siya para sa kaibigan, baka masaktan lang ito pag nagkataon. 

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating din sila sa kanilang patutunguhan.

Matapos niyang ipark ang kanyang Porsche ay bumaba na sila ni Yanah. Naka black smocked puffed tops, blue high waist boyfriend jeans, at black stilletos siya. Samantalang si Yanah ay napakamanang na naman sa suot nitong white plain blouse at floral skirt na sobrang haba. Napailing na lang si scarlet sa choice ng kaibigan.

"Alam mo babe, ang baduy mo talaga, ang ganda mo sana eh." pagbibiro niya sa kaibigan habang papasok sila ng mall.

"Alam ko babe." Natawa naman silang dalawa sa sinabi ni Yanah.

Pumasok silang dalawa sa isang luxury clothing shop, pero dahil si Scarlet lang naman ang may kayang bumili ng mga damit ay nagkasya na lamang si Yanah sa pagtulong ditong pumili. Masaya na din naman siya na kasama niya ang kaibigan.

"What do you think babe? Bagay ba?" Tanong sa kanya ni Scarlet habang umiikot, suot ang isang pulang bestida.

"Maganda naman babe, bagay sayo. Kaya lang, hindi ba't parang ang ikli, tsaka, kita yung cleavage mo babe eh." Sagot niya sa tanong ng kaibigan.

Napaikot naman ng mata si Scarlet, umiiral na naman kasi ang pagiging old fashioned ni Yanah.

"Ayan ka na naman babe eh, umiiral na naman yang pagiging manang mo! Ang ganda kaya, tsaka sakto lang kaya ang haba niya. Maiksi nga lang tingnan sakin kasi matangkad ako." Bigla naman ay natigilan ito sa pagsasalita at parang may biglang naisip. Kinutuban naman si Yanah ng tumingin sa kanya ang kaibigan at ngumiti na parang may masamang binabalak.

"Oh, ba't ganyan ka makatingin? Naku babe ha, kahit anong pilit mo sakin hindi mo ko mapapasuot niyan." Windang na sabi ni Yanah.

"Alam mo kasi babe, mas bagay talaga to sayo eh. Tingnan mo oh, mas maganda tignan dibdib mo dito, ang laki kaya nyan, sayang lang at tinatago mo lagi. Dapat pinagmamalaki yan eh. Tsaka hanggang tuhod na to sayo." Pangungumbinsi pa ni Scarlet sa kanya.

Tatayo na sana si Yanah at balak na sanang lumabas ng bigla ay hablutin siya ni Scarlet papuntang fitting room.

"Babe naman eh, ayoko ngang suotin yan! Tingnan mo nga masyadong sexy! Palabasin mo na ako please?." Pagmamakaawa ni Scarlet sa kanya.

"Naku babe, hindi mo ko madadaan sa ganyan ah. Pwede ba? Kahit minsan naman sana eh magdamit ka naman na parang tao? Tsaka hindi naman masyadong sexy to eh, oa ka lang talaga babe." Pagkontra naman ni Scarlet.

Patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Yanah, kaya naman ay sobra sobra ang naging gulat niya ng hilahin ni Scarlet ang blouse niya. Tuluyan itong nasira at nagkalat ang mga butones niya sa sahig.

"Babe!! Anong ginawa mo?? Bakit mo sinira yung damit ko? Ano na susuotin ko ngayon?" Pagkompronta niya sa kaibigan habang sinusubukang takpan ang dibdib niyang nalantad na.

Tumawa naman ng malakas si Scarlet, tila ay nasiyahan pa ito sa nagawa. "Yan kasi eh, ang tigas ng ulo mo. Tsaka tama lang yan, dapat nga matagal ko nang ginawa yun. Eh ang sakit kaya sa mata niyang damit mo babe!." Tumatawang sagot sa kanya ng kaibigan.

"Babe naman eh, ano na susuotin ko ngayon?" Halos mangiyak ngiyak ng sabi ni Yanah.

"Eh ano pa? Edi ito!" Sabay hubad ni Scarlet sa sinukat na damit at ibinigay iyon kay Yanah.

"Babe naman eh! Ayoko nga nito." Pagmamaktol nya pa.

"oh edi ano? Lalabas tayo na ganyan ang suot mo? Ok lang din naman sakin babe, maganda pa naman ang view." Sabay tingin nito sa mga malulusog niyang dibdib.

Nagulat naman si Yanah sa sinabi ni Scarlet kaya dali dali niyang sinuot ang damit na ibinigay nito.

Nasiyahan naman si Scarlet sa ginawa ng kaibigan, lalo na ng makita niya na bagay na bagay nga dito ang suot na damit.

"Wow babe! Sabi ko na nga ba bagay yan sayo eh!" Masayang sabi ni Scarlet sa kanya.

"Paanong bagay babe? Tingnan mo nga? Halos lantad na dibdib ko nito eh." Pagrereklamo pa rin ni Yanah.

"Ang oa mo naman eh. Eh hindi naman masyadong malalim yung cleavage ah! Maliit na part nung chest mo yung nakikita. Tsaka sakto lang din yung haba, hanggang tubod lang naman. Tingnan mo kasi sarili mo sa salamin." Sabi ni Scarlet saka iniharap sya sa salamin.

Nagulat naman si Yanah ng makita niya ang sariling repleksyon, hindi nga niya maipagkakaila na bagay nga sa kanya ang suot na damit. 

Gaya nga ng sabi ni Scarlet ay sakto lang ang haba nito sa kanya na hanggang tuhod lang niya. Bumagay din sa kanya ang kulay nitong pula, mas tumingkad ang pagiging maputi ng kanyang balat. Mas nadepina din ang magandang hubog ng dibdib niya, bagay na palagi niyang tinatago sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga maluluwang na blouse. Bagaman nakikita nga ang kaunting balat niya sa dibdib ay hindi rin naman ito bastos kung tingnan.

"Oh ano, diba nagulat ka, sabi ko naman kasi bagay yan sayo eh, OA ka lang talaga." Sabi pa ni Scarlet sa kanya.

"Hay naku babe, eh ano pa nga ba magagawa ko, sinira mo na yung damit ko eh. Kaya lang paano ko babayaran to? Eh ang mahal nito eh." Problemadong sabi ni Yanah.

"Babe naman, syempre bayad ko na yan sa nasira kong damit mo. Pero kung ayaw mo naman, which is alam ko nang sasabihin mo, edi bayaran mo na lang, kahit hulugan lang." dagdag kumbinsi ni Scarlet sa kanya.

Napaisip naman si Yanah. Wala na rin naman siyang choice kundi suotin ang damit kaya pumayag na lamng sya sa suhestiyon ng kaibigan. 

"Ok sige, payag na ako. Pero ngayon lang to babe ah. Tsaka please lang, wag mo na ulit sisirain yung damit ko babe, magagalit na talaga ako sayo." Pagbabanta niya sa kaibigan.

Natawa naman si Scarlet sa narinig. Alam naman kasi niya na hindi kayang magalit ni Yanah sa kanya.

"Oo sige na, ngayon lang yan. Pero hindi ako mangangako. Baka gawin ko ulit pag kailangang kailangan." Sabi niya saka binuntutan ng malakas na tawa.

"Babe naman eh! Seryoso kaya ako sa sinabi ko." natatawa na ring sabi ni Yanah.

"Oo na, sabi mo eh. Sige na labas na tayo. Bibili na rin ako ng ganyang style, pero iba lang kulay para hindi ka na ma awkward dyan." Pampalubag loob na sabi sa kanya ni Scarlet.

At gaya nga ng sinabi ni Scarlet ay bumili nga sya ng damit na pareho ng sa kanya. Pero imbis na kulay pula ay kulay dark blue naman ang isinuot nito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status